Author Topic: Kapag wala bang suitor ang isang girl, ibig sabihin pangit siya? Thread 2  (Read 14421 times)

dismembered

  • Guest
Re: Kapag wala bang suitor ang isang girl, ibig sabihin pangit siya? Thread 2
« Reply #20 on: February 26, 2016, 04:58:32 pm »
Quote
When I look at myself sa mirror, kaya ko sabihin sa sarili ko na hindi ako pangit. Pero dami kong girls na nakikita na kahit ako (modesty aside ha) ang mas lamang pagdating sa looks pero sila naman taken.

Dyan lamang ang pagkakataon. Nagkataon na may opportunity yung girl na makilala yung guy at ikaw walang opportunity. Parang sa job hunting lang din yan. Hindi naman lahat nakukuha sa galing at credentials. Minsan sinasabing lucky sila at nagkaroon lang ng opportunity during that time.

Quote
My friend pointed out na kaya wala akong lovelife kasi taong-bahay lang daw ako. Puro bahay at school lang inaatupag. Another friend said na kaya hindi ako maligawan dahil law student daw ako at most guys daw intimidated sa mga female law students at lawyers.

This may be true. And yung iba, hindi naman sa intimidated, pero parang hindi nila napproject ang happiness nila kasama ang isang lawyer or iba pang klaseng tao. so baka isa sa consideration kaya hindi na nila ni-aattempt na pumasok sa isang relationship kung hindi naman pala mag work sa end.

Quote
Kung hindi naman pangtropa ang tingin sa akin, may mga guys na lumalapit naman pero sex lang ang habol. Either one-night stands o FWB lang gusto. Hay. Hashtag hirap maging babae. Lol.

Use this to your advantage. ;)

young_maiden

  • Guest
Re: Kapag wala bang suitor ang isang girl, ibig sabihin pangit siya? Thread 2
« Reply #21 on: February 26, 2016, 07:02:57 pm »
^^ Sis simang, I agree sa sinabi nung hubby mo. Depende din sa aura ng babae. Kung may aura nga siya na suplada at walang balak bumait o in my case, pangtropa lang, hirap talaga maligawan.

My friend nga ako na mukhang suplada at hindi rin kagandahan pero sobrang ligawin. Kahit taken na siya, madami siyang abangers. Other girls wonder bakit sobrang lapitin siya eh hindi naman daw kagandahan. Naisip ko baka dahil sa eyes niya na chinita at saka iyong aura niya na kahit mukhang suplada pero napakasweet na babae pag na-tame ng lalaki. I think guys find her a challenge na paamuhin siya.

I also agree sa sinabi mo re environment. Feeling ko iyan talaga reason bakit hindi ako ligawin. Taong-bahay talaga ako. Pag weekends, nasa bahay lang ako. Kung aalis ako at pupunta sa mall, mag isa lang ako. Kahit nga manood ng sine mag-isa nagagawa ko. Mas mahirap nga mag expand ng social circle kung sa bahay at school lang umiikot life ko. Saka hindi ko rin kasi ugali magyaya ng friends lumabas eh. Mas prefer ko na ako niyaya kaysa ako magyaya. I guess kailangan ko din baguhin iyon.

My other friend din ako na maganda naman. Matangkad pa. Pero kahit 24 na siya, single pa rin at walang suitors. Isa rin kasi iyon na taong-bahay pag weekends. Pag weekdays naman, busy sa school. Med student kasi siya.

Naku honestly nahihiya ako magpareto sa mga guy friends ko. Baka asarin ako. Hehe. I'll try when the timing is right.

^ Bro dismembered, salamat sa payo. I have to prove sa mga guys na sex lang ang habol na mali tingin nila sa akin. Hindi naman ako umaasa na maglelevel up tingin nila sa akin pero at least maisip man lang nila na hindi ako pangkama lang. Charot! :D

damselindistress24

  • Guest
Nakakarelate ako dito sobra. Tanong ko din yan bakit walang nanliligaw saken, di naman ako panget. :( Hindi ko alam kung intimidating ba ko or what, pero ang first impression saken lage is masungit or mataray pero hindi naman talaga.

I've dated some guys, pero wala din nagtatagal. Di ko alam kung anong mali saken. Kaya sobrang bitter ko pag nakakakita ko ng couples lagi.

dismembered

  • Guest
^ Try mo ang mga hobbies ng guys na medyo nalalapit naman sa interests mo. Like sports, Mountaineering, Video Gaming, Rock Bands, etc.... Madami actually.. you don't have to pretend na gusto mo yung hobby para makapasok ka sa community... pili ka lang ng hobby mo, then mag join ka sa communities groups na oriented para sa ganun... I think madami rin dun.. It's just a matter of going out and meeting new people.

I won't suggest going out sa mga bars and clubs... Hookups and fun lang ang mostly hanap dun ng guys not networking or expanding their circles.

kvandenhaak

  • Guest
In my experience, depende sa aura. Kasi when I was younger, aloof ako sa mga hindi ko kakilala. I warm up naman later on. Pero suplada daw kasi ang dating ko. Pero nahihiya lang ako, actually. Confidence does a lot. It makes you more attractive. I wish I learned that before. I am in my mid 40s (separated and divorcing) and I have LOTS of suitors. I also feel mas maganda ata ako ngayon then when I was younger...LOL!

patchuchai

  • Guest
Guys honestly hindi ako kagandahan, simple life lang ako. At age 42 this year have my first boyfriend and he is 60 na pero para kaming soulmates. Nagkakilala kami sa grabcar siya iyong driver. Kaya naniniwala ako its not the looks but its destiny,in my case ha. Kaya nga sakin ang love hindi hinahanap ito ay kusang dumarating.

boredafguy

  • Guest
Unang-una naman kasi talagang nakikita ng mga kalalakihan eh yung itsura.
Dyan yung sorting na nangyayari, cross or check.
Then here comes the next factor, yung aura nung babae. May times din naman na kahit hindi attractive yung girl eh mapapansin din naman siya dahil sa aura niya. The way you smile, the way you talk, even the way to stand up and walk eh nakakadagdag sa appeal mo. Being the observant prey, I mean guy. The way you handle yourself and how you interact with others eh isa din yun sa mga reasons kung bakit gugustuhin niyang ligawan ka and all. Pinagmamasdan ko muna talaga yung babae kasi ayoko din namang masayang yung oras namin pareho.

To answer your question, no. Dapat mo lang ipakita sa mga lalaki na kaya mo ang sarili mo without us, guys and eventually they'll come and chase you like hungry mice. LOL

SaffiyahEnglish

  • Guest
Re: Kapag wala bang suitor ang isang girl, ibig sabihin pangit siya? Thread 2
« Reply #27 on: September 05, 2016, 07:42:14 pm »
Grabe hindi naman haha. Had my very first real suitor at the age of 20 (still 20  ;)). Kahit nung high school at college hindi ako ligawin promise. Akala nga nung guy friend ng mama ko ligawin ako eh kasi ligawin siya noong kabataan niya. Yung mga nanligaw sa akin kapag nagtanong kung pwede ba manligaw kapag sinabi kong hindi, wala na talaga. Pero wala naman ako naging problema sa fact na hindi ako ligawin. Sabihin nating late bloomer na pero may dadating at dadating pa din :)

red_yesha

  • Guest
Re: Kapag wala bang suitor ang isang girl, ibig sabihin pangit siya? Thread 2
« Reply #28 on: September 06, 2016, 03:12:33 am »
Wala yan sa itsura. Dami nga dyan wala namang sex appeal pero nakailang bf na hehe.
Isang factor nga ang environment,the more exposed ka sa mga boys the more chances of winning haha! Sabayan mo pa ng lande chos! Hahahaha

Medyo kakaiba yung case ko, kapag hindi pa nila ako gaanong kilala nilalapitan ako panay tanong about my personal life, pero kapag nakilala na nila ako.. nahihirapan na silang dumamoves. Sabe ng bf ko, dahil daw sa personality ko, parang mahirap daw akong iplease. Mukha daw mataas ang standards sa lalake. Kaya daw nakakailang ligawan ako hahaha!  Pero nung nagpursige sya,  hindi pala ako mahirap iplease and simple lang pala ang gusto ko sa lalake.
So ayun nga, malaking factor din talaga ang aura.

SaffiyahEnglish

  • Guest
Re: Kapag wala bang suitor ang isang girl, ibig sabihin pangit siya? Thread 2
« Reply #29 on: September 10, 2016, 12:03:26 am »

Isang factor nga ang environment,the more exposed ka sa mga boys the more chances of winning haha! Sabayan mo pa ng lande chos! Hahahaha


Yeah true! Minsan kasi ikaw din gagawa ng move. Hindi kasi lahat ng guys ay lalapit. Yung iba mahiyain/torpe o takot ma-reject kapag gumawa ng move.

hisana

  • Guest
Re: Kapag wala bang suitor ang isang girl, ibig sabihin pangit siya? Thread 2
« Reply #30 on: September 10, 2016, 08:56:08 am »
Hindi ako masyado convinced dun sa kesyo maliit ang social circle kaya walang makilala. If you have neighbors, coworkers or classmates, "facebook friends", friends of friends, or even random strangers you get stuck with while waiting, and if you are not a total recluse and still interact with people on a daily basis, yet no one is approaching you for even friendly dates, then the problem is not your lack of opportunity to meet someone, but probably something else.

minatay91

  • Guest
Re: Kapag wala bang suitor ang isang girl, ibig sabihin pangit siya? Thread 2
« Reply #31 on: October 13, 2016, 10:02:47 am »
Pasali po :)

I dont think so, dami ako kilala na pangit or below standards looks na may suitors din.

I thought I didnt have a suitor, it's only pala na I'm rejecting them as early as the paramdam stages due to lack of attraction.
I dont get to meet a lot of people too, palagi uwi kase sa bahay. So I'm limited to people I work with :) The ones who make paramdam to me are usually at work, and before, at school.

I also realized na my friends were just cockblocking me!! LOL pero I dont mind, I'm not interested din kase. :) Pero I want to be admired too you know lels

I also cockblocked myself because I look super masungit. Like beach na biiitch face talaga... nakapagod patweetums and smiling kase palagi.. and people call me out on it a lot. I just look grumpy and maldita in general. like that snobby, maldita bratty girl. :D I also date kalevel, if not.. higher than me lang sa job. If below ka, wala talaga chance lol I used to be level 1 and my bf was level 5. He couldnt bring himself down to date anyone at my level, and was so grateful that I climbed up the ranks.. kahit level 2 nagparamdam na siya. Now, kalevel na kami.. level 5. Rare talaga makita guys na single in this job level... :'( Puros married or with live-in and kids!!! :'( :'( Pero married men flirt the best wtf

so girls
put yourselves out there
smile and be approachable
be in his radar

dont do what i did haha

candacena

  • Guest
Re: Kapag wala bang suitor ang isang girl, ibig sabihin pangit siya? Thread 2
« Reply #32 on: October 15, 2016, 12:00:05 am »
eh pano kung si girl naman ay maganda, maputi, matangkad (5'8-5'9), mukhang suplada. may chance pa kaya? hahaha

SaffiyahEnglish

  • Guest
Re: Kapag wala bang suitor ang isang girl, ibig sabihin pangit siya? Thread 2
« Reply #33 on: October 19, 2016, 03:19:00 pm »
eh pano kung si girl naman ay maganda, maputi, matangkad (5'8-5'9), mukhang suplada. may chance pa kaya? hahaha


An attractive person is an attractive person. Kung ganyan itsura niya may lalapit at lalapit talaga. Syempre lahat naman tayo physical appearance ang unang tinitignan. Maliban na lang siguro kung super cockblocker yung babae.

unsophisticatedme

  • Guest
Re: Kapag wala bang suitor ang isang girl, ibig sabihin pangit siya? Thread 2
« Reply #34 on: October 19, 2016, 03:48:48 pm »
Natanong ko na din yan sa sarili. Hindi kasi ako ligawin. I'm already 32 and never had a bf (nakakahiya). First time may nagparamdam sakin I think year 2011, nakilala ko lang sa jeep. Haha. Same kami taga Bulacan, ayun one time pagkababa namin ng jeep inapproach nya ko and asked for my name, to make story short nag date kami once kaso ang bilis nya mega akbay na sya agad haha hindi ako pumalag nun then nung hinawakan nya hands ko dun na ko nag react. Ayun after that date, hindi na sya nagtext or nagparamdam man lang. Haha. And second and last na may nagparamdam sakin was in year 2012. Nakilala ko naman sya dito sa office, kaso di ko sya bet physically haha pero mabait sya at feel ko he really likes me. Kaya lang wala spark or attraction ako na feel sa kanya, kaya ayun I rejected him. Yun na yung last until now wala nga-nga. Saklap mamamana ko yata ang sumpa ng pagiging matandang dalaga :(

LABYU

  • Guest
Re: Kapag wala bang suitor ang isang girl, ibig sabihin pangit siya? Thread 2
« Reply #35 on: October 20, 2016, 02:04:48 am »
Nakakarealate ako  ;D , ako din hindi ligawin pero meron naman nagkakagusto sa akin ang popogi pa nga sa paningin ko (lang)  :D  pero hindi nila ako nililigawan nakakalungkot, siguro na-realize nila na hindi ako pang-girlfriend o may hindi sila nagustuhan sa akin sayang mahilig pa naman ako magluto, ipagluluto ko pa naman sana kung niligawan lang ako hahaha charot! Ang lambing ko pang tao sa mga mahal ko tapos walang nanliligaw kakasad  :-[  hahaha

Hindi ko din type yung ako yung una mag-initiate ng move to get the guy, never! May naiwan pang Filipiniana at isa ako dun :D Di ko ma-take yun, bilib nga ako sa iba kaya nila yun haay kung kaya ko lang ginawa ko na charot!

Hindi naman ako panget at hindi rin ganun kaganda parang deskripsyon ko sa sarili ko "nasa tao yung tumitingin kung maganda ako o hindi" parang yun ako. Problema ko din kung bakit nga ba hindi ako ligawin pero ang ilang traits na napansin ko sa mga ligawin either maganda o hindi basta malakas ang s*x appeal, sila yung mga taong friendly, madaling malapitan, charming o masarap kausap, yan talagang pang girlfriend talaga -

kinokonsidera ko yung sarili ko na pang-tropa lang which is ang sakit kahit paano  :(  kaya siguro hindi ako ligawin, TS hindi ako naniniwala na pag walang suitor panget, hindi totoo, ang dami kong nakilala na hindi naman maganda din gaya ko pero sadyang ligawin, ang popogi pa ng mga naging boyfriend. Nakakaloka!
« Last Edit: October 20, 2016, 02:13:31 am by LABYU »

argento

  • Guest
Re: Kapag wala bang suitor ang isang girl, ibig sabihin pangit siya? Thread 2
« Reply #36 on: October 25, 2016, 11:11:36 am »
kapag mukhang suplada daw, suplada din ang ugali? true ba yun?

Escapaira

  • Guest
Re: Kapag wala bang suitor ang isang girl, ibig sabihin pangit siya? Thread 2
« Reply #37 on: October 25, 2016, 11:49:31 am »
kapag mukhang suplada daw, suplada din ang ugali? true ba yun?


Paano na kaming mga resting b**** face? Haha di naman siguro lahat.

dismembered

  • Guest
Re: Kapag wala bang suitor ang isang girl, ibig sabihin pangit siya? Thread 2
« Reply #38 on: October 25, 2016, 03:08:57 pm »
^ Kung kilala ka na dati pa ng suitor, or someone na lagi mo nakakasama like classmate, officemate etc, I think hindi na nag matter yung resting b**** face. :)

annlegolas

  • Guest
Re: Kapag wala bang suitor ang isang girl, ibig sabihin pangit siya? Thread 2
« Reply #39 on: November 20, 2016, 07:53:08 pm »
Guys honestly hindi ako kagandahan, simple life lang ako. At age 42 this year have my first boyfriend and he is 60 na pero para kaming soulmates. Nagkakilala kami sa grabcar siya iyong driver. Kaya naniniwala ako its not the looks but its destiny,in my case ha. Kaya nga sakin ang love hindi hinahanap ito ay kusang dumarating.

na-inspire naman ako sa post mo :D kc ako 35 na ngyn at wala pang bf, nbsb, introvert ako, mahilig mag stay sa bahay at mahiyain pag bagong kakilala ang kausap... gusto ko rin ma-meet soulmate ko at naniniwala akong darating lang siya sa buhay ko, pero nabasa ko yung isang suggestion dito na mag join ng communities na may kinalaman sa hobbies ko, so gawin ko yan next year to expand my social circle :D
« Last Edit: November 20, 2016, 08:09:01 pm by annlegolas »

 

Latest Stories

Load More Stories
Close