Author Topic: Kapag wala bang suitor ang isang girl, ibig sabihin pangit siya? Thread 2  (Read 14428 times)

young_maiden

  • Guest
Hi. Naisip ko lang gawan ng second thread iyong sinimulan ko. The first thread reached 35 pages bago na-lock. Madaming sumagot in fairness. Since madaming new guytalkers as well as girltalkers, nagdecide ako gumawa ng another thread para malaman opinions nila.

Sa mga nagpost na sa old thread, pwede kayo ulit magpost dito for your opinions, old or new.

Sa lahat ng nagpost sa previous thread, may guytalker na sumagot na "90% of the time yes pangit. 10% na lang iyong other reasons like intimidating, workaholic, etc." What do u think?

Kung ako tatanungin, possible na baka unattractive iyong girl kaya walang nanliligaw sa kanya pero madami din other factors eh. Pwede din na baka lagi lang siya nakakulong sa bahay, tamad lumabas o baka mukhang mataray kaya walang guy na lumalapit.

I know some girls na di naman kapangitan pero walang nanliligaw. I have a friend na sumali pa nga dati sa Miss Philippines-Earth pero hindi ligawin.

Post na kayo ng mga opinions nyo, bros and sis! :D

By the way, kaya dito ko pinost sa We Got Male dahil maraming guytalkers ang nandito sa board na ito and I think mas reliable kung sa kanila manggagaling ang sagot, right? Pero syempre, pwedeng pwede magpost mga girltalkers. :D

TomHansen

  • Guest
Re: Kapag wala bang suitor ang isang girl, ibig sabihin pangit siya? Thread 2
« Reply #1 on: February 21, 2016, 05:48:06 pm »
No... Malaking reason yung hindi attractive ang girl pero hindi rin naman lahat ng lalaki gwapo at kadalasan naman alam naman ng lalaki kung hanggang saan lang yung level ng babae na pwede siyang sagutin(unless he's filthy rich).. I believe mas malaking reason talaga is yung environment ng girl if marami ba siyang nakikilalang lalaki or kulong lang lagi siya sa kwarto. Yung attitude niya rin can also be a reason..  Parang inulit ko lang sinabi mo young_maiden. :(

dismembered

  • Guest
Re: Kapag wala bang suitor ang isang girl, ibig sabihin pangit siya? Thread 2
« Reply #2 on: February 22, 2016, 11:08:57 am »
Let's just say na kaya walang nanliligaw sa kanya ay dahil wala syang chance maligawan. Kung laging matatanda ang kasama nya, or wala syang social circle, malamang wala talagang manliligaw sa kanya dahil wala naman syang makikilala. Minsan sa pagkakataon lang talaga nagkakatalo. Imagine kung si girl, kahit average lang ang itsura nya, pero nasa eng'g class na puro lalake, aba, duda ako na walang manligaw sa kanya at baka pagkaguluhan pa sya dun. Witness ako ng ganitong pangyayari. So, depende talaga sa sitwasyon at sa pagkakataon.

NotSameMe

  • Guest
Re: Kapag wala bang suitor ang isang girl, ibig sabihin pangit siya? Thread 2
« Reply #3 on: February 23, 2016, 03:52:06 pm »
nope hindi siya pangit. kasi kung pangit lang siya dapat may bf na rin siya.
more or less Hindi siya Attractive!! walang Sex Appeal!!
dahil kung malakas ang karisma nya, kahit bantay sarado pa yan ng magulang nya, gagawa ng paraan ang mga kalalakihan na makausap siya.

artificialstar

  • Guest
Re: Kapag wala bang suitor ang isang girl, ibig sabihin pangit siya? Thread 2
« Reply #4 on: February 23, 2016, 11:55:13 pm »
Nope, pwede namang maganda sya, may sex appeal and maraming nag-aabang sa kanya. Kaya lang mataas ang walls or super guarded sya. Yung tipong dumi-distansya kaagad kung na-ssense nya na pupurmahan sya ng guy kahit hindi pa nya masyadong kilala. O baka mataas yung standards nya o intimidating ang dating kaya wala pang nagka-guts na ligawan sya.

young_maiden

  • Guest
Re: Kapag wala bang suitor ang isang girl, ibig sabihin pangit siya? Thread 2
« Reply #5 on: February 25, 2016, 11:36:00 am »
@dismembered

I agree sa mga eng'g classes. Majority kasi lalaki eh. Bilang na bilang lang sa kamay mga babae. Swerte ng mga unattractive at average-looking girls doon. Malaki ang chance na may magkagusto sa kanila. May friend nga ako na nag eng'g sa UST. He said kaunti lang daw babae sa class nila at mukha pa daw mga lalaki. Lol.

May nawitness na din ako na magjowa na pareho eng'g. Gwapo iyong guy at mas attractive pa siya sa gf niya. Swerte nung babae na nakacharm siya ng ganung kagwapong bf. :D

pjiyeon

  • Guest
Re: Kapag wala bang suitor ang isang girl, ibig sabihin pangit siya? Thread 2
« Reply #6 on: February 25, 2016, 08:10:29 pm »
hindi, depende sa environment yan and sa aura, attitude ng girl. :D

rasee16

  • Guest
Re: Kapag wala bang suitor ang isang girl, ibig sabihin pangit siya? Thread 2
« Reply #7 on: February 25, 2016, 09:47:24 pm »
Ewan ko TS ha kasi may mga friends akong pretty naman, mabait, great personality pero hindi ligawin.

On the other side, may mga kilala rin akong hindi maganda on the outside, great personality but sila pa yung may mga jowa, at yung iba nauna pa sakin magpakasal.

Pero tingin ko malaking factor talaga yung nakakulong lang sa bahay kasi syempre wala ka talagang chance na makita ng guys (what more ligawan?). I guess mas mataas ang chance if outgoing yung girl. Pero teka, lounge singer yung isa kong friend na pretty eh, exposed na exposed sa iba ibang crowd lagi.. Ewan ko ba bakit walang nagpaparamdam hahaha. Bakit nga ba guys???

TomHansen

  • Guest
Re: Kapag wala bang suitor ang isang girl, ibig sabihin pangit siya? Thread 2
« Reply #8 on: February 25, 2016, 11:48:33 pm »
^ Sinabi niya ba sis na walang nagpaparamdam or di niya lang type yung mga nagpaparamdam? weird nga..

rasee16

  • Guest
Re: Kapag wala bang suitor ang isang girl, ibig sabihin pangit siya? Thread 2
« Reply #9 on: February 26, 2016, 12:39:30 am »
Waley talaga. Panic mode na nga yun eh kasi feeling nya malapit na sya magexpire lol pero mukhang happy naman sya with her family and friends.

TomHansen

  • Guest
Re: Kapag wala bang suitor ang isang girl, ibig sabihin pangit siya? Thread 2
« Reply #10 on: February 26, 2016, 02:03:28 am »
awww ok, pero mas mahirap naman kung magpanic siya baka sagutin niya na lang agad kung sino maunang magparamdam sa kanya tapos magsisi siya pagtagal.. Sabihin mo subukan niyang mag-tinder malay niya diba..

raspberi

  • Guest
Re: Kapag wala bang suitor ang isang girl, ibig sabihin pangit siya? Thread 2
« Reply #11 on: February 26, 2016, 03:23:43 am »
Pasali po :D
Hinde naman sa pangit si Ate Girl. Nasa mga boys din sa paligid nya yan.
Minsan talaga kahit kagandahan ang babae pag sobrang introvert/aloof/awkward, wala talaga e.
Mas pipiliin pa rin ng mga boys yung "open" for friendship, small talks, etc.

yannuh

  • Guest
Re: Kapag wala bang suitor ang isang girl, ibig sabihin pangit siya? Thread 2
« Reply #12 on: February 26, 2016, 06:32:21 am »
this is not true. may mga girls kasing sometimes intimidating yung personality kaya walang guy na makaporma at maglakas loob na manligaw sa kanila. though may ibang guys naman na kakagat pa din sa ganitong situation kasi they find it challenging lalo pag napasagot si girl.

agree din ako with sis raspberi, minsan naman mas preferred ng guys yung kwela, madaling lapitan at mas masayang kasamang girls.

dismembered

  • Guest
Re: Kapag wala bang suitor ang isang girl, ibig sabihin pangit siya? Thread 2
« Reply #13 on: February 26, 2016, 11:01:39 am »
@dismembered

I agree sa mga eng'g classes. Majority kasi lalaki eh. Bilang na bilang lang sa kamay mga babae. Swerte ng mga unattractive at average-looking girls doon. Malaki ang chance na may magkagusto sa kanila. May friend nga ako na nag eng'g sa UST. He said kaunti lang daw babae sa class nila at mukha pa daw mga lalaki. Lol.


Uso sa amin yan! Prinsesa ang trato sa mga babae regardless ng itsura :p Pero hindi naman sa swerte sila, dahil lahat naman actually ng girls may option na ganyan nasa sainyo na lang kung gugustuhin nyo. On the other hand, naka witness na din ako na konting guys na nasa Tourism class na halos puro girls. Mga lalake naman dun feeling mga gwapo. Pinagaagawan ba? :D Minsan nga pag may shortage ng lalake, like sa all girls school, di ba kahit girl to girl relationship na lang for the sake na merong companionship and etc na lang? I think ganun din yun.

Pero tingin ko malaking factor talaga yung nakakulong lang sa bahay kasi syempre wala ka talagang chance na makita ng guys (what more ligawan?). I guess mas mataas ang chance if outgoing yung girl. Pero teka, lounge singer yung isa kong friend na pretty eh, exposed na exposed sa iba ibang crowd lagi.. Ewan ko ba bakit walang nagpaparamdam hahaha. Bakit nga ba guys???

Baka naman unang tingin ng mga guys sa friend mo eh, parang taken na? I mean impossibleng single at walang ka-competition? May nabasa akong article before, sabi dun, mas mabenta ang mga girls na mas attainable ng masa ang beauty. Example na lang, compare natin si Solenn Heussaff at si Yaya Dub. Many will say na talagang mas attractive at mas maganda si Solenn, pero mas winner sa puso ng mga tao si Yaya Dub.

engr_neechee

  • Guest
Re: Kapag wala bang suitor ang isang girl, ibig sabihin pangit siya? Thread 2
« Reply #14 on: February 26, 2016, 12:31:07 pm »
Hindi ligawin?  Naranasan ko yan.  Napapatanong na nga ako, sabi ko hindi naman mukang kabayo yung tao dun sa salamin kapag tinitingnan ko pero bakit wala?!

Sa Engineering school, hehe, hindi ako ligawin. :) HIndi ako yung tinatrato nilang prinsesa gaya ng mga sinasabi ng mga tao dito. Sabi ko nga sa asawa ko nung bago ko pa lang siya nakilala, "Hatid? Ay kaya ko yan! Kaya ko ihatid at sunduin ang sarili ko!"  Nagmamall din ako noon mag-isa.  Kahit nung nagtrabaho ako, hindi ako ligawin.  Iniisip ko rin, what's wrong?  Ako yung tipo ng taong 8pm nasa bahay na.  Nagsisimba tuwing Linggo.  Hindi ako umiinom at hindi ako inaabot ng madaling araw sa gimikin, or hindi talaga kasi ako gumigimik. 

I felt so ugly then.

rasee16

  • Guest
Re: Kapag wala bang suitor ang isang girl, ibig sabihin pangit siya? Thread 2
« Reply #15 on: February 26, 2016, 01:17:50 pm »
^o ayun at least may nanligaw sayo at nagkaasawa ka naman. Pano mo sya nakilala?

artificialstar

  • Guest
Re: Kapag wala bang suitor ang isang girl, ibig sabihin pangit siya? Thread 2
« Reply #16 on: February 26, 2016, 01:26:02 pm »
^^ i can relate sis. Nasa CS/IT department ako noon so bihira lang din yung girls. Yung ibang girls, tinatrato nga as princesses, ako naman, binubully ng guys hahaha. Sa tingin ko, nasa pag handle din yan sa sarili. Kasi ako noon parang bata kumilos, pati na din yung height, so walang nagka interest manligaw.

engr_neechee

  • Guest
Re: Kapag wala bang suitor ang isang girl, ibig sabihin pangit siya? Thread 2
« Reply #17 on: February 26, 2016, 02:22:22 pm »
^^ Actually hind ko naman first and last bf si hubby.  Officemate ko siya sa isa sa mga company na napasukan ko. 

young_maiden

  • Guest
Re: Kapag wala bang suitor ang isang girl, ibig sabihin pangit siya? Thread 2
« Reply #18 on: February 26, 2016, 02:46:26 pm »
Sige aminado ako na hindi ako ligawin. Last na naligawan ako nung 2012 pa pero i friendzoned the guy kasi friend siya ng ex ko at magiging LDR kami kung maging bf ko siya. Ayaw ko pumatol sa mga friends ng ex ko at higit sa lahat, ayaw ko ng LDR.

When I look at myself sa mirror, kaya ko sabihin sa sarili ko na hindi ako pangit. Pero dami kong girls na nakikita na kahit ako (modesty aside ha) ang mas lamang pagdating sa looks pero sila naman taken.

My friend pointed out na kaya wala akong lovelife kasi taong-bahay lang daw ako. Puro bahay at school lang inaatupag. Another friend said na kaya hindi ako maligawan dahil law student daw ako at most guys daw intimidated sa mga female law students at lawyers.

I admit taong bahay nga ako. Pero pag nasa school naman ako, mas madami naman akong friends na lalaki kaysa sa babae. One of the boys nga daw ako. Mas madali kasi kaibiganin mga lalaki, IMO. Less drama at walang plastikan pag sila kasama. Isang factor din ba na kaya hindi maligawan ang babae dahil may aura siya na pangtropa lang and not gf material? Kung oo, paano ba maglevel up ang babae from friendzone level to relationship level?

Kung hindi naman pangtropa ang tingin sa akin, may mga guys na lumalapit naman pero sex lang ang habol. Either one-night stands o FWB lang gusto. Hay. Hashtag hirap maging babae. Lol.

simang

  • Guest
Re: Kapag wala bang suitor ang isang girl, ibig sabihin pangit siya? Thread 2
« Reply #19 on: February 26, 2016, 03:46:36 pm »
Pinabasa ko tong thread sa husband ko.. so sabi nya, from a man's POV, kung walang manliligaw ang babae, hindi ibig sabihin eh hindi sya maganda. Madalas daw, yung aura ng babae ang nagmamatter kung lalapitan sya ng lalaki o hindi.

For me, malaking factor din ang environment. Sabi ko nga lagi, the more people you meet, the more chances of winning on love. Again, funnel principle according to Matthew Hussey. Wag kang titigil makipagkilala ng tao, palawakin ang network mo, whether or not feeling mo may potential maging partner yung mga nakikilala mo.

During my teenage years lapitin ako ng lalaki. I even had my first boyfriend at 11. Lol. Maaga kasi akong nagdalaga, I think isa sa mga reasons yun. Mga kaklase ko mga nene pa, ako yung medyo physically matured na. Nung HS ang dami ding nagpaparamdam, pero di ako nagka bf nung HS. After HS, nagka-bf ako all throughout college, kami. Nung time na yun walang nanligaw sa akin, kahit ang dami kong friends na lalaki. Siguro sa aura ko din na taken ako. Nung naging single ulit ako, dun ko inapply yung funnel principle. Ang dami kong nakilalang bagong tao, ang dami ko din natutunan. I dated a few guys at a time. Basta ang nasa isip ko lang nun, I wasn't looking for anything serious -- I was just meeting people and going out with them. Ayun. Until sa isang event nameet ko yung husband ko.

^Kung barkada talaga kayo, mahirap lumevel up ang babae from being just barkada to a gf material, I think. Bakit di ka na lang magpareto sa kanila? That can be a start. Or maybe marealize nila na onga, single ka nga pala at pwede ka nga palang maging girlfriend.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close