Author Topic: Officemate is flirting with partner, what to do?  (Read 15319 times)

mimiku

  • Guest
Re: Officemate is flirting with partner, what to do?
« Reply #40 on: May 08, 2016, 04:00:56 pm »
^Touche.

Kensi

  • Guest
Re: Officemate is flirting with partner, what to do?
« Reply #41 on: May 09, 2016, 04:28:45 pm »
^^ yung sa mister ko and his officemate, pinagchichismisan nila yung 1 nilang officemate na kinaiinisan ng lahat. Nung tiningnan ko phone ng mister ko, work-related yung kwentuhan. Si girl mukhang nagkukuwento tungkol sa personal life niya, si mister, although hindi nagkukuwento ng mga problema naming mag asawa, nakikinig siya sa mga kuwento ni girl and tinatanong niya kung kumusta na yung mga problema ni girl.

May mga kaclose rin naman ako na male officemates, nagbibiruan din kami. so napapaisip ako kung nagiging unfair lang ako sa husband ko kasi gusto kong ideny sa kanya yung friendly office atmosphere na nararanasan ko rin sa office.

j.adore

  • Guest
Re: Officemate is flirting with partner, what to do?
« Reply #42 on: May 09, 2016, 04:59:59 pm »
Does your husband also confide in you about the officemate na nakakainis?

Ok lang naman yung magbiruan eh part of camaraderie pero yung nagiging too personal na ang relationship, that can be a red flag.

Do you also have this kind of relationship with at least one of your male office mates?

Emotional cheating exists and it starts with friendship.
Damsel-in-distress style din si girl. Men like to be "protectors" so they are attracted to these kinds of women. Kaya din your husband is getting close with her and even asking how her problems are.

I guess take a step back and assess everything. Depende din kasi sa risk appetite if this is a big deal or not.

Kensi

  • Guest
Re: Officemate is flirting with partner, what to do?
« Reply #43 on: May 09, 2016, 05:20:23 pm »
Kinukuwento niya rin sa akin yung officemate niya na nakakainis, pero mas una niyang kinukuwento doon sa officemate niya.

Yung male officemates ko naman, di kami nagkukuwentuhan ng personal na problema. Maliban sa boss ko, di ako kumakain ng one on one kasama officemate ko na lalaki.

Yan din kinakatakot ko - baka may emotional affair na sila tapos ayaw lang aminin ng mister ko o in denial lang siya.

Ito sana yung gusto kong pag usapan namin ng mister ko kaya lang parang naiinsulto siya kasi parang wala daw akong tiwala sa kanya.

j.adore

  • Guest
Re: Officemate is flirting with partner, what to do?
« Reply #44 on: May 09, 2016, 08:05:16 pm »
So una yung girl, that's already a start..

I guess talk about it when the time is right. Your husband needs to understand what emotional cheating is. More than anything, you both need to commit that the spouse takes precedence over everything.

Understandable yung reaction niya but he should not be dismissing your feelings by being on the defensive.

Have you met the girl? Do you go to their non work gatherings?

Girltalker2

  • Guest
Re: Officemate is flirting with partner, what to do?
« Reply #45 on: May 09, 2016, 08:21:00 pm »
Si girl mukhang nagkukuwento tungkol sa personal life niya, si mister, although hindi nagkukuwento ng mga problema naming mag asawa, nakikinig siya sa mga kuwento ni girl and tinatanong niya kung kumusta na yung mga problema ni girl.

May mga kaclose rin naman ako na male officemates, nagbibiruan din kami. so napapaisip ako kung nagiging unfair lang ako sa husband ko kasi gusto kong ideny sa kanya yung friendly office atmosphere na nararanasan ko rin sa office.

I don't think you're being unfair to hubby. Question is nag sh share ka ba ng personal life mo sa officemates mo? How would hubby feel if you do that at kamustahin ka ng male officemate mo regarding your personal problem? Off di ba? Sana maintindihan nya.

Kensi

  • Guest
Re: Officemate is flirting with partner, what to do?
« Reply #46 on: May 09, 2016, 09:27:44 pm »
Have you met the girl? Do you go to their non work gatherings?

Hindi ko pa po nakikilala yung babae. Wala rin kasi silang non work gatherings. Minsan may out of town trips sila ni girl, pero puro work related, ang pinupuntahan din nila ay branch office sa province kaya may ibang tao silang nakakasama doon. Nararamdaman ko naman na hindi purely business yun, siyempre naman may mga break time sila, hindi ko lang alam kung anong ginagawa nila tuwing break time.

Wala naman po kasing kailangan alalahanin yung asawa ko sa akin at sa officemates ko kasi kilala niya mga katrabaho ko. At kung magkukuwento ako ng problema, sa officemate kong babae. Never akong nagkwento ng personal na problema sa officemate na lalaki, parang hindi kasi tama na mag heart to heart talk ako sa lalaki. Baka para sa mister ko hindi niya napapansin na hindi na tama yung pagconfide sa kanya ni officemate.

O siguro nga po masyado lang po akong selosa at mapanghinala. Wala po akong ebidensiya, puro kutob lang.

j.adore

  • Guest
Re: Officemate is flirting with partner, what to do?
« Reply #47 on: May 10, 2016, 01:05:25 am »
Minsan may out of town trips sila ni girl, pero puro work related, ang pinupuntahan din nila ay branch office sa province kaya may ibang tao silang nakakasama doon. Nararamdaman ko naman na hindi purely business yun, siyempre naman may mga break time sila, hindi ko lang alam kung anong ginagawa nila tuwing break time.

As in sila lang? Oh dear... Sorry but there's a reason you are feeling uncomfortable about this so called friendship.

SavannahJane

  • Guest
Re: Officemate is flirting with partner, what to do?
« Reply #48 on: May 10, 2016, 02:24:05 am »
Girls usually have these gut feelings about things and they end up right. I don't know why or how exactly, but we just do know when something fishy's happening.... nakakaloka hahaha

mimiku

  • Guest
Re: Officemate is flirting with partner, what to do?
« Reply #49 on: May 10, 2016, 03:17:17 am »
O siguro nga po masyado lang po akong selosa at mapanghinala. Wala po akong ebidensiya, puro kutob lang.

Trust your woman instincts. If it tells you something is awfully amiss, there is, probably. If I were you, investigate more.

Kensi

  • Guest
Re: Officemate is flirting with partner, what to do?
« Reply #50 on: May 10, 2016, 12:39:53 pm »
masyado po akong suspechosa at mapanghinala kaya minsan nagdududa ako kung womanly instinct o insecurity lang (may ginawa po akong thread tungkol sa post na ito), sa ngayon po sinusunod ko lang yung payo ng iba dito na observe muna sa mga galaw ni mister. siguro kailangan ko rin maghanap ng paraan kung paano sabihin sa kanya yung mga hinala ko na hindi siya naiinsulto.

ika nga ni duterte, i should not be stressing myself out. for things that i cannot control, maghintay na lang ako.

kung may namamagitan man sa kanila ng officemate niya, mabubunyag rin iyan.

Girltalker2

  • Guest
Re: Officemate is flirting with partner, what to do?
« Reply #51 on: May 10, 2016, 01:14:45 pm »
Baka para sa mister ko hindi niya napapansin na hindi na tama yung pagconfide sa kanya ni officemate.


I think best to just let him know. Dapat may boundaries lalo na if kasal na.

msCexy

  • Guest
Re: Officemate is flirting with partner, what to do?
« Reply #52 on: November 03, 2016, 11:29:08 am »
OMG! So happy nakakita ako ng ganitong thread. Just want to share na may same experience ako with my hubby.

Just a short intro, hubby is really really really friendly, gentleman and super super bait. Ilang siya dumikit sa girls. I've seen him all through college until now, ganun siya with girls... well except this one girl sa office.

So here's the story:
BF/GF palang kami when this started. I'm not the type of girl who goes through his stuff and phone messages. But accidentally, I've seen him texting her pero binalewala ko, kasi officemate daw niya yun and sinabi niya which department. So baka work-related lang naman. Until lagi ko na siya nakikitang katext si girl, nagtanong na ulit ako who's the girl. He mumbled about anong department ni girl sa office. And iba sa sinabi niya dati. So we fought about it. Bakit siya nagsisinungaling and all and nalaman ko na deleted na lahat ng convo nila. Alam daw niya na magseselos ako. Magseselos ba ko depende sa department ni girl? hahaha

Pinagkwento ko si hubby ng buong story nila ni girl. Naging super close friends daw sila. As in texting lagi. Months na na ganun sila, w/o even mentioning the girl's name sakin. Medyo nahurt ako dun pa lang kasi may times noon na hindi na kami nagttext/call... good night/good morning na lang. Nagsorry naman si hubby and naintindihan daw niya side ko nung inexplain ko sa kanya. In short, nagkaayos kami since wala naman talagang something between them and I trust him with that.

UNTIL days after our wedding! Hindi ko sure bakit, pero while hawak ko phone niya, I've checked his messages.. and may message si girl THE NIGHT BEFORE OUR WEDDING DAY! She said na alam daw niya magbabago na everything sa kanilang dalawa, wala nang mahabang kwentuhan, etc. and she was saying goodbye to my husband. GOODBYE?? dahil ikakasal na kami? Diba if friends lang sila, no need for goodbyes if ikakasal yung isa? hmmmm.

So imbis naghhoneymoon kami ni hubby, magkaaway kami dahil kay girl. Inassure ako ni hubby na wala talaga namamagitan sa kanila. close lang talaga sila. And knowing my husband, takot talaga siya sa broken family and hindi siya gagawa ng something stupid. So pinatawad ko ulit. Nagggoodbye daw si girl kasi sabi niya di na siya pwede makipagkwentuhan ng katulad dati dahil siyempre may family na siya na binubuo and ayaw niyang maging rude sakin na magkasama kami pero nakikipagkwentuhan pa siya sa ibang tao. Sinabi rin niya kay girl na nagseselos ako sa kanya.

So natigil na sila ni girl. Pero si girl text parin ng text ng "busy ka ba?", "Pwede ba ko tumawag?", etc. Pero no reply si hubby. Para sakin bastusan na si girl. Alam na niyang nagseselos ako sa kanya, text parin ng text. Actually sabi ko kay husband, konti na lang tatawagan ko na yang babaeng yan. Sorry sa long story mga sis. Dito ko lang kasi to knwento. haha.

shinies

  • Guest
Re: Officemate is flirting with partner, what to do?
« Reply #53 on: November 03, 2016, 12:55:02 pm »
Di ka nagtaka iba ang personality ng BF mo pero may isang babae na exception? Tapos kahit na nagaway na kayo eh tuloy pa din ligaya nila?

Kaya malakas loob ng babae kasi dati na siya ang pinipili ng BF mo. Nagaantay lang yan ng opening.
Di ba pwede iblock yan?

Tutal mukhang natauhan na mister mo nung kinasal kayo, be the best wife you can be. Tipong wala masabi sayo.
Pero bantayan mo pa din para sigurado.

msCexy

  • Guest
Re: Officemate is flirting with partner, what to do?
« Reply #54 on: November 03, 2016, 01:09:39 pm »
^ tama sis. pagbutihin ko na lang now. And syempre, bantay-bantay parin. haha

As of now naman, mukhang tahimik na sila. SANA! Wala naman tayong mga misis ibang magagawa kundi magtiwala sa mga asawa natin eh. Mag-iiba na lang usapan pag may nalaman tayo or nahuli natin sila.

yannuh

  • Guest
Re: Officemate is flirting with partner, what to do?
« Reply #55 on: November 03, 2016, 03:07:11 pm »
^nako sis kung sken nangyari yun baka sugurin ko na si ate girl nyan. Kating-kati si te katext si hubby? Haha! Nairita kasi ako sa kwento mo sis. Bantayan mo mabuti si hubby pero wag mo paalam na nag iimbestiga ka. Pag wala na talaga, saka mo na lang ilet go yung idea. Kakalok!

msCexy

  • Guest
Re: Officemate is flirting with partner, what to do?
« Reply #56 on: November 03, 2016, 04:51:05 pm »
^syempre magaling tayong mga babae dyan. Daig pa natin ang NBI. hahaha.

Nakakainis lang kasi diba pag alam mo nang nagseselos sayo yung partner nung lalaki, didistansya ka na?? siya hindi eh. text parin ng text. Ayaw ko lang kasi ng gulo sa office ng husband ko kaya di ko maaway si girl. Pero konting konti na lang sis, sasabog na ko! haha

hotbabe925

  • Guest
Re: Officemate is flirting with partner, what to do?
« Reply #57 on: November 03, 2016, 06:47:15 pm »
Kung si girl hindi matigil sa pagcommunicate sa hubby mo, may i suggest na ikaw na makipagclose kay girl. Baka pag ikaw na ang lumapit, maging mabait at makita na nya direcho meant to be kayong mag asawa sya na ang lumayo. Ma-guilty kumbaga, parang reverse psychology lang. Isang way din yun para you can freely open your hubby's phone at mga personal convo nila kasi inupdate mo sarili mo sa mga nangyayari. pasimple lang.
hahaha

msCexy

  • Guest
Re: Officemate is flirting with partner, what to do?
« Reply #58 on: November 03, 2016, 07:02:00 pm »
^I've tried to meet the girl. Dapat magkikita sila ni hubby may pinapabigay lang yung kaoofficemate nila. Sabi ko sama ko. Then nung nalaman ni girl na kasama ko, biglang hindi na daw siya pwede. May biglaang lakad daw siya. Pero before niya malaman na kasama ko, go na go siya sabi niya kay hubby. Nga pala, kasama ko si hubby habang pinag-ussapan nila to. hayy.

Girltalker2

  • Guest
Re: Officemate is flirting with partner, what to do?
« Reply #59 on: November 03, 2016, 09:05:26 pm »

Di ka nagtaka iba ang personality ng BF mo pero may isang babae na exception? Tapos kahit na nagaway na kayo eh tuloy pa din ligaya nila?


Sounds like dejavu to me.., heto na naman ako, the devil in me says it is nearly impossible na walang namagitan sa kanila. Sa tanan ng buhay ko, a guy won't have long conversations or text messages with a girl kung platonic lang relationship nila, kahit guy's na magbabarkada, di naman sila matagal mag chat maliban nalang kung naka online gaming sila.


Kaya malakas loob ng babae kasi dati na siya ang pinipili ng BF mo. Nagaantay lang yan ng opening.
Di ba pwede iblock yan?


Oo nga dapat i-block. Parang ang daming red flag. May pa goodbye-goodbye pa sya.
Tsaka para sakin, sobrang 'foul' for hubby to tell another girl na 'nagseselos wife ko'.  Para sakin, anything na pinag uusapan naming mag asawa, di dapat nakakarating sa iba.
And ang babaw na rason naman na di na Kita kakausapin kasi nagseselos asawa ko or magagalit gf ko. Ikaw pa bilang wife ang masama.
Hindi ba tama lang na di na sila dapat mag usap kasi pangit at di tama na landiin nya ang lalaking taken na? At higit sa lahat, Hindi tama para sa lalaking committed na may ka chat or text mate na ibang babae? Point of the matter is your hubby doesn't owe that b**** any explanation why he doesn't have to answer or respond to the texts. Unless 'may pinagsamahan' kuno sila.

Tapos Isa pang red flag --- why does he have to lie kung san department yung girl? Kung wala syang tinatago? And deleted conversations? Any GF would react the same as you did.

Quote from: shinies
link=topic=292826.msg8285493#msg8285493 date=1478148902

Pero bantayan mo pa din para sigurado.

Yes I agree. Actually kaya ko nabanggit na parang dejavu kasi ex ko ganyang ganyan kami nag start. Sobra syang loyal, mabait at gentleman. Lapitin din ng mga girls. All throughout university. Pero wala syang pinapansin kundi ako (BF/gf kami). Sabi friends ko swerte ko daw at alagang alaga nyako at never sya na link or never nawawala kahit kelan. Never ako nagkaron ng duda. Kaya nung nagkaron sya ng officemate na kakwentuhan, ok lang din. Di ngako nagseselos at confident ngako. Sa tagal ng pagsasama namin, wala syang naging ka close na girls kahit na lapitin sya. Exception na nga Lang, itong officemate. Yun pala May affair na sila, too late na when I found out. Kaya be a loving Wife, but at the same time be on guard na patago. Don't make him feel you are guarding him kahit na totoo. May reason ka naman kasi at mukhang may history of lying. Tapos natapat pa sya sa malandi na officemate.






^I've tried to meet the girl. Dapat magkikita sila ni hubby may pinapabigay lang yung kaoofficemate nila. Sabi ko sama ko. Then nung nalaman ni girl na kasama ko, biglang hindi na daw siya pwede. May biglaang lakad daw siya. Pero before niya malaman na kasama ko, go na go siya sabi niya kay hubby. Nga pala, kasama ko si hubby habang pinag-ussapan nila to. hayy.

Ka officemate nila... bakit di puede ibigay direcho kay girl? Bakit through hubby pa eh magkaibang department naman. Yung biglang lakad ni girl, hopefully Si girl talaga nag backout at di mutual kasi mukhang you invited yourself to come along? At si hubby naman!  He is meeting this girl na silang 2 lang? How urgent is it? Unless it is a matter of life and death, anyone in a sensible mind shouldn't agree to be a messenger unless nasa job scope nya magdeliver. At alam naman nya na itong babaeng Ito ang puno't dulo ng pag aaway nyo, at may Gana pa sya imeet Si girl? So if you didn't volunteer to come along, hubby will meet her talaga? Wow lang ha. Sana naman part Ito ng 'dati' at di recent, kasi nakaka pang init ng ulo.
« Last Edit: November 03, 2016, 09:16:50 pm by Girltalker2 »

 

Latest Stories

Load More Stories
Close