watch now

Author Topic: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE) - Thread 2  (Read 56255 times)

belle_v2g

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE) - Thread 2
« Reply #500 on: April 19, 2016, 06:18:20 pm »
^fionaapple, buti na lang may yaya kana before ka manganak. malaking tulong talaga yan lalo na di ka pa masyadong makaka kilos after.

^all the best krissy! buti kapa due na this week. i have 6 other friends na buntis din and nanganak na yung iba last week, yung isa kahapon. ako pinaka last sa amin haha! hoping na mabilis din ako manganak this time kasi 38 weeks ako noon at 5 hrs labor lang din ako sa eldest ko. :)

Cess Sarah

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE) - Thread 2
« Reply #501 on: April 19, 2016, 10:32:42 pm »
Hello mga sissies. I already gave birth last April 16 thru emergency CS. May BPS schedule lang kami noon then yung OB  sono pina alert si OB ko dahil below normal na raw yung tubig ko kaya tinry nila iinduce pero wala kaya CS na. I gave birth to a 5.1 lbs baby girl :) Nakaka frustrate being a first time mom pero dapat kayanin.

duhyan

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE) - Thread 2
« Reply #502 on: April 19, 2016, 10:56:49 pm »
^wow! Congrats sis! How was your experience? Bakit ka na CS? Hindi humilab?

Callmeraciram

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE) - Thread 2
« Reply #503 on: April 19, 2016, 11:04:16 pm »
37 weeks and 5 days na ako. 1 cm na pina inum na din ako ng eveprim 1000mg ilang days kaya bago mag effect?

Cess Sarah

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE) - Thread 2
« Reply #504 on: April 19, 2016, 11:40:05 pm »
^ oo sis hindi eh. Hindi rin mapalakas yung contractions dahil baka mas mastress si baby lalo na at onti na lang yung water.

Ambilis lang ng cs ko, 1am kinakausap na ko ng anes na may iturok raw siya sakin, aantukin raw ako at wag ko pipigilan tapos after ilang minutes nafeel ko na kaya hiniga na nila ko. Nararamdaman ko na may ginagawa sila sa tyan ko tapos may nagsusuklay pa ng buhok ko then narinig ko na lang "baby out" tapos nakita ko si baby inaasikaso na nila at pinagdikit kami, yun pala  pinitsuran nila kami hehe. Tapos wala uli ako malay. Nagkakadiwa lang ako sa paglipat lipat nila sakin ng kama from delivery to recovery to my room na. Siguro mga lunch or after lunch asa room na rin si baby.

duhyan

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE) - Thread 2
« Reply #505 on: April 20, 2016, 12:21:11 pm »
Wow congrats sis ang bilis nga! :) ayan nakaraos ka na, kami naman ang next :)

@Callmeraciram sis halos magkasunod pala tayo, 37 weeks and 6 days naman ako :)

coco_cola

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE) - Thread 2
« Reply #506 on: April 20, 2016, 01:09:13 pm »
Congrats Sis CessSarah! How far along were you?

Full term na ko in 3 days. :) just got back from doctors checkup. :) Di pa engaged si baby though the head is low na daw. Next check up kami mag finalize ng CS schedule. Maybe April 30. :)

Sana di ako mag labor until then, kung hindi emergency CS ako!
« Last Edit: April 20, 2016, 01:14:55 pm by coco_cola »

_ilovepink_

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE) - Thread 2
« Reply #507 on: April 20, 2016, 01:43:09 pm »
^sis ano na size ng baby mo? Ilan na weight nya? Kasi i think madalas pag malaki na si baby di na sya makakaikot kasi masikip na. Ganun kasi sabi sa friend ko tapos mataas pa amniotic index nya kaya lalong nalilimit si baby umikot sa loob.

Wow! Congrats sa mga nanganak na! sana ako rin mabilis lang maglabor, or sana hindi CS.

^sis Simang my baby is currently 5 lbs pa as per the last US. Pero sa sobrang takaw ko ngayon malamang lumaki na sya ng konti. Sana tlaga magcephalic pa sya. Ginagawa ko yung exercise sa spinningbabies.com sa abot ng makakaya ko. With lots and lots of prayers na rin.

 >:( :oNaiistress ako..naaasar ako sa mga tao sa paligid ko. Currently on my 36th week and experiencing pamamanas. Ngayon, ang damidami na sinasabi ng iba, kesyo responsibility daw ang pagbubuntis, di daw dapat ako magmanas, dapat daw control kinakain ko, etc. etc., eh, hello, as if naman di ko alam yun. Haaizzt, napunta pa ang usapan sa complication sa panganganak at deads pagkapanganak. Nakakainis yung mga gantong tao. Mukha naman ring walang alam yung nagcocoment ng ganyan sa akin, tinanong ba naman ako kung umiinom ba daw ako ng gamot sa manas. Gusto ko nang sampalin! lol

Anyway, naglalabas lang ng sama ng loob. Sorry sisses.

Excited na rin kami ni hubby to see our baby boy! More more prayers to turn baby and for normal delivery :)

« Last Edit: April 20, 2016, 01:46:13 pm by _ilovepink_ »

simang

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE) - Thread 2
« Reply #508 on: April 20, 2016, 02:34:23 pm »
^ahh i see. Let's all hope for the best, sis, sa sister ko i remember her baby was breech for the most part ng pregnancy tapos 30+ weeks na din nung nagcephalic. So baka kaya pa yan, kausapin mo lang ng kausapin si baby na umikot na habang may time pa :-) hehe

Hay, people will always have something to say talaga. Bat ba ang mga Pinoy sobrang insensitive magcomment? Parang di nag iisip. As if naman we wanted all the pregnancy complications. Dedmahin mo na lang at baka mapaanak ka pa ng maaga. :)

Congrats sa mga nanganak na :-)

cescilay

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE) - Thread 2
« Reply #509 on: April 20, 2016, 02:44:03 pm »
@_ilovepink_ Pailawan mo sis ng flashlight sa lower part ng abdomen mo. That's what my OB advised me when baby was still breech. They tend to follow the light daw. I also play music sa lower part din.

_ilovepink_

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE) - Thread 2
« Reply #510 on: April 20, 2016, 04:06:27 pm »
^ahh i see. Let's all hope for the best, sis, sa sister ko i remember her baby was breech for the most part ng pregnancy tapos 30+ weeks na din nung nagcephalic. So baka kaya pa yan, kausapin mo lang ng kausapin si baby na umikot na habang may time pa :-) hehe

Hay, people will always have something to say talaga. Bat ba ang mga Pinoy sobrang insensitive magcomment? Parang di nag iisip. As if naman we wanted all the pregnancy complications. Dedmahin mo na lang at baka mapaanak ka pa ng maaga. :)

Congrats sa mga nanganak na :-)

Thank sis Simang! kinakausap nga namin si baby every night na umikot na sya. Nakakaaliw lang kasi ang likot likot. Nafefeel ko parati kicks nya sa bandang singit. Minsan masakit pero tolerable naman. Ang likot rin pati sa itaas ng navel ko..yung ulo nya or kamay ata. hehe cute cute Sana sa susunod na visit naming by end of month ikot na sya.

true! deadma ko nalang kahit naasar ako.

@_ilovepink_ Pailawan mo sis ng flashlight sa lower part ng abdomen mo. That's what my OB advised me when baby was still breech. They tend to follow the light daw. I also play music sa lower part din.

I play music rin sa bandang baba.. try ko nga to sis yang flashlight..thank you!

duhyan

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE) - Thread 2
« Reply #511 on: April 20, 2016, 10:45:18 pm »
^sis sabihin mo sa kanila normal lang magmanas lalo na at kabuwanan na. Lahat kasi ng bigat nasa ibabang part na. :) ganyan sinasabe ko since sa OB ko din naman nanggaling yan. Haha

krissy_629

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE) - Thread 2
« Reply #512 on: April 21, 2016, 03:01:53 pm »
Nakakainip mag antay!! I eat pineapples and drink pineapple juice tapos walk for 30 mins everyday kung kaya mas more pa. Pero inip na inip nako, hehe!! 😁😁😁


Thank you po sa mga well wishers! ❤️
« Last Edit: April 21, 2016, 03:09:02 pm by krissy_629 »

duhyan

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE) - Thread 2
« Reply #513 on: April 21, 2016, 07:43:28 pm »
^ true sis! 9th month ata parang 400 days sa isang buwan! Haha nakakainip na nga at ang mga tao panay tanong kung lumabas na ba. Hehe

belle_v2g

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE) - Thread 2
« Reply #514 on: April 21, 2016, 08:00:05 pm »
^i feel you ladies. 32 weeks pa lang ako and inip na rin ako. :) 4 weeks pako sa work bago start ang Maternity Leave ko!

crzysxycl

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE) - Thread 2
« Reply #515 on: April 21, 2016, 08:07:41 pm »
>:( :oNaiistress ako..naaasar ako sa mga tao sa paligid ko. Currently on my 36th week and experiencing pamamanas. Ngayon, ang damidami na sinasabi ng iba, kesyo responsibility daw ang pagbubuntis, di daw dapat ako magmanas, dapat daw control kinakain ko, etc. etc., eh, hello, as if naman di ko alam yun. Haaizzt, napunta pa ang usapan sa complication sa panganganak at deads pagkapanganak. Nakakainis yung mga gantong tao. Mukha naman ring walang alam yung nagcocoment ng ganyan sa akin, tinanong ba naman ako kung umiinom ba daw ako ng gamot sa manas. Gusto ko nang sampalin! lol

naka relate ako sa post mo sis haha. yung inlaws ko lagi akong pinupuna, kesyo manas ako, hindi raw ba ako nag eexercise. ang laki laki raw ng itinaba ko, baka mahirapan daw ako. one of my bruhilda SILs told me pumangit daw ako. haller! gusto ko sabihin tuwang tuwa ka naman? so feeling mo mas maganda ka na sa akin? ;D kung hindi lang sya mas matanda baka nasagot ko na. lahat naman ng sinasabi ng OB ginagawa ko, paki ko sa pagbubuntis nila noon. :) no wonder parang malnourished babies nila nung lumabas. wait lang sila pagkapanganak ko, kabog nanaman silang lahat (sorry, kapalan ko na mukha ko sisses, haha).

coco_cola

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE) - Thread 2
« Reply #516 on: April 21, 2016, 08:25:19 pm »
^Hahaha tawang tawa ako dito sis!!!!! That's the fighting spirit! Nakakainis talaga yung mga insensitive comments. Lalo na sa mga nagmamarunong. Lol!
« Last Edit: April 21, 2016, 09:10:37 pm by coco_cola »

hushbaby

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE) - Thread 2
« Reply #517 on: April 21, 2016, 08:31:09 pm »
Haha natawa din ako. Same sentiments here. Ang dameng side comments lalo na mga inlaws at relatives na sobrang laki na at mukang manas na. Natural naman sa buntis tumaba. Lol Super insensitive kaya sabi ko sa hubby ko ayoko ng may unexpected visitors pag nanganak ako para makapagrest ako ng maayos. Hehe

belle_v2g

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE) - Thread 2
« Reply #518 on: April 21, 2016, 09:03:58 pm »
^haha stay away from these people sis. they are not worth your stress.

crzysxycl

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE) - Thread 2
« Reply #519 on: April 21, 2016, 09:41:40 pm »
Hahaha! True mga sis, nagmamarunong nga sila. Por que naka tig dadalawang anak na sila kala mo mga experts, eew! ;D Gusto ko sagutin na wala na magbabago sa itsura nila kasi bago pa sila mabuntis, ang tataba na nila.

hushbaby - mairequest nga rin yan sa hubby ko. :) wish ko nga hindi sila dumalaw pag nanganak ako kasi nega vibes lang ang dala.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close