watch now

Author Topic: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE) - Thread 2  (Read 56710 times)

coco_cola

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE) - Thread 2
« Reply #240 on: March 26, 2016, 01:51:30 pm »
^Ideal. Sa Rustans or online siya sis. 16k. May gift cheques kami sa Rustans kaya nakabawas na rin. 😀

simang

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE) - Thread 2
« Reply #241 on: March 26, 2016, 01:56:42 pm »
@coco_cola ganyan din feeling ko, hehe.. Sabi ko before 6 months mag aayos na ko ng nursery kaso wala. Hehe ang dami ko pang decor na gusto ipagawa pero tinatamad pa ko, siguro pag lumipat na lang kami. Iniisip ko din pag lumipat kami maglilinis na lang ako ng house para matagtag ako, hehe.

Sis imagodei, good luck, CS or NSD as long as healthy kayo ng baby mo okay lang yan. Malay mo umakyat pa si placenta diba. Yun friend ko who had her c-section last wednesday umakyat placenta nya though si baby naka breech pa din. Sabi ng doctor daw too big na si baby para makaikot kaya nagdecide na sila na mag CS.

Hushbaby ang cute ng mga white wooden cribs sa mall, haha lalo na pag maganda yung beddings no? Kami hand me down lang ang crib from my brother, wooden din. Mas malaki sya than the ones sa mall kaya mahirap hanapan ng magandang bed sheets kasi customized yung mattress size nya.

Re: insulin injection, parang wala lang. Sobrang liit lang ng needle kasi and 10 units lang naman required sa akin. Mas masakit pa yung prick ng blood sugar monitor.
Yun ultra fine yung bigay saken na needle and wala lang sya, hehe hindi masakit, ni hindi ko nga makita kung san ako nagprick. Walang blood, basta parang wala lang.

hushbaby

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE) - Thread 2
« Reply #242 on: March 26, 2016, 02:27:52 pm »
Ah ok sis. di pa kasi ako nakapunta ng rustans pero may gc din ako ng rustans pati sm. Im torn between wooden crib at armsreach. napaisip na naman ulit tuloy ako haha

Sis simang akala ko mas masakit pa insulin sa usual na pag monitor lang. I hope maging ok na ang sugar natin. Grabe pa naman sarap sana kumain ngayon ng something cold at matamis.na tempt ako kumain ng halohalo the other day. Kumain ako ng konti, di ko inubos pero di naman tumaas sugar ko Hehe buti ikaw may hand me down ng crib, wala din kasi ako relatives na nagkababy recently. Ang gaganda nga ng white wooden crib sa SM ang sarap din mamili ng gamit ni baby. Pero yung balakang ko sumasakit agad konting lakad lang.

imagodei082990

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE) - Thread 2
« Reply #243 on: March 26, 2016, 03:08:19 pm »
oo nga eh kahit ano basta okey si baby ko .. pag bumili kami ng crib white din ang bibilhin ko hehe.. oorder lang ako online then ipapadeliver ko nalang mas mura siya kase kumpara sa mall.. mag ebf din ako kaya pipilitin ko talaga magkagatas ng marami.

simang

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE) - Thread 2
« Reply #244 on: March 26, 2016, 03:10:42 pm »
^truth!! Haha grabe pag andito pa naman kami sa bahay ng parents ko ang daming food lagi, may tub ng ice cream palagi sa ref haha. Pero tiis tiis na lang for baby. hehe. Sana maging okay na sugar natin. :)

Super swerte ko sa mga hand me downs.. Most major stuff ni baby, galing sa mga pamangkin ko. I have a 2 yr old niece kasi and sa side naman ni husband may 1 yr old. Kaya dami namin minana from them. Tapos generous din mga kapatid ko binigyan nila kami ng diaper bag, feeding bottles, etc. kaya ang konti na lang mga binili namin.

imagodei082990

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE) - Thread 2
« Reply #245 on: March 26, 2016, 03:30:57 pm »
^buti ka pa .. kami bago lahat eh .. sa family ko kase ako palang may anak heheh .. yung gamit naman ng 2nd ko binenta ko na dati pa ..

simang

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE) - Thread 2
« Reply #246 on: March 28, 2016, 02:52:05 pm »
^ah i see, ilang taon na eldest mo? Swerte din namin na halos magkakasunod yung mga pamangkin namin, tapos baby girl pa.. Youngest na din kami ni husband sa family so generous talaga sila magbigay ng gifts sa amin hehe.

Mga mommies, especially dun sa mga 30+ weeks na,  who's having a maternity shoot? We're supposed to have one this March kaso pinostpone muna namin. We're planning na ituloy by end of April, i'll be 34 weeks by then.

fionaapple

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE) - Thread 2
« Reply #247 on: March 28, 2016, 03:06:01 pm »
^ako di pa rin ayos ang room ng baby ko. May mga konting tambak pa kasi bagong lipat. Pero nakabili na ako ng drawer for my baby's clothes. Balak ko na ayusin this weekend at isetup na pati crib. :) 34th week ko ngayong thursday.

Nung 30th week, inayos ko yung hospital bags namin ni baby. Wala ako na setup pa for my husband. Malapit lang naman kasi ang bahay namin sa ospital kaya malamang uuwi din siya dun. so excited na kami sa panganganak ko. At least 3 more weeks pa.:) medyo kinakabahan.

Paglabas ng baby balak ko bumili pa ng isa pang crib/playpen for downstairs.

coco_cola

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE) - Thread 2
« Reply #248 on: March 28, 2016, 03:16:28 pm »
Sis simang, nag shoot na ako on my 28th week. Maliit pa nga tummy ko nun. But no choice, need ng subject ng friend ko for her photography class. Hehe. Ako nalang nag makeup since marunong naman ako.

Biglang lobo kasi belly ko after 28th week. 😂

simang

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE) - Thread 2
« Reply #249 on: March 28, 2016, 03:50:05 pm »
^^sis lapit mo na.. :) nakakaexcite mag ayos ng beddings ni baby haha nalulungkot talaga ko na di pa kami nakalipat kagad. Anyway, kakalaba lang namin ng nga gamit ni baby kahapon, will be arranging everything sa hospital bag nya this week.

^yan din concern ko coco_cola, kaya ayoko pa mag shoot feeling ko kasi di pa ko 'fully pregnant' lol kaya sabi ko end of April na lang. Lumaki din bigla tummy ko nung 28th week. Pero yung navel ko nasa loob pa din, kaya feeling ko malaki pa ibabanat ng tyan ko. Lol. Until now na 30 weeks ganun pa din navel ko. Share your pics naman sis :) Nagreresearch pa ko ng mga pegs although yung photographer namin may mga ideas na din sya what to do.

belle_v2g

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE) - Thread 2
« Reply #250 on: March 28, 2016, 04:09:31 pm »
Hi mommies! I have been very busy lately kaya di na ako active sa pagpopost. I am now on my 28th week. Sa Apr. 1 ang GTT ko. Sana maging ok. I am also preparing for the baby shower. Exciting!!!

coco_cola

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE) - Thread 2
« Reply #251 on: March 28, 2016, 05:16:35 pm »
Simang, pm ko sayo yung FB ko para masilip mo yung album. Simple photos lang, may gusto lang achieve na effect si photographer. Sayang din at hindi ko kasama si hubby. 😂

Nag outtie na rin belly button ko. Mga 30/31st week siya bigla nag outtie. Haha 😂
« Last Edit: March 28, 2016, 05:24:04 pm by coco_cola »

belle_v2g

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE) - Thread 2
« Reply #252 on: March 28, 2016, 07:41:26 pm »
Sis simang, naka sched ako ng 35 weeks maternity shoot first week of may. :) share ko photos pag tapos na. :) excited na rin akooo!!!

simang

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE) - Thread 2
« Reply #253 on: March 28, 2016, 08:35:57 pm »
^^thanks sis!!! :)

^exciting naman sis :) excited na din ako for ours kaso hindi pa ko decided sa theme. Gusto ko kasi yung masaya at light lang kasi hindi talaga bagay sa akin ang mag emote emote haha

belle_v2g

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE) - Thread 2
« Reply #254 on: March 29, 2016, 05:57:53 am »
Wala pa din akong maisip na theme! Last month na ng autumn yun so maginaw na at di nako pwedeng mag suot ng flowy dress with flower headdress haha! Try ko autumn themed shoot. Hanap ako ng pegs.

littlekinselle

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE) - Thread 2
« Reply #255 on: March 29, 2016, 09:50:41 am »
Mga mommies,.. 15 mins ago, parang may lumabas saken di ko alam kung galing sa pepe or sa pwet. Kasi color brownish siya mucus at my blood, konte lang yun lumabas parang sipon..  Inamoy ko wala naman amoy.. Parang sipon lang talaga.. Mag papadala na kaya ako sa hospital??  Kasi okay naman pakiramdam ko now.

coco_cola

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE) - Thread 2
« Reply #256 on: March 29, 2016, 10:27:05 am »
^For me sis, text your OB if that warrants a visit to the hospital. It's good to know na brown lang and onti lang but for peace of mind, punta ka na lang. Para ma check overall and to rule out other things.

Take care sis!
« Last Edit: March 29, 2016, 10:33:08 am by coco_cola »

phibz

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE) - Thread 2
« Reply #257 on: March 29, 2016, 10:45:00 am »
39 +4 weeks na ako and still very much pregnant. Medyo na busy lang ako lately sa pag aayos kaya di naka update dito. At 38 weeks nagka GDM ako pero walang insulin. Monitor lang sa sugar, test ng 5 times a day and so far pasado naman. Hirap lang mag diet. I usually eat scramble eggs and salads ngayon. Naglalaway na lang ako sa mga pagkain. Buti na lang wala ako sa Pilipinas. Due date is April 1 pero naka schedule na e induce ako on the 5th bec of GDM.

Im hoping na bukas lalabas na itong LO ko. Hayzz nakakapagod na talaga. Hirap gumalaw kasi

phibz

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE) - Thread 2
« Reply #258 on: March 29, 2016, 10:48:05 am »
@littlekinselle

Mucus plug mo na yata yan. Tawag ka sa OB mo pero usually pag ganyan observe observe muna. Minsan kasi lumabas na mucus plug pero weeks pa lalabas si baby. Pag may contractions ka na baka yan na yun pero pag wala pa, infrm mo na lang si OB.

imagodei082990

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE) - Thread 2
« Reply #259 on: March 29, 2016, 01:01:19 pm »
^ah i see, ilang taon na eldest mo? Swerte din namin na halos magkakasunod yung mga pamangkin namin, tapos baby girl pa.. Youngest na din kami ni husband sa family so generous talaga sila magbigay ng gifts sa amin hehe.

Mga mommies, especially dun sa mga 30+ weeks na,  who's having a maternity shoot? We're supposed to have one this March kaso pinostpone muna namin. We're planning na ituloy by end of April, i'll be 34 weeks by then.
7 yrs old na si eldest .. 4yrs old si 2nd ko ..

Mga mommies,.. 15 mins ago, parang may lumabas saken di ko alam kung galing sa pepe or sa pwet. Kasi color brownish siya mucus at my blood, konte lang yun lumabas parang sipon..  Inamoy ko wala naman amoy.. Parang sipon lang talaga.. Mag papadala na kaya ako sa hospital??  Kasi okay naman pakiramdam ko now.

mucus plug yan sissy galing sa pepe mo yan

nung wed ng umaga akala ko dinudugo ako kase pag gising ko punanong puno ng dugo ang panty ako .. nag panic agad kami ni hubby .. yun pala dumudugo ang hemmy ko .. grabe !!!

 

Latest Stories

Load More Stories
Close