watch now

Author Topic: ABS-CBN: Dolce Amore  (Read 56809 times)

cosmochick

  • Guest
Re: ABS-CBN: Dolce Amore
« Reply #380 on: July 22, 2016, 02:22:55 pm »
^oh my really sis! Bagay si joseph marco and serena! Waaah exciting to. Sana nga. Ayoko rin kay TenTen.


myjc

  • Guest
Re: ABS-CBN: Dolce Amore
« Reply #381 on: July 22, 2016, 03:46:38 pm »
Yes sis cosmochick confirmed! Just now lang hahah.. Papasok siya omg! Humanda ka Don Simon Ibarra Debois mamatay ka sa selos! Kung puwede lang magmura dito sa thread talaga! 😡

euwie

  • Guest
Re: ABS-CBN: Dolce Amore
« Reply #382 on: July 22, 2016, 04:45:45 pm »
Napakapangit ng story.  Walang kabutihan akong nakikita kay tenten. Parang naglaho na lang sa isang iglap yung dating tenten na mabait. Samantalang si serena, maski nagka amnesia na at lahat, mabait pa rin sya. Maski sa simula mabait sya, hindi nya pinakulong si tenten. Ngayon naman biglang yabang yumaman lang. Hindi ko na to pinapanood ng buo, fast forward ako lagi. Napakapangit ng storyline sa totoo lang. Sana marealize yun ng writers nito. Nakakawalang gana panoorin

cosmochick

  • Guest
Re: ABS-CBN: Dolce Amore
« Reply #383 on: July 22, 2016, 05:16:14 pm »
I feel you sis myjc.. i feel you! Hahaha

Wana

  • Guest
Re: ABS-CBN: Dolce Amore
« Reply #384 on: July 22, 2016, 10:33:26 pm »
Sobrang asar na asar ako sa kwento o baka kay Simon lang. Pero di ko mapigilang manood. Haha. Anyways, diba ang anak ni Luciana si Tenten. Bakit kanina dun sa Abangan, may kausap siyang guy na sinabing your son is not dead, tapos siya gulat na gulat yung mukha and parang di nya expect. Nagulo na naman kami sa bahay bakit ganon reaction niya. Akala nga namin si Joseph Marco yung aakalain na namang anak niya. Nakakaloka.

grace.kelly

  • Guest
Re: ABS-CBN: Dolce Amore
« Reply #385 on: July 22, 2016, 11:31:07 pm »
Di ko na talaga kinaya panoorin si Simon kaya hindi ko na tinapos kanina. Baka hindi muna ako manood hangga't ganyan ang ugali niya. Hindi ko rin bet na may bagong third wheel, nakakasawa na kasi  ;D Baka simula na ng experiment ng iba pang lt for Liza. Sa totoo lang ang gulo na ng story nito, hindi yung tipo na plot twist na maayos. Masabi lang na plot twist kahit ano na lang gawin ng writers.

I also want the bodyguards back. Natural at simpleng nakakatawa.

Wana

  • Guest
Re: ABS-CBN: Dolce Amore
« Reply #386 on: July 22, 2016, 11:51:56 pm »
Di ko na talaga kinaya panoorin si Simon kaya hindi ko na tinapos kanina. Baka hindi muna ako manood hangga't ganyan ang ugali niya. Hindi ko rin bet na may bagong third wheel, nakakasawa na kasi  ;D Baka simula na ng experiment ng iba pang lt for Liza. Sa totoo lang ang gulo na ng story nito, hindi yung tipo na plot twist na maayos. Masabi lang na plot twist kahit ano na lang gawin ng writers.

I also want the bodyguards back. Natural at simpleng nakakatawa.

^ Ay totoo yan sis. Ang gulo na ng story!! Pero ayaw ko pa din tigilan kasi hindi ko kayang may ma-miss na episode. Haha. Sana ibalik yung bodyguards, mas nakakatawa pa sila kaysa Tondo boys.

stylus

  • Guest
Re: ABS-CBN: Dolce Amore
« Reply #387 on: July 23, 2016, 08:30:21 am »
Kagabi na lang ako ulit nakapanood. So si serena ba bumalik na ang memory? Or nakalimutan na ng writers na binigyan nila sya ng amnesia? Or hindi na ba babalik ala ala nya. Ang open ended lang sa part na yun..

Si tenten makaenglish naman kay serena. Kung ako yun sabihin ko, "wow makaenglish ka naman. Baka nakakalimutan mo kung hindi dahil sakin, baka hanggang ngayon utal ka pa rin magpronounce ng 'S'!!!"

young_maiden

  • Guest
Re: ABS-CBN: Dolce Amore
« Reply #388 on: July 23, 2016, 02:08:33 pm »
Baka iyong character ni joseph marco ang totoong anak ni vivian. Hehe. Pag nangyari iyon, syempre poor ulit si Simon. Magpapakabait na siya kay Serena. LOL.

myjc

  • Guest
Re: ABS-CBN: Dolce Amore
« Reply #389 on: July 23, 2016, 05:06:33 pm »
Na excite ako Sa scene na malalaman ni Tenten na binalikan siya si Serena after mamatay si GC pero nakapalupot sa kanya si HanahConda 😒😒

euwie

  • Guest
Re: ABS-CBN: Dolce Amore
« Reply #390 on: July 23, 2016, 06:56:35 pm »
Hindi ko maintindihan yung epi kahapon. Imagination lang ba ni serena na nagsorry sya kay tenten sa simbahan/chapel? Kasi parang nagulat sya nung sinabi ni tenten na pagod ka na ba ms marquesa? Sana umayos na si tenten kasi gigil na gigil na ako sa kanya. Tama yung sinabi ng isa dito. Wala namang ginawa si tenten na kabilib bilib para kay serena. Ang kwento talaga e about serena kung paano sya nagsacrifice para sa taong hindi naman deserving. Hay naiinis na naman ako. Kung hindi ko lang to nasimulan, hindi ko to tatapusin e. Konting konti na lang goodbye DA na ako. Sayang lang panahon ko mga puyat ko. Kaya sana maging ok na si tenten nakakastress sya.

princess20

  • Guest
Re: ABS-CBN: Dolce Amore
« Reply #391 on: July 24, 2016, 04:05:05 pm »
Sana bawasan na nila yung mga "imagination" scenes.

young_maiden

  • Guest
Re: ABS-CBN: Dolce Amore
« Reply #392 on: July 25, 2016, 09:14:27 am »
^^ Imagination lang iyon chapel scene, sis. Isa rin iyan sa nakaka-irita sa DA eh. Puro imagination scenes. Paasa!

cosmochick

  • Guest
Re: ABS-CBN: Dolce Amore
« Reply #393 on: July 25, 2016, 06:21:58 pm »
I can't wait to meet Joseph Marco's character. Sana matino na to and walang sapak.
« Last Edit: July 26, 2016, 11:36:06 am by cosmochick »

stylus

  • Guest
Re: ABS-CBN: Dolce Amore
« Reply #394 on: July 25, 2016, 09:22:37 pm »
Ngayon ko lang nakita yung batang kulot. At di ko gets bakit dami nyang exposure sa isang episode. Wala naman kinalaman sa story :( napapanood kaya ng writers ang DA? Nagagandahan kaya sila sa story line nila?

khaleesiCersei

  • Guest
Re: ABS-CBN: Dolce Amore
« Reply #395 on: July 25, 2016, 11:58:39 pm »
^agree sis, naiirita ako. Dami dami nang ampon ng camp nila tenten hahaha! Dina nakuntento ang writers sa mga tondo boys, nagdagdag pa. Wala namang relevance sa story

grace.kelly

  • Guest
Re: ABS-CBN: Dolce Amore
« Reply #396 on: July 26, 2016, 12:22:55 am »
Parang kung saan lang nila pinulot si kulot thinking that she will be funny probably because of what she looks like? Poor delivery of lines naman. Not blaming her though, it's the people who put her there. Ang fail talaga ng sidekick casting ng DA. No chemistry at all. I know the director has the final say in casting so I can't help but put all the blame in Direk Mae. Sorry sobraang naiirita talaga ako sa DA ngayon. I always try to watch it but I can't stand it. Ibalik na lang nila ang bodyguards. I heard good praises about them unlike sa tondo boys na wala pa ata akong narinig na natuwa sa kanila.

Pero bet na bet ko talaga ang bagong look ni Quen. Ang pogi niya sobra. Enough of the Bieber hair. I hope he will maintain that look, mas sisikat pa siya.
« Last Edit: July 26, 2016, 12:25:35 am by grace.kelly »

myjc

  • Guest
Re: ABS-CBN: Dolce Amore
« Reply #397 on: July 26, 2016, 12:26:24 am »
Wala silang pondo sis nasa Canada kasi sila  for One kapamilya Go kaya puro filler scenes buti na lang nilabas si JM.. Pilot episode pa naman ng DOTS sa kabila sana hindi maka affect sa ratings.

princess20

  • Guest
Re: ABS-CBN: Dolce Amore
« Reply #398 on: July 26, 2016, 09:07:12 am »
Sorry hindi din ako natutuwa dun sa kulot. Hindi marunong umarte eh.  :-\ parang ginaya lang si onyok ng AP. Sana nga ibalik nalang sila Rogelio..

cosmochick

  • Guest
Re: ABS-CBN: Dolce Amore
« Reply #399 on: July 26, 2016, 11:33:44 am »
Ayoko rin kay kulot.. bat ba sya nilagay pa don? dko talaga sya feel.. I don't find her funny or nakakaawa at all..
In fact, nakakainis mukha nya on TV. Not charming at all. What is she doing there anyway??? Di sya nakakatulong. Ayoko manood ng DA dahil sa Tondo Boys na yan , nadagdagan pa ni Kulot.

Buti na lang, pinasok si JM, if not, I would have given up on DA na. Di na kaya ng charm ni Liza icompensate all these kapalpakan ng writers tapos may casts pang nakakainis pagmumukha on TV. >:( >:( >:( >:(

« Last Edit: July 26, 2016, 12:37:18 pm by cosmochick »

 

Latest Stories

Load More Stories
Close