watch now

Author Topic: ABS-CBN: Dolce Amore  (Read 57023 times)

cjwen

  • Guest
Re: ABS-CBN: Dolce Amore
« Reply #340 on: July 15, 2016, 02:36:50 pm »
Book 3 starts today! Start na ng suplado-Tenten-adorable-Sese so madami na namang funny scenes.  Hopefully, more questions will be answered sa mga next episodes.

36.7% rating last night  :)

cosmochick

  • Guest
Re: ABS-CBN: Dolce Amore
« Reply #341 on: July 15, 2016, 05:37:57 pm »
Back to light scenes na!yeheey! My hubby and I almost stopped watching it dahil sa mga patayan/ mafia scenes.
We are excited sa book 3 though! Sana romantic comedy lang ulit.

grace.kelly

  • Guest
Re: ABS-CBN: Dolce Amore
« Reply #342 on: July 15, 2016, 11:55:55 pm »
Napa-wtf ako sa episode kanina. What a waste! Sobrang sayang ang episode kanina. Yung outing scene nila inabot ng 2 weeks tapos dito ang daming nangyari bigla sa isang episode? Nabaliw na ata ang DA team. Sa mga scenes and stories na pwede nila pahabain ng kahit kaunti and make it interesting, yun yung ginagawa nilang mabilis, tapos yung mga walang kakwenta-kwenta ay pinapahaba.

Walang build up of emotions man lang na nangyari. Sobrang abrupt. Bigla na lang lumitaw nanay ni Tenten without any hint or indication? I mean it was shown na hinahanap siya pero hint kung sino.  Biglang namatay si GC? Biglang hiwalay na si Papa Potter and Chrrie Gil? Biglang bad guy na si Tenten? Although I am still curious kung si Tenten nga ang nagpapatay kay GC. If he did, wala nang sense ang story because even Serena doesn't deserve him. Ang ganda sana pero waley.

Hindi tuloy ako kinilig sa pagkikita nila kasi kung ano yung nasa teaser yun na talaga. And we're just being introduced to the new life of Serena and Tenten tapos yun na agad?

parang nag eexperiment sila kung ano bang klase ng teleserye ang da, kung light ba o heavy drama o action haha! tsaka nasasayangan ako kay cherie gil, parang naging pan display na lang siya dun.

Exactly! This is what I hate about DA. It's like they can't decide if heavy drama ba or light romcom lang. I would probably liked it better kung all-out na heavy drama compared to what it is now since they already did it. Nasa ganyang path na. At least yung mga heavy drama they can keep up the suspense and emotions. Dito hindi mo alam kung ano mararamdaman mo. Wala man lang excitement. The result tuloy is like an epic fail heavy drama and trying hard to be romcom. Sayang, ang gandang romcom pa naman ng first episodes of DA. And true, ang laking sayang ni Cherie Gil.
« Last Edit: July 16, 2016, 12:08:41 am by grace.kelly »

khaleesiCersei

  • Guest
Re: ABS-CBN: Dolce Amore
« Reply #343 on: July 16, 2016, 01:25:05 am »
Ako din napa what the... nung pinatay si giancarlo. Pero sabagay minurder naman na ng writers ang character niya kaya siguro wala na sila maisip gawin. So ano na sila sunshine cruz? Parang goodbye na lang? And serena just decided to come back to her dad? And forget her real family. Naintindihan ko bat naghiwalay si luciana and the dad kasi before ma coma, he found out what luciana did kaya siya inatake sa puso. Oh well sana ma redeem ng writers ang da sa last leg na to.

grace.kelly

  • Guest
Re: ABS-CBN: Dolce Amore
« Reply #344 on: July 16, 2016, 02:14:39 am »
^Haha true sis. Di na nila alam gagawin kay gc kasi na-todo na nila. There is no way to redeem his character na. Easy escape for the writers. Parang ang ginawa na lang clean slate para iwas loopholes din. Although gets ko naman ang hiwalayang potter gil, I just think everything is too much for one episode. Sana talaga makabawi sila dito sa book 3.

young_maiden

  • Guest
Re: ABS-CBN: Dolce Amore
« Reply #345 on: July 16, 2016, 09:12:27 am »
Nag expect pa naman ako na si Luciana real mom ni Tenten tapos biglang si Vivian pala. Sana twist lang yung kay vivian para patagalin ang pag reveal na si Luciana nga totoong mom niya.

young_maiden

  • Guest
Re: ABS-CBN: Dolce Amore
« Reply #346 on: July 16, 2016, 10:42:41 am »
Teka lang. Naisip ko baka si Luciana nagpapatay kina Giancarlo at Favio. Naalala ko yung scene na nagising na si roberto at sinabihan siya ma pigilan ang kasal. Ang sagot ni luciana, "don't worry. Everything will be okay."

itzzmeeh

  • Guest
Re: ABS-CBN: Dolce Amore
« Reply #347 on: July 16, 2016, 11:46:47 am »
Yung episode last wednesday nung umiiyak si Luciana with lines na "Ny God what have I done" tapos may files and photos sa harap niya zinoom ko yun sa iwantv and si Tenten yung sa picture kitang kita Enrique Gil talaga yung noo and hair. Baka nga twist lang si Vivian and si Luciana pa din real mom. Pwedeng friend lang si Vivian na inutusan ni Luciana? Kasi guilty siya sobra sa ginawa niya kay Tenten kaya bumabawi siya by giving him her fortune.

Sana matapos na nang magkaalaman na lol.

pandalicious

  • Guest
Re: ABS-CBN: Dolce Amore
« Reply #348 on: July 16, 2016, 11:50:03 am »
Naguluhan ako kay serena, nung nasa coma papa niya, she was all set to be an urtola and stay in the philippines di ba? Tapos ngayon parang hindi niya na naaalala mga urtola, ang gulo lang.

Sobrang dami nga ng nangyari kagabi, akala ko nga next week pa sila magkikita ni tenten.

forumera

  • Guest
Re: ABS-CBN: Dolce Amore
« Reply #349 on: July 16, 2016, 12:12:22 pm »
now that Roberto and Luciana are separated, naisip siguro ni Serena na alone na si Roberto so might as well samahan na lang niya, pero sana naipakita yung eksena na ganun, na mas pinili niya si Roberto kasi nga wala na makakasama papa niya.

Nakaka pagtaka lang na hindi siya umuwi ng Pinas, now that Gian Carlo is wala na sa buhay niya, pwede niya na kausapin si Tenten to explain, e kelan lang naman yun. Hindi naman siguro niya alam na galit na galit na galit si Tenten sa kanya, saka kung makakapag explain siya maintindihan naman ni Tenten yun, plus back up-an pa ng parents ni Tenten.

Yung angulo na si Luciana ang nasa likod ni Vivian, parang t**** lang yung writers pag na push yun, Luciana is part of Marchesa Empire, bankrupt na ang Marchesa, tapos siya pa din nakabili ng naiwan ng Marchesa, hehe labo. Ganun siya kayaman e bakit kailangan pa magpasalba sa De Luca noon?

Sayang talaga ang LizQuen.

young_maiden

  • Guest
Re: ABS-CBN: Dolce Amore
« Reply #350 on: July 16, 2016, 12:23:43 pm »
Baka magkaaway sina Vivian at Luciana sa nakaraan. Baka pinag-agawan nila iyong Italian guy na nakabuntis kay Luciana noon. Nalaman ni Vivian na may anak pala si Luciana doon sa lalaking iyon. Dahil wala naman sila sariling anak, kay Tenten na lang niya binigay fortune niya. Hahaha. Kung ano-ano na lang naiisip ko.

Weird nga si Serena. Nung una gustong gusto na sumama sa Urtola family tapos kagabi balik siya kay Roberto.

Pinanood ko ulit yung episode kagabi. Kung walang commercials, 23 minutes lang pala iyon. Sa 23 minutes na yun, dami nilang pinagkasyang mga eksena. Naging abrupt at magulo tuloy.

myjc

  • Guest
Re: ABS-CBN: Dolce Amore
« Reply #351 on: July 16, 2016, 01:56:09 pm »
Ako may Love and Hate relationship ako with DA but one thing for sure ma mimiss ko ang show na to. I'm gonna miss Liza's face on Primetime🙂 for sure matatagalan pa bago sila mag ka serye ulit or Baka ito na ang  last serye nila. Let's enjoy na lang the remaining episodes of Dolce until Aug 26 Na lang siya confirmed and final na yan. 🙂

ANJFinally

  • Guest
Re: ABS-CBN: Dolce Amore
« Reply #352 on: July 16, 2016, 02:05:34 pm »
Naaning ako sa story ng DA. Hindi ko na ito sobrang sinusubaybayan kasi sobrang dragging. Then my friend told me na i catch up ang last week epis, then ang reaction ko ay same ng inyo. As in what the??? Anyare? Dami nilang sinayang na air time sa mga nagdaan nilang epis, tapos yung nangyari last Wed-Fri ganon ganon nalang? Mapapamura ka nalang talaga nung biglang lumitaw yung nanay daw ni tenten.

Naisip ko, hindi kaya ang original story si Luciana talaga ang mom nya? But then dahil sa tinakbo ng storya, they have to improve more the character of Ten-Ten para sa come-back time is angat sya. Kaya ang naisip nila is maging anak sya ng sobrang yamang malapit ng mamatay. Nakaka-aning ang writer nito. Ginawa na nga nilang lakas maka 1900s telenovela tapos dami pang biglang talon ng story.

Naisip ko rin, a year later na - bakit hindi man lang umuwi si Serena ng Pinas to explain. Duh? Hindi na talaga realistic 'to. After ng epi last night, naisip ko tinanggal na nila ang villain, so sa Book 3 pure rom-com at light nalang. Ire-relive nalang yung love story nila.

cosmochick

  • Guest
Re: ABS-CBN: Dolce Amore
« Reply #353 on: July 16, 2016, 05:50:53 pm »
Sis myjc , really sis? Possible na last serye na ng lizquen eto? How sad naman. Although Im not happy of DAs story, I really love seeing Lizas face on TV.

pandalicious

  • Guest
Re: ABS-CBN: Dolce Amore
« Reply #354 on: July 16, 2016, 08:44:34 pm »
Ang gulo kasi ng character ni serena, parang yung serena nung book 1 na bubbly at mahal na mahal ang papa roberto niya nawala nung book 2 (which is understandable naman dahil nga sa amnesia arc) tapos biglang bumalik ngayong book 3 na at ang nawala naman yung serena nung book 2 na love naman ang urtola family. Parang disconnected tuloy yung character niya.

Ang mamimiss ko lang dito sa DA pag natapos ay ang napaka-perfect na mukha ni liza, grabe lang ang ganda :D

myjc

  • Guest
Re: ABS-CBN: Dolce Amore
« Reply #355 on: July 17, 2016, 12:03:52 am »
We don't know sis Cosmochick eh sa dami Ng artista ngayon sa ABS. Baka matatagalan pa follow up serye nila though nag patch phone si Quen sa DZMM kanina na may teleserye daw naka pitch sa kanila ni Liza. But I don't think na agad agad yun ako gusto ko magpahinga muna Sila Ng medyo matagal. Ang mahirap kasi sa light stories ayaw kagatin sa rural bagsak Ang ratings sa rural kapag kilig/ light drama Lang ang ganap panalo Sila sa mega Manila Pero sa rural Hindi Sila kinakagat. Sabi Nga Ng writer Ng DA ano gusto mo be sophisticated like FM or DA or be bakya like tambakol pero consistently high sa rural so you have to choose your poison pill. Kailangan talaga ng cliche kind of story dahil yun kinakagat ng tao. Well inexplain Lang din po sakin Yan kasi katulad nyo din ako na Kung Hindi dahil sa LizQuen hindi Ko to pinagtiyagaan.

NurseOnDuty

  • Guest
Re: ABS-CBN: Dolce Amore
« Reply #356 on: July 17, 2016, 07:08:18 am »
Late reaction kakapanood ko lang kasi ng latest episode. Naloka na naman ako. Para akong nanonood kanina ng bagong teleserye. I agree masyadong pinahaba yung mga former episodes tapos biglang ganon na lang yung latest episode? Ang naisip ko rin na since patay na naman si Gian Carlo, di man lang nag explain si Serena kay Tenten? Parang ganon na lang, totally kalimutan na? And yun nga biglang parang ibang tao na naman sina Serena and Tenten. Eh anyway, nag enjoy naman ako kahit paano sa sceneries. Hopefully nga eh ma-redeem pa nila ito. Nasasayangan ako kasi very promising pa naman nung umpisa and Italy pa man din ang setting.

Wana

  • Guest
Re: ABS-CBN: Dolce Amore
« Reply #357 on: July 18, 2016, 01:09:32 am »
Kelan matatapos yung DA? Sana pahabain pa. Huhu.

Si Tenten diba yung anak ni Luciana? So may tagong yaman pala siya, and instead of saving the Marchesa, she chose na ibigay at ipamana yun sa totoo niyang anak.

Grabe nagagalingan ako sa acting ni GC sa DA, sobrang nakakatakot siya sa scenes nya past few days bago yung last episode niya. And I am also thinking na  baka may ipapasok na pag seselosan ni Serena kay Tenten sa mga coming episodes?

Sobrang ganda ng DA. Ngayon na lang ulit ako sumubaybay ng sobra sa isang teleserye. Hindi ako makatulog or di kumpleto araw ko pag hindi ko siya mapanood.

grace.kelly

  • Guest
Re: ABS-CBN: Dolce Amore
« Reply #358 on: July 19, 2016, 12:56:21 am »
Okay na ulit ang DA sana tuloy-tuloy na talaga

euwie

  • Guest
Re: ABS-CBN: Dolce Amore
« Reply #359 on: July 19, 2016, 06:14:05 am »
OMG!!!! Kagabi lang ako ulit nakanood nito and sobrang kilig!!!! Tumigil muna ako sa panonood nun kasi sobrang cheesy tapos paulit ulit lang naman.

Feeling ko naman since 1 year ang tinalon ng story, nakapagpaalam si serena sa mga urtola na magstay na sa papa nya sa italy kasi nga magisa na lang. Siguro ipapakita rin sila eventually.  Hindi ko kasi napanood yung episodes prior kagabi so dito ko na lang base ang mga "feeling ko"  ;D

Feeling ko e si luciana nga nagpaligpit kila gc at tito. Or, dahil mafia mafia nga, e nagkataon na dun pa pinatay. Sa totoong nanay naman ni tenten, yan ang di ko maisipan ng kwento. Pwedeng related si luciana at vivian sa isa't isa. Pwedeng yung nakabuntis kay luciana e asawa pala ni vivian. O kaya kamag anak ni vivian. Parang hindi nga pwede na pakana lang ni luciana yun na kunyari si vivian ang nanay. Vivian nga ba name nun? ;D pero kung si luciana nga totoong nanay ni tenten, e napakagaling ng scriptwriter  ;D

Siguro hindi na lang inattempt ni serena mag explain kay tenten sa dami ng nangyari. Naging busy sya sa italy with their new life rin naman kasi. Tapos parang si tenten dati, natakot rin malamang si serena na lapitan si tenten.

Basta sobrang kinilig ako sa epi kagabi. Buti na lang may nag uupload sa fb. Papanoorin ko na ulit to. Ok lang pala na namiss ko yung halos 2 weeks nito kasi wala naman pala masyado nangyari.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close