watch now

Author Topic: ABS-CBN: Dolce Amore  (Read 56935 times)

pandalicious

  • Guest
Re: ABS-CBN: Dolce Amore
« Reply #320 on: July 01, 2016, 02:57:26 pm »
Bakit nga ba sobrang naging cliche na ng nangyayari dito? Hindi din ako kinikilig sa lizquen dito, maybe they're trying too hard? Ewan, basta napapanood ko nalang to kasi hinihintay ko yung born for you.
Sana tapusin na nila tapos bigyan nalang ng ibang project yung dalawa.

grace.kelly

  • Guest
Re: ABS-CBN: Dolce Amore
« Reply #321 on: July 01, 2016, 10:29:45 pm »
I think kaya hindi masyadong nakakakilig ang recent Serten moments kasi ang oa ng pacute. Maspabebe pa sila dito compared sa FM. Masyadong patweetums unlike sa FM natural lang and relatable. Tamang timpla lang. I know that this is not the fault of Lizquen, the director should be the one in control of it. Direk Mae should watch FM to understand what it is with Lizquen that made the people love them. Sa DA pilit ang pagpapakilig. Their actions and lines, hindi natural. Parang ibang-iba ang nagsulat ng FM sa DA. Ang layo sa quality. Even FM book 2 has better lines than this.

I'm really sad for LQ, this is supposedly their big break (supposedly bigger than FM given the budget) pero dahil sa story, they're losing the casual viewers.

Although I am disappointed with the turn of events recently, I am excited for the book 3 setting in europe. Basta europe I love it.  ;D And maybe I got tired of Tenten chasing Sese, parang FM book 2 lang kasi, but now the tables have turned. Sana naman ayusin nila.

Question lang mga sis, I think malapit na matapos ang Probinsyano and may paparating na jadine series. I doubt na ilalagay ang jadine sa probinsyano time slot, mature kasi theme, so mauurong ba ang DA sa probinsyano time slot?
« Last Edit: July 01, 2016, 10:32:35 pm by grace.kelly »

euwie

  • Guest
Re: ABS-CBN: Dolce Amore
« Reply #322 on: July 02, 2016, 12:51:07 pm »
Akala ko ako lang. Oa yung mga kilig moments nila. Hindi realistic. Naiinis pa ako kapag gian carlo moments na kaya finoforward ko lagi. Kakabwisit pa yung accent. Hindi na nagtrabaho. Overflowing ang pera kaya puro pa cute-an ang scenes. E ang FM nagwowork sila dun di ba. Kabwisit pa yung tito ni gian carlo. May something ako sa mga tito hehe. Ang nakakabwisit pa hindi mo alam kung ano yung totoo sa imagination at sa panaginip. Next LQ teleserye please.  Makahanap na nga lang ng streaming ng FM

Msfi

  • Guest
Re: ABS-CBN: Dolce Amore
« Reply #323 on: July 02, 2016, 09:40:32 pm »
Ako di na ako nanunuod nito, ang OA ng story.  Parang pag ma-end na ang teleserye at saka ka manuod ok lang.  Lahat kami naglilipat sa cable channel after ng probinsyano.

Balik lang ng ABS pag Born for you na

NurseOnDuty

  • Guest
Re: ABS-CBN: Dolce Amore
« Reply #324 on: July 03, 2016, 06:01:58 am »
So may book 3 pa? Wahh. i like Lizquen, pero di na rin ako masyado natutuwa sa story. Tama parang iba-iba writers nito. Ang gulo-gulo pa minsan. Yung mga characters parang nagtratransform. Naloka nga ako dun sa nagkatampuhan mga nanay nila dahil sa pangalan ng apo. Napakababaw naman. Haha. Ah basta parang ang gulo-gulo lang. Di ko lang binibitawan kasi tagal ko na ring nasubaybayan.

myjc

  • Guest
Re: ABS-CBN: Dolce Amore
« Reply #325 on: July 03, 2016, 09:58:23 am »
Sis grace kelly Jadine daw papalit sa DA second slot last season na ng DA. Sana maging maayos na pati Ang ratings Nila pababa

grace.kelly

  • Guest
Re: ABS-CBN: Dolce Amore
« Reply #326 on: July 06, 2016, 04:40:19 am »
Oh my si kuya binggoy  :'( I never hated his character pa naman kahit noong kidnap scene and may chemistry sila ni quen as brothers

^ah akala ko pagsasabayin DA and jadine. Thanks!

myjc

  • Guest
Re: ABS-CBN: Dolce Amore
« Reply #327 on: July 06, 2016, 12:10:52 pm »
Pero sis grace kelly nagulo ako.. Planned ba yun or accident?.. Medyo magulo anyway nagagalingan ako kay Matteo scary siya.

grace.kelly

  • Guest
Re: ABS-CBN: Dolce Amore
« Reply #328 on: July 06, 2016, 11:48:15 pm »
^sis planned ni GC. Ang fail nga lang ng plano. True ang galing niya, bagay sa kanya ganyang role pala

myjc

  • Guest
Re: ABS-CBN: Dolce Amore
« Reply #329 on: July 07, 2016, 09:57:01 am »
Sana isang take pa yung scene ni Enrique and Cherie Gil ilang beses sya pumiyok tapos ang galaw galaw pa.. Wala Lang nasayangan Lang Ako sa scene Na Yun with Cherie Gil pa naman.. Pero all in all gumaganda na story niya.. Still wonder Kung babalik pa ba memory ni Sese.

P.S. Super Ganda ni Serena sa black outfit Niya kagabi grabee.. Super classic Lang Ng beauty😍😍

young_maiden

  • Guest
Re: ABS-CBN: Dolce Amore
« Reply #330 on: July 08, 2016, 03:34:53 pm »
Natawa ako sa confrontation scene nina Tenten at Giancarlo sa hotel. Anong klaseng hotel naman iyan? Wala man lang sariling guards para awatin ang magkalabang kampo. Mga bodyguards pa nina Giancarlo at pati sina Roger at Leo pa ang umawat. :D

lenjeearroyo24

  • Guest
Re: ABS-CBN: Dolce Amore
« Reply #331 on: July 10, 2016, 04:39:17 pm »
im addicted here.haha good tv show

grace.kelly

  • Guest
Re: ABS-CBN: Dolce Amore
« Reply #332 on: July 14, 2016, 01:09:47 am »
May assassin, may runaway bride, may habulin ang kotse na parang may laban ang legs mo sa bilis ng kotse. Nothing can be cliche-er than that  ;D Akala ko malala na ginawa nila kay Kate, masmatindi pa pala ang ginawa sa character ni Gian Carlo. Yung linya ni Tenten kanina na naduwag si Serena, linya dati ni Agnes. Lol. Next time wag na sana yang head writer na yan ang ibigay nila sa LQ.

Pero dahil Europe scenes na, I will watch every night na ulit. But I think marami pa rin Pinas scenes kasi malalaman pa ni Tenten kung sino magulang niya.

young_maiden

  • Guest
Re: ABS-CBN: Dolce Amore
« Reply #333 on: July 14, 2016, 09:40:42 am »
^ Sinira ng mga writers character ni Gian Carlo. From Dr. Jekyll to Mr. Hyde lang ang peg. Gusto ko pa naman siya dati nung di pa siya masama.

pandalicious

  • Guest
Re: ABS-CBN: Dolce Amore
« Reply #334 on: July 14, 2016, 11:13:06 am »
^ true, ni walang indication na may ganyang side siya noon, buti sana kung masama talaga siya tapos nagbago lang for serena kaso talagang parang prince charming siya noon.

young_maiden

  • Guest
Re: ABS-CBN: Dolce Amore
« Reply #335 on: July 14, 2016, 11:51:38 am »
^ Noon para siyang example ng guy na almost perfect na eh. Siya yung guy na pinalad sa lahat ng aspeto sa buhay. Lovelife na lang kulang. Kaso itong mga writers nagpasok pa ng mafia angle sa buhay niya. Super sayang siya.

cosmochick

  • Guest
Re: ABS-CBN: Dolce Amore
« Reply #336 on: July 14, 2016, 11:56:23 am »
UU nga... I was rooting for Gian Carlo and Serena eh... Actually, I am really disappointed with the story. Di na believable. Di na realistic. Buti na lang magagaling ang artista.
beautiful faces and magaling mag act. That's DA's saving grace.

cjwen

  • Guest
Re: ABS-CBN: Dolce Amore
« Reply #337 on: July 14, 2016, 12:46:11 pm »
^Agree.  And full of cliches na, but I'm still a fan.  Yan talaga concern ko when I learned na hanggang September pa DA.  Sa haba e kung ano-ano na ipapasok na conflicts.  Even sa FM, super perfect for me ang Book 1 then ang dami na ring WTF moments sa Book 2.  Though its not fair to compare DA and FM, iba rin naman ang DA.  Generally good pa rin naman ang DA for me.  Grabe rin kasi mga dramatic scenes nila dito like yung death scene ni Kuya Binggoy and one of my fave yung sa wake na eksena ni Luciana and Tenten. Re Serten sweet scenes, gustong-gusto ko yun hahhaa LQ fan kasi ko kaya siguro gusto ko yun  ;D

But I'm excited for Book 3/Italy scenes.  Sana lang mas realistic na ang mga eksena.  Also looking forward sa back story ni Tenten since may scene si Luciana na parang its telling na si Tenten ang anak nya (another cliche, I know!  ;D )

NurseOnDuty

  • Guest
Re: ABS-CBN: Dolce Amore
« Reply #338 on: July 15, 2016, 01:14:08 am »
So mukhang confirmed na nga ang season 3.
   
Bakit nga kasi minurder ang story nito? Haha. Nung una parang good vibes tsaka light lang. Kaso nagiging medyo dragging na lately. And napapailing na lang ako sa ginawa nila sa character ni Gian Carlo. I think he's good at portraying his new character pero yun nga parang all of a sudden ibang tao na siya.
 
Sana naman mag improve na yung flow ng story sa season 3. Eto lang sinusubaybayan kong teleserye ngayon eh.

khaleesiCersei

  • Guest
Re: ABS-CBN: Dolce Amore
« Reply #339 on: July 15, 2016, 02:15:48 am »
Sobrang roller coaster ang flow ng story ng DA, buti na lang talaga ang ganda ni liza, ang gwapo ni enrique at pareho silang magaling umarte. Naiinis din ako sa ginawa ng writers sa character ni giancarlo, mas ok sana kung nag give way na lang siya tapos pinartner na lang siya kay angel hehe i know cliche pa rin pero mas ok siguro yun kesa yun parang nag eexperiment sila kung ano bang klase ng teleserye ang da, kung light ba o heavy drama o action haha! tsaka nasasayangan ako kay cherie gil, parang naging pan display na lang siya dun. Tsaka nagulat ako nun pinatay yun character bigla ni binggoy after nila ibuild up ng slight yun loveteam nila ni angel. Naisip ko nga ang tanda naman ata masyado ni kean for sue hehe sana si matteo na lang may pagka babyface pa. And parang ang corny nun funeral scene, na they were trying to make it light and funny for binggoy pero basta ang corny ng kinalabasan. Soo anyways yun lang naman ang mga reklamo ko hehe pero papanoorin ko pa rin siya especially now mayaman na si tenten hehe

 

Latest Stories

Load More Stories
Close