Hello mga sis.. ang tagal ko na naman nawala dito but nice to read all your stories.
Thanks pala sa nagsend ng link for the shopping list thread, hindi ko na maalala kung sino sa inyo mga sis but thanks! Wala pa din akong nabibili na kahit ano but last weekend we looked at more travel systems (pram, buggy and carseat). Its a travel system dahil ang carseat pwede ilagay sa base ng stroller mismo para madali mag-transfer. Then the base pwede carry cot (nakahiga si baby) or pwede din normal na stroller. Isang base lang sya tapos palit-palit lang ng pang-carry.

ang mahal ng gusto ko. gusto ni hubby mura lang. hehe..
Mga sis pag matigas ang tyan ninyo as in matigas talaga? parang hindi ko naman nafi-feel yan. pag busog lang parang matigas pero feeling ko dahil sa food.
Hinihimas ko din ang tummy ko dahil nabasa ko din na baby can feel movements. Si hubby din naghe-hello kay baby dahil nakakarinig na daw sila.
Masakit na din likod ko sa gabi!

at this week feeling ko super pagod ako. ang hirap gumising sa umaga.
crzysxyclminsan din kumakati tummy ko, minsan nakakamot ko din. sabi nga nila bawal kuko kaso hindi ba kasabihan lang ng matatanda un?
sweetiejam hope okay ang result ng urinalysis mo.
aNgelofThEMorning i have babycenter in my phone din, i downloaded the app. Then I also have pregnancy++ and whattoexpect na apps. Plus I have the book what to expect when you are expecting.
Mga sis, kwento, I went to the OB kanina, ang tagal namin nag-antay tapos mga 5 minutes lang ako chineck! blood pressure lang then scan kay baby. worth it naman ang pag-antay dahil may scan. all looks good daw tapos un na un. Tinanong ko ang OB kung hindi ba ako iwe-weigh. sabi lang nya 'you look good to me, you're fine' so ako okay sige. He gave me din fit to travel for our weekend trip tomorrow. I haven't been prescribed to take anything. Feeling ko nga parang relax lang sila. Siguro okay naman lahat, sana! When i went to my GP naman last time (dito sa amin may option na share ng GP and hospital ang visit) sabi nya if there is a problem, the hospital will let me know and will let them know para maalagaan ang patient.
Ay nagbigay din pala ako ng urine sample earlier. Last time I went to the hospital, 8 weeks ago, they also took urine sample. I forgot to ask for the result. Nung tiningnan ng midwife ang record ko wala naman sya sinabi so I assume okay lahat. May nauna sa akin narinig ko sabi lang ng midwife 'continue your iron.' Alam nyo ba kung bakit nila need ng urine sample? in two weeks pa ang GP appointment ko.
Oh I bought new tops pala dahil two weeks ago bigla na lang akong lumaki and ang sikip na talaga ng mga damit ko or bitin na sa tummy.

Need ko bumili new work clothes. Im 24 weeks today.

Safe pregnancy mga sis!