watch now

Author Topic: Obligasyon ba talaga ng anak na buhayin ang magulang after makapagtapos? PART 2  (Read 27989 times)

mysterioza_me

  • Guest
Yan mga nasabi mo sis nagawa na nila. Pinagtapos niya ng 4yr course ang isang kapatid and nagTESDA ang isa pero ganun pa din. Nagpapadala pa din ang tatay and sis pambayad ng mga bills and budget sa food. Sa nakikita ko sa kanila tamad sila maghanapbuhay lalo na yung mga babae. Akala ata komo babae sila dapat pakakainin lang sila. Extreme level ng tough love ang dapat gawin siguro.

britzm

  • Guest
yes to extreme tough love siguro.
though marami din draw backs to like yun nga sa tatay.kung tinigil mo na ang pagbigay ng pera pero magmamakaawa sa tatay na magpadala.
or mangutang ng mangutang tapos paawa na eh kasi wala na daw sila makain.
or ibenta/isangla yung bahay, hindi bayaran ang bills etc.
syempre samaan na ng loob yan. pero kung hindi pa rin sila pinansin, siguro naman magkusa sila magbanat ng buto. (hindi naman talaga ako pusong bato, bigyan ko siguro sila kahit 1 or 2k a month. pag dumaing, wapakels)
andyan din kasi yung mentality na pag may abroad, mayaman ang tingin nila sa tao. kahit naman ako ignorante dati. akala ko pag abroad parents ng classmates ko mayaman sila.
and then nag abroad na ako. dun ko narealize na kahit anong explain sa tao, basta never naka abroad hindi nila maiintindihan.
tough love + breaking the cycle. sa mga anak natin, tigil na yang pag nakapag work sila magpapa aral sa mga kapatid nila o bubuhay sa parents.
iba sakin ang bubuhayin ang parents sa tutulong ng pakonti konti.

mysterioza_me

  • Guest
True mga sis. Sa ngayon pinaghahandaan ko na retirement ko kasi ayaw ko maging pabigat sa anak ko. Kung magkaroon man siya ng kapatid ayaw ko na sa kanya iasa pampaaral ng kapatid niya kasi di niya obligasyon yun. Obligasyon ko yun bilang magulang.

mamey

  • Guest
True din mga sis yung about sa pag tatrabaho abroad then lahat ng tao akala sayo mayaman na. Kaya minsan naiinis din ako kasi pag nangungutang si mama sa ibang tao tapos sasabihin na bakit daw nangungutang eh may anak na nasa abroad. hay nako talaga. tapos pag uuwi ng pinas ineexpect meron kang ibibigay sakanila everytime.

sarsingkit

  • Guest
^True. Same reason why I am not encouraged to visit Pinas. Parang sobrang gastos pag umuwi. Ipadala ko na lang sa parents ko yung money.

izabelle

  • Guest
Meron kasing maling attitude at pag iisip ang ibang Pinoy.

Kapag may pera ka or nasa abroad ka, obligasyon mong tumulong at magbigay ng pera which is mali. Kaya naabuso yung iba minsan e. Dinadaan tayo sa "obligasyon" at "utang na loob".

Yung iba, obligasyon ng panganay na anak pag aralin ang mga kapatid - e hello noh, anak ng anak tapos hindi mo pala kayang pag aralin lahat.  :-\

Iba iba ng situation ang bawat tao pero for me, walang obligasyon ang anak na buhayin ang magulang. Siguro mas ok pa, bigyan mo ng business or pangkabuhayan para hindi nakaasa lifetime.

Also, gawin natin lesson iyon sa buhay natin na para kapag tumanda tayo at nag retire, dapat may sarili tayong pera at investments para hindi tayo hihingi sa mga anak natin at hindi maging pabigat.  Kailangan kasi paghandaan ang pag tanda talaga.

Habang nagpapalaki ng anak, huwag lahat ng pera ilaan sa anak, mag laan din para sa sarili, kasi darating ang panahon, hindi ka naman na makakapagwork. So, dapat may retirement fund kahit papano.

mysterioza_me

  • Guest
Naalala ko bigla neighbor ng lola ko sa prov. Umuwi siya ng Pinas pero di nila nakita na naglalabas ng bahay ang dahilan daw wala kasing pasalubong para sa kapitbahay. Bakit di ka lalabas ng bahay dahil lang walang pasalubong? Wala siyang obligasyon na magbigay ng pasalubong kung di niya afford at kung ayaw niya talaga. Pinaghirapan niya ang pera niya kaya gamitin niya para sa sarili niya at di ipampasalubong sa kapitbahay.

Youngest sis ko naka-abroad pero siya ang katwiran bakit magbibigay ng pasalubong sa tao na di naman nakatulong sa kanya. Kung magbibigay man siya dun lang sa nakatulong sa kanya at sa nagbibigay din sa amin. Pero kung walang ilalabas, wala talaga.

Ang hirap din kasi sa Pinoy na di nakaranas mag-abroad mahilig mangantiyaw e. Kaya para di nalang mapahiya yung balikbayan nanlilibre/nagpapainom or nagbibigay ng pasalubong.

MoonshineLady

  • Guest
yan ang mahirap kasi sating mga pinoy. mga ugali na naimprint sa utak nten since bata pa kaya hindi mabali bali. hindi naman kasi porket yang ugali or paniniwala na yan ay ininstill ng mga magulang mo sayo eh tama yan or dapat sundin yan. marami akong narealize at natutunan na hindi lahat ng tinuro ng mga magulang or nakakatanda satin ay tama. if our parents made that mistake on us, then we as adults and parents to be or already parents should not make the same mistake as well. we should instill in our children that its not and will never be their obligation to burden themselves of helping us when we are older. we as parents have to make sure that we have more than enough funds to support our lives when we retire. ako hangat kaya kong magtrabaho kesehodang may trabaho at pamilya na anak ko, i will never stop working and earning money.

mysterioza_me

  • Guest
^True sis kaya as early as now nag-iipon na ako for my retirement. Ayaw ko maging pabigat sa anak ko pagdating ng araw mas mahirap pagnakatyempo ako ng salbahe at madamot na manugang lol

DeathToMondays

  • Guest

geraldita03

  • Guest
nagtatampo ako sa parents ko kasi they do not want me to save. they want the big portion of my salary kasi ibabayad sa utang. sabi ko naman sa kanila na magbibigay ako and naka budget na yung money ko perp may precentage naman talaga sila sa salary ko. hindi ko lang gusto sa opinion nila. am i being a bad daughter? kelangan ba ako sumang-ayon sa kanila? ilang percentage ba sa salary ang ibibigay sa parents monthly? they are both government employees pero marami utang. i have a brother kakasimula lang din sa work and my youngest sister is still schooling.  ayaw ko matulad sa kanila kaya gusto ko mag save and sana mag invest in the future. di nila ako naiintindihan dahil talagang gusto nila bayaran ko some of their utang. huhu. please enlighten me.

sarsingkit

  • Guest
Just tell them na you can contribute a small amount. I send money to my dad monthly din pero lagi ko lang sinasabi na yun lang ang kaya ko ibigay kasi my a potion of my money is already going to my son's future. You are correct,it is time that we cut the cycle of umaasa sa anak.^

mysterioza_me

  • Guest
^alam ba ng parents mo magkano ang sinusweldo mo? Mahirap kasi kapag ganyan, agad nagmemental compute sila magkano ang expenses mo and magkano ang matitira kaya magdedemand sila ng higit sa kaya mo (i mean di nila isasama sa expenses yung mga akala nila e luxuries lang but necessities for you and yung amount na you set aside as ipon mo kaya akala ni malaki talaga ang matitira pa).

Kung di naman makakabigat sa iyo allot a certain amount lang for utang. Kunwari 500-1k per cut off for utang and tell them yun lang talaga kaya mo since nagbibigay ka na ng share sa bahay. Its not fair din naman kasi na ipapasan lang sayo lahat ng utang

Aftergl0w

  • Guest
For me hindi. Hindi naman kasi sinabi ng mga anak na ilabas mo ako sa mundong ito para buhayin kayo paglaki ko. It is the parents' choice in the first place to have a child or not. Ideally, responsible parents should have enough to sustain them until retirement or old age so that they won't have to depend on their children. One day, the children too will have responsibilities and obligations of their own. They will also have to live their dreams and build their own family.

BUT, syempre out of love and respect, children shouldn't neglect their parents completely. Old age also comes with limitations. One day, it will be a challenge to even walk or take themselves for a medical check-up. Who else could they depend on? The children of course. But like what I said, it should be done out of love, respect, and gratitude on the children's part. In my observation, children first learn to love from their parents. Pag pinalaki silang mabuti at puno ng pagmamahal, caring for their parents would only come naturally. Even to the point of financially supporting them if kaya nila. It wouldn't come off as an obligation.

kvandenhaak

  • Guest
I was just talking to my cousin who is in Dubai. She's looking for a better job. She's managing but she can do better at gusto daw nya makapagpadala sa parents nya. Yun naman daw ang reason kung bakit sya nag-abroad. I was like, "It's not your responsibility. Mag-ipon ka para sa 'yo. Yung matitira, you can send it to your parents. Otherwise, vicious cyle yan. Pagtanda mo wala kang naipon at aasa ka rin sa mga anak mo."

Minsan mga anak di may kasalanan kung bakit palaasa ang mga magulang. I don't know, dahil gusto ba natin to paint a picture that we are good children? Kapag inuna ba natin sarili natin masama ba tayong mga anak?

mysterioza_me

  • Guest
^Iba-iba katwiran ng mga tao sa ganyang situation. Yung iba gusto to "pay back" dun sa pagod at hirap ng parents nila at ipa-feel ang ginhawa lalo na yung galing sa super poor family na literal na iginapang yung pag-aaral ng anak. I don't see anything wrong sa pagtulong sa magulang ng kusa ibang case din naman yung inoobliga sila ng magulang nila to help.

Ang mas nakaka-off sa akin is yung pagtulong sa kapatid hanggang sa pag-aaral ng pamangkin, dyan ako pikon na pikon sa mom ko. Inako na obligasyon ng mga kapatid niya sa pagpapaaral ng mga anak. Yung magulang may pansugal at bisyo tapos walang panggastos sa pag-aral ng anak.

Girltalker2

  • Guest
^
'I don't see anything wrong sa pagtulong sa magulang ng kusa ibang case din naman yung inoobliga sila ng magulang nila to help. '

I think sa pagtulong sa magulang, kailangan Yung mindset mo ay to help talaga and assist them in their old age.

May iba kasi, they supported their parents and kids, kaya they expect the kids to support them in return.

lonely_dad

  • Guest
me kilala nga ako 90+ yrs old na veteran siya pa nagpapaaral sa mga apo niya  :o
yung mga anak naman wala na nga trabaho panay pa ang anak

mysterioza_me

  • Guest
^^Agree, yun bang kalingain ang magulang at alagaan pagtanda kasi wala ng lakas maghanapbuhay. Pero ibang usapan yung nagpaaral ng anak para kapag  nakatapos obligahin na magpaaral naman ng mga kapatid. I don't see anything wrong sa pagpapaaral ng kapatid kasi nagpaaral din ako ng mga kapatid pero dapat kusa yun. Nakakasama lang ng loob kapag inoobliga ka to think na hindi mo naman obligasyon magpaaral dahil kapatid ka lang  naman.

^Fault ng parent yan, dapat kasi tigasan nila ang dibdib nila paminsan-minsan. Hindi matuto ang mga anak niya habang may tagabuhay sila, ayan nga o anak pa ng anak kasi alam nila na makakakain naman sila maski di sila maghanapbuhay.

LisaSupe

  • Guest
oh my thats so sad kung naka graduate na ang bata sa college tapos wala ng ginawa kung hindi gumawa ng gumawa ng anak at umasa sa magulang o sa lolo lola pa.

For me its up to the kids whether they will help with the expenses at home.  It actually depends if the dad or the mom needs help.  Usually nag kukusa naman na dapat ang anak pag dating sa ganyan diba?  Bad trip lang yung naka graduate na at lahat lahat eh ayaw pa magsi trabaho or mag hanap ng business

 

Latest Stories

Load More Stories
Close