watch now

Author Topic: Obligasyon ba talaga ng anak na buhayin ang magulang after makapagtapos? PART 2  (Read 28002 times)

sarsingkit

  • Guest
^Hi sis, naku I feel you. Regarding your husband's car, I say, don't feel guilty. If he is working hard to earn money then he deserves that car. I am for sharing my blessings to my family but my husband deserves a good life too. My husband and I live overseas to and sometimes may mga bagay na ginagawa namin na mukhang luxury sa mata ng mga tao sa Pilipinas. Instead of feeling guilty, iniisip ko na lang na, "bata pa lang ako pangarap ko na to. I made a step to achieve it and I don't see anything wrong with it." Hindi ko naman sila pinapabayaan.

icegayle

  • Guest
^^ Sis I feel you, si mom mo kasi sanay na lageng may pera ganon din sa sitwasyon ko ngayon. We used to travel kasi husband ko hilig magtravel, he  buys me whatever I like, jewellery, expensive bag na ni minsan hindi ko naisip na magkaroon ako. So my mother thought na dapat kung ano meron ako dapat may kabahagi din sila. Ano yun? Its my husbands gift and kung may bibigyan ang husband ko na iba sympre sa totoong nanay nya sa MIL ko. Ewan ko ba everytime na magsasalit ako na wala akong pera, ang sagot sakin lage ka na lang ganyan walang pera but totoo naman kasi hindi naman ganon kalaki sahod ko, even ng mamatay lola ko nagloan pa ako sa office para may maipadala kasi mahirap naman iasa lahat sa asawa ko at yun mga magagaling kung tito at tita ni singko walang pinadala samantalang ina nila yun namatay. Hay naku ang dami pang issues kung pwede lang isa isahin ko.

pocahontas

  • Guest
I think hindi naman obligasyon ng anak na buhayin ang magulang after makapagtapos. Kung ano lang ang kaya ibigay ng anak yun lang. Hindi dapat magdemand ang parents.  Sabi ko nga sa tatay ko nung pasaway pako e "You brought me into this world so I'm your obligation"

Ayaw kasi ako pag aralin ng tatay ko sa college gastos lang daw yun at babae naman daw ako. Pambahay lang daw. Ang masakit nun e hindi naman sya ang nagpapaaral sakin kundi mom ko (hiwalay sila)

Pero kahit na ganun tatay ko binibigyan ko padin sya monthly mula nung nagkatrabaho ako. Khit ngayon na married nako binigyan ko padin sya. Hindi nga lang ganun kalaki pero atleast may regular allowance sya galing smain mag asawa. Yung mom ko diko na binibigyan kasi mas madami pa sya pera kesa sakin. Nililibre ko nalang sya kain sa labas pag umuuwi sya sa Pinas.

jen_rose27

  • Guest
sis sarsingkit & icegayle

Korek kayo dyan. Kadalasan pag nagpopost kami sa Facebook tingin nila talaga ang yaman namin. Syempre hindi maiiwasan na huhusgahan ka ng mga kamag-anak mo din. Akala kasi nila kapag dollar earner eh marami naiipon. Tapos kapag nagdadamot ka, ikaw pa masama. Kung gaano kalaki sahod dito ganun din kalaki mga expenses tapos may tax pa! Nagshshare naman ako pag may extra and pag special occasions like birthdays and christmas pero hindi monthly.

icegayle

  • Guest
Ako nga sis monthly eh, tas gusto pa magdagdag. Minsan nakakapagod na tapos sila pa may ganang magalit.

sarsingkit

  • Guest
I also send monthly. Yung dagdag yung hindi ko maiwasan na uminit yung ulo especially that my husband does not need to send money to his family. Pag Christmas lang sya nagpapadala and a few treats pag birthdays. My husband earns more than I do and sometimes I can't help but mahiya kay hubby kasi hindi na nga sobrang malaki yung sweldo ko, ako pa yung malakas magpadala ng pera sa pilipinas. My dad naman is not maluho pero ang hirap lang if I am the main provider while I have an older sister who still lives with my dad. Haay. But then, sabi nga ni MIL, mas masaya if ikaw ang tumutulong kesa ikaw ang tinutulungan.

mysterioza_me

  • Guest
^swerte mo sis ganyan katwiran ng MIL mo kung sa iba yan dami ng nega na nasabi sayo and sa family mo.

Girltalker2

  • Guest

One thing I'm thankful for is never ako nakarinig sa parents ko ng any sumbat. Never ko rin sila nakita nagyabang sa friends nila. Not humingi ever. Sometimes I see some parents kasi yabang ang umiiral sa kanila at gusto ipakita sa friends and relatives nila that they're comfy in life but in reality, aasa lang sila sa anak. So in a way, these parents are 'pressured' to keep up with the Jones.

My parents have lived simply ever since and I've seen them strive hard and remain humble. Di mo akalain na super tipid sila when we were young, wala kaming luho. Only to find out it is all because they had to support my grandparents, secure their retirement, and even supported us in our first house once me and my siblings got married. Ngayon, tuwing mag aabot kami, lagi nila iniintindi kids namin. They would always say, "itabi mo nalang iyan, marami pa kayong gastos sa school at sa pagpapalaki ng mga bata. Kami wala na masyadong gastos."

Kaya nung na encounter ko in laws ko from my ex, nakupo. Hingi dito, Hingi doon. Kasi gusto daw nila pumunta ng US, eh naka ilan punta na kaya sila several times. Sinasagad kasi nila gastos monthly and they keep savings for themselves. Pero expect nila you have to give them MONEY (all caps) during special occasions kasi they want to buy iphone stuff or signature bags etc. Tapos pag sila naman nagbibigay sa mga apo, ang kukuripot kasi logic nila 'mayaman' naman daw kami. Duh?! San kaya nanggaling yun? Naka 10 palit na sila ng phones with gadgets and laptop galore whereas Ako never did I bought a single handphone for myself. Lalo pa parents ko text text lang ng phone happy na sila... Hay iba iba talaga mentality ng tao, and lumalabas talaga yung natural Colours/Sungay nila once they're old na kasi alam nila di mo naman sila mahihindian or mababastos.

px17

  • Guest
NO. Lalo na kung may sarili ka ng family. Pero iba iba kasi tayo ng situation and priorities, may iba na hindi na nakakapag asawa, parents nalang pinag gagastusan. Pero pag may own family na okay lang kung magbigay or hindi magbigay. If you have enough naman why not diba? pero kung sakto lang, ipaliwanag nalang. Sure naman ako alam ng parents kung gaano kaihirap kitain ang pera pwera nalang kung mula noon noon eh umasa lang sila sa ibang tao/kamag-anak.

In my case since my dad is earning never pang tinanggap ng mom ko binibigay ko sakanyang money. Ginagawa ko nalang nililibre ko sila, paunahan nalang magbayad. and single pa naman ako so wala pa kong pinag gagastusan and still living with them.

mamaGie

  • Guest
^^Pareho tayo ng parents. Mga magulang ko, hindi mo maririnigan na manghingi. Mas inuuna pa nila mga apo nila. Siguro dahil may business pa rin kasi sila at may pensyon din ang tatay ko. I also live with them, may family na rin ako. Nasubukan na rin namin ni hubby na bumukod, pero napakiusapan ako ng mga kapatid ko na bumalik sa bahay namin dahil wala daw titingin sa knila lalo na at may edad na sila pareho, na- mildstroke na kasi tatay ko at nadala kami dun dahil madaling araw nung isugod namin sya. May mga kapatid ako na nasa abroad, pero kahit minsan, hindi mo sila marinigan na humingi. What we do, kaming mga magkakapatid, since hindi nga sila palahingi, we spoiled them with kain sa labas, or kapag anniversary nila, treat namin sila out of town. I can say na napakaswerte namin na sila naging parents namin.

I also believe na hindi obligasyon ng isang anak na buhayin ang magulang, ang obligasyon mo ay dapat sa magiging anak mo naman, sila ang dapat mong alagaan, buhayin at pag-aralin.

jen_rose27

  • Guest
May mga parents talaga na considerate at meron naman na saksakan ang panunumbat syo. Nag-away pa kami minsan ng mom ko kasi sabi nya sa akin may hinanakit daw sya. So tinanong ko ano yun, sagot nya pag daw dumating yung panahon na kelangan nya ng financial help sa akin ay hindi nya ako maaasahan. Kesyo hindi daw nya pinabayaan magulang nya noon so bakit daw kaming mga anak nya eh pinababayaan sya. So sagot ko sa kanya, pera ba ang basehan para masabi mo na pababayaan kita? Hindi na sya nakasagot. One time nabanggit din nya sa akin na sabi daw ng mga friends nya bakit pa daw sya nagwowork eh nasa abroad naman anak mo. Inexplain ko na sa kanya na eventually magkakaanak kami ng hubby ko and I need funds for my future kids din. Sana lang maintindihan nya yun kasi dumaan din sya sa ganito eh.  :'(

BuzzPluz

  • Guest
For me I think yes it's natural na mag give back tayo sa ating mga parents lalo na if ang parents natin
ay wala ng income at tayo na lang ang inaasahan. Mas lalo tayong ma bless ni god  :)

reigne17

  • Guest
this is also my dilemna right at this moment:

i am married with a 2 year old daughter. my daughter was diagnosed to have a communication disorder last january kaya may speech therapy every week and next month we have to pay her summer school kasi need din un for her socialization. my dilemna right now is hindi ako nakakaabot sa bahay dahil jan.
pero bakit parang ang sama ko na sa kanila?? to think na nagbibigay naman ako pag maluwag ako.
hindi naman ganun kalaki sahod namin mag asawa. unang una nakabukod kami sa kanila. so we have to pay our own bills and rent. we have a yaya din na pinapasahod. at siyempre we are trying to save for our daughter's future.

this mahal na araw kasi my older brother susunod na rin sa hipag ko sa canada, they want us na umuwi sa province dahil nga sa financial obligations namin stated above hindi kami makauwi. minasama na nila. to be honest lagi na lang silang ganyan everytime na hindi ako makabigay meron at meron silang nasasabi sakin. ang tanong ko ngayon? ako ba ang mali. nabanggit ko naman sa kanila by april or may ako ulit makakabigay kasi maluwag kami nun. ang hirap naman kasi. panu naman kami. hindi namn pwedeng ubos ubos biyaya ang sahod. at hindi kami mag iipon.

wala kaming ibang kamag anak dito. literal na kaming mag asawa at anak ko. kaya sariling sikap talaga kami ng asawa ko.

izabelle

  • Guest
Depende sa situation and priorities. pero ako, ito opinyon ko sa ganito.

Hindi dapat ginagawang investment ang anak na kapag wala ng work magulang, e anak nila bubuhay sa kanila.

Para sa akin hindi dapat pilitan yan to the extent na may magiging issue na financially ang anak, Ok lang kung super willing si Anak. Why not diba? pero kung hindi talaga keri financially ni anak, I don't think it is proper to oblige your child.

Para sa akin, obligation ng magulang na paghandaan ang retirement nila. I think isa ito sa pinaka magandang pamana sa anak natin yung maihanda natin sarili natin pagtanda para hindi tayo nanghihingi.

Ito kasi laging sinasabi sa akin ng parents ko non. Na dapat daw when we grow old hindi kami aasa kahit kanino, kahit pa sa magiging anak namin.

I'm just really blessed, ni isang sentimo never nanghingi dad and mom ko sa amin magkapatid.

But again iba iba situation ng bawat pamilya. Meron kasing hindi talaga napag handaan ang retirement for whatever reason it is. (Single parent, nagkasakit, etc)

kizz2kill

  • Guest
I consider this Filipino tradition as a cancer of our society. It goes like this

Si Nene at Totoy maglalandi or magbubulakbol, hindi makakatapos ng pagaaral or mabubuntis agad > Kakayod and will get minimum wage > Ikakayod ang anak para makapagaral. Swerte na kung mapagtapos ng 4yr course. Madalas HS lang > Ang mga anak magtatrabaho. Minimum wage din > Magbibigay sa magulang di bali nang hindi makapipon > Mag aasawa at ikakayod ang anak then aasa na naman sa kanila pag nakatapos na ng pagaaral. The cycle goes on and on and on.

Now that I'm starting a family, I'll do my best to break this cycle or even reverse it. Something like this

Ako ikakayod ang anak para makatapos ng pagaaral. Ipaiintindi ko sa kanila ang importansya nito. Sasanayin ko din sila magbudget ng pera nila. Worse comes to worst at maging isang kahid isang tuka pa din ako after they finished school, Hindi ko iaasa sa kanila ang pangangailangan ko! Maglalako ako ng balot kung kinakailangan para lang mabuhay. I will never burden my kids for the mistakes I did in the past.

Sorry for the lengthy post.

icegayle

  • Guest
^true sis, agree to this post.

iam_me

  • Guest
hindi naman obligasyo, responsibility naman ng magulang natin na pag-aralin at pagtapusin tayo. depende kasi sa sitwasyon katulad ko nakita ko kung pano nahirapan mag work yun mother ko and at the same time walang ibang tutulong sa kanila financially hindi ko naman sila kayang tiisin kasi mahal ko sila kaya kasama sila sa budget ko talaga yun  na lang yun pagtanaw ko ng utang na loob sa kanila kung ano ako ngayon at kung ano yung narating dahil sa kanila kaya hangat sa makakaya ko bubuhayin ko sila :)

bluish_mommy

  • Guest
Ang isa din kasing ginagawang kulang ng mga magulang, oo pinag aral nga tayo pinatapos, pero hindi nila pinaghahandaan ang pagtanda nila. Dapat parallel ang pag iipon/pag iinvest for the retirement at pagpapa aral sa mga anak, para pagdating ng panahon yung asa factor wala na, putol na yung cycle ng asa asa sa mga anak.

Girltalker2

  • Guest

^ what if limited ang income?

I think some parents would say ginapang nila ang pag aaral ng mga anak nila to the point of sacrificing their retirement.

If you are on their shoes, you only have 500k kunwari. Would you send them to school or save it for your retirement? Say yun lang ang ipon nila and sakto lang kinikita. Then sometimes you can't tell the future, what if some savings for retirement eh na scam or nalugi negosyo?

j.adore

  • Guest
There are testimonials of people with limited income who were able to do this successfully. Kaya din they are saying na it's not in the amount of money but in the financial literacy.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close