watch now

Author Topic: Obligasyon ba talaga ng anak na buhayin ang magulang after makapagtapos? PART 2  (Read 27960 times)

j.adore

  • Guest
Link to previous thread http://www.femalenetwork.com/girltalk/index.php/topic,260880.600/topicseen.html

And yes, I agree dapat may set budget lang. Only if matter of life and death sosobra dun pero dapat pagkasyahin nila no matter what.

Girltalker2

  • Guest

^ or kung higit naman ang gusto mo ibigay, (take note gusto - bukal sa loob mo), okay lang din. Ang hirap kasi sa iba, you're giving extra nanga, tapos they still want more, otherwise sila pa galit. Mali naman kasi yun.

j.adore

  • Guest
Most wouldn't know naman alin ang extra sa hindi unless alam nila sweldo?
And if they ask more tapos binigyan, they think ang dami pera not knowing how the money was sourced (sometimes utang).

snowkeis

  • Guest
Depende siguro ito sa sitwayon ng isang pamilya. Pero para sa akin hindi dapat at lalong hindi dapat isumbat, dahil obligasyon nila bilang magulang na pag-aralin at buhayin tayo.

nixmusic

  • Guest
^agree. mas mahirap pa kung hindi ka na nga pinag-aral, umaasa pang ikaw ang mag aangat sa kanila sa hirap.  ::)

vanitygirl

  • Guest
For me, hindi talaga sya obligasyon. Nasa anak na lang yun kung pababayaan nya na lang parents nya, right?

reigne17

  • Guest
nope  :D pero nakasanayan na kasi natin na kahit papano nag-aabot pa rin tayo ng pera sa mga magulang natin.

chikit

  • Guest
May alam ako na family ganyan.  Ang dami nya anak parang 8 ata tapos pinapag abroad lalo na yung mga lalaki.  Ang na turn off ako is yung ikakasal yung isa sa mga anak nya lalaki ayaw puntahan ng father nila kase daw galit na mag aasawa na sya eh hindi pa daw sya nakakatulong sa kanya.  Take note the father abroad nag work all his life, wala sila sarili house, yung mga anak sa public school lang lahat nag aral yung iba hindi pa nga 4 year course ang tinapos so hindi ganun kalaki gastos compared sa nag pa aral sa private universities.

They are required to give monthly regardless if pamilyado na mga anak or hindi.  Definitely hindi sila hikaos like the others na makikita mo.  Grabe ayaw mag attend sa kasal ng sariling anak dahil lang dun when in fact dapat nga hayaan mo yung anak mo itaguyod ang pamilya nya ng wag matulad sa kanya.  Ayan may isa na naman anak ang ipapadala sa abroad, pag nag asawa to galit na galit na naman ang tatay niya for sure.

Buti na lang talaga ako parents ko marunong kumayod at mag ipon.  Actually ako nga nahihiya sa parents ko na kahit ang liit lang ng sweldo nila noon at hindi sila college graduate sila may ipon wala pa utang kaya na pressure talaga ako mag ipon kaso may credit card pa ko kaya pinipilit ko talaga mabayaran na yung card ko.

sarsingkit

  • Guest
Let me start by saying that I love my dad so much pero minsan nakakafrustrate na talaga pag kakabigay lang ng pera, hingi na naman. Tapos malalaman ko nanghingi din pala ng pera sa kapatid ko. Saan kaya dinadala ang pera? Nakakaloka. Pag tinanong kung saan dinadala ang pera, magtatampo pa. Kaya nawawalan ako ng gana umuwi sa Pinas minsan kasi alam ko na ang mangyayari. Sorry, rant over.

maruchi

  • Guest
Para sa akin di obligasyon ng anak bigyan or sustentuhan ang magulang pero yun na yung kaugaliaan ng mga pinoy eh. When my mom was still alive dati, never sya nanghingi ng money from me and pag binigyan ko naman, ibibigay din nya sa mga pamangkin ko pero minsan pag umuuwi ako sa province and punta kame ng mall yun yung time na maglalambing sya ng clothes, bags, shoes and happy naman ako na pagbigyan sya. And if sya naman bibisita dito sa akin pinapang shopping nya pa ako.hehe
Same with my hubby's parents. Talagang sabi ng dad nya na mas gugustuhin nya na kame ang hihingi sa kanila kesa sila ang manghihingi ng money from us pero syempre di naman kame nanghihingi. When we go out for dinner with his parents, ayaw kame pabayarin sa bill kahit kame nagyaya.  😛
« Last Edit: January 29, 2016, 06:55:02 pm by maruchi »

gelitorres

  • Guest
For me, it's not an obligation but more on helping your parents if they are not that well off. They are your parents after all :)

icegayle

  • Guest
Obligasyon ba na suportohan financial ang parents?
« Reply #11 on: January 31, 2016, 04:35:15 pm »
I need your advise. Im living abroad with husband and 1 son. My parents both retired na umaasa lang sa SSS pension and padala from me monthly. I have a brother,  hes working married no kid. Weekdays sa amin sya nakatira, sa parents ko and weekend umuuwi sya sa apartment nila ng wife nya since sa Manila nagwowork and wife nya at sya naman sa probinsya. In short lahat ng expenses sa amin pa din kahit may asawa na sya. Laba, plants, telepono, food, internet, kuryente sa amin ang alam ko hes giving 2-3k a month sa parents ko. Minsan nakakasama lang ng loob kasi parang naoobliga ako na kelangan magpadala kahit may expenses at short din kami. Nakausap ko na brother ko pero reason nya kelangan din daw nila magipon lame excuse! Na para bang kami walang karapatan magipon at lahat ng gastos e burden namin at sya wala. Minsan may time na nagtatampo na ako sa parents ko kasi hanga ngayon parang baby pa din turing nila sa kapatid ko, hindi kasi nya nasubukan humiwalay sa parents ko at maging independent. Ang tanong ko, masama ba ako magtampo or naiisip ko ngayon kelangan ko na bawasan ang padala ko kasi may mga expenses din kami. Kaso naiisip ko parents ko may maintenance sa gamot pa but this is the only way para mapressure naman ang kapatid ko na magbigay hindi yun asa lang sakin lahat.

sarsingkit

  • Guest
^wala akong ma offer na advice sis. Pareho ata tayo ng sitwasyon. Sister naman sakin and she is a single mom. I am also working overseas and I am giving her the opportunity to be with me pero puro mga hesitations and negativity and inuuna isipin. I am making her understand na hindi habang buhay eh pwede sila magkatabi sa kama ng anak nya and also my dad. If we are both earning dollars and eh di mas kaya namin iprovide sa daddy namin yung mga needs nya diba. Nakakafrustrate.

mysterioza_me

  • Guest
^^Sis have you tried to talk to your parents kasi sila dapat mag-obliga sa bro mo? I understand na gusto ng bro mo na makaipon but its wrong if he'll do that at your expense kasi sila gusto nila makaipon paano ka na naghahanapbuhay din, hindi ba pwede na gusto mo din mag-ipon?! Siguro what you can do is i-divide ninyo ang expenses. Kunwari sa iyo na maintenance ng gamot ng parents mo, magdagdag ka pambayad sa water just in case na di naman mabigat ang gastos sa maintenance na gamot. Then yung food and other bills paghatian na ng parents and bro mo, tutal may pension naman parents mo and may work bro mo. Madalas kasi akala nila super petiks lang buhay abroad at super laki ng salary kaya gusto ng naiwan sa Pinas na ipapasan dun sa naka-abroad ang gastusin. Need nila magising na gumagastos ka din diyan

icegayle

  • Guest
I have tried talking to my parents expecially my mom pero ang sagot nya lage maliit lang sahod ng kapatid ko at kung ano lang ang kaya yun lang ang binibigay. Minsan nagtatalo na nga kami ng mom ko at madalas di magkibuan pag nauungkat ang topic na ganito. Ako din naman ang sumusuko, may times pa na kahit maliit na bagay kelangan pa talaga sakin ihingi, that time sa inis ko nasagot ko tuloy sya at alam ko sumama loob nya sakin. I already spoke to my husband, lucky ako kasi kasi supportive husband ko sya pa talaga nagiinsist na dagdagan ang pinapadala. Pero sabi ko this time I have to set boundaries na kung ano lang ang kaya ko yun lang ipapadala ko and we decided na bawasan na ang pinapadala ko kasi nashoshort din kami at para naman mapressure kapatid ko. I have to be firm lang talaga with my decision.
« Last Edit: February 01, 2016, 02:37:38 pm by icegayle »

mysterioza_me

  • Guest
^Ganyan din kami ng mom ko dati, ang difference naman ako nasa Pinas and bro ko nasa abroad. Pantay lang kami ng bigay sa bahay and kada yearly appraisal nagpapadagdag ng bigay. At first ok lang kasi nag-aaral pa youngest namin. The last time na hiniritan ako umangal na ko talaga since grad na kapatid ko. Sabi ko bakit di siya sa bro ko magpadagdag siya yung nakaabroad, ako bukod sa bigay ko pagdinaingan pa ko nagdadagdag pa ko. Kesyo nagiipon daw kasi bro ko, sabi ko paano naman ako, wala ba ko karapatan na mag-ipon din?! Pinayuhan ako ng isang sister ko na tigasan dibdib ko at maging firm sa desisyon ko. Kaya nun pagdumadaing na mom ko nagpapaalam na ko na may gagawin para makaiwas. Ngayon ok na :)

icegayle

  • Guest
 Thanks sis. I think ganyan na talaga ang dapat kong gawin. Lahat naman ng gusto nila binibigay ko at di na nila kelangan humingi kasi pag meron naman nagbibigay naman pag wala, eh sorry at wala talaga.

mysterioza_me

  • Guest
^Sana maging ok din sis. Sa umpisa sis medyo mahirap kasi di maiiwasan na may marinig ka na salita like madamot ka or selfish pero dedmahin mo lang. Though ako nasagot ko talaga nung minsan mom ko nung marinig ko yung salitang yun kahit pabiro, paulit-ulit kasi e. Mas madali naman for you na iwasan siguro yung ganun eksena since malayo ka, ako kasi sa bahay pa ng parents ko nakatira. Basta sis tiisin mo muna sila sa maliliit na bagay na alam mo naman na kaya nila iprovide and bigay lang kung ano yung kaya ninyo.

icegayle

  • Guest
^Ganon na nga salamat sis.

jen_rose27

  • Guest
Hi mga sis! Makikijoin din ako sa usapan.

Ang mentality kasi talaga nating mga pinoy is once na makapagtapos ka pagaaral ay ikaw naman ang bubuhay sa parents mo. Yung story ko hindi nagkakalayo sa inyo mga sis. Nakapagtapos naman ako ng pag-aaral and I am now living abroad. Mejo mahaba story ko mga sis so please bear with me. ;D

My mom & dad used to work sa Saudi Arabia. I am the only child pero may mga half sisters & half brothers ako. My dad had to stop working in 2002 kasi nagkaroon ng problema sa mga foregin workers noon sa middle east so natira mom ko sa Saudi and my dad went home for good. 

Nung nag for good na Daddy ko sa pinas he decided to open a business in Cebu, a computer shop. Hindi din nagtagal nagsarado. After that, he purchased a rehabilitation center and kinuha nya half brother ko to manage the center. Everything was going great until nakabuntis ang Daddy ko ng iba. He now has 4 kids with his girlfriend. So ayun naghiwalay sila ni mommy. Nagabroad ako in 2007 then my mom decided na umuwi na ng pilipinas in 2008. Nagpapadala ako kahit papano sa mommy ko kasi that time wala syang trabaho pero nung nakahanap na sya ulit ng work, tinigil ko muna pagpapadala para makaipon ako. Dun na ako nakarinig ng mga masasakit na salita from her. Sinabi nya na dapat daw utang na loob ko sa kanila na pinagaral nila ako at binigay nila lahat ng luho ko. Aaminin ko I was a spoiled brat when I was young pero pinagpursigehan ko na makatapos dahil alam ko na yun ang maisusukli ko sa kanila.

Madami din ako dito utang. Kakabili lang namin ni hubby ng bahay and hindi biro ang pagbayad ng mortgage dito. On top of that pa we are paying for our vehicles, loans, etc. Sa totoo lang walang natitira sa ipon namin. Sabi ng mom ko maluho daw kami kasi yung hubby ko bumili ng sports car pero hindi nya alam utang lang yun. Hindi ko masisi si hubby kasi since bata sya gusto talaga nya yung kotse na yun so ngayon na may work sya na maganda and kaya nya naman bayaran yung car loan monthly, kumuha sya. Ang selfish ba namin na mas inuna namin yun?

My mom is still working and she is turning 65 this year. She is now managing the rehabilitation center in Cebu. I feel bad kasi lagi nya sa akin iniinda na matanda na sya and she can't work anymore. I told her to quit na kasi kaya naman sya buhayin ng business nya. Bahay namin sa Manila is paid off na so ang binabayaran lang ng mom ko are utilities. Nagtampo sya sa amin ng mga kapatid ko kasi sya ang bumili ng sarili nyang memorial plan ata kasi wala daw sya maasahan sa aming magkakapatid.

Recently naospital yung uncle ko, older bro ng mom ko. He is single so kami talaga inaasahan nya to help him. I don't mind na tulungan sya kasi sya ang nagpalaki sa akin nung nagabroad parents ko. He is gay actually and talagang naawa ako sa kanya. Ngayon nagrereklamo mom ko kasi laki na daw nagagastos sa hospital, almost 200k na. Naprepressure ako kasi parang gusto nya ako magproduce ng ganung kalaking pera. I told her tutulong kami pero hindi lahat ng gastos. I know may ipon mom ko tsaka nakakuha pa sya pera sa SSS nya. Takot ata sya mawalan ng pera, sabi ko sa kanya ang pera napapalitan pero ang buhay hindi. Hay mga sis ang hirap.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close