watch now

Author Topic: MMFF Movies 2015 - Please rate them here  (Read 5447 times)

jhandee

  • Guest
Re: MMFF Movies 2015 - Please rate them here
« Reply #20 on: January 04, 2016, 10:53:37 pm »
My Bebe Love- 3/10 yung 2 pamangkin ko na Aldun fanatics 1/4 pa lang ng movie tulog na. For me mas ok pa manood ng eat bulaga hehe

Walang Forever- 8/10 ganda sya and di ko expected na mag click ang tandem ni echo and Jen nakakaiyak and kilig nga sya. Thumbs up!

cutemama

  • Guest
Re: MMFF Movies 2015 - Please rate them here
« Reply #21 on: January 05, 2016, 09:06:21 am »
Beauty and the bestie - 7/10  super simple lang ng story pero sobrang nakakatawa.. lalo na si coco martin.. actually lahat ng cast nakakatawa.. even yung boss ni coco lol hhaha kung gusto mo lang talagang matawa ito panoorin yun.. sobrang babaw lang ng story, what do you expect of [textspeak!] de ramas movie.. puro kalokohan lang haha

Haunted Mansion- 8/10
Nakakatakot siya, pero may part din na nakakatawa lol.. may twist yung story.. matatakutin kasi ako, infairness natakot talaga ko dito, unlike sa mga shake rattle.and roll movies na matatawa ka.imbes matakot.. hindi ako nag expect dito pero infairness maganda siya..

Walang forever- 10/10 sobrang nagustuhan ko yung movie.. talagang papanoorin mo lahat ng scenes.. sobrang ganda ng mga hugot lines.. i dont like jennelyn before pero ngayon mukhang gusto ko na siya.. magaling naman pala.siya umarte and (sobrang ganda niya dito ha...)
may chemistry sila ni echo, kinilig ako infairness.  tska yung aldous yung bff ni jericho dun sobrang nakakatawa haha natural.na natural.. feeling ko sisikat yun someday.

Yung my bebe love and all you need is pag -ibig di ko pa napapanood... sabi ng pinsan ko na aldub fan wag ko na daw panoorin yung MBL kasi sobrang corny daw..sayang lang daw pera ko honor thy father na lang daw panoorin ko..  haha yung yaya naman ng anak ko pinanood niya AYNIP hindi daw siya nagandahan, sobrang  boring daw.

shegothim

  • Guest
Re: MMFF Movies 2015 - Please rate them here
« Reply #22 on: January 08, 2016, 11:11:26 am »
beauty and bestie - 6/10 - siguro nagexpect na ako ng bongga na nakakatawa talaga ang movie na ito kaya medyo nadisappoint ako. di ako natawa sa ibang eksena eh, though marami pa rin namang nakakatawang eksena. o baka di talaga mapapatawa agad kasi iyong ibang kasama ko sa movie eh super tawa naman. di ko rin bet ang mga effects nya though baka di naman talaga iyon ang priority nila. kakakilig din talaga ang jadine at magagaling iyong mga batang kasama sa movie. all in all nagenjoy pa rin naman ako sa movie na ito.

cutemama

  • Guest
Re: MMFF Movies 2015 - Please rate them here
« Reply #23 on: January 08, 2016, 11:53:28 am »
BUY NOW DIE LATER- 7/10 maganda siya, sobrang daming twist ng story.. horror comedy,.sobrang naentertain ako, or mababaw lang talaga kaligayahan ko.. sobrang lakas ng tawa sa loob, lalo na kay alex G and john lapuz.. infairness ha marami pa ring nanonood sa movie na to, medyo puno yung cinema last night nung nanood ako.

tommorow honor thy father naman, maganda ba talaga to mga sis?? based on the reviews kasi heavy drama daw, ayaw ko kasi ng heavy drama, mabigat sa dibdib and nakakastress.. pero papanoorin ko pa rin out of curiosity.

forumera

  • Guest
Re: MMFF Movies 2015 - Please rate them here
« Reply #24 on: January 08, 2016, 12:34:24 pm »
#WalangForever 6/10. While watching and even after watching it di ako maka get over na sana si JM De Guzman si Ethan, mas nakakakilig for sure. Manonood nga ako That Thing Called Tadhana kasi namiss ko siya hahaha. Medyo hindi ko rin nagustuhan yung bandang last part.

shegothim

  • Guest
Re: MMFF Movies 2015 - Please rate them here
« Reply #25 on: January 08, 2016, 02:17:51 pm »
palabas pa pala ang buy now die later. gusto ko ring panoorin yan. mukhang ngayon lang ako makakarami ng mmff movies.

cutemama

  • Guest
Re: MMFF Movies 2015 - Please rate them here
« Reply #26 on: January 08, 2016, 03:17:43 pm »
^ Yes sis palabas pa.. infairness dami pa pala nanonood..kasi last night almost puno yung cinema eh.. or ngayon lang nagka time yung iba na panoorin

kutitapkiss

  • Guest
Re: MMFF Movies 2015 - Please rate them here
« Reply #27 on: January 10, 2016, 05:47:52 am »
kakarate ko lang sa kabilang thread, meron palang ganito. kaya magppost na din ako hehe.

beauty and the bestie - 6.5/10 (sige na nga gawin ko nalang 7/10 haha 6.5 kasi nilagay ko sa kabilang thread lol  ;D)
nakakatawa, fresh ang mga jokes, tsaka ang bilis ng pace ng mga patawa portion nila. agree ako sa isang sis sa lahat ng movie ni wenn deramas ito ang pinaka-ok. ang cute din ng mga kids. downside, may mga parts na dragging. well, puyat ako nung napanood ko tong movie na to siguro yun ang reason pero nakatulog ako sa mga fight scenes lol. naboringan ako. pero kung gusto nyo matawa, benta sha. tas may jadine pa, hehe cute din nila :)

walang forever - 8.5/10
may pagka-indie film ang atake nya, nagustohan ko yung story telling. deserve ni jenn ang best actress award IMO, mas ok acting nya dito kesa sa english only pls. ok din si jericho, hot nya haha. nadala ako sa isang scene nya basta panoorin nyo. tho again may mga dragging parts pero mas tolerable kesa sa beauty and the bestie. kung trip nyo mga rom com with a twist at mga hugot lines pasok to. grabe e tear jerker talaga. nagtatayuan na mga tao, ang sakit parin sa dibdib ang tagal bago ko kumalma haha!

my bebe love - 5/10
typical vic sotto film. mababaw storya, mejo corni, tho may mga nakakatawang eksena din. sawa na ko sa comedy ni ai ai kase, walang bago. parang mas lalo pang kumorni. mejo kinulang eh, i believe they could have done better with the story line lalo na sa mga part ng aldub. may kilig factor pero kulang, siguro nagexpect lang ako kasi nga movie na pero parang mas nakakatuwa pa sila sa kalye serye. as a newbie, ok ang acting ni maine. di ko lang masabi kung deserve nya ang award kasi 3 lang napanood ko. pero yup, di masyadong sulit bayad.

Project60

  • Guest
Re: MMFF Movies 2015 - Please rate them here
« Reply #28 on: January 18, 2016, 02:37:17 pm »
Just watched walang forever... ang gandaaaaa
better than a second chance, hehe.
May dragging parts siya ng slight pero maganda yung film kasi galing ni echo & jennylyn not to mention ang gwapo't ganda nila.
Simple story pero pak ... hanggang paguwi ko affected ako hahaha

thamei

  • Guest
Re: MMFF Movies 2015 - Please rate them here
« Reply #29 on: January 18, 2016, 06:36:25 pm »
Mukhang madaming okay na movies ah. Hahaha. The last movie I watched was Feng shui 2 😜 gusto ko sana panuorin [textspeak!] beauty and the bestie I hope showing pa :)

cutemama

  • Guest
Re: MMFF Movies 2015 - Please rate them here
« Reply #30 on: January 18, 2016, 07:24:37 pm »
^showing pa sis.. halos lahat ng sm cinemas may beauty and the bestie pa..  2weeks ago nga gusto ko sana manood ng honor thy father pero wala na, puro foreign movies na..BATB na lang natitira sa mmff movies.. lakas ni vice ha

kutitapkiss

  • Guest
Re: MMFF Movies 2015 - Please rate them here
« Reply #31 on: January 18, 2016, 08:59:13 pm »
^ really? tas mega react si aiai na kesyo padded daw ang gross earning kaya natalo ang my bebe love. lol

cutemama

  • Guest
Re: MMFF Movies 2015 - Please rate them here
« Reply #32 on: January 18, 2016, 09:31:57 pm »
Ganun naman talaga sis karamihan sa pinoy, pag natalo sasabihin nadaya.. hehe

Honestly malakas talaga yung MBL nung 1st day, hanggang 3rd day ata sila talaga number 1 kaso daming bad reviews eh, daming nadisappoint sa movie siguro nag expect lang sila ng bongga.

Patunay dyan yung pinsan ko na sobrang avid fan ng ALdub, pero nung tinanong ko kung maganda ba MBL sabi niya corny daw and wag ko na daw panoorin kasi sayang ng pera. And yung officemate ko din na nakikipag away pag may nambash sa Aldub pero hindi MBL and pinanood kundi BATB, kasi gusto niya daw tumawa. Sabi ko bakit di MBL pinanood niya, aantayin na lang daw niya sa dvd.


grace.kelly

  • Guest
Re: MMFF Movies 2015 - Please rate them here
« Reply #33 on: January 19, 2016, 12:13:03 pm »
^this is true, kahit mga officemates ko nasayangan lang ng pera sa MBL, para lang daw commercials na pinagsama-sama. Yan din napansin ko, sinamahan ko kasi yung friend ko na aldub fan. I also have friends na aldub fans hindi na sila nanood dahil sayang lang daw sa pera.

liana

  • Guest
Re: MMFF Movies 2015 - Please rate them here
« Reply #34 on: January 23, 2016, 10:25:24 am »
Just watched walang forever... ang gandaaaaa
better than a second chance, hehe.
May dragging parts siya ng slight pero maganda yung film kasi galing ni echo & jennylyn not to mention ang gwapo't ganda nila.
Simple story pero pak ... hanggang paguwi ko affected ako hahaha


Just watched the movie yesterday and in fairness ganda nga ng story but I don't think pang best actor and best actress yung material

My BeBe Love - corny, nakakairita lang sa ka-OA-yan si Aiai. And si Maine hilaw pa talaga yung acting. Feeling ko nadaya ako pang tv lang yung story nila hindi pang movie.

Honor Thy Father - ganda ng story and acting pero bigat sa dibdib

 I was able to watch all entries except the one with Cesar Montano. Among all I really enjoyed Beauty and the Bestie, Walang Forever and Haunted Mansion. 
« Last Edit: January 26, 2016, 11:27:23 am by liana »

mei-mei

  • Guest
Re: MMFF Movies 2015 - Please rate them here
« Reply #35 on: January 25, 2016, 08:52:18 pm »
My Bebe Love - 4/10

Beauty and the Bestie - 5/10

Naga-away ang fans sa 2 movies na yan pero for me honestly, same lang sila. Parehong corny si AiAi at Vice at yung mga masama nila sa pelikula ang tanging rason na tinapos ko pa. Mas mababa lang ang MBL dahil sa mas nakakairita ang ads placements nila.

Walang Forever - 9/10. Would have give a 10 it not for the minimal dragging parts. Pero watching it and Jericho's acting feels like watching real people whom you know. It's simple but good.

Honor Thy Father - 10/10. Ang ganda lang talaga ng story. But I don't have complaints on why JLC didn't win. I guess they gave the award to Echo because his story was much simpler but he was able to invoke that much of emotions.

SnowBall

  • Guest
Re: MMFF Movies 2015 - Please rate them here
« Reply #36 on: February 03, 2016, 12:32:53 pm »
Napanood ko na din sa wakas:


HONOR THY FATHER = 9/10

ang ganda nung pagkakagawa, and ang galing nga ni JLC dito at ni Meryl Soriano. Ang sakit lang sa dibdib. Sana lang may better ending.


WALANG FOREVER = 10/10

Simple lang ang story, pero tumatak sa akin. Ang galing ni Jericho at ni Jennylyn dito, napaka natural na acting, yun bang, parang hindi sila umaarte, eto lang ang movie ni Jennylyn na nagustuhan ko.

Nagandahan lang ako sa flow ng story, at yung mga funny scenes, talagang napapatawa ako.

Love na love ko dito si Jericho, kaya naman pala siya ang best actor, eh ang galing niya, mata pa lang umaarte na, pati yung tingin niya, iba, buhay na buhay ang character niya na si "Ethan".

Isa ito sa movie, na I wont mind ulit ulitin.


 

Latest Stories

Load More Stories
Close