watch now

Author Topic: MAR ROXAS for 2016  (Read 71370 times)

springblossom

  • Guest
Re: MAR ROXAS for 2016
« Reply #160 on: April 13, 2016, 06:29:25 pm »
CHANGE is such a big word that even I almost got into, but it's not all about our feelings, outburst of emotions that will lead us to a better Philippines?!

Don't be deceived by people who's like a scriptwriter and a director of a telenovela we follow every night. Because in reality, there is no cure for all and a humble and deserving candidate should not deceive the people of CHANGE that is impossible to accomplish without RISKING a lot of things.

They got your emotions, remember the saying: Do not make decision when your emotions are high, because most of the time they're wrong!

I'm sure you don't want to get into a boat where the captain doesn't mind the big waves just to get to your destination, even if lives of passengers are at stake. Instead you would choose a boat, where a careful captain will lead you to an island, safely!

'Wag pabara bara! Think! Because ?#?Filipinos? are smart and destined to be great, We are more than just a bunch of telenovela fanatics!

I believe that our country is moving forward, maybe slowly, but I'm sure just like any journey, we will get there!


the highlighted is my reason why i am not voting for mar.  ;D

j.adore

  • Guest
Re: MAR ROXAS for 2016
« Reply #161 on: April 13, 2016, 07:04:58 pm »
Yeah, when he does his "message" to the Filipino people, ang drama lang :-\

Leven

  • Guest
Re: MAR ROXAS for 2016
« Reply #162 on: April 13, 2016, 07:35:52 pm »
hahahah..mashowbiz sis..yun ang wala si Duterte kaya namimis interpret siya ng iba..he doesn't know how to choose his words..puro action at yun ang wala si Mar, kabaliktaran, ang galing magsalita paikot ikot sa tuwad na daan tapos kung action na e WALA si Ate Mar..ala na..anyare?

Ang tagal na sa pulitiko, naging DILG pa yan ha..anyare? pati reporter sa ibang bansa pinuna siya kasi walang sense of urgency noong panahon ng Yolanda..Is that what we want for a President?

Anyways, Have you seen the recent survey?

It's Duterte, Poe, Binay, Roxas, Santiago..

Oh my, ang layo ni Roxas..People want a big CHANGE indeed...Sawa na talaga ang mga tao sa malaking kapalpakan ng administrasyon ngayon. Yan din siguro ang reason why nag top 1 si BongBong ngayon for the Vice President slot. We want Pnoy to be accountable of what happened to Mamasapano. How can there be a big Change if we'll still follow the DAANG BALUKTOt?..Let's drop them.

quennna

  • Guest
Re: MAR ROXAS for 2016
« Reply #163 on: April 13, 2016, 08:53:16 pm »
from papemelroti, sabi ng kapatid ko si Robert Alejandro -

"Maka Duterte kami ng tatay ko dati.
Desperado kami para sa pagbabago at si Mar, nabagalan kami sa trabaho (meeting ng meeting ika nga ng tatay ko).

Pero nakita namin na si Duterte ay taliwas sa aming mga paniniwala - walang respeto sa babae, walang galang sa batas.

Ayaw namin ng presidenteng ganito na ihaharap sa mundo.

Nakita rin namin na si Mar, maraming nagawa pero hindi magaling sa "PR" at advertising. Di siya epal.

Sa tingin namin (ng tatay ko), si Mar AT si Leni ang makakapagbigay ng pagbabago na hinahanap namin - pagbabagong "inclusive", kasama lahat ng sektor ng lipunan. TUNAY na pagbabago."

dismembered

  • Guest
Re: MAR ROXAS for 2016
« Reply #164 on: April 13, 2016, 09:20:45 pm »
^ Haha. Kulang.

Dapat sinabi nya, si Mar, Di magaling mag PR, maepal at maraming nagawa pero puro palpak.

Kailangan ng Pinas ng magaling mamuno at magsagawa ng dapat sa ikauunlad ng bansa, hindi magaling mambola. Artista ba ang kailangan?

arielle

  • Guest
Re: MAR ROXAS for 2016
« Reply #165 on: April 13, 2016, 10:25:59 pm »
ayoko kay Mar, pag oras ng krisis o stress , bumibigay sya , nawawala ang pagiging leader.  importante ang posisyon sa DILG pero ano nangyari, kulang na kulang ang performance. Yung sa bagyong Yolanda na lang, yun ang pinakamatibay na pruweba kung pano sya mamumuno ng bansa. Tanungin  na lang mga taga Cubao kung masaya sila dahil parang huli na ang progreso nila, to think na dun lang banda nakatira si Roxas, naunahan pa sila ng BGC :)

quennna

  • Guest
Re: MAR ROXAS for 2016
« Reply #166 on: April 13, 2016, 10:30:12 pm »
sa mga naghahanap ng pondo ng yolanda..

basa na, dali, para may maibash ulet kayo.. hehe
#RoRo2016...

chicafabulosa

  • Guest
Re: MAR ROXAS for 2016
« Reply #167 on: April 13, 2016, 10:43:01 pm »
di naman namin binabash, we,re are merely stating our observations, experiences. so anong bashing dun? about the yolanda, bakit sis were you one of those affected by yolanda victims? kasi ako nakita ko ano ang dumating na relief. kasi yung probinsya namin is isa sa mga naapektuhan. based sa mga sinasabi mo kasi puro on what you read not based on your experience. after three weeks, dumating puro expired na de lata, bulok na bigas. oo tama ka hindi lahat nagkaka chance na mameet si Roxas but for me na isa sa mga na nakakakilala sa kanya isa lang masasabi ko..... iba sya sa sinasabi mo. malayo sa iniisip mo. minsan napapaisip ako eh, mismong taga capiz na nga yung nagsabi na wala ngang project na matino na naimplement sa lugar nila then sabi mo tingin tingin sa paligid. di ka sa sobrang kakatingin nya sa paligid nya kaya nya napansin na walang nagawa sa lugar nya.

anyways good luck again. swerte ni mar may nagtatanggol sa kanya like you. but that doesnt change our mind about him. so lets just respect that as well. God bless

quennna

  • Guest
Re: MAR ROXAS for 2016
« Reply #168 on: April 13, 2016, 11:43:08 pm »
sabi ko nga, may mga tao talaga na di marunong makaappreciate...
masyadong nakatanaw sa malayo, di nya namamalayan na meron palang mabuting pagbabago sa tabi nya..

it will never change your mind talaga lalo na naka set na sa mindset nyo...
ang dami ko rin pwedeng masabi sa manok nyo pero, ayos kong ganong humanap ng mali, baka makasanayan ko..

anyway, i stand firm.. our family is for MAR ROXAS and LENI ROBLEDO.. Sulong Pinas...

dismembered

  • Guest
Re: MAR ROXAS for 2016
« Reply #169 on: April 14, 2016, 12:06:02 am »
2 sides lagi..

May taong di maka appreciate at meron ding mga taong bulag bulagan. Alin kaya doon? Kayo na ang humusga.

chicafabulosa

  • Guest
Re: MAR ROXAS for 2016
« Reply #170 on: April 14, 2016, 12:14:32 am »
Di sa di ma appreciate eh. Kaso wala talaga kame makita, maramdaman na pagbabago. Kasi kung meron man, di sana di puro negative nasasabi namin di ba. Like what you said solid Roxas ka, solid Duterte kame. Kaya nga siguro tumatanaw na sa malayo kasi walang makitang changes sa tabi nya. Baka sakali sa malayo meron magandang change na nagawa. Eh kaso both wala kaya ganun ang reactions namin.

Well at least you feel may change sya na nagawa. Kasi karamihan sa amin wala talaga. Negosyante, empleyado, estudyante, na halos kakilala ko walang masabing maganda na ginawa ni Roxas.

Among 5 candidates 4 dun personally kilala namin ng family ko.  So I guess kung paano namin sila nakilala personally enough na basis na yun for us to decide who to support. And among them si Duterte ang pinakamaayos na choice namin. Not the typical choice for others pero alam namin willing kame magtake na ng risk para sa change na sinasabi mo.



may12

  • Guest
Re: MAR ROXAS for 2016
« Reply #171 on: April 14, 2016, 12:21:14 am »
^Actually sis, lumaki ako na tinuruan ng parents ko na galangin ang authority. Nung bata pa nga ako hanggang early teens, laging kasama ang mga leader ng Pilipinas sa bedtime prayers ko. I cried when there was Edsa Revolution II. Nalungkot ako tuwing bina-bash noon si GMA.

Then nung 2010 election, first time ko mag vote. Honestly, di talaga ako makapaniwala na si Pnoy nanalo. Sa isip-isip ko, it was all a big joke.

Then I decided to just give Pnoy a chance. Ilang beses ako na-disappoint. Then nag-focus nalang ako sa sarili kong kaunlaran instead na magreklamo dahil wala naman magagawa yun.

But then, sis, this is the election time! Do you really think this is the time na magbulag-bulagan tayo at lunukin nalang lahat? Of course not! Karapatan ng bawat isa sa atin ang tingnan ang lahat ng kamalian ng mga kandidato. How else can we choose the best person to lead us for 6 years?

We're not bashing here. We just to state what we believe is wrong with Mar and the current government. We want change for our country.

quennna

  • Guest
Re: MAR ROXAS for 2016
« Reply #172 on: April 14, 2016, 01:03:54 am »
dont use the term bulag bulagan, kasi meron akong nakikita sa kanya, na di nyo naman naappreciate.. or vice versa...

he does have character flaws which prevented him from becoming the most ideal President. Pero mas masahol pa yung ipakita sa inyo ng kandidato nyo.

kung di man maganda sa tingin yung term na ito pero meron at meron pa rin naman nagawang mabuti para sa bansa natin. PNoy did a very good management and pay-off of our national debt and iba na ngayon, tayo na nagpapautang sa ibang bansa instead na tayo ang umuutang. Sasabihin nyo, wala naman kayong napala dun.

Mar who has had the most extensive experience, exposure and linkages  in the national government. It is Mar alone who has studied economics.

Remember, bansa ang papatakbuhin nya, hindi syudad... sa qualification palang as frontliner, di tyo mapapahiya sa mga investors. big investment means better job opportunities for us.

like this one, 20-200 Japanese companies are proposing to transfer operations to the Philippines from China in 2016. di ba, ang gandang balita nyan?

basta ko, i support Mar Roxas, disenteng tao, magalang... may direction, may plano, wag lang gagawan ng intriga ng mga opposition..

chicafabulosa

  • Guest
Re: MAR ROXAS for 2016
« Reply #173 on: April 14, 2016, 01:17:08 am »
Wala naman talaga kame napala eh. And anong country ang pinautang natin? Parang wala yatang news about that.di naman intriga yung sinasabi sa kanya ng opposition eh sis. Truth yun.

Sige na nga disente na yan, magalang,.. Pero sana nga totoo yan kasi iba nga yang pinapakita nya sa totoong sya. Dont forget the wack wack incident...yeah nagsorry sya kasi nasuspend sya. You wanna know what exactly he said at wackwack "T_____ ina! Walang presi-presidente sa akin! Walang bawal bawal sa akin"... Why I know??? I was there during his meltdown. Kawawa ang mga employee.. And the fee na sinisingil normal yun na sinisingil sa amin members so we can use the amenities. Yun lang po. :)

Last reply ko na sa thread na to. Kasi kahit anong personal experience ang sabihin ko naman eh you will still see him as disente and magalang...

may12

  • Guest
Re: MAR ROXAS for 2016
« Reply #174 on: April 14, 2016, 01:44:54 am »
Sis Quenna, ikaw na din kasi nagsabi na ayaw mo humanap ng mali at baka makasanayan mo. Hindi ba pagbubulag-bulagan yun lalo na kung nakita naman ng marami ang mali?

Hindi naman kasi namimintas just for the sake na makapintas. Tinitingnan lang namin ang good and bad side ng lahat ng candidato, and unfortunately, halos bad ang lahat ng kay Mar.

Kasi kung good lang lahat titingnan natin, aba, kay Binay na ako! Sarap ng buhay namin dati sa Makati dahil sa dami ng benefits. E yun nga lang, may bad side na super corrupt pala siya. Honestly, isa ako sa supporters niya dati online. Nung super obvious nang guilty talaga siya, I stopped supporting him.

Yun lang din talaga for me si Roxas. Wala na nga akong na-feel na maraming good, ang dami pang bad. So no no no ako kay Roxas.

We're all free naman to vote whoever we think is the best leader. So go lang sis. If you think it's Roxas, no one's stopping you.

dismembered

  • Guest
Re: MAR ROXAS for 2016
« Reply #175 on: April 14, 2016, 02:10:08 am »
Free naman lahat bumoto kung sino gusto. Pero yun lang... Stop spreading lies and wrong information. Para lang ba magmukhang mabuti ang kandidato natin at mapasama ang kalaban nya. Yan ang ikinapangit ng sistema ngayon. Lies para bumango ang pangalan to the point na nag grab na ng credit sa iba... Ehem bpo industry... At yung nag spread ng lies para lang pumangit ang kalaban.. Ehem binabaril daw ang mga mahihirap...

Sana nga nagpapautang na ang Pinas ngayon..pero parang mas lumobo yata utang natin di ba? Sana nga nakakapag pautang ang pinas ngayon para may pampaayos ng sira sirang mrt.

Buti pala hindi lang dahil sa tension na nagaganap between japan and china over territorial disputes kaya pinaplano din nila ilipat ang companies nila dito.

The best talaga ito si Mar... Nirerespeto ko dahil disente at may respeto... Un lang hindi ko sya iboboto kasi sa pagiging leader hindi pagiging disente at respeto lang ang qualifications. He had his moments... Enough na yun. Mag business na lang kaya sya kasi mas fit sa qualifications nya?

Leven

  • Guest
Re: MAR ROXAS for 2016
« Reply #176 on: April 14, 2016, 11:46:24 am »
Oh yes..naalala ko yang nagpautang ang Pinas ng I billion sa International Monetary Fund upang tumulong sa pinansyal na suliranin ng mga bansa sa EUROPA. Yes, sis..EUROPA..ang yabang di ba..Pero sabi nila..Ito ay pakikiisa sa pagtulong sa mga nangangailangang bansa dahil tayo rin ay apektado kapag tuluyang bumagsak ang kanilang ekonomiya...So in short..hindi po ito ang PALATANDAAN na maunlad na tayo..mayabang lang po.

I don’t think we are obligated because our economy is not that big. We are a heavy debtor country. Hindi maganda na we are borrowing money and then lend it out to the IMF. PNOY worsened the country's poverty and debt burden during his administration. Lumobo po ang utang ng Pilipinas, in fact, he turned out to be the biggest loan addict and a total failure in addressing the Philippines' cycle of debt. Mas malaki pa nga ang nautang niya kaysa noong panahon ni Arroyo..

Are we going to entrust another 6 years from these people in the present administration? and take note, Economist pa...Gloria was also an economist di bah..advantage sana ang pagiging economist but the president must also be a good leader..Remember, that he is the Commander in chief of AFP and PNP, kung wala siyang sense of urgency and can't handle stress..e wag nalang...Proven and tested na yan si MAR sa MAMASAPANO at YOLANDA, so mga nagbubulag bulagan na lang ang boboto sa kanya...just saying.

amethyst028

  • Guest
Re: MAR ROXAS for 2016
« Reply #177 on: April 14, 2016, 12:50:55 pm »
Matagal na si Mar sa government. Naging DOTC siya and puro palpak ang MRT and LRT then nag DILG palpak rin. and yung pag pilit na ipagpatuloy ang tuwid na daan my gosh. Ang laki ng mga hinawakan niyang position sa government sana ginawa niya ng tama yung job niya para ngayon madaming magandang masasabi sa kanya and he might be the first choice for the presidency.

For me it is not Mar that I don't want. it is the continuity of the kind of government i don't like. tama na ang paglpastangan sa kaban ng bayan. i think they've had enough. madami nang nanakaw, madami nang politiko na yumaman. it's time to turn this country around. i am not choosing a candidate because of his personality or popularity but because of what he can do to our country.

I read and article about Ramon Magsaysay our president in the 1950's and guess what, the problems they were facing in that era are still the same problems the country is facing today. bakit hindi tayo umuusad? p*** naman na buhay to oh. because we keep voting for the same type of people over and over. i hope to see this country become great in my lifetime. let us not be selfish. let's vote for the greater good.

springblossom

  • Guest
Re: MAR ROXAS for 2016
« Reply #178 on: April 14, 2016, 01:49:56 pm »
sa mga naghahanap ng pondo ng yolanda..

basa na, dali, para may maibash ulet kayo.. hehe
#RoRo2016...

pakilagay to sa comics nya. baka merong maniwalang hinde eto pang PR lang. hahaha! in my opinion, si Mar ang pinaka showbiz sa lahat ng presidentiables. got kathniel and other big stars to endorse him and i never believe it was all for free. ang photo ops bumabaha even before the campaign period. naging traffic enforcer, kargador, bombero, etc... hinde ko lubos maisip pano ko pagkakatitiwalaan ang taong desperadong maging pangulo. at magkano na kaya ginastos nya? sa mga artista, sa mga PR, sa mga online warriors, sa ads?

the other sisses have clearly discussed Mar's supposedly accomplishments. I dont think i can make it more clearly.

imyourangel

  • Guest
Re: MAR ROXAS for 2016
« Reply #179 on: April 14, 2016, 03:58:29 pm »
^True. I am very much informed in this thread. :) Basta NO to Mar ako. My mom's working in DILG and NAPAKAHINA daw talaga ng leadership ni Roxas doon during his time, compared sa panahon ni Robredo.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close