^^Really? How is that possible? Dahil ba yan sa speech nya sa MBC? Eh kung ganyan talaga sana kagaling si Roxas, bakit simpleng nakapilang projects sa MRT, which would have provided a lot of work for blue collar Pinoys, and which would increase our GDP (at least in paper) eh di sana ginawa na nya? No, sorry, I don´t think Mar has the capability nor the clout for what you are saying. Eto ha, the oligarchy can only do so much to push the Philippines to increase our GDP. Mas importante ang magkaroon ng incentive ang mga small and medium businesses to rise. And that begins with an efficient business processing system in place. Si Mar DOTC, DILG nga hinawakan hindi naimprove ang mga systema ng departments nya. Ang Roxas city nga poor city pa rin, how do we expect him to lead us? Sya yung tipo ng leader na puro salita lang, pero ayaw gawin ang grit work. Gusto nasa frontpage lang, tapos maguutos, then pag pumalpak ang inutusan he blows his top and then dusts himself off the responsibility. He has shown that again and again. Now, back to making doing business easier in Pinas, If Digong implements the same strict adherence to the 72 hour maximum window of processing business applications, and cutting yung mga suhol suhol system, aba eh malamang madaming magsta start ng business! BTW, hindi hearsay yung 72 hours business processing time na ginagawa sa Davao ha. I owned a business in Davao, my firs actually, and napenalty ako ng BIR doon pero sobrang inassist ako ng mga officers and in half a day natapos ko dapat matapos. Walanglagay, walang simangot. Bakit? Hindi dahil mababait mga tao doon. Pero, dahil strict ang guidelines how to do their work. Eh si Mar? Ni isa ngang magandang systema sa mga hinawakan nyang departamento walang naiwan eh! BTW, yung call center thing, kay GMA po yan nasimulan. Hindi si Mar ang nagsimula nyan, sana naman give credit where credit is due. :-) Anyhow, for big investments, mostly in infrastructures, to come. Kailangan may pananalig ang mga foreign investors na maayos ang patakaran at paggamit ng investments nila. Yung investments entering Pinas ngayon, sa totoo lang peanuts! Pero kung ang maging presidente natin ay makikita nilang talagang seryoso at full of guts to clear the system, dadagsa yan, kasi gusto nilang mauna maginvest, para sumabay sa development ng bansa. Sa tingin ko lang, the way Mar works, and considering the system now, at ang pangako nya na ipagpatuloy ang kasalukuyang systema, tssssk, parang suntok lang sa buwan yang pangarap ng biga biglang investment. Hahaha! Isa pa, sa totoo lang, napakacredit grabber ng administration na ito. Si GMA ang naglatag ng mga economic policies na pinangangalandakan ng Daang Matuwid ngayon. So tsssk, No to Mar.