watch now

Author Topic: MAR ROXAS for 2016  (Read 70764 times)

young_maiden

  • Guest
MAR ROXAS for 2016
« on: December 14, 2015, 10:58:09 am »
Hi mga sis and bros! Heto may thread na si Mar Roxas. Dito na lang natin siya pag-usapan, whether positive man o negative para di tayo ma-off topic sa duterte thread.

Would you vote for him? Why or why not?

Kung ako tatanungin, no. Before mangyari iyong yolanda, neutral lang ako sa kanya. I neither like nor dislike him. Pero nung aftermath nung bagyo, sobrang naturn off ako na inuna niya pa politics kaysa sa kapakanan ng mga nasalanta.

geekgurl

  • Guest
Re: MAR ROXAS for 2016
« Reply #1 on: December 14, 2015, 11:19:33 pm »
THUMBS DOWN!

Walang tumatak sa isip ko na may ginawa si Mar.
Puro kapalpakan kasi naaalala ko sa kanya.
Paki enlighten nga ako please.. ???


tischarmedlife

  • Guest
Re: MAR ROXAS for 2016
« Reply #2 on: December 15, 2015, 12:18:40 am »
Me neither. I was turned off nung issue sa Yolanda lalo pa nung nalaman ko yung Wack-Wack golf issue nya last year. Tapos sunod-sunod na PR fail.

Miss Taken

  • Guest
Re: MAR ROXAS for 2016
« Reply #3 on: December 15, 2015, 12:34:19 am »
No way.

Para ko na ring pinatay ang Pilipinas kapag binoto ko ang taong to.
Makikita mo na wala talaga siyang malasakit lalung lalo na sa pagbigay pa lang niya ng mga sagot kapag ambush interview. At yung mga videos na kumakalat sa fb? Napaka plastic! Feel na feel mo ba ang pagiging traffic enforcer with matching ulan ha? Nakaka high blood lol

young_maiden

  • Guest
Re: MAR ROXAS for 2016
« Reply #4 on: December 15, 2015, 01:26:50 am »
Nabasa ko din iyong incident niya sa wack wack golf club. Major turn off talaga. Kung nagawa nga niya sigawan mga empleyado dun, paano pa kaya ang ibang tao? Trying hard pa maging ally ng mga mahihirap. Eh alam naman nating lahat na anak mayaman siya. Palitan niya PR team at campaign strategy niya.

geekgurl

  • Guest
Re: MAR ROXAS for 2016
« Reply #5 on: December 15, 2015, 01:41:58 am »
True that!

Lagi niyang sinasabi ang "tuwid na daan", "matutupad na ang mga pangarap". Ayan, puro pangarap na lang. Hindi realistic mga sagot niya. Basta, i am not impressed. ::)

Pag si Korina naging First Lady, im sure malaki budget sa tsinelas.  ;D

mysterioza_me

  • Guest
Re: MAR ROXAS for 2016
« Reply #6 on: December 15, 2015, 03:13:07 am »
hindi ko iboboto si Mar, di ko feel na parehong elitista ang Pres and First Lady

tischarmedlife

  • Guest
Re: MAR ROXAS for 2016
« Reply #7 on: December 16, 2015, 01:17:58 am »
^ Meron ako nakitang short clip ng interview nya kanina lang sa FB! Idol nya siguro si Tony Stark kase ginaya pa nya ang speech nun sa Ironman 3. lol  ;D Binigay nya talaga address nya? Haha.

"Talk, talk, talk. Yan nalang ang ginagawa mo Digong eh, daldal ng daldal. 157 P. Tuazon, Cubao, Quezon City. Aantayin kita. Galit ako sa mga tao na akala nila sila lang ang kapangyarihan dito sa bansa natin. Kaya kung hindi ka pa nakaharap ng iyong katapat, Digong, nandito ako. Hindi kita aatrasan," says Mar.

Yeah right.

young_maiden

  • Guest
Re: MAR ROXAS for 2016
« Reply #8 on: December 16, 2015, 01:37:30 am »
Bachelor of science major in stress management dapat inaral niya. Pikon na pikon siya kay duterte.

mysterioza_me

  • Guest
Re: MAR ROXAS for 2016
« Reply #9 on: December 16, 2015, 01:44:07 am »
True sis, super pikon ni Roxas kay Duterte. May diin ang pagbitiw ng salita ni Mar vs Duterte, halatang-halata sa facial expression lalo na sa mga mata ni Roxas ang gigil niya

Miss Taken

  • Guest
Re: MAR ROXAS for 2016
« Reply #10 on: December 16, 2015, 01:49:01 am »
^ Pambabae daw yung sampalan, bat hindi na lang suntukan HAHAHAHA! Laugh trip tong si Mar eh.

Asar talo. Affected much lang ang peg ;D

chicafabulosa

  • Guest
Re: MAR ROXAS for 2016
« Reply #11 on: December 16, 2015, 02:48:48 am »
Nope i will never vote for this guy. Even before the wack wack incident marami na rin naging usap usapan kung gaano ka *censored* (sorry for the term) tong si Mar. Stories from people na may kakilala na malapit sa Kanya. Then sabayan pa ni Korina. She is a very close friend ng Tita ko, and oh my kahit na malaki sahod nya kinakapos pa rin yan kaya grabe yan pagdating sa pera ang usapan. Kaya pagsabayin yang dalawa if manalo si Mar, kawawanh Pilipinas....

Have you noticed his commercial. He was saying "para daw makapantay ang mahihirap" or something to that effect, tapos ang background eh yung garden nya sa bahay sa may Araneta. Para nakakaloko lang kasi aim nya is para makasabay mahihirap tapos pinapakita nya difference. Most of the Filipino who are on the poverty line, mas malaki pa garden nya kesa sa mga bahay nila.

red_yesha

  • Guest
Re: MAR ROXAS for 2016
« Reply #12 on: December 16, 2015, 08:07:56 am »
NO! hindi ko sya iboboto!
Nabubwiset talaga ako kay Mar Roxas, Makita ko lang sya kumukulo na agad dugo ko haha
Dapat dito kay Mar bangasan ang mukha e. Ang kapal kasi..
Go Digong haha!

[-c-h-a-]

  • Guest
Re: MAR ROXAS for 2016
« Reply #13 on: December 16, 2015, 09:27:44 am »
if I can vote, hindi pa rin sya ang iboboto ko. I don't like him and his wife!

super bratinella

  • Guest
Re: MAR ROXAS for 2016
« Reply #14 on: December 16, 2015, 10:50:25 am »
Magaling si Mar Roxas, wala akong masasabi sa kanya mag traffic habang umuulan, makipag kamayan sa mga taga palengke tapos fist bump sa mga bata wala naman kamalay malay sa kung anong nangyayari nagagamit na pala sa kampanya, sobrang galing din niya mag deny at mag pabango ng pangalan sa media, at kumuha ng mga tamang artista para nga naman ma iboto siya.. napaka taas ng pangarap niya maging pangulo at kahit ano gagawin niya as early as 2010 pinaghahandaan niya na ito, so let us give him the credit, but my vote no way!!

gwyne21

  • Guest
Re: MAR ROXAS for 2016
« Reply #15 on: December 16, 2015, 11:04:48 am »
Undecided pa rin ako kung sino iboboto ko for president pero sure na hindi si Mar Roxas yun. Hindi ko gusto yung initial reaction/sagot niya about proposed lower income tax. IMO parehas sila ng stand ni Noynoy about it... nagbago lang siya ng statement (na parang open na rin siya about the proposal) nung nakita/nalaman nila backlash ng netizens.

cosmochick

  • Guest
Re: MAR ROXAS for 2016
« Reply #16 on: December 16, 2015, 01:11:50 pm »
Napaka plastik ng taong eto!! Who can ever forget that video when he said, "You are a Romualdez and the president is an Aquino" with a smug face at that pa ha.., and that "BAHALA KAYO SA BUHAY NYO"..  You can easily tell what kind of a person he is and what kind of a prsident he will be.    >:(

« Last Edit: December 16, 2015, 05:30:19 pm by cosmochick »

megamabushii

  • Guest
Re: MAR ROXAS for 2016
« Reply #17 on: December 16, 2015, 02:31:55 pm »
No way Jose. I would prefer Miriam or Rody anytime.

jhegallo

  • Guest
Re: MAR ROXAS for 2016
« Reply #18 on: December 18, 2015, 01:03:34 am »
Nag iinit talaga dugo ko pag nakikita ko mukha ni Mar sa tv or sa facebook o kahit saan pa. Makapal talaga ang face after ng ginawa nila sa pondo ng Yolanda.
Ewan ko san kumukuha ng kapal ng mukha yang tao na yan after ng lahat ng pambabash sakanya ng mga tao. Obvious naman na sinusuka sya ng mga tao. Tuwid na daan pa ang gusto. Ituwid nya muna pagiisip nya.

super bratinella

  • Guest
Re: MAR ROXAS for 2016
« Reply #19 on: December 18, 2015, 07:20:36 am »
Mas nakaka awa mga artista na supporters nila, pag tatanungin bakit nila sinusuportahan si Mar dahil maganda ang plataporma, can they make it more profound, kasi ibang kandidato naman maganda ang plataporma, sa nagawa wala akong maalala na talagang ka proud proud puro pamumulitika ang alam..

Tama si Mocha, mga artista na nagpapabayad para ipag kampanya ang isang candidate ay masahol pa sa isang taong bayaran, dahil buong bansa natin ang nakasalalay at future ng mga anak natin, I am not saying nag pabayad ang lahat ng artista sa campaign ad ni Mar..

 

Latest Stories

Load More Stories
Close