Author Topic: May mas malala pa kaya sa istorya ko?  (Read 5289 times)

latte

  • Guest
May mas malala pa kaya sa istorya ko?
« on: December 13, 2015, 09:24:06 pm »
I got married at age 38, my husband was married before with three kids. Nag pa annul sya at pinakasalan ako. Pagkakamali ko naniwala ako sa lahat ng drama nya about sa mga complain nya sa ex wife nya and all. In short ayun na nga tinanggap ko lahat at ipinaglaban ko sa family ko dahil syempre wala naman sigurong magulang na gugustong makapangasawa ang anak nilang babae ng isang lalaki na may tatlong anak. minahal ko ng husto ang asawa ko, LDR kami eversince pero we have known each other since I was 21, hindi ko naman sya masyadong nakilala back then pero sya ang unang lalaking nanligaw sa akin ng seryoso (i grew up in a very conservative family kaya bawal akong paligaw nun nag aaral pa ako) hindi man kami nag end up as bf/gf pero gusto ko na sya noon pa. Long story. anyway ayun nga minahal ko ang mga anak nya as in mas alam ko pa yata kung paano ang tamang pagpapalaki sa mga bata kesa sa kanila ng ex wife nya. LDR kami ng asawa ko dahil i was also working overseas at nasa magka ibang bansa kami. Chat lang kami everyday na parang kapag tulog lang kami hindi nag uusap or kapag nasa work ako. Verbally abusive sya kaya hiniwalayan ko sya after 4 months lang yata of being married and syempre sinuyo suyo nya ko at pinatawad ko naman. Tapos ganun pa din kaya after a year hiniwalayan ko na naman, that time dapat papunta na sya sa akin under the partnership visa pero i decided to cancell his visa dahil nga hindi ko na kaya ang pagging abusive nya.  9 months akong hindi nakipag usap akala ko wala na talaga akong maibibigay pero lumipas din ang galit ko and since hindi sya tumitigil ng pagsuyo sa akin kahit hindi ko sya kinakausap ayun nabola na naman ako. Pero this time i have seen changes in him, hindi na sya ganoon magalit at kapag nag aaway kami tumatahimik na lang sya hanggang lumipas ang away at maging ok na ulit kami. Marami pa ding hindi ok sa kanya pero i chose to see and appreciate yung changes at naramdaman ko naman sa puso ko na he was trying his best to change. Pero since kinancel ko nga ang visa nya the first time it was approved hindi na ulit na grant ng immigration ang sumunod na visa nya na  iniapply namin for him. Until i decided to go home for good one reason is feeling ko kung titigil ako ng pinas magiging mas maayos ang pagsasama namin dahil atleast pag bakasyon sya andito lang ako sa pinas. Kasundo ko ang mga in-laws ko pati mga anak ng asawa ko. I stayed in the province with my in-laws at meron din kaming maliit na bahay doon. kasama nun dalawang anak nya ang mama nila and the eldest lives with my mother in-law kaya sya ang kasama ko sa maliit na bahay na yun. I have good intentions sa mga bata. Gusto kong lumaki silang maayos dahil nga galing sa broken family kaya naunawaan ko ang mga weaknesses nila. I have truly loved them from my heart. Inasikaso ko and all. na appreciate naman nila yun lalo na yung eldest dahil talagang naging close kami.

One day may kailangan akong i print sa laptop ng step son ko (kakapadala lang ng asawa ko ng laptop na yun) when I opened gmail naka sign in pa ang asawa ko syempre i checked his emails and i was shocked, nakita ko na may other woman pala sya, may mga nude photos ng babae na inemail sa kanya and recent lang ang convo pati yung screenshots ng sex nila on cam. Ang sakit pala nun dahil kahit minsan hindi ko pinag isipan ang asawa ko ng ganun. I remember may post pa nga ako sa forum dito asking ano kaya ang mas masakit yung maloko ng asawa or yung ma abuse verbally. Kasi never ko talagang inisip na gagawin yun ng asawa ko.  After that nagkalkal pa ko ng gamit nya at nakuha ko ang external drive nya doon nakita ko lahat. Sex video nila nun girl noong year na hiwalay kami, at nakita ko din doon na bago pa pala kami magka relayon ng asawa ko eh babae nya na yun. Yun babae eh married din with two kids. Sobrang sakit. It hurts me to the core of my being knowing na sa buong pagsasama pala namin eh niloloko nya ako. Thinking about all of the things na isinacrifice ko for our relationship tapos lahat pala yun kalokohan? i know na minahal nya din naman ako pero hindi sapat. Hindi alam nun girl na nagpa annul sya at nag asawa. Ang sakit din noon kasi pala itinago ng asawa ko yun na asawa nya ko? Maayos naman yung family nya sa akin. They were thankful pa nga na dumating ako sa buhay ng asawa ko kasi malaki daw ang ipinagbago mula ng naging kami. Pero ganito pala ang lahat? WHen i confronted him on cam ang sabi ko bakit nya ako idinamay sa buhay nya eh wala naman akong masamang ginawa sa kanya? Ang sagot nya hindi nya daw ako idinamay, ako daw ang mahal nya at ako ang gusto nyang makasama sa buhay nya. My God! mahal nya ko pero all throughout ng pagsasama namin may other woman sya. Gusto nya ko makasama sa buhay nya pero bakit nya nagawang lokohin ako ng ganun kahabang panahon? I mean maraming beses na kong nakipag hiwalay sa kanya na sana kung hinayaan nya na lang ako hindi na sana ako nasaktan ng ganito? He could have just let me go, ni hindi nya na kailangang aminin ang kasalanan na eto sa akin. Pero bakit ulit ulit nya kong pinursue tapos ganito naman pala ang ginagawa nya? Hindi ko talaga maunawaan. After the confrontation hindi na sya nakipag usap sa akin. Actually yung confrontation nangyari lang kasi minura ko sya sa text kaya sya napilitang humarap. He asked for forgiveness sa family nya pero hindi sa akin, ang sabi lang ng sis in law ko pinapasabi daw na pasensya na pero wala na syang mukhang ihaharap sa akin. Ganun lang? Nag message sya na kasalanan nya daw lahat at kahit huli na eh hihingi pa din sya ng kapatawaran pero hindi enough para masabi kong may true remorse. Ang  matimbang lang na naramdaman nya ay takot sa kung ano ang puede kong gawin para gantihan sya and i admit sa galit ko marami akong nasabing pagbabanta pero alam ko naman na hindi ko yun gagawin. WHat i don't understand is ganun lang ba yun? Ang sakit ng ginawa nya pero ni hindi man lang sya nag effort para kahit papano pagaangin ang sakit na nararamdaman ko na sya ang may kagagawan? Syempre hiwalay na kami at alam kong it is useless na balik balikan ko pa ang nangyari dahil hindi naman na maibabalik pa ang lahat sa dati. Ang tanong ko lang meron ba sa inyong may kakilala na kasing sama ng asawa ko? Kasi first time kong maka encounter ng ganito kasamang tao. Na nagawang manloko ng ganito kagrabe.

Yung babae eh babae nya na kahit nun mag asawa pa sila nun first wife nya. Sa mga nakita ko sex based ang relasyon nila ng other woman pero I can't say na sex lang. May connection eh and hindi siguro tatagal yun ng 8 years kung walang love. I have talked to the girl and mahal nya ang asawa ko pero syempre nagalit na din sya dahil sya man ay niloko din ng asawa ko. Sabi ng asawa ko ng i confront ko sya na madami daw yung naitulong sa kanya financially nun mawalan sya ng work dahil s apag cancel ko ng visa nya. Nag resign kasi sya noon sa work nya para nga pumunta sa akin. Tumatanaw daw sya ng utang na loob. Napalapit na din daw sa puso nya yung girl pero hindi daw yun ma eequate sa love.

Hindi ko talaga maunawaan bakit may ganitong tao.

« Last Edit: December 13, 2015, 10:32:47 pm by latte »

momentum

  • Guest
Re: May mas malala pa kaya sa istorya ko?
« Reply #1 on: December 14, 2015, 06:56:30 am »
sorry to hear what you are going through sis. ang sakit talaga..pero gaya ng sinabi mo wala ka naman ng magagawa kahit balik balikan mo pa. hindi sapat yung sorry niya and all. I know the feeling of looking for more signs/actions of remorse on their end pero hindi mo naman mapipilit diba. nasa iyo nalang yun sis if tatanggapin mo or not yung version ng remorse niya. pero think about it too..kahit ba gawin niya ang lahat para mapatawad mo siya, will it be enough to heal your heart and forgive him?

you asked kung may mas masama pa ba kesa sa kanya? I'm sure meron. based on my experience mas masama pa asawa (ex) ko sa kanya..in a whole different level nga lang. it's a good thing wala pa kayong sariling anak.

ano na balak mo ngayon sis? think about it sis: is he worth it pa ba after all of this?
do you still see yourself with him till you grow old?
are you willing to take another chance?
do you think he will change?
what kind of life do you really want?

dun ka nalang mag-focus. then come up with a decision.

good luck sis..pray for guidance..hugs

P.S - keep all the evidence you can gather. you will most likely need it one day. btw, ang swerte mo at nalaman mo ang tutuo without effort. Diyos talaga ang gumawa ng way para malaman mo ang tutuo..be thankful to Him.
« Last Edit: December 14, 2015, 07:02:56 am by momentum »

latte

  • Guest
Re: May mas malala pa kaya sa istorya ko?
« Reply #2 on: December 14, 2015, 08:45:15 am »
Thank you so much sis.

Hindi ko na nakikitang magbabago pa sya. I think Kung willing syang  magbago at Kung talagang na realize Nya ang pagkakamali nya dapat he has exerted an effort para I console ako. If in the future may Gawain sya siguro hindi na din mabubura yun sakit ng ginawa Nya. I have asked God with all sincerity na alisin na ako sa ganitong sitwasyon kasi apart from what I have discovered eh marami pang ibang issues ang asawa ko. Ito lang sigurong issue na to ang pinaka grabe.

Yes I was led to know the truth kahit Wala akong effort. Mabuti talaga na Hindi kami nagka anak kasi Kung may anak kami mas mahirap mag decide. Although, naawa din ako sa mga anak Nya kasi nadagdagan na naman ang mga question nila sa buhay. But I need to put myself first before anyone else this time.

momentum

  • Guest
Re: May mas malala pa kaya sa istorya ko?
« Reply #3 on: December 14, 2015, 09:07:43 am »
no worries sis.
yes, focus ka nalang sa sarili mo..if he has more baggage than this, then sobrang complicated nga naman niyang tao and for you to be in his complicated world eh IMO eh hindi ka matatahimik.
3kids from previous marriage, a complicated man with so many issues/baggage, ongoing mistress for 8yrs, at LDR relationship pa kayo, etc etc mapapaisip ka talaga kung gusto mo pa bang mainvolve sa life niya?


latte

  • Guest
Re: May mas malala pa kaya sa istorya ko?
« Reply #4 on: December 14, 2015, 10:19:07 am »
Oo sis sobrang complicated talaga. Abandoned kasi sila ng father nya when he was in high school. Akala ko noon kaya ko syang ma inspire to be a better person. Though madami naman talagang improvements sa kanya and I know for sure he will still be thankful na dumating ako sa buhay nya because of all the wisdom I have imparted. Kaya lang siguro talagang nasa magka ibang path kami.

On my end wala naman akong regrets na minahal at pumayag akong magpakasal sa kanya, marami din namang masayang memories though natatanong ko minsan kung alin doon ang totoo pero I still chose to be happy with the  memories. And the main thing is the lesson I have learned from all of these.  I have to love myself first and the feeling that i truly deserve a better life. These learnings I have now wouldn't be possible had I not love/marry someone like him. And this is not sour graping.
« Last Edit: December 14, 2015, 10:21:27 am by latte »

yannuh

  • Guest
Re: May mas malala pa kaya sa istorya ko?
« Reply #5 on: December 15, 2015, 09:18:38 am »
^agree ako sayo sis. bago mo mahalin ang 1 tao, need mo munang mahalin ang sarili mo. sa nangyayari sayo, napapabayaan at nakakalimutan mo na ang sarili mo. time to stand up and know your worth sis. it's not too late, hiwalayan mo sya, try mo muna enjoyin ang pagiging single. in God's perfect time, mahahanap mo din yung lalaking deserving sa love mo. hugggs! :*

momentum

  • Guest
Re: May mas malala pa kaya sa istorya ko?
« Reply #6 on: December 15, 2015, 09:34:54 am »
ganyan din ex ko, maraming baggage na bitbit, kaya he takes it out on everyone..broken family rin siya nanggaling.

you are very very lucky parin sis, kasi aside from knowing the truth na walang effort, eh nalaman mo ito before you even had a kid with him..you were spared from being in a more complicated marriage. now, you can just walk away freely. get yourself out from his complicated life. no one can change him but himself..

2 nalang aalalahanin mo ngayon, yourself, and annulment in the future, which is easier na mapag-iipunan ng budget since walang naman kayong anak na pangagastusan mo. Good luck!  :D
« Last Edit: December 15, 2015, 09:37:01 am by momentum »

latte

  • Guest
Re: May mas malala pa kaya sa istorya ko?
« Reply #7 on: December 16, 2015, 07:34:17 am »
Sis yannuh, thanks. There are people like me who needs to go through pa to that kind of relationship para marealize my worth. Tsk tsk tsk. Pero ok Lang atleast natutunan ko na.

Sis momentum, actually, Alam mo nun una ako nakipaghiwalay na kapag file na ko ng annulment pero I withdrew it kasi nga pumayag ako makipag balikan. I rang the lawyer the other day sabi Nya I can still use the psychologist evaluation Kaya less na yun sa babayaran ko kapag nag file ulit ako ng annulment. I'm taking my time pa, yung perang binigay sa akin ng mabait ko asawa supposed to be savings namin eh hindi ko na syempre ibinalik sa kanya Kaya yun na ang gagamitin ko for annulment process.

momentum

  • Guest
Re: May mas malala pa kaya sa istorya ko?
« Reply #8 on: December 16, 2015, 07:50:01 am »
Good luck sis..and buti naka menos ka sa gastos kahit papano.

ako hindi ko pa magawa annulment kasi I have a kid I support and put to school. pero someday I will. I have spoken to a lawyer na before..

ayi0119

  • Guest
Re: May mas malala pa kaya sa istorya ko?
« Reply #9 on: December 17, 2015, 08:45:05 am »
I have talked to the girl and mahal nya ang asawa ko pero syempre nagalit na din sya dahil sya man ay niloko din ng asawa ko.

Pareho naman sila ng asawa mo, may sarili din pamilya yang babae. Ang sasama nila.

latte

  • Guest
Re: May mas malala pa kaya sa istorya ko?
« Reply #10 on: December 17, 2015, 10:53:39 am »
^oo sabi din nung step son ko bakit ko daw kinausap pa eh parehas Lang daw yung tatay Nya at yun babae na Wala sa hulog. May mga tao siguro na emotion based yung actions nila.

I must admit na I judged them both nung malaman ko Pero ngayon after reflecting on what had happened I pity them and their kids.

momentum

  • Guest
Re: May mas malala pa kaya sa istorya ko?
« Reply #11 on: December 17, 2015, 12:13:13 pm »
^sis kamusta ka na? ano na balak mo now sa ngyari?
aalis ka na ba sa house ng inlaws mo?

latte

  • Guest
Re: May mas malala pa kaya sa istorya ko?
« Reply #12 on: December 17, 2015, 01:45:22 pm »
^sis overall ok na ko. Thanks for asking. Actually the day after I have seen the photos and chats umuwi na ko dito sa amin sa bahay ng parents ko. Waiting pa ko for the opportunity to do business.

momlory

  • Guest
Re: May mas malala pa kaya sa istorya ko?
« Reply #13 on: December 17, 2015, 04:57:02 pm »
I'm waiting a post from  sis Aquacharly about this. Magaling kasi siya mgadvise sa mga ganito.

Since complicated ang case hindi ko rin alam ang gagawin ko. Pero siguro mas gagamitin ko ang utak ko sa case na to at makikipag hiwalay ako. Maganda nga sa case mo wala ka pang anak sa kanya.

Opinyon ko lang ito since wala ako sa sitwasyon mahirap magsabi ng tapos. Hindi ko rin kilala yung lalake pero based sa kwento mo maniac siya.

aquacharly

  • Guest
Re: May mas malala pa kaya sa istorya ko?
« Reply #14 on: December 22, 2015, 11:44:47 pm »
MOMLORY, thank you for the appreciation. But truthfully,  all of us here  have good insights to share. 

LATTE, start your recovery by being grateful for your blessings:  you are financially independent & capable,  & you have "fight"  in you -- Hindi ka basta nag collapse & cry in a corner.

Next step:  Accept that sh1t happens even to good people.  Accept that puedeng suklian ang kabaitan mo nang kawalanghiyan.   

Then:   Feel grateful that inspite  of the fact that LDR kayo & this man is an expert at hiding his monkey business -- God's hand:  nabuko mo sya, beyond any denials. 

Then:  Forgive yourself.  You did it all:  the loving, the trusting, the sacrificing, the giving of more than 1 chances, etc etc  because these were the right things to do when you did them. 
OO, naloko ka, naisahan ka ... But the bigger loss is his:  he has no shred of integrity, he fools himself & duwag sya --  Hindi nya magawa whatever gusto nya of his life.  Tama what he said:  wala sya face ihaharap sa yo.

Finally, do not waste time para maunawaan baket may ganyang tao.  We are what we are.  Some movies, have lousy scripts, lousy actors.  We cannot do anything na kung tayo eh nag tiyaga manood ng lousy movie.  But we should not waste time to watch it again, and again.  Leave in The Past what does not work for you.  This relationship keeps on breaking down, dump it. 

latte

  • Guest
Re: May mas malala pa kaya sa istorya ko?
« Reply #15 on: December 23, 2015, 06:36:12 pm »
Thank you MOMLORY for taking time reading my post. Yes I already did separated from him. Well, hindi na din naman sya nagsalita.

Sis Aquacharly, Full of wisdom ka talaga. Thank you sa comment mo. You said it all and that's the exact definition of my ex husband.

I have to admit na kahit in so many ways my angels has already let me see the reason for why it has to  happen may mga oras pa din na i have asked myself why did I allow it and that was reason why I posted my story here.

Thank you very much mga sis.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close