watch now

Author Topic: My baby is being shortchanged  (Read 2978 times)

abandoned_lady

  • Guest
My baby is being shortchanged
« on: December 09, 2015, 06:17:40 pm »
I don't know kung eto ang tamang avenue ng queries ko pero just want to share my story:

Last year, I dated someone na mabait naman. He's religious (actually he's a Born-Again Christian) and graduated in one of the prestigious school here in the Philippines. Yung pag nababanggit na yung school na yun, alam mo ng matatalino lang ang nakakapasok. We went out of town like Cebu and Tagaytay and even bought me a ticket to HK but we didn't push through. After 2 months of dating, bigla syang nawala for I don't know reasons. I was in the state of moving on til he went back so we fixed everything and to the point that I got pregnant by him. Upon knowing that I got pregnant, nawala nanaman sya. I decided to just go on with life, ganun talaga. Until my birthday came, and he messaged me saying that wag daw ako maging selfish dahil nalaman nyang plan ko sana syang kasuhan pero nagbago ang isip ko dahil ayoko na ng gulo. He kept on messaging me na gusto nya maalagaan ang baby namin, na kinikilala nya, na open yung lines nya samin na lagi ko syang iupdate. Dahil natakot na ko na baka ulitin nanaman nya yung ginawa nya, I decided na sabihin sakanyang lumayo nalang sya para atleast wala ng asahan, but he refused to he kept on rubbing into my nose na responsibility nya ang bata at kanya ang bata.

He just visit me every other week since umuuwi sya sa bahay nila. Everyday, he would message me how am I kung may masakit ba sakin and always reminding me to take my vitamins and sleep early dahil bawal magpuyat sa bata, but being addicted to my work inaabot ako ng madaling araw. Never did I ask him to take care of me, bumukod ako. Ako lang mag isa all throughout my pregnancy, although sensitive yung pagbubuntis ko.

Months have passed and we are doing okay naman. Whenever I need help he's there to help me immediately. Until one day, he decided to tell his mother about my situation and everything changed. Tinawagan ako ng nanay nya and galit na galit at gusto akong pauwiin samin para alagaan ako ng mama ko which is hindi ko sinunod dahil may sakit yung lolo ko at ayoko makadagdag sa burden. Dahil sa di ko pag sunod, sinabihan ng nanay nya ang tatay ng baby ko na wag kaming kausapin pa. She cut all the communications and hindi ako tinulungan - note, ilang weeks nalang manganganak na ko. Nakapag plan na kami kung san ako manganganak at yung hatian pero dahil sa nanay nya at sa boyfriend ng nanay nya na may link sa isang congresista, ginipit nila ako. Binantaan pa ako na kung manggugulo daw ako ay may mangyayaring hindi maganda sakin.

One day, out of the blue, nag message yung tatay tatayan nya na ano daw ba kailangan kong tulong, so sinabi ko na kailangan ko na makahanap ng hospital kung san manganganak. Dinala nila ako sa malayong hospital at dun nalang daw ako manganak para free - pero ang byahe mula sa bahay ko hanggang sa hospital ay 2 hours. Okay lang sana makakamura naman ako, pero ang akala ko na matutulungan ako, hindi natuloy. Iniwan nila ako sa ere at walang kahit ano ano.

Nanganak ako at ininform ko yung nanay ng tatay ng anak ko. Nanganak ako ng morning, at dumating sya ng hapon. Nag down lang sya ng 8,000 sa hospital para ma room-in kami ni baby. She said ayaw nya magbantay dahil may ubo at sipon sya so hinayaan ko nalang. 6:00am ako dinala sa hospital at tinawagan na sya while we're on the way sa hospital pero dumating sya around 3pm na. Naroom-in ako ng 5pm at ang masakit pa is nung inaasikaso yung birth certificate ng anak ko. Yung friend nya yung nag sign ng papers dahil groggy pa ko ng sobra. Nung tinanong ako ng friend nya ng father's name at sinabi kong yung pangalang ng anak nya, at sinabi ng friend nya na "Si ____ ang tatay?" sabi nya "Malay ko" saka sya tumawa. Nagmamadali yung friend nya na kasama nya na umuwi dahil may pasok daw yung anak nya so sabi nya sakin kung kaya ko na daw, ayoko naman sabihin na hindi okay (parang di naman sya nanganak di nya alam feeling ng walang bantay) kaya sabi ko okay lang po. Then nagulat ako bigla syang bumalik at kinuha gamit ni baby. Sabi nya sakin babalik sya so nagpahinga ako. Hindi ko napansin yung oras til may pumasok ng nurse, sabi sakin nasan na daw yung kasama ko? Dahil wala akong orasan at lowbatt pa phone ko, hindi ko alam na gabi na pala. Sabi ko sa nurse, "Nasa NICU po." then biglang sabi ng nurse wala na daw tao dun kanina pa daw umalis yung "byenan" ko at 8pm na nung pumasok yung mga nurse. Wala pa yung anak ko sa room ko.

Nakiusap ako sa nurse na baka pwedeng makicharge ng phone para matawagan ko yung mga housemates ko. Mga 9pm dumating na sila dala yung ibang gamit namin, kaso hindi pwedeng i room-in si baby ng walang bantay so yung isang housemate ko nagpaiwan nalang para maroom-in anak ko. 10pm na ng maroom in yung anak ko.

After that, so the next day sinabihan ako ng OB ko na pwede na daw ako lumabas at dumating na yung bill. Dahil kulang yung dineposit ng nanay ng tatay ng anak ko, so patong agad sa bill. Nag message pa ako sa nanay nya na pwede na kong lumabas, at nagsabi pa sya na good daw. So here comes the bill. Sinabi ko sakanya yung bill na malaki at pinapapunta ko sana para matulungan man lang sana kami dahil malaki din. Nung sinabi ko, ang sabi nya wala daw syang ganun kalaking pera at yung binayad nya daw para lang daw sa bata - so ako na bahala sa buhay ko parang ganun ang dating. Dahil kulang yung pera namin, nag stay pa ko ng 3 days sa hospital, thank you sa tatay ko nagbigay ng pambayad. Ang bill ko 62,000 less na dun yung sa deposit nila.

Fast forward, ngayon dahil baon na ako sa utang at bibinyagan ang anak ko at kailangan ko ng tulong. Inexplain ko yung current situation ko at ng anak ko at sinabihan akong "Bakit kasal ba kayo ni _____? Tumutulong lang ako dahil sa bata. Anak or not ni ____." at dinagdagan pa ng "Yung iba nga kasal na di pa tinutulungan eh. Basta iniwan lang. Mapalad ka di ko parin pinababayaan anak mo."

I felt offended by what she said. I told her I asked my professor na lawyer about sa hanggang what extent ang pwede kong hingin na tulong sa anak namin, upto what extent ang obligations ng tatay nya sakanya but instead sinabi nya na "Edi magdemanda ka. Tignan ko lang hanggang saan ang mabibigay na sustento sayo pag nagdemanda ka." Ang pinapadala lang naman nila sa anak ko ay 500 a week simula nung pinanganak at minsan pumapalya pa. My baby is turning 5 months at marami narin syang pangangailangan bukod sa gatas at diapers, ako rin nagbabayad ng pedia at vitamins nya plus vaccine pa. Imagine budgeting 2000 a month na share nila nagbabayad ako ng rent sa bahay, utility bills, groceries at iba pang expenses.

I remember someone told me na hindi porket Christian ka, and pinangangalandakan mong maka Diyos ka and repeatedly saying Jesus at magdasal, it doesn't mean na may puso ka. Imagine what they did to my daughter na dugo at laman nila. I have 4 jobs at ako lang nag aalaga sa anak ko yet they rub it on my nose yung binibigay nilang 500 a week sa bata na pumapalya naman.

I just want to ask if tama bang humingi ako ng tulong? O sadyang mali ang ginawa ko na paghingi ng tulong sakanila?


amethyst028

  • Guest
Re: My baby is being shortchanged
« Reply #1 on: December 09, 2015, 07:18:50 pm »
hi sis! i'm also a single mom and my son is now 10yrs. old. why don't you stay at your parents house? that way mas makakatipid ka. since the birth of my son wala din yung dad ng anak ko. he rarely gives, mabibilang lang sa kamay kung ilang beses siya nagbigay. pero never ako nakipag communicate sa parents niya para humingi ng tulong. personally ayoko kasi mag mukhang kawawa na humihingi ng limos para sa anak ko. alam mo na, minsan kasi ganun ang tingin nila. and you cannot force people magbigay kung ayaw nila or kung yun lang gusto nila.

what got me through was my own family. it took my entire family to raise my son. my parents love their apo so much na halos hindi ko na mahawakan yung bata kasi inaako nila lahat ng responsibilities. sa school naman if i can't fetch him or bring him to school yung brothers ko ang gumagawa, pati sis ko she prepares his food and takes care of him pag wala ako. even pag tutor pag may test nag sa-salitan mga kapatid ko. wala ako yaya eversince and i don't know how we could survive without them.

don't think that you are being shortchanged. dalawa kayong gumawa ng batang yan pero ikaw lang mag isa ang umaako ng lahat ng responsibility oo unfair yun pero kesa mag demand ka sa kanila and awayin mo yung side nya just focus on how you can best provide for your child. mahirap talaga pag ganyan pero wala ka na magagawa nangyari na. just be positive with your life, stay with your family and pagtulungan niyo palakihin yung bata. you need them now more than ever. hindi ito for you, this is for your child kasi iba talaga pag yung bata surrounded with the people who loves him/her. buong buo siya pag laki niya. my son never, not once asked for his dad. isang tao lang ang nawala pero yung binigay na pagmamahal sa anak ko doble doble, higit higit pa. kaya don't worry about it. karma na ang bahala sa kanila.

yung blessings na bubuhos sayo sobra sobra pero sila mamalasin. karma will find them. ganun kasi nangyari sakin. deadma lang ako and focus lang ako sa buhay namin. everyday i work on making sure my son and i will have a bright future. dad ng son ko habol ng habol pero deadma ako. naka block siya sa akin. ayoko na rin kasi ng negative energy. Goodluck sa bagong chapter ng buhay mo. Motherhood is the best thing that wll ever happen to you.

Girltalker2

  • Guest
Re: My baby is being shortchanged
« Reply #2 on: December 09, 2015, 10:06:54 pm »
Walang mali humingi ng tulong. But knowing how unreliable your bf is, what you did wrong is umasa ka lang sa kanila without a plan B.

Before you were still single, you only decide for yourself. So nabuntis ka, ok lang pinanindigan mo naman with or without your BF. Pero now na dalawa na kayo, Hindi ka puede manlimos all your life, kasi kung walang magbigay, pati anak mo damay.

What I'm saying is you have to have a long term plan paano mo buhayin ang anak mo without the father. Admittedly, you made a wrong choice in the past, nagpa buntis ka ng di kasal or walang guarantee. So this was the risk you took and it turned out against your favor.  Pero tapos na yung pagkakamali na yun, so just move on. Plan paano mo palakihin anak mo ng maayos nang walang support sa tatay.

Yes sige ask for help. Nothing wrong naman. Pero pag di sila tumulong, dapat may mapapakain ka parin sa sarili mo at sa anak mo. Kung may tulong naman na inabot sayo, then extra savings nyo na yun.
« Last Edit: December 10, 2015, 06:48:21 am by Girltalker2 »

momentum

  • Guest
Re: My baby is being shortchanged
« Reply #3 on: December 10, 2015, 07:12:21 am »
I'm a single mom too and just like what the other sissies said, just focus on raising your kid alone and if magbigay sila then thank you, if not then okay lang.

sis, isang anak palang yan..kaya mo yan!  :D kung nakakaya namin, ikaw rin.
actually, sa ngyari sayo sa ginawa nila, I wouldn't even accept any help AT ALL..nor ask. I will stay very very far away from them..and putulin ang communication. ang toxic ng mother sis, grabe yung psychological abuse na ginagawa sayo, hindi mo ba nakikita yun? tinatakot ka pa and all. if I were in your shoes magtatago na talaga ako sa kanila not because takot ako pero sobra kasi silang manipulative..power trippers and abusers. it's not worth it anymore..gusto mo ba talagang magka utang na loob sa mga ganyang klaseng tao? it's scary sis. baka ano pa maisip nilang gawin sayo.

why not go back to your parents na? so that they can help you. kung hindi mo kayang alagaan baby mo, huwag mo akuhin lahat. the thing is, your asking help from wrong places. Oo andun na tayo na dapat panindigan ng lalake yung anak niya, pero look naman kasi how toxic that family is. ask help from your parents instead..kaya mong buhayin anak mo believe me, you just need support from people who will willingly take care of your baby, para panatag ka.

stay strong sis and take care.

freiavida

  • Guest
Re: My baby is being shortchanged
« Reply #4 on: December 12, 2015, 05:52:26 am »
Hi sis,
I hope you're doing well, despite everything.
First, dasal ka.
And then, now it's time to stand on your own 2 feet.
Mahirap, but you'll make it.
Wag ka nang manghingi ng tulong sa kanila, and I should add, your kid's father is not a man. No balls at all.

500 a week? Anong akala nila sa anak mo tuta?  Please tanggihan mo na yang 500 a week na yan.

Start forgetting about them, and start looking at your options. Madaling sabihin I know, pero kung trabaho ang problema mo, marami nang online, you can do homebased etc..

And I think it's time you ask for your mom's help. She will help you, no matter what.  And start life all over again. Be strong.

antithesisofbarbie

  • Guest
Re: My baby is being shortchanged
« Reply #5 on: December 13, 2015, 07:35:45 pm »
Hugs.

Nawala nalang bang parang bula ang tatay ng baby mo? Hmmm mama's boy ba siya? Bakit parang wala siyang buto at parang hindi niya pa kaya tumayo sa sariling mga paa?

Alam mo sis...nakakalungkot ang situation mo pero kailangan mo isipin at kayanin iyan ng mag isa ka.
Kung ako ikaw, titiisin ko maghirap kami ng anak ko pero bubuhayin ko siya mag isa kesa naman para akong namamalimos. Oo karapatan mo humingi ng tulong at responsibilidad nila magbigay kaso sis hindi ganon ang nangyayari eh.. lalo ka lang masasaktan at mahihirapan if aasa ka sa 500 a week. oo 500 din yon pero yung stress ng isip mo at sakit sa puso mo dahil sa ugali nila its worth more than 500. :(

sa parents mo muna ikaw.for sure they will help you and take care of you and your baby. bawi ka lang din. magiging maayos din ang lahat.

lovemeagain30

  • Guest
Re: My baby is being shortchanged
« Reply #6 on: December 27, 2015, 04:39:01 pm »
1) Walang sariling pera ang tatay ng anak mo. Mama's boy siya. Hindi niya kayo mahal.
Malinaw naman siguro yun sayo sis di ba?

2) Move On. Maghanap ng work. Provide for your own kid.

Mahirap pero Kaya yan.


 

Latest Stories

Load More Stories
Close