watch now

Author Topic: Nagkaanak sa iba ang tatay @ 64 yrs. old  (Read 1817 times)

dyosabel

  • Guest
Nagkaanak sa iba ang tatay @ 64 yrs. old
« on: December 05, 2015, 08:17:15 pm »
Hi mga sis, I just want to vent out, and ask for your advises. Ganito kasi yun, a little backstory,
My father is a serial babaero, ever since sobrang kabi-kabila ang babae nya. Nung nag-abroad sya, nagkaron padin sya ng babae dito sa pinas at napagraduate nya pa ng college yun. Samantalang yung mga kapatid ko eh hindi nya man lang napatapos. Nung nagbalik-bayan sya, hindi sya diretsong umuwi sa nanay ko, dun sya umuwi sa kabit. Pero nung naubos pera nya, bumalik din sya sa nanay ko. Yun yung time na nabuo ako.
Nahinto ang pambababae nya nung nag-aral na ko ng highschool at college. Lahat kasi ng kita nya (jeepney driver sya), lahat yun napupunta sa pag-aaral ko, so wala syang extra money para mambabae. Nung time na yon, parang huwarang tatay na sya at close pa kami nun. Then came the time na nakagraduate ako. Nung nagkawork ako, nasusuportahan ko na sila kahit papano, ako nagbabayad ng lahat ng bills sa bahay saka groceries. Pambili nalang ng ulam ang problema nila, which kung tutuusin, hindi na din problema kasi sss pensioner na sya. Pinapahinto na namin sya magdrive pero ayaw nya, dahil daw manghihina daw sya. Tapos biglang napansin ko, ang dalas nyang may katext at katawagan. Ayaw nya din ipahiram ang cp nya. Madalas din sya asarin at tuksuhin ng mga kasamahan nyang driver. Dun na kami nagduda. One time, nakuha ng pamangkin ko ang cp nya, dun namin nadiskubre na may kabit na naman sya. At worst, nabuntis nya yung babae. 65 yrs old na sya mga sis (64 yrs old sya ng pinanganak yung anak nya sa labas), at madalas humingi ng pera yung babae. Eto pa, madami nang anak sa ibang lalaki yung babae, so duda kami kung anak nya ba talaga un. Etong huli, nasimot lahat ng pera nya dahil nahospital yung bata. Baon na baon sya sa utang. Pati sss nya, nakasanla. Hindi ko na din sya kinakausap, dahil sa totoo lang, sobrang sakit para sakin at di ko pa sya mapatawad. Ang binibigay nyang pera sa nanay ko, madalas 100 pesos nalang dahil nauna na syang magbigay dun sa babae. Naaawa kami ng mga kapatid ko sa nanay ko (67 yrs old na sya). Tuwing umuuwi ako sa bahay, walang ginawa ang nanay ko kundi magsumbong. Di ko na masyadong ginagatungan, kasi baka atakihin sa puso. Pero ang nanay ko, tinatago nya pa ang picture nung bata sa bag nya.
Ang question ko mga sis, ano kayang dapat naming gawin, baka naman kasi ginagatasan lang sya nung babae. May way kaya para matigil lahat ng ito? Pumayat ang tatay ko ngayon dahil sobrang problemado. Minsan, gusto ko syang sisihin, kasalanan nya to lahat, kumuha sya ng bato na ipupukpok sa sarili nya. Imbes na pahinga na sila ngayon, nag-eenjoy nalang, ayan, kayod kalabaw padi tuloy sya.
Pasensya na sa mahabang post mga sis, sobrang bigat lang talaga. Lalo na when i am looking at my mother. She doesn't deserve all of this.

TomHansen

  • Guest
Re: Nagkaanak sa iba ang tatay @ 64 yrs. old
« Reply #1 on: December 06, 2015, 12:18:32 am »
Sa dad mo wala ka nang magagawa womanizer talaga siya and it's ok to hate him habang-buhay, he cheated on your mom nung wala ka pa at ngayon na matanda ka na panigurado marami rin siya inbetween na hindi niyo lang nahuli. Your priority right now should be your mom's happiness and health, matanda na si mom mo para pagdaanan pa yung ganito so i suggest since broken siya gawin mo sa kanya yung mga ginagawa ng mga broken hearted - ilabas niyo palagi, bring her somewhere na makakapagrelax siya, let her feel na kahit may problema maaari pa rin siyang sumaya. Talk to your siblings and work as a team sa pagpapasaya sa kanya. Iparamdam niyo na nandyan lang kayo para sa kanya, talo man siya sa asawa panalo naman sa mga anak.. Hindi man ngayon someday kailangan masigurado mo rin na anak talaga ng dad mo yung bata, kasi sa ayaw at hindi maaaring kapatid niyo na yun and im sure kakailanganin niya rin ang tulong niyo paglaki niya kasi victim din siya..

Pati ako nagagalit sa tatay mo at sa kabit niya... grrrr

dyosabel

  • Guest
Re: Nagkaanak sa iba ang tatay @ 64 yrs. old
« Reply #2 on: December 06, 2015, 12:59:16 pm »
salamat sis, i guess, sa ngayon wala kaming magagawa sa tatay ko. Me and my sister always assure my mother na mahalaga sya. Tuwing weekend lang ako nasa bahay dahil sa work, kaya pag weekdays, ang ate ko ang nagmomonitor kay mother. Yung mga anak ng ate at kuya ko, bumibisita din araw-araw kay nanay para chikahin sya. Bilib nga ako sa nanay ko, dahil after all of my father's infidelity ever since naging mag-asawa sila, inaalagaan nya padin ang tatay ko. Pinaghahanda ng pagkain pati pampaligo. Ibang klase.

three8one

  • Guest
Re: Nagkaanak sa iba ang tatay @ 64 yrs. old
« Reply #3 on: December 08, 2015, 08:27:22 pm »
tikas ni father sis... malakas pa ang kamandag... biro lang...

na try mo na ba ng mag research or magtanong tanong sa mga may alam sa medical field kung at the age of more than 60 eh capable pa mag ejaculate ng father mo? ilang pecent ang chance na makabuo pa sila nun kabit nya at how old na ba yung babae? mabuti na yung may idea kayo para mawala na yung agam agam nyo na kung anak ba talaga ng tatay nyo yung bata. mas mura yun kumpara sa pag papa DNA dun sa bata parang lang makasigurado.

siguro ang pwedeng gawin nyo din eh may isa sa inyong magkakapatid na malakas ang loob na kakausap dun sa kabit ng father mo para linawin habang maaga pa na kung tatanggapin nyo yung bata sa pamilya nyo eh ang responsibilidad lang ng tatay/ninyo eh yung bata hindi kasama yun nanay, meaning, ang responsibilidad nyo lang sa gastusin ay yung sa bata para hindi kayo mahuthutan. ngayon kung aalma yung nanay nun bata na dapat kasama sya, iinsist nyo na hindi naman kayo mayaman at matanda na ang tatay nyo para I provide pa pati ang ikabubuhay pati nun nanay. kung ipag dadamot nya ang bata siguro naman hindi kawalan sa inyo yun. sinikap nyong magpakita ng diplomasya sa abot ng inyong makakaya ngayon kung hindi makikipagtulungan yung kabit eh wala na kamo kayo magagawa pa.

para sa tatay nyo naman, ganun din.. kausapin nyo din at sabihin nyo na kung willing kayo siya tulungan eh dapat mag silbing aral na sa kanya yun, kung hindi nya kamo mabigyan ng respeto ang nanay nyo at kayong mga anak nya atleast man lang mabigyan nya ng respeto ang sarili nya. wag nyo na sisihin o sumbatan ang tatay nyo kasi kahit baliktarin pa ang mundo tatay nyo pa rin yan at dahil kayong mga anak ang may mas malawak na pag iisip sa ngayon kayo na lang ang umunawa ang umintindi sa kanya. pamilya pa rin ang magtutulungan sa kabila ng lahat, hindi man nasasabi ng nanay nyo sa inyo yun siguro pero sa kilos nya at pagmamahal nya sa tatay nyo malamang yun ang gusto nya iparating sa inyong mga anak nya.


 ;)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close