^haha! same na same tayo sis. Tita Witty guestbook din yung samin, then inorder pa namin yun online nung pag ka release, umorder kami agad. Kasi overseas kami, baka maubusan. Next day after our wedding, as in pagka gising namin hinanap namin agad yung guest book kasi excited kami magbasa pero alam mo yung ang saya namin but we ended up very disappointed kasi parang 2 tables lang ang nakapag sign. As in bagong bago pa yung guestbook, walang bakas na ginamit. hahaha! Kainis talaga, sabi nga ni MIL, bat daw wala kaming guest book kasi parang wala daw sila nasulatan. Some of our friends tinanong ko din after, wala daw umikot sakanila.
Si GA and BA, wala akong masabi din maasikaso sila samin and prepared, may tissue may tubig. Pero as part of the coord team apart from being a GA and BA, sablay sila don. Like yung naiwan ang female ento ko at wala kami ni isang shot before mag punta sa church, as BA todo assist sya sakin which was good. But as part of the whole team na hindi sya nakipag coordinate sa mga team nya na nasa church para i-update kung anong nangyayari samin sa preps, hindi lang sakin kundi pati ento ko na kasama ko lahat sa preps area, dun sya sablay. Why she did not check? Dahil sa BA lang sya, so hindi nya na scope ang mga abay? Kahit part ng job nila to meet the timeline and make everything in order? Mali parin di ba sis? Bakit wala kaming pictures, kasi sa twing tatanungin ni Photog, "Coord san na mga abay?" Sagot nya "Dipa sila ready." without even checking. Sabi ko nga sa isang abay after, sayang no wala tayong pictures. Sabi nya nalang "oo nga eh, wala man lang kasi nangumusta samin sa organizer nyo kung ready naba kami. Naghihintay lang naman kaming may mag approach samin if kelangan naba kami."
Yung supplier's gift na sobrang nagpasama ng loob ko, kasi lahat sila binigyan namin ng gifts, pero yung 2 supplier (HMUA & FLORIST) hindi nila naiabot eh magkakasama naman sila sa venue kasi may second look ako. Before pa kami dumating sa reception, magkakasama na sila, nasa holding area lang sila HMUA, then sila nasa registration. Yung sa florist, I assumed na dumaan naman sa registration to coordinate para sa pag transfer ng flowers, pero hindi rin naibigay yung simple token namin for them. Hindi na nga naiabot yung breakfast nung umaga, pati yung token namin hindi rin nila naibigay. It felt bad, kasi gusto ko ma feel ng suppliers namin na naapreciate namin ang services nila.

When I found out na may mga hindi naiabot, yung pauwi na kami. Then si photobooth, hindi ko na talaga inabutan kasi 2 hrs lang contract nila but they stayed until the end. So ang ginawa ko, binaklas ko yung Thank You tag nung isa, then sabi ko kay kay Photobooth ko nalang ito ibibigay, then pinakuha ni Ms. Kim kay sir Al sa kamay ko, sabi nya sige dear kami na mag-aabot kay Photobooth.
RSVP kami din gumawa ng paraan, ako na nag msg sa iba thru FB, the rest sa number na ng mama ko kapag relative ko lang din si mama na pinapakausap ko kung sure ba or hindi. Sa mama ni hub yung ibang relative nila. Kasi naman, few days before wala paring update samin ng status kung may mga nag decline ba. Nagtatanong ako kahit sa ento namin, wala daw nag tetext sakanila. Nag full blast sila Thursday night? Eh Sabado na kasal umaga pa, paano pa kami mag aabiso sa iba. Ayun pag dating ng wedding, mostly mga invited guests ng ate ni h2b and some of our relatives hindi nakarating, kung maaga silang nag RSVP at least 1 week before, we could've replaced them with some of our friends/ relatives pa kahit few days before meron pa kasi kaming gusto pang isama, kaso we're weighing the guest counts.
Sabi ko nga, kung walang major major sablay, baka hindi ko na napansin yung mga ibang minor glitches, pero dahil nainis na ako ng sobra nakita ko na ultimo sablay na paghawak ng beares namin ng ring at bible napansin ko na, sayang mga DIY ko kasi hindi naman nakita nung march at ang pangit din tignan sa photo. Yung nag overlap ang FG at MOH ko sa procession kasi nawala si sir Al na nag aassist sa Church pati yung isang lalake, iniwan nila pareho while procession. Kaya ayun nag sunod sunod sila ng lakad, wala silang magandang solo shot kasi nagsunod sunod na sila ng lakad. Pati yung hindi man lang nila inadvise ang parents namin san uupo. Pag dating sa harap ng altar, aligaga pa yung mama ko at kuya ko mali pa pwesto pinuntahan nya. Kakainis kitang kita sa video at rinig na rinig mama ko sabi nya "San na kami uupo?" hahaha! Ang nag assist pa sakanya, yung PV Team, kasi bawal coord sa harapan. Pero kung nasabi nila beforehand, nung nasa line up palang, edi sana alam na nila kung san sila uupo. Nakakaasar lang na sinama pa namin sila sa meeting with Father Allen, we even shouldered their gas fee of 700php, sinendan ko pa sila copy ng seating arrangement sa church, then pag dating ng wedding, hindi rin nila inayos. Kung hindi kaba naman masura to the highest level. Hahaha!
Basta sobrang daming sablay talaga, mapa minor or major sablay sila samin. They've done good things din naman and I mentioned those sa full review ko, pero wala parin sa dami ng sablay nila.
To our sisters here na booked na sila and can't do anything na to cancel kasi syempre sayang din ang pera, I agree with sis yn. Address everything to them yung mga gusto at ayaw nyo. Sana naman ayusin na nila ng ayon sa service na sinabi nila, hindi yung basta mairaos nalang. I really can't recommend them na at until now medyo naiinis parin ako kapag naaalala ko, but not to the extent na I will push future brides not to book them or mag cancel na kayo. Nasa inyo parin yun mga sis, I just vented out what really happened to us and it will depend sa case nyo kung paano nyo na sila ihahandle. I knew some future b2b na nag cancel, so as nag stick kasi nga malaki na yung na DP. Basta be as organized as possible mga sis. Happy preps ha!