Hi mga sis, happy to share this, please bear with me coz it's my first time to fit a wedding gown.

We went to BrideHouse earlier. Nagpa-set ako ng appointment just to fit their RTW gowns. May mga nakita kasi ako sa collection nila na pasok sa peg ko. At first, medyo na-intimidate ako mag-fit kasi honestly, ang liit ko, as in. Madalas akong mapagkamalan na highschool or fresh grad. Hahah!
Ms.Carmen is very accommodating. Even si h2b todo entertain sya. Then I started to point out kung ano yung mga peg ko and I told her na may gusto ko sa RTW nya. Nahiya pa ko mag-sukat, sabi ko kay Ms.Carmen, "Maliit po ako masyado, baka malaki sakin mga RTW nyo.", sagot nya sakin "Hindi naman, madami kaming cute sizes dito na sure akong bagay sayo.", I felt some kind of relief, hahah!
There we go, she handed me the RTW gown I wanted and pina-feel nya muna sakin tapos in-explain nya yung mga tela and inspiration sa paggawa ng gown na yun. She dressed me up and habang binibihisan nya ko, natuwa ako sa kanya, kwento sya ng kwento which is a very good sign para sakin na magaan kausap yung designer.
Pagkabihis nya sakin, inalalayan nya ko papunta sa mirror. Then, BAAAAM! To my surprise, saktong sakto sakin yung gown. Yung smile ko abot tenga. Tumibok bigla puso ko na parang true love. Ganun ata talaga kapag na-feel mo na yung "this is it". They kept saying "Ma'am mukhang pinasadya sa inyo yung gown, parang ginawa talaga yan para sayo". Even si Ms.Carmen tuwang tuwa kasi saktong sakto sakin yung gown, she even took a picture of me. Gusto ko ng iuwi yung gown pero Ms.Carmen told us na may minor alterations pa. I tried another gown, pero mas bagay talaga yung una.
So ayun, I think nakita ko na yung "the one". Hahah! Also, very mabait si Ms.Carmen, sobrang cool nya. Kaya natuwa kaming makipagkwentuhan pa sa kanya, same with her naman na ma-chika rin kahit may nag-aantay na client after us. Sorry for the long post, na-excite lang ako i-share.
Happy to be a BrideHouse Client!
