Author Topic: Bridehouse Clients  (Read 15821 times)

twinxz

  • Guest
Bridehouse Clients
« on: November 26, 2015, 10:43:43 am »
Hello!


BH bride ako  ;) at alam ko madami na tayo dito sa GT na client nila. Share your experiences here mga sis!


Nga pala, I had my final fitting last weekend. I was surprised na may lace pattern and beading na yung gown ko wherein wala pa naman silang pina-approve sakin. As far as I remember kasi, when I had my initial meeting, it was included sa process na may ipapakita silang mga patterns and will ask for my approval daw. Happy naman ako sa gown ko, kaso di kasi yun yung expected ko na output.

yannuh

  • Guest
Re: Bridehouse Clients
« Reply #1 on: November 26, 2015, 10:57:56 am »
^sis if ganyan, kausapin mo si Ms. Carmen. Actually may ganyan din akong na-experience, yung type naman ng skirt ng gown ko. Nagulat kasi ako during the second fitting ata yun, rosette type yung skirt nya imbes na simpleng frou frou lang. Wala akong matandaang me rosette skirt na frou frou akong pinakita sa knya or even kahit sa discussion namin before. Buti na lang mas maganda pa din sa peg ko yung naging output ng gown so dinedma ko na lang. Saka ginandahan naman nila veil ko, happy naman ako:)

twinxz

  • Guest
Re: Bridehouse Clients
« Reply #2 on: November 26, 2015, 11:11:46 am »
^pero sis may ganung process ka din ba? yung may approval ng pattern and beading?

ok lang kaya na sabihin ko though i-claim ko na kasi sya this weekend? di naman kaya magahol if ever na palitan nila? 3 weeks na lang kasi then wedding na namin.


yannuh

  • Guest
Re: Bridehouse Clients
« Reply #3 on: November 26, 2015, 11:18:27 am »
^actually sis me ganun din ako dapat process, ako mamimili ng lace, etc. kaya lang yung time na pumunta kami for the meeting, parang hindi available ata yung mga lace. e since di naman ako very particular sa lace, di ko na inopen ulit ke ms carmen and hinayaan ko na lang sya mamili for me. pati nga yung beading sya na nagdecide kahit sabi ko puru white beads lang, nilagyan pa din nya ng kung anek-anek. but overall, satisfied naman ako sa outcome ng gown:)

ay ganun sis? dapat sinabi mo na nung nagfinal fitting ka din. para nagawan ng paraan. try mo tawagan now sis baka nga magahol if ever me papalitan pa.

twinxz

  • Guest
Re: Bridehouse Clients
« Reply #4 on: November 26, 2015, 11:22:35 am »
^gusto ko sana sabihin sis kaso nahiya ako kasi may kasabay akong client. sa sobrang dami nilang client last Sunday, sinabay sabay na nila. nagfi-fit ako tapos may kausap syang initial inquiry pa lang, ganun. ako pa nga yung naging model nila.

yannuh

  • Guest
Re: Bridehouse Clients
« Reply #5 on: November 26, 2015, 11:28:54 am »
haha yun lang. hirap pag dami clients na sabay sabay kayo. ako me mga 1 or 2 nakasabay pero buti naman nakeri pa. try mo kaya tawagan now? if hindi ka talaga satisfied sis, need nya malaman. baka yan pa ikalungkot mo sa wedding mo. hehe. pero if masaya ka naman sa gown mo, hayaan mo na lang. ikaw sis, asayo pa din desisyon. prob lang is baka nga magahol or something. best wishes sis, lapit na pala wedding mo!:)

stylus

  • Guest
Re: Bridehouse Clients
« Reply #6 on: November 26, 2015, 12:34:52 pm »
Wow. May gantong issues pala kay bridehouse. Atleast aware na ako. First fitting ko na this weekend. Ill make sure to discuss every detail ng peg ko para maiwasan ang ganito. I have a friend and her wedding is on january, pinaapprove daw muna sa kanya ang bead pattern at skirt design during her second fitting. Twice din daw nya pinarevise yung proposed pattern. Then the third design.. approved na! :)

twinxz

  • Guest
Re: Bridehouse Clients
« Reply #7 on: November 26, 2015, 01:25:30 pm »
^^onga sis eh, lapit na. PMd them on FB pero ang mas nabigyan pansin yata yung isa ko pang concern: i-double check yung tahi yung gown. (ok sinimulan ko yung thread ng mejo nega vibes, sorry mga sis)
kasi same kami ng coord and gown supplier (BH) ng isa nating sis dito. nung nagmeeting kami ni coord, nabanggit nya yung about sa gown ng ka-sis natin. nauna wedding nya last month, and nagkaproblem sa gown nya--nagtanggalan yung buttons when in fact, pumayat pa nga daw sya. sabi ni coord di daw stretch yung tulle na ginamit kaya nagputukan :( so bonggang tahi sila. inform ko daw si BH sa final fitting ko to avoid the same.

ok back to PMing BH, tinanong lang nila sino yung bride, so sinabi ko kung sino.

back to the issue ng double checking ng gown: nung nag-final fitting ako, may mga natanggal na beads and crystals--OK, what is the meaning of this? (sa isip isip ko) but I whispered sa kanila, MAY NAGTANGGALAN NA BEADS/CRYSTALS, AYUN OH.. sabi na lang nila ICHECK NA LANG PO NAMIN, DI NAMAN PO MAUUBOS YAN. Maarte lang ba ako or what? So yun, sana mabigyan pansin ang concern ko ng pattern and beading.

@stylus
naiingit ako sa friend mo sis. di ko yun naranasan. gustung gusto ko yung isa nilang RTW gown, pina-customize ko lang yung color and yung sa cleavage na masyadong revealing for me. huhu! bakit ganoon T________T

stylus

  • Guest
Re: Bridehouse Clients
« Reply #8 on: November 26, 2015, 02:17:48 pm »
If i were you sis.. kung talagang bothered ka.. discuss it with Ms. Carmen. Malay mo mabilis lang nila maaalter. Atleast you tried di ba. ;)

At naloka ako sa "di mauubos ang beads" so okay lang pala magtanggalan as long as may matira? hehe.
« Last Edit: November 26, 2015, 02:20:27 pm by stylus »

twinxz

  • Guest
Re: Bridehouse Clients
« Reply #9 on: November 26, 2015, 02:59:33 pm »
^hopefully this sat (in person) or call ko na kaya?
Not sure if biro lang yun sis, pero since nabalitaan ko yung nangyari sa gown ng isa nating sis dito, natakot nako :(

taz188

  • Guest
Re: Bridehouse Clients
« Reply #10 on: November 26, 2015, 03:52:21 pm »
Hi! Bh bride din. 2nd fitting ko din this sunday. What time ka sis twinxz? Nakakaloka naman [textspeak!] comment na di mauubos ang beads! Haha. Sana naman umok yung gawa nila kasi honestly kaya din natin sila pinili kasi maganda work nila for the price. Kaya sana di macompromise ang quality lalo na customized pinapagawa natin

twinxz

  • Guest
Re: Bridehouse Clients
« Reply #11 on: November 26, 2015, 04:04:19 pm »
^Saturday morning ako sis eh. Agree on that. Actually nagulat din ako sa 1st nega comment for BH. Pero yun nga, nung nahulog yung beads/crystals nung nag-fit ako, partly naniwala nako (or OA lang ako). Di ko kasi sure if the same happened sa mga sis natin during fitting nila, so baka OA lang ako.

yannuh

  • Guest
Re: Bridehouse Clients
« Reply #12 on: November 26, 2015, 04:05:42 pm »
Haha tawang tawa ako sa nagtatanggalang beads sis:) so far di naman natanggal beads ng gown ko and pulido naman ang tahi:) yun lang reklamo ko talaga, yung naiba dun sa peg ko pero keri naman at maganda naman talaga kinalabasan. Sis wag mo na hintayin magSat, tawagan mo na para makausap at malaman nila concerns mo. Wag PM PM baka kasi di nila agad mabasa. Makulit ako sis kaya todo tawag agad ako pag me concern para nasosolusyonan agad:)

stylus

  • Guest
Re: Bridehouse Clients
« Reply #13 on: November 26, 2015, 05:35:26 pm »
^agree kay sis yannuh! Para they'll take your concern seriously sis. Pag pm or text lang kasi di mukang nangangailangan ng urgent attention. Saka kung sakaling di nila narerealize na di na okay ang quality ng beadwork nila, kahit papano maaaddress ni Ms. Carmen yan sa mga tao nya.

taz188

  • Guest
Re: Bridehouse Clients
« Reply #14 on: November 26, 2015, 05:51:59 pm »
Yep! Go sis twinxz talk to them na. Ako sa sunday 2nd fitting ko this is fitting the corset and skirt na no? As in gawa na ba [textspeak!] skirt by this time? Tapos last fitting ba sisses yung may lace na yung top? So dapat by sunday nila ko papiliin ng lace?

Also, may additional fee ba if i want to have lace in my veil too? Thanks! :)

twinxz

  • Guest
Re: Bridehouse Clients
« Reply #15 on: November 26, 2015, 06:45:53 pm »
thanks mga sis, tinawagan ko na, they listened to my concern, yun lang parang sa FB lang din. huhu. ano kaya mangyayari nito. call ko ulit bukas.

@taz188
yes, sis, yung corset and skirt na yan.
yes, usually nauuna magawa ang skirt.
yes, last fitting na yung mga lace pattern with beads/crystals.
yes, dapat mag provide na sila ng lace patterns and beadings sayo this sunday fitting mo.

ang alam ko may additional fee pag may lace sa veil. pero try na rin ask, baka ibigay ng free. :)
« Last Edit: November 26, 2015, 06:47:39 pm by twinxz »

stylus

  • Guest
Re: Bridehouse Clients
« Reply #16 on: November 30, 2015, 10:47:59 pm »
done with my first fitting with bride house. they asked me to choose the lace pattern that i want for my gown. nung nakapili na ako, gagawan daw ng sample beading that is for approval daw on my next fitting sched. sana maging okay naman ang outcome. at sana maganda yung napili ko.

twinxz

  • Guest
Re: Bridehouse Clients
« Reply #17 on: December 01, 2015, 12:32:53 pm »
^inggit ako sayo sis, may ganyan haha! Ako wala, ngangey!
Sis maganda naman sila gumawa talaga ang problema lang talaga sakin, wala silang pina-approve na ganyan kaya parang naging surprise gown yung akin. nakakaloka!

Got my gown na pala last Saturday morning. Nag last fitting kami and I must say ang laki ng naging difference nya sa final fitting ko. Mas dumami siguro yung beading. Happy naman ako sa naging gown ko. Walang nahulog na beads nung nagfit ako. Tinahian nila ng hook yung skirt ko for the reception look. Nalungkot lang ako ulit kasi yung garter nirequest ko yun na blue way back pa, ayun nganga nanaman di nasunod request ko. wala naman akong magawa kasi wala si ms. carmen and ms. maila--nasa wedding daw. :( wala tuloy akong something blue. Muntik pa makalimutang isama sa box yung veil ko. grabeeee! Pagkatingin ko wala man lang lace--tipong pakonswelo sana sa aberya about the lace and beading approvals tapos yung sa garter. WALA :(

stylus

  • Guest
Re: Bridehouse Clients
« Reply #18 on: December 01, 2015, 12:51:28 pm »
Honestly sis, di ko alam kung ganun ba talaga ang process nila or naging ganun na lang dahil nagraise ka ng concern mo. Saka may isa pang naguguluhan ako.. pm ko na lang muna sayo! Haha

twinxz

  • Guest
Re: Bridehouse Clients
« Reply #19 on: December 01, 2015, 01:49:52 pm »
Ganun talaga process nila sis kasi inorient na nila sakin yun nung nag-inquire ako. kaya nga nagustuhan ko din sila kasi may ganung approval ng beading eh. may nabasa kasi ako before na iba iba ang beading styles nila kaya each gown is unique. di sila nag-uulit ng design. (so kaya baka iba yung beading nung gown ko from the RTW design i originally requested but still wala yung approval ko kaya surprised ako)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close