watch now

Author Topic: Hoarding  (Read 6588 times)

donya_dyosa

  • Guest
Hoarding
« on: November 20, 2015, 02:53:15 am »
Ang ganda sana ng bahay namin.. Kaso yung mom ko ... Hoarder!!!
Not naman yung extreme kaya pa naman itago ng mga cabinet namin kaya lang nakakahighblood na...
Yung mga bagay na pwede sana itago sa cabinet di na kasya dahil sa mga basura

Mga walang kwentang bagay nandito sa bahay.
PLASTIC - kahit may dugo dugo pa ng karne ng baboy.. Ayun nakatago parin, dahil go green na
PAPER BAG/BROWN BAGS na ang iniipon.. Sobrang dami talaga!!
BOTE - ng mayonnaise, mga kape kung ano anong bote. Pag tinapon ko, magagalit at ibabalik
Tupperwares, kfc bucketmeals na containers, ice cream containers, spoon fork ng mcdo, jollibee ayan sobrang dami talaga!! Pag tinapon sayang daw baka daw gagamitin.. ni minsan hindi naman nagamit!
Ketchup, butter, sugar ng mga fastfood .. May nakita pako 2008 nandito pa.,.
Old curtains, bed sheets ayun since 1980s .. Nanjan parin.. Nagkaroon tuloy ng sentimental value!

Madami pa mga sis... nakakainis na talaga...


quinone

  • Guest
Re: Hoarding
« Reply #1 on: November 20, 2015, 03:00:56 am »
yung lola ko ganyan. nung namatay siya yung uniform ko nung kinder at unang bathing suit ko nung bata pa ako nasa kabinet pa din :))

yung ibang tao sis kabuhayan nila yung mga ganyan, baka sakali lang naman na kung yun ang i-reason mo sa mommy mo ay ibigay na niya sa magbobote yung iba sa mga yan tutal magpapasko.

donya_dyosa

  • Guest
Re: Hoarding
« Reply #2 on: November 20, 2015, 03:12:53 am »
Eto habang tulog siya ngayon nagtatapon nako..
Pati ref namin puro basura...mga expired nilalagay pa sa ref dahil pwede pa raw yon.. Pag nilinis ko ayun... sisigawan nako...
di lang ako sumasagot dahil baka atakihin siya pero ako yata nagkahypertension narin..



jhaz

  • Guest
Re: Hoarding
« Reply #3 on: November 20, 2015, 12:35:50 pm »
Parang mother ko din..hahaha..nAlilinis lang ang ref and cabinets nila pagnagbabakasyon ako sa kanila or hindi Kaya pagumuwi ang dad ko.ang daming expired goods sa ref even medicines pa na nakakatakot baka mainom pa nila accidentally.minsan mga gamit nila nasa labas lang kasi ang cabinets puno ng basura at mga damit namin noong baby pa kami.Kaya one time noong umalis sya nilinis ko cabinets nila at pinamigay na ang mga damit,beddings,plastic wares (lalagyan ng ice cream,buckets etc) na hindi naman ginagamit ayon wala na nagawa buti hindi rin nagalit.haha

quennna

  • Guest
Re: Hoarding
« Reply #4 on: November 20, 2015, 01:28:09 pm »
ako sumasaisi... lumang toys, luma at sirang hanger...
over used microwable containers... lahat yun tinatapon ko ng palihim sa amin (house ng parents ko) everytime na pupunta ako dun lagi may dalang eco bag as props para dun ko ilalagay lahat ng madadampot ko then dito ko na lang itatapon sa house namin...

« Last Edit: November 20, 2015, 10:03:14 pm by quennna »

donya_dyosa

  • Guest
Re: Hoarding
« Reply #5 on: November 20, 2015, 04:33:38 pm »
^ oh my god pareparehas nga sila!
ako nga rin nahawa na sa microwavables... hindi ko maitapon.. like pag ginawa kong lunch box sa office yon.. ayun hanggang paguwi ko dinala ko rin ang masama pa.. yung ibang microwavables don na patapon na.. aba inuwi ko rin!??  :-[ :-[ :-[ :-[
kagabi mga spoon and fork ng mga fast food inayos ko sobrang dami talaga mga nanilaw na.. pero di ko rin maitapon...
nahahawa nako sa pagkahoarder ng nanay ko.. my god!!

books_mags

  • Guest
Re: Hoarding
« Reply #6 on: November 20, 2015, 05:24:16 pm »
yung mga plastic microwavable food contaner na ginagmt for take out, i know it is cancerous to use repeatedly.  kasama narin ang plastic bottles.

try to fool her na lang na may charity/recycling drive sa office to get rid of it.

quennna

  • Guest
Re: Hoarding
« Reply #7 on: November 20, 2015, 10:05:12 pm »
pwede recycle yung plastic container, taniman ng seeds...
kuha ka lang ng konting lupa then lagyan mo ng seeds.. at least may silbi container mo hehe

atemai

  • Guest
Re: Hoarding
« Reply #8 on: December 10, 2015, 09:35:10 pm »
pwede recycle yung plastic container, taniman ng seeds...
kuha ka lang ng konting lupa then lagyan mo ng seeds.. at least may silbi container mo hehe

good idea ito ha :)  might try to do this next year, gawin ko ng project :D

khaleesiCersei

  • Guest
Re: Hoarding
« Reply #9 on: December 10, 2015, 09:59:02 pm »
I can so relate, sana may show na clean house ang pinas para isusuplong ko ang nanay ko hahaha. Nakakabwisit kasi. Puro dyaryo, papel at plastic ang bahay. Pag tinapon ko binabalik. Yun lamesa namin hindi na makainan sa daming nakapatong. Yun counter tops hindi na rin mapakinabangan sa dami din nakalagay na mga dapat eh basura na. Tapos yun isang kwarto pede pa sana gamitin kaso punong puno na ng kalat niya. Hindi na nga halos mabuksan ang pinto non sa dami ng gamit. Mga damit nung 70s at 80s nakatago pa rin. Mga sapatos na sira na ayaw pa i-let go. Eto pa, ang hilig pa mag shopping eh ang dami dami na niyang damit. Sa isang hanger eh 6 na damit ata nakasampay. May mga nakikita nga ako na ilang taon na nakalipas pero may tag pa rin. My god nasstress talaga ako tuwing umuuwi ako don at nakakahiya magdala ng bisita

ubermame

  • Guest
Re: Hoarding
« Reply #10 on: December 13, 2015, 07:08:38 pm »
relate ako dito...pero sa MIL ko...mga kini-keep nya:

- disposable plastic container, spoon and fork and table napkin/tissue paper from resto (pag nakaipon ibibigay sa akin, ako na lang nagtatapon, sasabihin ko muna sa hubby ko and sa sa SIL ko  ;D )
- yogurt, ice cream and kung ano anong food container
- plastic..kahit anong plastic (meron siya sa ilalim ng mattress, sa loob ng cabinet, sa ibabaw ng fridge at yung dishwasher nya na hindi nya ginagamit punong puno, kelangan mo talaga i-push ng balakang mo para maisara lol)
- box ng egg
- lahat ng freebies sa napupuntahang hotel (at hindi nagagamit sa sobrang tagal na)
- different sizes ng box, meron siya.


...basta ang daming nakatago na hindi na dapat itago. Kahit minsan sa food,nae-expire sa kanya.

donya_dyosa

  • Guest
Re: Hoarding
« Reply #11 on: December 28, 2015, 01:50:45 am »
feel ko mga batch ng parents natin talaga ang ma hoard na tao.
at may tendency narin tayo mahawa.. kaya we have to make sure na maitama na ang hoarding tendencies natin! hehe

to add sa list ng mga hoarded items ng mudra ko.

1. souvenir from binyags and weddings from 20 years ago pa . mga figurines na baby? duh! the reason why hindi ako nagsouvenir ng ganyan ng kasal ko is .. sa totoo lang. nakakainis eh . dust collector lang ang mga yon.
may 3 mug ako dito na galing sa kasal. mga picture nung kinasal ang design. isa isa kong binasag sa loob ng isang buwan. =)

2. MCDONALDS GLASSES. lahat ng edition nandito.. sorry ang sarap basagin. ni hindi namin nagamit yan dahil collections daw yon. collections na nakadisplay sa china cabinet na parang binalandra lang..

3. Old documents na sobrang dilaw na nung papel. 3 folder na puro papel from PDIC ang meron kami.. naclaim naman na namin lahat ng pera namin.. pero yung 3 folder nandito parin. inaagiw., inaalikabukan. sabi ko itatapon ko. WAG DAW importante daw yon?

4. dyaryo. ho my god sandamukal na dyaryo ang mayron kami iniipon daw niya para daw sa junk shop. nung nabadtrip ako one time. binenta ko talaga lahat.. tapos saktong sakto. kinailangan ng anak ko any news paper sa school. ayun sinigaw sigawan ako ng nanay ko! grabe perfect timing talaga.

5. water hose. may dalawa kaming water hose na butas .. nandun sa may dirty kitchen nakapaikot. at ayun one day ,.. inahas hahaha dami kong tawa.. kundi pa aahasin hindi pa itatapon..

6. basahan - basahan na pangit at dumi na pwede nang magpahinga at sobrang dami. yung tipong kahit anong laba mo.. ang tigas na at oily basta very basahan na .. kung ipampunas mo man parang mas dudumi lalo.. anyway di tinatapon kasi gagamitin parin daw pero pag naghahanap ako basahan. walang magamit

« Last Edit: December 28, 2015, 02:00:19 am by donya_dyosa »

glamorosa_09

  • Guest
Re: Hoarding
« Reply #12 on: December 28, 2015, 11:41:06 am »
Maganda yata sa mga hoarders may sariling bodega sa bahay. Both my [textspeak!] and husband are hoarders. Buti ang [textspeak!] ko may sariling bodega. Eh kami, yung isang kwarto ang naging bodega, nag-uumapaw sa dami ng gamit.

Ang opposite namin, may pagka minimalist ako then husband ko ang hoarder.

chikit

  • Guest
Re: Hoarding
« Reply #13 on: December 28, 2015, 11:36:25 pm »
Pasok ata ako dito.  Ang dami dami ko gamit, may habit kase ako na minsan pag bumili ako ng lotion 3 bote agad per brand tapos first bottle lang magagamit hanggang sa tambak na dito sa bahay.  Christmas decors, damit, libro hindi binabasa etc kaya parang ang sikip ng bahay ko kahit 4 bedrooms naman.  Minsan gusto ko sya ayusin pero pag naiisip ko kung gaano sya ka trabaho hindi ko na tinutuloy.  Sana talaga magkaron ako ng courage mag tapon ng hindi na kailangan.

freelancer_babe

  • Guest
Re: Hoarding
« Reply #14 on: December 29, 2015, 12:44:22 am »
Naku nanay ko rin hoarder. Pero nakukuha pa naman sa paalala na kailangang magbawas ng gamit.

Sa pagiging hoarder nya... bilib naman ako sa galing at pagkakaayos naman ng na hoard na gamit. Good condition pa pag nilabas!

Iniintindi ko na lang kung bakit. Galing kasi sa hirap at nasanay sila sa wala. Kaya nanghihinayang sila sa mga tinatapong gamit.


amethyst028

  • Guest
Re: Hoarding
« Reply #15 on: January 05, 2016, 05:36:25 pm »
Naku my mom is like this also. Ang laki laki ng bahay namin puro basura lalo na yung sala. When my dad died ayun gumulo na bahay namin. Nakakahiya magdala ng visitor kasi iisipin nila junk shop ang bahay namin. Pag nagtapon ako sa basurahan pinupulot niya pag pwede pa pakinabangan. Ang lupet walang nakaka lusot sa kanya.

ako kasi sa bahay ko lahat ng alam kong ayoko na at hindi ko na gagamitin nilalagay ko sa trash bag kasi pinupulot yun ng mga basurero at sila ang gagamit or sila na magbenta. I don't want to keep them sa house. Yun pa kasi pag mumulan ng mga insekto, ipis or daga lalo na kung hindi proper yung storage. Tsaka nakakainis tignan pag magulo or madaming nakatambak sa bahay.

quennna

  • Guest
Re: Hoarding
« Reply #16 on: January 05, 2016, 05:57:17 pm »
basta sisses, make sure, na pumuslit kahet 1 o 2 bagay then sabay tapon...
di namna mahahalata yun.. hehe

khaleesiCersei

  • Guest
Re: Hoarding
« Reply #17 on: January 05, 2016, 07:37:10 pm »
^sis ilang beses ko na ginawa yan sa mom ko haha walang lusot. Alam nya ang basura niya. And pag may tinapon ako asahan ko na yun may kapalit agad yung basura at mas madami pa. Kahit sa sandamakmak niyang damit na hindi naman niya magamit lahat alam niya pag may kinuha ako hehe kakastress diba lol!

donya_dyosa

  • Guest
Re: Hoardi
« Reply #18 on: January 05, 2016, 09:54:57 pm »
Sis amethyst028 i feel you...
Ako rin nahihiya magpapunta ng bisita.. kung may bahay lang ako saakin, ang ganda ganda siguro. Haist. I cant leave my mom kasi.  :(

Nagtatapon talaga ako lalo na pagtulog siya, pero magugulat ako biglang nakatayo na sa likod ko literal na magugulat ako with sigaw pa kasi alam ko na may ginagawa akong "masama" hehe..
Basta pag nagtatapon ako. All of a sudden nasa likod ko na siya.
Minsan may mga nasa basurahan na.. Bumabalik pa sa cabinet! Jusko.
Mga flyers ng mcdo, jollibee, chowking and all ayun nanjan lahat. Tinry ko itapon pano daw pag magpapadeliver!

Ang ref namin. Lahat ng buksan na chichirya sa ref ang bagsak, mga ketchup nasa ref mga sachet etc. baka daw kasi langgamin. Ayun mas nakakahiya ref namin mukhang tambakan lang talaga. Yung lamig hindi namamaximize..

shesgullible

  • Guest
Re: Hoarding
« Reply #19 on: January 05, 2016, 10:50:05 pm »
Si mama ko din ganito. Bakit kaya parang puro mudra natin ang hoarders? most of the time sira na ang gamit itatago pa din lalo tuloy nasisira. Pag pinagsabihan naman na ipamigay or itapon magtatampo. Kaya pasimple talaga din akong nagtatapon ng mga 'treasures' niya.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close