Author Topic: Mrs. Kontra  (Read 6965 times)

tischarmedlife

  • Guest
Re: Mrs. Kontra
« Reply #20 on: November 16, 2015, 12:26:44 am »
He's already 34 na pala TS, pero bakit ganyan sya ka-immature? Di enough na reason na deprived sya para bumili sya ng bumili ng "luho" nya. Deprived pala sya, so alam nya dapat ang hirap nang walang masyadong pera. Yung walang madukot pag kailangan. Kaya mas lalong dapat lang na mag-ipon muna kayo.

Question ulit TS. You've mentioned, house ng mom mo ang tinitirahan nyo. Bakit di muna kayo magpundar ng house and lot? Tsaka, kasal ba kayo sis? Kase kung oo, mas lalong dapat ka magdemand sa kanya na ibigay yung fair share mo at dapat na mag-ipon kayo.

deiz

  • Guest
Re: Mrs. Kontra
« Reply #21 on: November 16, 2015, 12:33:12 am »
@donya_dyosa

Thanks sa pagbasa ng post ko, well the point is this. Huwag mong isipin na dahil wala pa kayong anak hindi ka dapat priority. Nagpakasal na kayo, yung ang number 1. Sa legal sense and in God's eyes, IKAW dapat ang MAS MAHALAGA kesa sa family nya. Nasa bible nga na humiwalay na sya sa parents nya kasi isa na kayo.

Ephesians 5:31 ESV / 172 helpful votes

“Therefore a man shall leave his father and mother and hold fast to his wife, and the two shall become one flesh.”


Sana kaya mo pa din ngayon to approach him calmly. Anyway, kung ayaw pa din nya, nagawa mo na bang mag-Silent Treatment  sa kanya? Mukha kasing nasabi mo na lahat ng gusto mong sabihin eh. Pahinga ka muna tapos ipagdasal mo hubby mo na magbukas ang isip at maliwanagan. I hope God guides you to the right path.

glamorosa_09

  • Guest
Re: Mrs. Kontra
« Reply #22 on: November 16, 2015, 01:29:18 am »
Actually, I agree with others that something is not right with your set up. It also seems to me, that there's no cleaving that's happening. As what the above verse said, "Husband, leave your mother and father and cleave with your wife." How did I say so? I believe that the decision to go abroad must be made between the husband and the wife, not the husband and his family-of-origin. Along with that, are your other issues that put you below his family-of-origin in terms of his priority.So together with others, I validate your feelings, your concerns, your issues.

However, personally, I'm not for word war. You will just keep on attacking and defending yourselves from each other. Look at his responses:

Bringing up the HK issue -- that's attacking you;
Saying he's just rewarding himself -- that's defending himself;
Not replying anymore about the issue you're broaching -- that's stonewalling, ignoring you as if he's not hearing you any longer. If that cycle of communication keeps on going, nothing will get resolved, nothing will move, you'll remain stuck on this problem, resenting each other.

I suggest, have a couple dialogue instead of word war. Show empathy, so you'll get empathy. Show understanding, so he could understand you back. You have a need, he has a need. You have a longing and dreams, he has longing and dreams too (with regards to his own issue). Hear each other out and find ways how both of you could meet your different, individual needs. After all, marriage is teamwork, right. Examples lang, give him a certain amount to indulge himself, in return, he also should give you the rigth amount of allotment and the freedom to use it for the family. I don't know what is fair enough for both of you. But the meeting of the minds and hearts could only happen in a safe and mutually accepting environment.

I would also suggest to let this PMS pass. For others, it colors a woman's thinking and reactions no matter how valid and reasonable the issue is. Allow both of you to cool down. Then after that, you can begin resolving this issue. And if there's no resolution available, then how do you manage the issue where no one will 'feel dehado.'

I also agree to pray for enlightenment and wisdom to tackle this hard marital issue.

yannuh

  • Guest
Re: Mrs. Kontra
« Reply #23 on: November 16, 2015, 07:18:44 am »
sis donya_dyosa, apir sa pagiging kuripot misis. nakakarelate ako sayo :D regarding naman sa situation nyo, hmm mali sya talaga. kasi aside from sa percentage na inallot mo sa personal na gamit nya, meron pa syang KUNG ANEK-ANEK na binibili. diba dapat dun sa personal share na nya kukunin yun? kasi wala talagang matitira sa inyo pag puru wants ang bibilhin ni hubby. sabihin na nating pagbibigyan natin sya, once every 3 months hindi lagi-lagi.

simang

  • Guest
Re: Mrs. Kontra
« Reply #24 on: November 16, 2015, 08:30:13 am »
While I agree that your husband has to have a sense of financial maturity, and na walang kwenta lahat ng gusto nyang bilhin, and that he justifies his being maluho as his reward for himself, I don't think your approach of letting him know your issues is healthy, either. Find a way to approach the issue without attacking him. Men have sensitive egos. Pag sinabi mong mali sila, at pinamukha mo lahat yan sa kanya, he will only go astray. Sa ngayon it's obvious na you're coming from different places, kaya hindi kayo nagkakaintindihan. Try to see where each other is coming from, do not be focused na ikaw lang tama at sya lang ang mali. For me, money (or anything, for that matter) is never worth the fight. Your relationship as husband and wife is far more important than that.

SnowBall

  • Guest
Re: Mrs. Kontra
« Reply #25 on: November 16, 2015, 08:33:38 am »
Buti nga kinokontra mo eh, kung hindi baka pulutin kayo sa kangkungan.


lonelymiss28

  • Guest
Re: Mrs. Kontra
« Reply #26 on: November 16, 2015, 10:23:47 am »
Sis, bakit di ka pumunta sa company ng asawa mo and ask them regarding sa % ng pwedeng ipadala ng asawa mo sa iyo. Regarding work naman, ang hirap talaga ng trabahong barko yung trabaho ng asawa ko dati chief eng. ang sinasabi nya na kahit may sakit etc. trabaho pa rin sila ilang araw, linggo walang land na nakikita. So suggestion ko lang instead na mag away kayo lagi kausapin mo na lang asawa mo ng mahinahon. Kung ako tatanungin walang issue ang tumulong sa parents nya kasi pera naman nya yun, kahit pa sabihing asawa mo na siya. Pero yung panggastos nya at pagbili bili ng mga gamit at ikaw ang natitipid, mali yun. Although walang maso solve kung tuwing mag uusap kayo mauuwi sa away. Tingnan mo na lang sis kung umuwi sya may naipon sya, kung wala...alam na!

donya_dyosa

  • Guest
Re: Mrs. Kontra
« Reply #27 on: November 17, 2015, 12:45:44 pm »
hi mga sis...

feel ko sa mga lahat ng nakuha kong advise dito na nirephrase ko, narealize na niya ang punto ko/natin.. mukhang di na niya inungkat na bilin yung mga kalokohan niya..

however sa issue ng pasalubong para sa family niya.. mukhang di siya papapigil. **pabebe lang**
i gave him a budget of 200AUS sa pasalubong for his fam. at bilin ko.. wag nako at fam ko bilan.
200AUS for chocolates, or sa mga dollar stores.. kaso sabi niya damit, pabango, bags daw gusto niya..
ayun uminit na naman ang ulo ko.. sabi niya family daw niya yun eh.
baka maging kontrabido nako.. naghung up nako at till now, di muna ako nakikipagcommunicate. tinatamad nako magsalita at magchat.



Bringing up the HK issue -- that's attacking you;
Saying he's just rewarding himself -- that's defending himself;
Not replying anymore about the issue you're broaching -- that's stonewalling, ignoring you as if he's not hearing you any longer. If that cycle of communication keeps on going, nothing will get resolved, nothing will move, you'll remain stuck on this problem, resenting each other.

I suggest, have a couple dialogue instead of word war. Show empathy, so you'll get empathy. Show understanding, so he could understand you back. You have a need, he has a need. You have a longing and dreams, he has longing and dreams too (with regards to his own issue). Hear each other out and find ways how both of you could meet your different, individual needs. After all, marriage is teamwork, right.

SIS glamorosa_09...  :'( :'( inulit ulit ko talaga tong binasa.. parang ako rin ang naliwanagan.. i cocopy paste ko to sa kanya sa mga susunod na araw para maliwanagan din siya.. thank you sis.. parang lifecoach ha!  :)

@tischarmedlife - oo kasal kami.. kung bibili ng house naman for us, ako personally.. ayaw ko rin kasi need namin talaga ipon for retirement at insurance, yung house kasi sakin rin naman ito saka only child lang me.
sa immaturity niya.. dati na namin yan issue.. tinanggap ko na nga lang kasi mabait, faithful, walang bisyo aside sa  airsoft at yosi (at occasional na mga shoes) kaya ngayon eto nanaman kami balik nanaman sa issue ng immaturity.. sa totoo lang.. kapagod na!  >:(

@deiz oo nasabi ko na lahat. pagod nako pahinga nalang muna ako.. ipagdarasal ko nalang na maliwanagan ako at siya at magmeet kami halfway..

@yannuh - sawang sawa nako sa palaging pagbibigay sa kanya.. pero kakayanin ko pa... kailangan kayanin.. hehe..

@simang - true.. miski ako.. sa issue ng pera.. hiyang hiya ako pagawayan... kaya nung sa allotment stage hindi ako nangialam kasi nahihiya ako.. kaso biglang one day naramdaman kong dehado na pala ako. nagsisisi ako dapat nuon palang nagsabi nako.
kailangan ko magpalamig.. kasi magkakasiraan kami pag nagpatuloy pato.

@snowball - haha sabagay.. sayang sana nasabi ko yan bago ako nag silent treatment!!!

@lonelymiss28 - oo,. since unang sakay palang naman ito.. ibigay ko nalang muna ang hinihingi niyang tiwala sa paghandle ng pera...  ::) sa paguwi niya at kung puro material na bagay ang dala at may eksaktong 400k.. magagalit ako pero saglit lang.. pero kung puro material tapos hindi 400k.. matagal na galit yon.. >:( >:( >:( >:(

thank you mga sis... thanks sa support.. kaso parang naging down lang ako.. ang unfair pala.. ngayon lang narealize na sobrang unfair on my part.. oh well kasalanan ko rin naman.. kasi pumayag ako na ganito ang setup tapos ngayon rereklareklamo ako.. haha.. hala naloka nayata ako..  ;D ;D ;D
basta stop nako, quiet nako.. i hate to say this pero bahala na muna siya.. nasabi ko na lahat ng dapat sabihin.. we'll see kung siya magaadjust.. o (urgh) ako...


 




books_mags

  • Guest
Re: Mrs. Kontra
« Reply #28 on: November 17, 2015, 12:58:48 pm »
sis donya_dyosa, medyo may similarities tayo sa situation.
nung una sobrang affected din ako na laging pamilya niya ang una.  yung tipong kinakapos na siya tapos hihingi tulong sa akin para sa bills kasi may work naman ako.  ok lang naman sa akin tumulong pero tutulungan ko tapos makikita kong ibinili ng bagong bag nanay niya.  yung nanay niya lagpas 50 na bags at hindi naman need ng nag pero binibili pa rin niya kasi yun na lang daw ang gusto.  tuwing may bagon bag need rin ng partner na wallet.  yung kapatid niya na 30 na at may trabaho naman, may allowance pa.  hindi ko nahahawakan pera niya, kahit piso kasi may trabaho naman daw ako.

gusto na namin magkababy pero ayaw niya pa mag ipon, wala pa naman daw.  problemahin ko daw muna mabuntis bago yung pang diaper at gatas.  pag tinatanong ko paano yung mga checkup at panganganak if ever, mag claim daw sa insurance.

sobrang init ulo ko nun sis at talagang until now, umiinit pa rin ulo ko paminsan minsan.  pero pinipilit ko na lang na hindi maapektuhan at iniisip kong kaya ko naman mabuhay ng wala pera niya.  kasi kahit kalbuhin ko siya at pilit hingin pera niya, mag aaway at mag aaway lang kami.  pag hindi naman kasi napag uusapan yung about sa money, ok kami e.  natanggap ko na wala talagang plano na magtipid para sa amin.  nakita ko kasi nanay pamilya niya, wala talaga ipon.  lahat sila galit sa pera, pag may extra, need gastusin.
« Last Edit: November 17, 2015, 02:06:43 pm by books_mags »

ohcmon

  • Guest
Re: Mrs. Kontra
« Reply #29 on: November 17, 2015, 01:55:07 pm »
sa paguwi niya at kung puro material na bagay ang dala at may eksaktong 400k.. magagalit ako pero saglit lang.. pero kung puro material tapos hindi 400k.. matagal na galit yon.. >:( >:( >:( >:(

May dala nang 400k sis, tapos magagalit ka pa rin kahit saglit lang? Haha ano pala dapat gawin ni hubby para di ka talaga magalit? ;D

donya_dyosa

  • Guest
Re: Mrs. Kontra
« Reply #30 on: November 17, 2015, 04:45:08 pm »
 ;D ;D ;D sis @ohcmon hehe.. sundin niya lahat ng gusto ko bwahaha...
grabeng hard ko na talaga.. i mean kung may 400k siya tapos hindi siya naglustay sa pasalubong... edi more more extra cash yon, pang cost of living niya habang antay ulit makasakay.. bebebayhin ko talaga siya ng bongga..  hehe...

@books_mags napaface palm ako sa situation mo.. lintik na bags yan ah. medyo immature si MIL mo.. ...  >:( >:(
almost pareho nga tayo.. kasi nung nagwowork pa kami dito sa pinas.. pag sweldo namin..  grabeng galante niya saakin date dito starbucks don..kain sa labas.. pag bayaran na ng bills medyo nagkakamot na ng ulo... tapos pag wala na siya at malayo pa sweldo.. nagpapaawa na, di naman siya nanghihingi pero di ko naman matiis.. so ako naman na bahala sa kanya non. ako rin di ko rin mahawakan ang pera niya..

parehas magisip ang asawa natin.. nakakabipolar noh?? deep inside nakakainis pero mamaya lalambingin ka mawawala nanaman inis tapos mamaya maaalala mo nanaman ang immaturity.. inis ulit .. hayss  :-\ :-\ :-\

uhmm just to add.. another story naman ang sama ko ng loob sa parents niya pero di ko nalang masyadong iniisip para hindi ako maging bad.

during the wedding preps walang plano magbigay ng pera or pledge man lang ang parents niya. sabi wala daw silang pera.. pero.. bumili ng washing machine kahit may 2 ng existing na gumagana, dining set, at exercise machine at kung anik anik pa.. alam ko wala ako karapatan manghingi.. pero yung tita ng asawa ko, yung tita ko, yung mga ninangs at ninongs..lalo na ang mom ko nagbigay na bago pa man ang kasal para makatulong saamin.. kasi out of LOVE lang kaya tumulong.. pero sila.. WALA.. pinressure ko si hubby.. nagbigay parents niya mga 25k. sa 25k may 10 bisita pa sila don hehe.pero after nun cold as ice ng trato sakin.. at nung hiningi ko yung name ng guests.. nagalit pa sakin.. bayad daw nila yon bakit kailangan ng pangalan!??? hanggang wedding day walang name yung bisita nila tapos 5 lang yata pumunta..


civil lang ako sa kanila pero ang sakit sakit ng ginawa nila sakin...
kaya sabi ng friends ko.. after all ng nangyari buti pumayag pa daw ako na magbigay ng allotment sa fam niya,,. tapos mas malaki ang allotment.. pwede pa gamitin..
ako, maliit na allotment.. di pa pwede gamitin..

hay nako.. check ko nga bp ko .. parang nahigh blood ako bigla..


Girltalker2

  • Guest
Re: Mrs. Kontra
« Reply #31 on: November 17, 2015, 09:08:24 pm »
^ sis, bakit ba atat na atat sya bumili ng pasalubong? Hindi pa ba enough yung 20% padala nya sa parents nya?

Tsaka, 2 months palang sya sumusweldo, parang Mas Mahaba pa listahan ang gusto nyang bilhin kesa sa afford ng sweldo nya. Sana magkausap kayo pag balik nya na 10% lang dapat sana ang galawin nya sa sweldo nya - pasalubong at padala at shopping na. The rest is for savings and bills.


tischarmedlife

  • Guest
Re: Mrs. Kontra
« Reply #32 on: November 17, 2015, 11:59:24 pm »
hay naku TS, nakakaloka nga yang sitwasyon mo. Hindi rin ako close sa mga in laws ko pero civil naman kami. Well, once a year lang naman kami pumupunta ng anak ko sa kanila so kaya ko nang makitungo ng maayos pag ganun  :P

abangan na lang natin kung ano mangyayari paguwi ng husband mo. Sana may uwi syang 400k at wala masyadong pasalubong para di ka na ma-high blood :)

ri-anne

  • Guest
Re: Mrs. Kontra
« Reply #33 on: November 18, 2015, 02:30:36 am »
relax lang TS :) bago pa lang ata kayong kasal... matagal at mahaba pa lalakbayin nyo....

In the long run, you'll learn to accept the things you can and cannot change. Imagine two people from different family dynamics, values, etc magsasama as one..there's really some arguments at differences in opinions na magaganap.
Hindi naman tayo robot. Yung asawa natin, hindi robot....haayyy wouldn't it be wonderful if we can just press a button at susunod sila sa lahat ng sasabihin natin no? hahaha..
There's always just compromise. 

Sa sitwasyon mo ngayon, as i've mentioned before, lalo na LDR kayo, wala kang magagawa over sa mga gagawin nya. All you can do is remind him yun lang. And trust (and pray! lol!)  that he'll be able to save 400k. Huwag kang papastress. Baka next na magkita kayo may wrinkles ka na.
 However, you have control over your actions and what you can do about the situation.

 Tama lahat ng nga advice ng mga sis natin dito. Pero bale wala yun kung yung asawa mo mismo hindi magbabago.
(Imagine telling a chain smoker to stop smoking. Even if they know it's not good for their lungs, titigil ba sila? Not necessarily..)

You can't change a person (sa pagiging magastos, immature etc) Unless the person itself magkaron ng will to change...or external forces.

So, you have to create a situation na mapipilitan syang mag-save. Think of ways na wala syang choice but to give the resources to you. Pero sa tingin ko sa next na abroad nya na. 

in the meantime, relax..isipin mo it's just 7 months (tama nga ba) and 400k... first(?) challenge nyo as married couple. Both of you should learn from this situation and hopefully it will make your relationship stronger.

aquacharly

  • Guest
Re: Mrs. Kontra
« Reply #34 on: November 18, 2015, 11:12:20 am »
Well, the Sisses here maraming na share na makunan mo ng wisdom. 
But the reality is, your husband is what he is;  you are what you are.
Tama man ang kanilang advice, you cannot apply it siguro. Or Kahit gumaling ng todo todo arguments mo --  wala pa ring pagbabago.
He is what he is, you are what you are.

He will not change kasi mas  magaling puntos mo, or kasi Tama ka.  Mag rationalize lang yan, at gagawin pa rin Nya yang kinasasama ng kalooban mo.

Sinasabi ko bang wala ng pag-Asa?  Hindi. BUT do not hold your breathe waiting for him to just wake up and agree with you, see your point of view, and give you all you want.  It will most probably take time.
In the meantime, your reality is:  15% you should not spend daw.  So what will you do? -    tumunganga at magdasal Lang? God helps those who help themselves. 

If he is financially immature, at ikaw ang financially mature -- be thankful 1 of you is.
But that means, nobody will take better care of your future than you yourself.
Imbes na grrrr ka sa spending habits and priorities Nya, find a way to earn your own money. Build up your Secret Account. Lalo na may kid ka that, though he may love  like his own, is not his. Kasi pagka you 2 get your own kid and funds are not in excess --  eh Baka sumama loob nyo mag-Ina.  Do not wait to reach that point. Do something now.

You come across as a resilient person. Great, do not lose that.  Make yourself stronger & more resourceful/creative.  Haayyyy.  Buti nga  yang house eh not transferred  to you Before  you got married -- so Hindi yan community/conjugal property.  Magandang start yan of  your asset portfolio. Build on it.  Bata ka pa, you have so much time pa. 

Yes, stop being the contravida na. Hindi na rin productive yang dakdakan nyo -- well, not for you kasi you are not getting what is due you.  Just tell him 1 more time, in a nice way that you have confidence in his pre-departure goal to save 400thou.  Then, leave it at that.  Kung Hindi sya committed dyan, eh daily nagging will not produce that.  Hwag mo na contradict his personal spending but insist you need the original 20% allotted to live on. Try to save as much as you can, don't tell him how much -- save it for emergencies. 

I don't advise you get into big time installment investments like a lot now.  Kasi Hindi nyo pa Pareho alam his financial responsibility ability, or even his capacity to work under the conditions he is under now.  You will lose your installments paid if Hindi nyo ma-continue.  Maybe on his 2nd deployment/contract eh mas alam mo na if you both have enough confidence (and control) to undertake a big investment. 

amethyst028

  • Guest
Re: Mrs. Kontra
« Reply #35 on: November 19, 2015, 12:35:07 am »
i agree with sis aquacharly, sa pag basa ko ng mga comments dito yun ang hinihintay ko na advice. @TS why not look for a freelance work or homebased job na pwede mo gawin while taking care of your mom and kid. mauubos ka lang pero hindi mo mababago ang asawa mo. habang inaaway mo siya you are pushing him away. and goodluck getting what you want pag malayo na ang loob niya sayo.

oo nga kasal kayo and his main responsibility is to you and your child. (kahit hindi kanya yun the mere fact na pinakasalan ka niya means willing siya mag shoulder ng obligayson na yun). maybe in a perfect world ganun ang setup. but not in reality. and just like your situation magastos ang husband mo. wala ka na magagawa dun, it's now up to you para dumiskarte para sa future niyo. kahit man lang sa future mo at ng anak mo wag mo na siya isama kung di mo feel. huwag mo din siya awayin dahil sa binibigay niya sa family niya kasi choice niya yun at hard earned money niya ang ginagamit niya hindi naman siya humihingi sayo.

iyan din kasi minsan problem natin. masyado tayo naka focus sa ginagawa ng partner natin, why not focus on yourself. on what you can do to improve your finances. baka pwede ka mag sideline, benta ng kung ano-ano, open ng online store mo etc etc. you'll feel better pag busy ka na. maybe this is not the advice you want to hear, but what else can you really do? gagawin pa rin ng hubby mo ang gusto niya kahit ayaw mo o hindi. baka nga pag pinigilan mo siya lalo pa siya mag shopping spree kasi na depress siya dahil lagi kayo nag aaway. what you are doing is counter productive.

imbisibol_

  • Guest
Re: Mrs. Kontra
« Reply #36 on: November 20, 2015, 05:37:51 am »
i would be very worried right now if that the 50% still exists..

donya_dyosa

  • Guest
Re: Mrs. Kontra
« Reply #37 on: November 20, 2015, 05:33:38 pm »
hello mga sis...

salamat talaga sa mga inputs nyo..
hindi lang tungkol sa allotment, pasalubong, at bili ng unnecessary things ang nagpamulat sakin.. narealize ko na.. sobrang unfair ng lahat ng nangyayari sa buhay namin..

kasalanan ko rin..mashado akong naging mabait eh.. naabuso tuloy nila ako.. akala nila ok lagi sakin..
kaso nagtanim naman ako ng sama ng loob

sa ngayon mga sis.. iam not communicating muna with him.. seen zoned ko muna siya, yung mga messages niya di ko na binabasa or iniintindi kasi baka magalit lang ako at lalong grumabe ang away na ito...

makikipaghiwalay ba ako? yes or no? answer.. i am thinking about it pero not sure naman... again mga sis.. hindi ito dahil sa inopen ko na problema.. maraming factors na talaga..
pero most likely.. baka ituloy ko ang australian dream ko once ok na ang mom ko...
parang ang setup na married pero di magkasama will work siguro.... forever LDR siguro..

sis amethyst028 im studying ngayon bookkeeping online in preps sa australian dream ko..
pushing him away? nung una yan yung iniiwasan ko.. pero nung nainternalize ko mga advise sakin.. biglang sarili ko na ang kusang lumayo.

yes sis aquacharly nagstop nako mangontra kasi pagod narin ako.. nasanay kasi siya na responsible ako sa sarili at anak ko.. at nung nagasawa ako.. parang naging 2 na anak ko.. 2 bata (oh sorry 2 tao) na kinokontrol ko pagdating sa finances in using money wisely..

sis imbisibol_ exactly on my mind.. kinakabahan ako na baka sabihin paguwi niya ninakaw na, nanakaw nawala .. or baka naibigay na sa kanila..

aloh ri-anne uu bago palang kami magasawa.. mga 1 yr ++ lang ..  nagstop nako magworry.. ang importante ngayon may pera ako di ko muna aasahan or ichecheck ang karampot na padala niya..

Girltalker2 bakit atat siya? kasi mayabang siya talaga.. kaya nakakabanas na eh. eh mayabang din yung mom at dad niya na wala sa lugar bahay nila puno ng laptops computers latest cameras, ..  kaso sira sira naman ang bahay.. sabi ko bakit di nila ipaayos ang bahay nila?? sabi daw kasi ng dad niya.. baka daw sabihin ng mga kapitbahay nila na mayabang sila?? im like ha??????

books_mag check ko nga mga post mo.. mukhang may sapak si mil mo.. open kaba sa asawa mo sa feelings mo with his mom??grabeng pakialamera ha! (ako hindi.. ako lang at gt ang nasabihan ko kasi kung wala akong sasabihan wala na bipolar nako)

tischarmedlife abangan nyo nalang kung may 400k o kung tuloy tuloy na mahihiwalay haha o maayos pa kaya? ..
« Last Edit: November 20, 2015, 07:47:13 pm by donya_dyosa »

m_lim

  • Guest
Re: Mrs. Kontra
« Reply #38 on: November 20, 2015, 08:59:13 pm »
my 1 and only advice:

find work ASAP!

mahirap umasa sa ibang tao. lalo na sa pera.

kung magbago siya- edi good!

kung hindi magbago- at least hindi kayo nakanganga ng anak mo.

ri-anne

  • Guest
Re: Mrs. Kontra
« Reply #39 on: November 21, 2015, 08:58:55 am »
Baka naiisip mo lang yan sis kasi naiinis ka sa kanya ngayon...sabi nga, don't make any major decision when angry.

Communication lang ang solution dyan. Pero kapag pareho na kayong okay. You can still make it work .

Good idea yung plan mo mag-australia. Sana kasama mo si hubby, if ever. Sa tingin ko makakabuti sa inyo yung malayo kayo ng hubby mo. You'll have more influence over him than his family kung ganun. ;) 
in the meantime, pray for peace of mind, strength and patience (sa hubby hehe).

Good luck!

 

Latest Stories

Load More Stories
Close