watch now

Author Topic: ABS-CBN: Pangako Sa'yo Remake Thread 2  (Read 27835 times)

quennna

  • Guest
Re: ABS-CBN: Pangako Sa'yo Remake Thread 2
« Reply #180 on: February 04, 2016, 11:42:55 pm »
natawa din kami sa isda..
kelan pa daw lumipat ang tambakol sa ilog...
wala daw naginform sa viewer na nilipat na yung wansapanataym sa psy..
ang kukulit ng mga comment...

bluish_mommy

  • Guest
Re: ABS-CBN: Pangako Sa'yo Remake Thread 2
« Reply #181 on: February 05, 2016, 06:55:41 am »
This has got to be the most cringeworthy wedding scene I've ever encountered. Bride ba talaga si Yna? O flower girl?  ;D

Dyosa sis, tamang tama gubat ang peg ng venue eh :D :D :D

Project60

  • Guest
Re: ABS-CBN: Pangako Sa'yo Remake Thread 2
« Reply #182 on: February 05, 2016, 07:49:55 am »
Is it just me or parang na lost na yung writers? ang daming hindi na resolve na sub story nito

1. yung si ligaya and her irresponsible mother?
2. si dolores nasan na? parang nalimot na agad si diego. di man lang sinabi ni amor na na tegi na?
3. yung pangatlong bangkay sa sasakyan nung namatay kuya ni yna, ano na yun? wala man lang dna testing na?
4. yung si lloyd? so extra lang talaga siyang bonggang bongga? ganun?

andreil_19

  • Guest
Re: ABS-CBN: Pangako Sa'yo Remake Thread 2
« Reply #183 on: February 05, 2016, 08:25:00 am »
Masyado nang minadali ang ang psy na tapusin agad-agad..oh well caramel! 😄
Natawa naman ako sa flower girl look ni Yna.

Nung unang nawala at hinanap ni Yna yung kwintas nya at may isdang umaaligid sa kwintas,pumasok sa isip ko na baka kainin ng isda ang kwintas at dun matagapuan.At ang ending,nagkatotoo nga.

shesgullible

  • Guest
Re: ABS-CBN: Pangako Sa'yo Remake Thread 2
« Reply #184 on: February 05, 2016, 11:08:20 pm »
^^ sino yung lloyd sis?
agree with all those loose ends sa story. it may appear minor details pero nag iisip naman ang mga manonood noh. well, they still have one week pa naman.

cutemama

  • Guest
Re: ABS-CBN: Pangako Sa'yo Remake Thread 2
« Reply #185 on: February 06, 2016, 01:06:14 am »
Si lloyd sis yung suitor ni ligaya na friend ni angelo.. yung nagBabackle pag nagsasalita..

Andami talagang unresolve issues..  isa pa si irma.. akala ng lahat siya lang ang tanging way para malaman ni amor na anak niya si yna.. andaming pinagdaanan ni irma.. nakidnap pa ng mga tauhan ni claudia.. ano ba ngyari sa kanya..patay na ba?? (Nakatulog kasi ko kanina.. ) At dahil nalaman na ni amor na anak niya si yna hindi na niya kelangan si irma.. hindi na niya hahanapin..

thamei

  • Guest
Re: ABS-CBN: Pangako Sa'yo Remake Thread 2
« Reply #186 on: February 06, 2016, 10:10:03 am »
Sayang talaga ang remake na ito. Sana kung iremake nila ito after 15 years eh mas okay na

shesgullible

  • Guest
Re: ABS-CBN: Pangako Sa'yo Remake Thread 2
« Reply #187 on: February 06, 2016, 01:31:47 pm »
^^ ah oo sis, naalala ko na.
Ang last na pinakita si irma is yun nga yung nakuha na sya ni mark, pero di na pinakita kung ano ginawa. Malamang pinatay na, lol. Malamang papakita yung ibang characters kung ano na kunwari nangyari sa kanila sa ending.

ANJFinally

  • Guest
Re: ABS-CBN: Pangako Sa'yo Remake Thread 2
« Reply #188 on: February 06, 2016, 01:44:58 pm »
ito na ata ang isa sa pinaka worst teleserye ng star creatives. Sirang sira sila sa remake na 'to. Castings palang, alam ng mali at minadali. Parang di pinag isipan, porket laki ng fanbase nung 2 lead role kuno. Sa haba ng tinakbo ng istory neto, 9 mos? Toinks! halos walang kwenta, nag sayang ng airtime. Pinagkasya lahat sa last three weeks. Halatang minadali, halatang pinabayaan na.

Feeling ko yung production team ng serye na 'to, nawalan na ng gana at iniwan nalang sa ere come what may. Yung mga fantards kasi, magaling pa sa management. Grabe maka demand, wagas. Nang-aaway pa ng mga bosses/producers kahit sang area ng social media nagkakalat sila. Nagkanda loko loko na storyline. Ginawa pang bobo mga viewers. HAHA! Hamakin mong kainin daw ba ng isda ang kwintas na may pendant? Kamote. Eh sing laki nga lang ng pellets ang kasya sa bibig ng isda eh. Nakaka tan*a. HAHA!

Napaisip din ako eh, ano ng silbi ni irma? Dinukot lang sya ni Mark, yun ang last na pinakita. Sana pinakita nalang na deads na sya. Kasi sa ibang way pa nalaman ni amor na anak nya si Yna. HAHA! Kaloka tong show na to. Buti nalang matatapos na.

Purple_Power

  • Guest
Re: ABS-CBN: Pangako Sa'yo Remake Thread 2
« Reply #189 on: February 06, 2016, 03:50:30 pm »
Maganda lang siya sa una. Saka the "TULOG NA" song is very lame to identify that she is your mom. Everybody can sing that. Claudia can also sing that.

simang

  • Guest
Re: ABS-CBN: Pangako Sa'yo Remake Thread 2
« Reply #190 on: February 06, 2016, 06:06:18 pm »
^hahaha sabi nga ng husband ko, wala ng confirm confirm. Kanta lang sapat na hahaha

myjc

  • Guest
Re: ABS-CBN: Pangako Sa'yo Remake Thread 2
« Reply #191 on: February 06, 2016, 06:25:41 pm »
I'm not a fan of this serye ang dami ko din nababasa Na rants tungkol dito at lalu na sa pabebe acting Ni Kathryn. Pero it makes me wonder consistent 30+ Ang ratings Nila at Ang highest ratings Nila ay yung isda episode hahaha 40+ feeling ko nahihila Lang Sila ng Ang Probinsyano. Well can't for Dolce Amore Yun talaga inaantay ko tee hee!

cutemama

  • Guest
Re: ABS-CBN: Pangako Sa'yo Remake Thread 2
« Reply #192 on: February 06, 2016, 10:12:17 pm »
^ yes sis.. nahila lang talaga sila ng probinsyano.. yung nag 40% percent sila 45% percent yung probinsyano nun.. me im not a fan of PSY pero nanonood pa din ako hahah gusto ko lang mabadtrip.. probinsiyano lang talaga inaabangan ko tska you're my home..
Infairness naman sa PSY dami rin talaga nanonood nito hindi dahil sa fan sila ng kathniel kundi no choice sila haha.. feeling ko lang mas bet kasi nila teleserye ng 2 kesa sa kabila.. ano nga pala katapat nito sa 7?

thamei

  • Guest
Re: ABS-CBN: Pangako Sa'yo Remake Thread 2
« Reply #193 on: February 07, 2016, 09:15:12 pm »
Haha natawa ako sis gusto mo mabadtrip kaya nanunuod ka? Ako inantay ko lang magkaalaman na na mag-ina si amor at yna but it was not i expected it. Antay ko na lang pano mabubuko si claudia sa mga kalokohan niya including malaman nila angelo na di siya anak ni gov.
Hay bakit kasi di binigay ito kay liza soberano.

izabelle

  • Guest
Re: ABS-CBN: Pangako Sa'yo Remake Thread 2
« Reply #194 on: February 09, 2016, 03:00:12 pm »
To be fair, magaling talaga sina Jodi, Ian and Angelica. I think silang 3 ang nagdadala sa teleserye na to. Kung KathNiel lang din naman ang aasahan, ewan ko nalang.


young_maiden

  • Guest
Re: ABS-CBN: Pangako Sa'yo Remake Thread 2
« Reply #195 on: February 09, 2016, 04:21:02 pm »
Sana LizQuen na lang naging bida sa remake na ito. Tingin ko mas bagay sa kanila eh. Kaso katatapos lang kasi ng forevermore nung nagstart PSY. Sa abs-cbn pa naman uso iyong magrest muna mga artista ng ilang months o years bago bumida sa bagong teleserye. O kaya sana iba na lang leading lady ni Daniel Padilla dito. Mabuti pa siya nag improve. Napag-iwanan na si Kathryn.

cutemama

  • Guest
Re: ABS-CBN: Pangako Sa'yo Remake Thread 2
« Reply #196 on: February 09, 2016, 04:55:28 pm »
mas bagay talaga to sa LIZQUEN.. mas matured silang tingnan kesa sa kathniel.. and bagay na bagay talaga si LIZA as YNA... lahat ng qualities ni YNA akma sa kanya.. mas kapani-paniwala..
yun nga lang hindi siya bagay maging anak ni jodi sta maria...  mas bagay siya anak ni kristine hermosa.. pwede din sana si kristine gumanap ng AMOR..

re daniel, mas kinikilig talaga ko sa kanilang dalawa ni ligaya,, sayang nga lang at naudlot..

ANJFinally

  • Guest
Re: ABS-CBN: Pangako Sa'yo Remake Thread 2
« Reply #197 on: February 09, 2016, 05:33:47 pm »
I agree with Liza as Yna. Hindi kasi sya pabebe eh. I remembered dati sa forevermore serye nila, I really admire her acting skills kahit first lead role nya. Kapag nagwawala or naglulupasay sa iyak, walang keme kahit magusot ang mukha. Unlike the lead role here, hay takot na takot kumunot ang face. Minsan may anggulo sya sa camera na kitang kita pagpapabebe nya lalo na kapag si angelo ang ka eksena nya. I remembered one from last week's epi, yung naka upo sila sa tabing kalsada. Nahagip pa ng camera na parang naka pout/duck face sya habang umiiyak tapos nakatitig kay Angelo. Pabebe buset. Nakaka badtrip eh. HAHA! Ewan ko ba kung mannerism na yun o ano eh. Parang hindi appropriate sa edad nya. Pang Goin Bulilit o Luv U pwede pa. Char!

Antigone

  • Guest
Re: ABS-CBN: Pangako Sa'yo Remake Thread 2
« Reply #198 on: February 09, 2016, 05:49:44 pm »
Pero kapani paniwala si Liza na anak ni Ian V.

Si Yna kasi parang di kapani paniwalang anak ni Jodi and Ian.

Ian, Jodi, and Angelica talaga tumatak sa PSY. Parang supporting lang si Kathniel.

ANJFinally

  • Guest
Re: ABS-CBN: Pangako Sa'yo Remake Thread 2
« Reply #199 on: February 09, 2016, 05:58:18 pm »
^because of that fact na hindi matanggap ng mga tards kaya sila nag rerebolusyon. HAHA! Hustisya daw sa Kathniel, ginamit lang daw sila para sa ratings at promo ng PSY. Parang may kumalat pa ata na open letter para sa management ng star creatives, nanghihingi ng Justice. Parang hindi daw lead role, kasi mas marami pa exposure ng amorado-claudia scenes. lol

 

Latest Stories

Load More Stories
Close