watch now

Author Topic: ABS-CBN: Pangako Sa'yo Remake Thread 2  (Read 27726 times)

Purple_Power

  • Guest
ABS-CBN: Pangako Sa'yo Remake Thread 2
« on: November 08, 2015, 12:41:33 am »
The scene was very amazing especially dun sa sampalan scene na pang international  ;D

Masyado kasing naging kampante si Claudia na feeling forever ang yaman niya no matter kung makapang-apak na siya ng ibang tao. Siya yung kontrabida na halos lahat ng mga nakakasalamuha niya binabangayan niya at tinatarayan niya. Parang mas mabait pa si Gustavo (Demon in Nathaniel) kesa sa kanya.

Although sa confrontation scene of Amor and Claudia there is something na napansin ko sa Buena Corp. Well si Takong hindi man lang nagsuot ng pants or smart casual, napaka sexy niya tingnan sa corporate office na parang nasa beach pa rin siya.  ;D

I am thinking and predicting kung si Yna ay matutuloy sa pag-alis niya or meron na naman harang scene rito.

bluish_mommy

  • Guest
Re: ABS-CBN: Pangako Sa'yo Remake Thread 2
« Reply #1 on: November 08, 2015, 02:07:54 pm »
@sis ANJFinally oo nga pabebe... parang concious na concious sya sya itsura nya

shanghai baby

  • Guest
Re: ABS-CBN: Pangako Sa'yo Remake Thread 2
« Reply #2 on: November 09, 2015, 03:39:28 pm »
Pabebe si Kathryn. Sorry but nakapanood kasi ako ng original so sobrang layo kay Kristine. It seems Claudia and Amor ang nagdadala ng PSY and they deliver well. Dyan mo makikita ang galing nila kasi Angelica has Banana Split pa. Usually daw kasi pag ganyan kabigat ang role, one is asked to take a leave sa isang show to focus and internalize her character well kasi ang hirap ng heavy drama and at the same time she has to be perky sa gag show.

Contrary to what kathniel fans were saying sa IG ni Jodi before na ginamit lang daw ang Kathniel para mag trend ang PSY, I dont think that's the case. Kasi they were threatening to boycott PSY kasi ang focus eh kay Amor, Claudia and Eduardo na lang. To think na sila lang ang kaabang abang. These actors have proven something na kesa kay Kathryn and Daniel.

Purple_Power

  • Guest
Re: ABS-CBN: Pangako Sa'yo Remake Thread 2
« Reply #3 on: November 09, 2015, 09:35:22 pm »
Parang ngang supporting lang ang Kathniel rito eh!  ;D It is really like Amor is the main starring here, kung tutuusin siya ang may pinakamabigat na pagdurusa na nangyari sa kanya.

Minsan may ibang scenes na nabobored ako na parang nagkatinginan lang then ayun commercial na.

On the scene itself ang kawawa rito si Lia, she is too young to understand the complicated situation dahil lang sa mga kasalanan ng Nanay niya.

Nasaan kaya si Simon? nag out of the country kaya siya? Pasalamat si Claudia dahil may Simon pa siya :D Ang galing talaga may back up pa siya.

mrsB

  • Guest
Re: ABS-CBN: Pangako Sa'yo Remake Thread 2
« Reply #4 on: November 10, 2015, 08:29:32 pm »
Wala ngang weight ang characters nina kathniel dito. This is without a doubt a Jodi teleserye.

Purple_Power

  • Guest
Re: ABS-CBN: Pangako Sa'yo Remake Thread 2
« Reply #5 on: November 10, 2015, 09:32:09 pm »
Feeling ko si Caloy mamamatay rito then si Diego mananagot sa batas. Or unless papatayin na rin si Diego rito.

I am wondering kung matutuloy kaya si Amor at Yna sa airport.

t_r_i_s_h

  • Guest
Re: ABS-CBN: Pangako Sa'yo Remake Thread 2
« Reply #6 on: November 11, 2015, 06:57:14 pm »
Sana hindi mamatay si Caloy, makulong ok pa. Pero sana di mamatay kasi diba parang secret agent lang sya or something like that. Si Diego oo sana rin makulong, hayup sya! (may galit? hahahah)

I agree to all of you, na sobrang dry ng Kathniel but infairness to Daniel super nag improve acting nya... May naring ako one time sa am radio station na comments re kathryn, na super lamya umarte tapos parang walang mafeel na after ng take parang "ok back to normal" parang walang kahirap hirap but in a negative way kasi nga ang chaka nya umarte... (oooops no offense again to kathniels out there)

Purple_Power

  • Guest
Re: ABS-CBN: Pangako Sa'yo Remake Thread 2
« Reply #7 on: November 11, 2015, 10:07:44 pm »
Parang ang boring naman ng palabas ngayon, mga patay agad?  >:( Wala man lang long term na pagdudusa  ;D

Parang feeling ko Claudia is still alive, mamaya tinakas pa ni Simon ito. Or si Simon yung isa sa mga namatay.

Nakakainis rin na hindi pa natuloy sa US si Yna kahit sandali lang.

t_r_i_s_h

  • Guest
Re: ABS-CBN: Pangako Sa'yo Remake Thread 2
« Reply #8 on: November 12, 2015, 02:01:55 am »
feeling ko rin di patay si claudia, impossible yun, oa sunog lahat pero yung iphone nakaligtas! hahahahaha

bluish_mommy

  • Guest
Re: ABS-CBN: Pangako Sa'yo Remake Thread 2
« Reply #9 on: November 12, 2015, 06:28:32 am »
Tingin ko si Claudia buhay... pati si Diego tingin ko buhay yan... eh kasi walang magpapatunay ng rape kung hindi mabububay si Diego.

forumera

  • Guest
Re: ABS-CBN: Pangako Sa'yo Remake Thread 2
« Reply #10 on: November 12, 2015, 06:52:43 am »
Buhay talaga yan si Claudia, sa unang PSY di ba sunog siya. Hahaha. Hindi na ako nanonood nakikibasa na lang. Sa tagal ng PSY, dalawa pa lang ang thread dito hehe
« Last Edit: November 12, 2015, 06:54:19 am by forumera »

spinnn

  • Guest
Re: ABS-CBN: Pangako Sa'yo Remake Thread 2
« Reply #11 on: November 12, 2015, 08:40:04 am »
Sobrang kapal ng face ni Madam Claudia magmakaawa lol

edaganda

  • Guest
Re: ABS-CBN: Pangako Sa'yo Remake Thread 2
« Reply #12 on: November 12, 2015, 11:42:06 am »
In fairness maaksyon. Kaabang abang ang mga susunod na kabanata. Kung paano mabubuhay si Madam.

Purple_Power

  • Guest
Re: ABS-CBN: Pangako Sa'yo Remake Thread 2
« Reply #13 on: November 12, 2015, 01:29:05 pm »
Okay lang na si Caloy patay na saka ang dami nang signs na siya yung mawawala sa scene eh! Like nung nagpaalam na siya kay Yna na yun ang huling pagkikita nila, pagbagsak nung vase na nasagi nung Tatay nila. Baka yung 3 tao na yun si Simon, yung kidnapper ni Claudia na bayaran saka ito nga si Caloy.

Pero Oo mas maganda kung buhay pa yung dalawa si Claudia at Diego.

Mrs.R0515

  • Guest
Re: ABS-CBN: Pangako Sa'yo Remake Thread 2
« Reply #14 on: November 12, 2015, 01:49:58 pm »
sino po nakakapansin o ako lang ba nakakapansin na pag scene ni Yna (Kathryn) bakit lagi half body lang? hindi full body? napansin ko lang po

bluish_mommy

  • Guest
Re: ABS-CBN: Pangako Sa'yo Remake Thread 2
« Reply #15 on: November 12, 2015, 02:02:05 pm »
Kung papatayin nila si Diego ng tuluyan dito, ang corny na... eh sinong magcoconfirm ng katotohanan kung ang panghahawakan lang nila eh yung narinig ni Yna, unless may pinagsabihan na iba si Diego. Sila lang naman ni Claudia ang nakaka-alam ng tunay na nangyari eh. sana di pa talaga pinatay si Diego dito.

ms.tj

  • Guest
Re: ABS-CBN: Pangako Sa'yo Remake Thread 2
« Reply #16 on: November 12, 2015, 02:42:44 pm »
sino po nakakapansin o ako lang ba nakakapansin na pag scene ni Yna (Kathryn) bakit lagi half body lang? hindi full body? napansin ko lang po

iniiwasan kasi makita sa cam yugn legs ni kath. tagal naman na alam ng mga ato na sakang si kath may bago pa ba?
most of her series lagi or madalas half lang ang kuha nya. kailangan pa ba itanogn yan or issue lang? hehe

izabelle

  • Guest
Re: ABS-CBN: Pangako Sa'yo Remake Thread 2
« Reply #17 on: November 12, 2015, 03:26:46 pm »
gumaganda ang story kasi mas naka focus kina Amor, Claudia and Eduardo.

Kapag KathNiel ang may scene sobrang BORING!

edaganda

  • Guest
Re: ABS-CBN: Pangako Sa'yo Remake Thread 2
« Reply #18 on: November 12, 2015, 04:14:27 pm »
^true!

Purple_Power

  • Guest
Re: ABS-CBN: Pangako Sa'yo Remake Thread 2
« Reply #19 on: November 12, 2015, 09:44:17 pm »
Too bad seems that yung mga anak ni Claudia at yung asawa niya ang nagbabayad ng mga kasalanan niya. Sila tuloy ngayon ang nakakaranas ng mga pagdurusa na pinaranas ni Claudia sa ibang mga tao. Sana tinanggap na lang ni Angelo maging office clerk ni Zalameda  ;D Well alam naman niya na nagdusa ang gf niya sa ina niya pero iba pa rin kung maranasan pa rin niya. Yung mga anak rin ang makakaranas ng pang aapi ng iba't ibang tao tulad ng ginawa ni Claudia sa mga tao.

Kakaiba ang pinamana ni Claudia sa mga anak niya. I am also afraid here na baka si Lia pa ang makaranas ng naranasan ni Amor kay Diego. Huwag naman rin.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close