watch now

Author Topic: Mga friends na puro problema at negativity ang alam.  (Read 4734 times)

babypowder99

  • Guest
Mga friends na puro problema at negativity ang alam.
« on: November 06, 2015, 09:32:21 am »

Ok lang naman na mag rant ka at mag share ng problema mo, pero kung kada usap nyo puro na lang problema nya, kamalasan nya sa buhay, puro pang ha-hate ang laging bukambibig nya. Everyday post sa FB mga hinanakit nya,  pmed, etc, Seriously nakaka torete na, kahit anong gawin mong payo at help hindi nauubos reklamo, problema  ang galit nya. Super sensitive wala ka puede sabihin kasi dadamdamin naman nya. Minsan gusto mo na lang deadmahin nakaka hawa ang pagiging nega nya sa buhay. Kayo ba ano gagawin nyo pag may friend kayong ganyan.

lonelymiss28

  • Guest
Re: Mga friends na puro problema at negativity ang alam.
« Reply #1 on: November 06, 2015, 10:06:40 am »
iwasan mong kausapin, naakakahawa ang pagiging negative.

mommamymy!

  • Guest
Re: Mga friends na puro problema at negativity ang alam.
« Reply #2 on: November 06, 2015, 11:36:00 am »
I think it's better to stay away from negative people as much as possible to avoid feeling negative yourself. If super close kayo, you can tell her na i-try niya i-counteract ang negativity sa life niya by being positive. Nakaka-change iyo ng mood.  :)  If hindi naman, hide mo na lang sa newsfeed.  ;)

khaleesiCersei

  • Guest
Re: Mga friends na puro problema at negativity ang alam.
« Reply #3 on: November 06, 2015, 11:57:13 am »
Meron ako isang kilala sa fb, natatawa ako everytime nagpopost sya ng kung ano ano kayabangan kasi puro kasinungalingan naman pala haha. Pati kind of work nya eh pinagsisinungaling pa. kesyo manager daw sya sa banko tapos FA daw sya hahaha! Eh jusko taga pldt lang naman. Tsaka hindi kapani paniwalang maging FA sya kasi bukod sa kapos sa height eh mukha syang lalaki. Dito pa sa pinas eh face value kagad ang tinitingnan at height para maging FA. Ewan ko ba bat nya naiisip mga ganong bagay hehe, nakaka entertain din minsan mga pinagpopost nun eh. Pasosyal pa, yun pala eh taga linis lang naman pala pamilya nila dun sa bahay na tinitirhan nila hehe

FayeP

  • Guest
Re: Mga friends na puro problema at negativity ang alam.
« Reply #4 on: November 10, 2015, 02:48:36 am »
meron din dito, isang officemate na medyo nasa mid 40s na, single at kasama nya parents nya sa house, tapos pati mga pamangkin nyang ulila na sa magulang nasa kanila...OK we get it na mahirap para sa kanya un gastusin kasi both masakitin na un mga magulang nya, tapos nasa high school un mga pamangkin nya at isa lang sa kapatid nya un tumutulong sa kanila....pero daily na lang may reklamo sya about sa bahay..problema sa ganito, sa ganyan, pambayad sa ganito, sa ganyan...short na short sya ganito ganyan.....

lahat naman tayo dumadanas ng higpit di ba ng finances, kaso ito as in unang pagtapak pa lang nya sa offie reklamo na...di lang un, magtetext pa sya sakin asking kun san makakaloan eh un pala may loan na din siya sa kasamahan namin na nagpapalending...kako nga sa kanya, hangga't kaya wag ka pumatol sa loan kasi sayang interest...eh mukang sa kanya din nag uugat problema nya, kasi di siya marunong mag ayos ng finances....sasama sa gala, sa bakasyon out of town, tapos biglang maghahanap ng loan...


khaleesiCersei

  • Guest
Re: Mga friends na puro problema at negativity ang alam.
« Reply #5 on: November 10, 2015, 11:24:05 am »
Oh my.. Sorry mga sis, nagkamali ako ng thread. My post was meant for another thread. Paki delete na lang mods..

Ot, ako naman totolerate ko ng konti pero i stay away na pag nasasawa na ako sa pagiging nega ng kakila or friend ko lalo na pag ayaw naman ifollow ang advice na binibigay sa kanya tapos ulit ulit lang ang reklamo. Tapos sa fb i unfollow them na lang kasi hindi healthy ma overexposed sa negativity ng iba, nakakahawa and sabi nga ng iba eh malas yan.

FayeP

  • Guest
Re: Mga friends na puro problema at negativity ang alam.
« Reply #6 on: November 10, 2015, 11:58:59 pm »
ako kasi mga sis as much as possible I try to listen talaga, kasi feeling ko di naman magsasabi sakin yan kun may ibang mahihingan sila ng mga hinaing di ba...pero minsan, after namin mag usap eh parang drained na din ako hahaa or ako pa mas mamroblema kesa sa kanila

iwannabeasupermodel

  • Guest
Re: Mga friends na puro problema at negativity ang alam.
« Reply #7 on: April 12, 2017, 03:09:34 pm »
currently suffering with a friend/colleague/close work mate na ganito. naku po di ko na kinaya. i just opted to stay away. puro hate, puro pangungutya, napakayabang at condescending, puro reklamo na lang.

kvandenhaak

  • Guest
Re: Mga friends na puro problema at negativity ang alam.
« Reply #8 on: April 12, 2017, 10:31:59 pm »
Just stay away and find new friends. Nakaka-depress ang sobrang negativity. You don't deserve to suffer the burden.

chinkywinky

  • Guest
Re: Mga friends na puro problema at negativity ang alam.
« Reply #9 on: April 18, 2017, 04:56:51 am »
Marami na akong iniwasan na nega friends. I'm telling you, hindi mo sila kawalan  ;)

MoonshineLady

  • Guest
Re: Mga friends na puro problema at negativity ang alam.
« Reply #10 on: April 22, 2017, 05:35:50 pm »
i stay away from such friends & people. as in nakakahawa ang bad vibes at negativity na dala nila na parang pati ikaw minamalas and what more pati ako naiistress sa mga problema at reklamo nila.

plumpolka

  • Guest
Re: Mga friends na puro problema at negativity ang alam.
« Reply #11 on: April 25, 2017, 02:28:23 pm »
does it make you a bad friend kung di mo dadamayan yung kaibigan mong puro problema lang ang alam sabihin? siguro sa umpisa, ok lang. nagbibigay ka advice. pero nakikita ko kasi na wala naman din syang drive to be positive or para mag move on sa break up nya. parang gusto lang nya magdwell sa sadness forever. hahaha! wala na gusto makipag usap sa kanya kasi palagi lang syang malungkot.

izabelle

  • Guest
Re: Mga friends na puro problema at negativity ang alam.
« Reply #12 on: May 04, 2017, 05:43:08 am »
Yung puro problema, keri ko pa yan. Kasi para sa akin as a friend, dapat support system ako ng kaibaigan ko.

pero yung negativity, ibang usapan na yan. Imagine nalang yung stress at pagod sa araw araw na work tapos puro kanagehan pa maririnig mo sa tao (kahit sa friend pa or kamag anak)  ::)

hazelbrown_eyes27

  • Guest
Re: Mga friends na puro problema at negativity ang alam.
« Reply #13 on: May 04, 2017, 08:46:48 am »
For me, yung vent out okay lang kasi baka pwedeng wala siyang mapaghingahan ng sama ng loob sa mga kapatid niya.(re: Family) But yung constant yung paninira sa kapwa. Yung gumagawa na ng kwento at talagang tsismis na di na venting out.. iba na. Yun yung iniiwasan ko.

Nixfesti

  • Guest
Re: Mga friends na puro problema at negativity ang alam.
« Reply #14 on: May 23, 2017, 06:53:11 pm »
^^ Yup I agree, syempre our friends tend to vent out their problems on us. Pero yung lagi nalang negative vibes, sobrang nakakahawa yun. Toxic people are no no's.

iwannabeasupermodel

  • Guest
Re: Mga friends na puro problema at negativity ang alam.
« Reply #15 on: May 24, 2017, 12:23:35 am »
minsan napapaisip nga din ako if my friend is really negative in life talaga or baka naglalabas lang siya ng galit or sa akin lang siya nakakapag vent out talaga. it's like half of our conversations is her complaining about this and that etc. it's like she never really enjoys her life. kahit yung mga little things na for me ay pwede na ipa-slide na lang regarding the people she lives with eto reklamo here and there pa din. haaay.

kvandenhaak

  • Guest
Re: Mga friends na puro problema at negativity ang alam.
« Reply #16 on: May 24, 2017, 01:26:39 am »
^Iba kasi yung venting out sa reklamo. There are situations that are out of her control like say nambabae ang asawa and she needs a friend to be a crying shoulder. That's not being negative, she's a victim of the situation.

Yung dati kong friend, ang daming reklamo sa buhay pero ayaw naman sumunod mga advice ko or ng mga nakapaligid sa kanya. I mean, she can get out of the situation but she doesn't want to. Example, me renter sya one time na pasaway. Madaling araw na daw nag-iinuman pa tapos ang lakas tumawa so napupuyat sila. Ang dali ng solution di ba? But no, ang bait pag kausap si renter. Pero sa akin reklamo ng reklamo. Then what's the point? Just keep it to yourself and spare other people from her problem. Or reklamo ng reklamo na yung asawa nya puro na lang computer inaatupag pagdating sa trabaho. Pero, ang anak nyang ang laki laki na, kasama pa rin nila matulog sa kwarto nila. There's no privacy for intimate moments, tapos losyang pa ang peg. I told her once mag-shave naman sya ng legs. Legs daw nya yun at walang pakialam ang iba. Kaloka di ba? Then stop telling me stories about your problems if you don't want to do something about it. Yang ganyan, negative din ang binibigay na aura ng mga taong ganyan. Dapat lang na iwasan. Because I can't do anything with her problem. She's just dragging me with her miseries. Tatanda lang ako....lol!

plumpolka

  • Guest
Re: Mga friends na puro problema at negativity ang alam.
« Reply #17 on: May 26, 2017, 03:08:09 pm »
^hahaha! natawa ako sa legs naman nya daw yun. So anong point nya sa pagv-vent out nya sayo? Ok lang kasi makinig sa friend pag may problema. yung legit problem talaga at hindi naman palagi. pag ganyan kasi na lahat na lang ng nega, napaka toxic.

kvandenhaak

  • Guest
Re: Mga friends na puro problema at negativity ang alam.
« Reply #18 on: May 26, 2017, 10:30:44 pm »
^Tama naman sya legs nya but as a friend, I felt like I needed to tell her to shave it kasi nga people will look at her like she's weird lalo na dito sa Canada na hairy legs are just a no-no! 

That is my question exactly. What's the point of telling people her problems if she's not willing to make a change? Pag kinumusta mo kung ano na ang progress, ang daming palusot. Kesyo kasi ganyan daw kaya hindi pwede. Nagsawa na nga ako so, more than a year ko ng hindi kinakausap...lol! Last January, she tried to reconnect. Ang feeling ko merong malaking problema, probably legal problem and she needs help. Ang tigas kasi ng ulo, ayaw makinig. Tawag ng tawag at text ng text. Hindi ko sinasagot...lol! Dinadaan ako sa drama. Thank you daw kasi dahil daw sa akin natuto daw syang maging strong, chuva eklavu. Naku, hayun nagsawa na rin at nakahalata na ayaw ko na syang makausap pa...lol! Nakaka-stress sya! Hindi lang naman kasi ako ang umiwas sa kanya. meron ng mga tao before na dati nyang close tapos biglang ayaw na syang makasama.

mysterioza_me

  • Guest
Re: Mga friends na puro problema at negativity ang alam.
« Reply #19 on: May 27, 2017, 01:04:15 pm »
Iniiwasan ko ang mga ganyang friends kasi naabsorb ko ang negativity. Max of 3 reklamo/vent out regarding the same issue dedma na ako sa susunod. Sayang ang pagbibigay ng payo e di naman sinusunod tapos hahatian ka ng dalahin nila sa buhay.

May friend ako na ni-hide ko status updates niya from appearing sa newsfeed ko. Lakas maka-nega, yung drama nila ng asawa niya at kabit pinopost niya pati na rin mga chat convos. Pagnagpm kasi sa kin and nagstart maglitanya ng prob niya sinasaway ko siya. Wala na sigurong pumapansin sa kanya kaya sa socmed na nagvent out at nagpapansin. So dun nakakahanap siya ng kakampi.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close