watch now

Author Topic: On the Wings of Love (Thread 3)  (Read 51215 times)

chinablue

  • Guest
Re: On the Wings of Love (Thread 3)
« Reply #520 on: February 13, 2016, 02:35:10 pm »
Agree mga sisses. Sana si Leah naman ang sumuyo kay Clark. Grabe etong series na ito, sobrang heartbroken din ako. Parang may pinagdadaanan din akong break-up, hahaha. Nafefeel ko kasi si Clark kasi may abandonment issues siya. At ang galing umarte ni James ha. Wow! Affected tayo lahat at awang-awa sa kanya.


g3rl_23

  • Guest
Re: On the Wings of Love (Thread 3)
« Reply #521 on: February 13, 2016, 02:51:45 pm »
two weeks pa tayong magkakasama-sama, magtatawanan, mag-iiyakan, magkakainisan.  after two weeks, i will be sad to see this teleserye end.  di man ako masugid na manunuod, i can still say na isa ako sa otwolista!!  one of the best written teleserye for me.  and kung meron man best in casting, whole cast ng otwol will definitely win!!  ang gagaling nilang lahat, wala kang matatapon sa kanila talaga.  kaya ma-mimiss ko tong drama na to talaga.  :( :( :(

ANJFinally

  • Guest
Re: On the Wings of Love (Thread 3)
« Reply #522 on: February 13, 2016, 03:23:56 pm »
Napansin ko rin yung sa holdaper at sa long hair ni Tita Jack. Natawa ako dun infairness! Magbiro kana sa lasing at bagong gising, wag lang sa broken hearted at OP sa grupong may partner-partner, kundi bugbog sarado ka. HAHAHA!

If two years na nakalipas, at more than a year na silang break - how many years na kaya nakalipas sa sanfo scene? Clark will be successful and sana sa SanFo iyon. Nakakita kasi ako ng pic sa IG, yung mga furnitures nya, merong signed gold logo "Clark Medina". Natamaan sya sa mga sinabi ni tita jack at jigs. Na ibuhos nya lahat sa trabaho nya. Para kasing successful na yung aura nya sa Sanfo. He's not like the same young Amboy na maraming work, like the Old Clark. He changed, so feeling ko aangat sya sa buhay.

For Leah, bini-build up ng writers ang character nya, sobra na sigurong naba-bash. HAHA! And I find it unfair kasi walang nag bbuild up ng character ni Clark kay Leah. I anticipated it a lot of times that Simon would say na if Leah can no longer contain the pain, she could go back home. But NO, he always says na "I AM HERE" ang sarap sapakin talaga eh, halatang bantay salakay. Bigo ako ng madaming beses! HAHA! Pero plus points si Leah sakin about sa refusal nya sa proposal ni Simon. Nakakabuset lang sya yung may pa lasing lasing pa kasama si Simon, eh alam nya namang hindi sya taga Dubai. Parang eng-eng lang? Magagahasa talaga sya sa kagag*ahan nya eh! HAHAHA!

I'm starting to feel Leah's pain. She's already longing for Clark, and questions herself. Taas ng pride nya nung sinabi nyang dapat si Clark ang mag sorry dahil sa mga sinabi sakanya, as if namang ang gaganda rin ng sinabi nya against Clark? She should've said sorry too! Ano sya sinuswerte? Kaya tama lang na hindi na nagparamdam si Clark sakanya after almost 2 years. Selfish nya, totoo naman yung sinabi ni Clark na mas mahal sya ni Clark. Yung sarcastic ng lines nya na "Sorry ha? Kasi ginagawa ko ito para sa pamilya ko, para sa pangarap ko, para sa pangarap ko para sating dalawa" Naiinis ako kasi selfish talaga sya para sakin eh. Yung pangarap nya para sakanila ni Clark, bakit nya pa sinabing SATIN if she's the only one deciding? Ni hindi nga kasali si Clark sa mga desisyon nya. Desisyon at pangarap "NYA" lang yun hindi pangarap para SATIN. How would you come up to the word "ATIN" if isang tao lang ang may gusto at nagde-decide? SMH talaga ako for Leah, may masabi lang. Tsk Tsk.

Nung hinanap nya si Clark sa wedding, then manang said "umalis na, sayang di kayo nag-abot" I felt her pain. Naiyak pa nga ako, honestly. Ang sakit kasi, thank you writers! HAHAHA! Pinaparamdam nyo na kay Leah ang pain and yung feeling na taken for granted na. I hope, dyan maubos ang episodes nyo. Yung mas magdusa pa sya sa sakit (Ansama Ko!) HAHA! She deserve all the pain. Sana triple yung sakit na maramdaman ni Leah, and before the "happy ending" episode, I hope the writers will give justice to Clarks' character. Sobra na syang martyr at t*nga for the sake of his love for Leah since forevs, sana this time Leah would do A LOT of Sacrifices and Effort to be even, just to gain Clarks' Love back. Yung ganun kasi kasakit na pinagdaanan mo, hindi ganun kadaling mag redeem ng pundasyon ng trust. Lalo na if you've already moved on. Baka nga yung iba maisumpa pa yung taong nakasakit sakanila eh. At masabing, ako nadin sana ang karma mo. HAHAHAHA!

Sabi ko nga kay boyps, there's nothing wrong when she chose her career, her dreams. Ang mali lang, she decided on her own. She did not TRUST her husband's capabilities, and did not even consider her HUSBAND's POV, yung kay Leah lang dapat ang masunod kasi tingin nya, yung ang better at yun ang tama. With that, she'll never ever be happy kahit gaano kataas ang promotion, and sahod, at ilang hakot award pa ang matanggap nya. She won't feel the contentment in life talaga.

bagaholic_chewy

  • Guest
Re: On the Wings of Love (Thread 3)
« Reply #523 on: February 13, 2016, 08:02:04 pm »
And to think, nang-iwan na sya kay Clark nung una. Pero sinundan sya ni Clark sa Pilipinas at sinuyo so they can be together and start over. Pero wala, nang-iwan ulit sya. At di man lang nya talaga vinalue ang opinion ni Clark, nagdesisyon lang talaga sya on her own. Yun ang nakakainis e. Binalewala nya na me asawa sya.

Ann_2128

  • Guest
Re: On the Wings of Love (Thread 3)
« Reply #524 on: February 13, 2016, 10:47:06 pm »
naku dapat magandang ending ang ibigay nila, magkatuluyan man o hindi ang cleah. Baka itulad nila sa PSY na bitin na ending. Sorry sa psy fans, not meant to offend. Pero sa roller coaster emotion na binigay nila sa atin, bigyan naman nila tayo ng hustiya.
Just saying  ;) ;)

goldengoose

  • Guest
Re: On the Wings of Love (Thread 3)
« Reply #525 on: February 14, 2016, 11:13:09 am »
And to think, nang-iwan na sya kay Clark nung una. Pero sinundan sya ni Clark sa Pilipinas at sinuyo so they can be together and start over. Pero wala, nang-iwan ulit sya. At di man lang nya talaga vinalue ang opinion ni Clark, nagdesisyon lang talaga sya on her own. Yun ang nakakainis e. Binalewala nya na me asawa sya.

bakit laging nadidiscount ang FACT na kaya umalis si leah dahil ticking time bomb ang puso ng tatay nya and they need 20million pesos ASAP?

this is just to address yung concern na "kung si clark nga iniwan lahat sa sanfo para sundan sya bakit sya umalis". kung kayo ba, nasa sitwasyon ni leah na yung tatay nyo kailangan ng ganyang halaga at nanganganib ang buhay, wouldn't you have done the same?

and as for "nagdesisyon on her own", she DID consult with clark about dubai. she asked him do you support me? and he DID say yes. pero somewhere between that moment and the moment he said "you won't even trust me" ek, nagbago ang isip nya.

ayaw din makabigat ni leah kay clark at sa pamilya nito. kung hahayaan nya si clark na tulungan sya, SI CLARK (and even their sash businss) ang mababaon sa utang. she was taking things into her own hands because she was ALSO THINKING OF CLARK.

kung hindi makita ng asawa mo ang punto mo, na praktikal naman, anong gagawin mo? i'm genuinely curious.

chinablue

  • Guest
Re: On the Wings of Love (Thread 3)
« Reply #526 on: February 14, 2016, 12:48:50 pm »
Ako naman, ang tingin ko dito, Leah always wants to have her own way. Kung ano yung tingin niya tama, yun ang gagawin niya.

Flashback tayo sa first time na iniwan niya si Clark. Sobrang shock ang babaita dahil sa betrayal ng nanang niya kaya without second thoughts, nag-alsa balutan siya at umuwi ng Pinas. Hindi man lang niya kinonsider na may asawa siyang tao kasi on her mind that time, she was hurting. She needed to get away. Sinolo niya yung problema na kung tutuusin eh pwede naman sana siya damayan ng asawa niya. Ganun naman ang mag-asawa di ba? Hindi yung may darating na problema eh layas agad. Sige pagbigyan na natin si Leah. Masyado siyang nasaktan eh.

So, being the understanding man that he is, maski umuwi ng Pinas si Clark, hindi siya agad nagpakita kay Leah. He knows she needs her space. Kaya nagpakastalker mode na lang ang Clarky boy. Kaso, tinahulan sila ng aso sa Tenement kaya bukelya sila, hahaha.

Dito na pumapasok ngayon yung pushing away mode ni Leah kesyo hindi pa siya ready. So etong si Clark, with the advise na din ni Tatang Sol, ay pilit na inintindi si Leah kahit napufrustrate na din siya minsan. At bakit nga hindi siya mapufrustrate? Asawa siya ni Leah pero the latter pushes him away kasi masyado siyang broken. At hindi ko na iisa isahin ang panunuyo at paninilbihan ni Clark.

Later on, naging okay na silang dalawa. Saka naman umeksena si Simon at ang pangarap ni Leah. Naging insecure at nagstart na magselos si Clark on this point. Can we blame him? Kung yung asawa mo ay laging bukambibig ay ibang tao na alam mo namang may gusto sa kanya at lagi pa niya kasama sa work, hindi ka ba mapapraning? Idagdag mo pa na nag-ask si Leah na ipostpone muna ang kasal because of Tatang Sol. Pero sino ang kasama niya sa Dubai? Si Simon. Kahit sino naman atang asawa na tanungin mo, mabwibwisit din eh. Pero dahil pambansang hubby nga si Clark, inintindi pa din si Leah.

Nafefeel ko naman yung desperation ni Leah to save her Tatang pero may asawa din siyang dapat isipin. Pwede ba naman yung walang time frame at walang kasiguraduhan kung kelan talaga kasal. Porke alam niya na lagi lang andiyan si Clark eh todo push lang siya sa desisyon niya. Suggest pa siya na pumunta na lang din ng Dubai si Clark para magkasama sila. Sorry, nairita talaga ko. Etong si Leah, gusto si Clark na lang ang laging mag-aadjust sa kanya. May green card din naman siya. Pwede naman din siya bumalik ng San Fo with Clark diba?

Napakasarcastic pa ng babaita sa pagsasabi ng "thank you, ha." Kung pwede lang ako pumasok sa loob ng laptop at sabunutan siya, ginawa ko na. Ganun ako nabad trip sa kanya, hahaha. She wants to have it all. A flourishing career, Clark, and Simon on the side. May pangarap pa natin siyang nalalaman eh pangarap lang naman niya yun. Single ka 'te? Tutuparin mo muna pangarap mo tapos kapag successful ka na saka mo na ipaprioritize ang husband mo? Hanggang kelan ba kayang maghintay ng isang tao kung pakiramdam niya eh lagi siyang last sa priorities mo?

Nakakapagod din kayang maghintay noh?! Nakakapagod din yung laging ikaw lang ang umiintindi. Ubos na ubos na si Clark, grabe.

Wish ko talaga, magkaroon ng bagong lovelife si Clark sa Sanfo. Yung mala One More Chance ba na nagkaroon ng new gf si Popoy tapos Basha realized what she lost in exchange for her dreams. Para mafeel naman ni Leah yung sakit. At masabi din niya na "Ako na lang ulit." hehe.

Kaso lang, may nakita ako sa teaser na si Clark pa ang humawak ng kamay ni Leah. Wag naman sana ganun. Ang gusto ko talaga mangyari, yung si Leah naman ang hahabol kay Clark. Yung in spite of being successful sa career eh may void sa puso niya that only Clark can fill.

Since hindi naman ako ganun kasama, please writers, hanapan ninyo na din ng bagong girl si Simon sa San Fo para everybody happy. :)

budzwhiz

  • Guest
Re: On the Wings of Love (Thread 3)
« Reply #527 on: February 14, 2016, 01:44:34 pm »
Bakit feeling ko dun sa teaser, kaya hinawakan ni Clark yung kamay ni Leah sinoli nya yung singsing? Hahaha. I don't think naman gagawing t**** t**** agad si Clark ng writers pagkita palang nila ni leah sa sanfo.

ANJFinally

  • Guest
Re: On the Wings of Love (Thread 3)
« Reply #528 on: February 14, 2016, 02:30:38 pm »
Sis chinablue, we exactly have the same point. HAHA! Gigil na gigil talaga ako kay Leah eh. Makaasta kala mo walang asawa. F na F nya kasi yung pagkasabi ni Simon na You Are A Hero in your Family.

bakit laging nadidiscount ang FACT na kaya umalis si leah dahil ticking time bomb ang puso ng tatay nya and they need 20million pesos ASAP?

this is just to address yung concern na "kung si clark nga iniwan lahat sa sanfo para sundan sya bakit sya umalis". kung kayo ba, nasa sitwasyon ni leah na yung tatay nyo kailangan ng ganyang halaga at nanganganib ang buhay, wouldn't you have done the same?

and as for "nagdesisyon on her own", she DID consult with clark about dubai. she asked him do you support me? and he DID say yes. pero somewhere between that moment and the moment he said "you won't even trust me" ek, nagbago ang isip nya.


Sis actually, hindi na sya asap kasi successful na ang operation ni tatang. Ang iniisip nalang nila is pagbabayad. Leah doesn't have to embrace all the hardships kasi meron syang asawa who's very willing to give his all para tulungan sya. Sabi nga diba kapag mag asawa, thru thick in thin, for richer or for poorer, they will always be together, hand in hand. Hindi kailangan solohin lahat ni Leah, tapos masa-sacrifice ang asawa nya at relationship nila.

What's her point nung sinabi nya kay Simon na kung dadating si Clark sa Airport before sya mag Dubai eh hindi nya matitiis at hindi nalang sya aalis? For me it means, na kaya nya or nilang masolusyunan come what may, kahit nasa Pinas lang sya.

From the very beginning, Clark opposed her decision. Actually hindi sya pumayag because aside from being jealous with Simon, he's thinking of some resources. Which is hindi nakita ni Leah. Kasi yung kanya lang lagi ang nakikita nya. Kaya nga he's very happy nung sinabi nyang nagkaroon sya ng mga clients because of Diana's recos. But Leah insisted na hindi nalang sila pwedeng umasa sa CHANCE. Ang tawag nya sa offer of help at effort ng asawa nya ay CHANCE lang, not a solution nor support for her. She even signed the contract without confirming with her husband? Ano yun? Walang asawa ang peg? When she went back home after 6 months, Clark begged her not to extend her contract for another 2 years, because of the same thing. He's willing to lend a helping hand. Pagtutulungan nila. But what Leah did? Pinipilit nya na si Clark nalang ang sumama sa Dubai kasi kapag tinanggap nya yung contract mas TATAAS lahat ng benefits nya, sahod nya, position nya. It's clear right? It's not all about tatang's health. It's for her own personal growth. If may issues pa pala sya sa phase ng buhay nya na yan, sana hindi nya tinanggap ang proposal ni Clark. Palibhasa kasi, naranasan nya at nakilala si Simon na naging sya na yung ideal person nya bilang isang career person. Gusto nya maging tulad ni Simon right? Career Person. Young achiever. Successful. There's nothing wrong, but you don't have to compromise your marriage coz both of you is already ONE PERSON nalang. It's no longer YOU and ME, but US na silang dalawa.

She did not even bother to comfort his husband by re-assuring him about their wedding, but instead she answered HINDI KO ALAM when Clark asked her about their wedding. See? Sinong hindi mabe-beast-mode dyan? After all his efforts? Biglang hindi mo na alam?

She gave false hopes to Clark, na lahat ng ginagawa nya is para kay tatang at makaipon lang sya, babalik na sya. But the truth is (hitting two birds in one stone) sya. It came out directly from her mouth. Kasi totoo naman na para sa pansarili nyang pangarap kaya nya gusto mag extend contract, kaya nagalit na si Clark. She can never say na PANGARAP NATIN, baka PANGARAP NYA? Kasi never naman on the top of the list nya si Clark.

All his life, ang pangarap nya ay laging kasama si Leah, but Leah is not like that. Sya na nga itong nang iwan - hindi pa sya makagawa ng time for them. Lahat buhos trabaho. Isisingit nya nalang si Clark kung kelan pwede? Which is a BIG NO kapag mag asawa na kayo.

Kaya nagiging mali si Leah because her decisions is merely for a single person. Meron na syang asawa, and what your partners' decision should matter too. Same weigh ang decisions nyo. Walang mas lamang or mas dapat, dahil ito ang mas tama or makakabuti. It's an act of selfishness. Serious decision making for married couples is far more different from a single person na pamilya lang ang responsibilidad. Both should agree on it, so it won't suffer the relationship. =)

^sis budzwhiz I would love that scene too!!! It'll be very heart-breaking for Leah! Bwahaha! (evil laugh) ang sama ko talaga! Mas worth it ang happy ending kapag nasaktan at mag e-effort din si Leah to win Clark back.

***

Anyways, natatawa ako sa isang comment sa IG, ang tatalino daw ng mga OTWOLISTAs kasi may kanya kanyang point of view. Nasama na raw sa daily life natin na pag usapan ang issues nila ang share opinions and sights kung sino daw ba ang mali, kung sino ang may sense or what. HAHAHA!!! Affected much kasi tayong lahat sa sobrang ganda!

Excited nako sa episode bukas. Last 10 Days nalang mga sis!!! Kapit lang. I hope the last few days ay mag suffer si Leah sa pain, so she could realize her biggest mistake, ang i compromise ang asawa nyang ginawa ang lahat para sakanya, for the advancement of her career.
« Last Edit: February 14, 2016, 02:33:12 pm by ANJFinally »

chinablue

  • Guest
Re: On the Wings of Love (Thread 3)
« Reply #529 on: February 15, 2016, 01:03:05 am »
^true that sis ANJFinally. Nung nagnanarrate nga ng Dear Clark letters niya si Leah eh I couldn't help but think "buti nga sa iyo. pain pa more!" hahaha kaso iyak din ako ng iyak sa letters niya. feel na feel ko ang heartbreak sa way ng pagnarrate niya. sana dahil sa proposal ni simon marealize ni leah na may pinaghuhugutan naman pala ng selos si clark.

Kanina nagwatch ako ulit sa Youtube ng mga previous SanFo episodes nila, nung nagbabangayan pa sila at hindi pa in love sa isa't isa. Hay, I'm gonna miss OTWOL. Paano na ang life after the ending? Major withdrawal symptoms na mangyayari sa akin nito. Huhu

sofiameredith

  • Guest
Re: On the Wings of Love (Thread 3)
« Reply #530 on: February 15, 2016, 09:16:46 am »
^pati nga yung sa pagkain niya ng hotdog na umiiyak siya, gusto ko talaga sabihin sa kanya...ginusto mo yang sakit na yan eh hahaha(ang sama ko kay Leah) ;D

medyo nakulangan pa nga ako dun sa pagreject niya kay Simon eh, parang walang angas at walang factor na "hello, kita mo bang sobrang may pinagdadaanan akong heartache tapos popormahan mo ko" tone. multiple times niya dapat i-reject kung ano man yung ino-offer ni Simon na romantic. kainis kasi 'tong si Leah, lahat ng sabihin ni Simon eh parang batas at sinusunod niya naman talaga, medyo asar nga rin ako sa journal writing kasi si Simon pa rin nagbigay ng idea sa kanya nun. hero worshipping talaga siya sa boss niya eh. ::)

Ann_2128

  • Guest
Re: On the Wings of Love (Thread 3)
« Reply #531 on: February 15, 2016, 12:38:53 pm »
Agree with you Sis ANJFinally..Di sya superhero para pasanin ang buong mundo. Naiintindihan ko na need nyang umalis para kumita ng malaki para sa operation ni tatang, pero sana kahit umalis sya nagbigay sya ng timelines. kung kailan sya babalik at kailan nya tutuparin ang pangako nyang kasal. ikaw ba naman na sagutin na " di ko alam", "Ewan Ko ", di ba mag init ang ulo mo. Ni hindi sya nagbibigay ng oras sa asawa nya, alam mo na ngang nagtatampo sa'yo di ka pa mag effort, pag kausap mo tutulugan ka. parang namamalimos ka ng panahon. Sana nagpakatotoo sya kay Clark. Tutal nagpakapraktical na rin naman sya.

Tama naman na umalis sya primarily to earn kasi need nya NOW ang pera, hindi BUKAS, not LATER but NOW. Pero nabago ang lahat when a new opportunity came along, and this time she made a new decision without consulting her husband. And this time para sa pangarap nya...

Ok lang sa akin na di sila magkatuluyan, para mas makatotohanan.. parang "staring over again" lang ni piolo at toni..

At in the end maramdaman ni Leah ng doble ang pain ni Clark.. Kaya Clark wag Ka munang bibigay kay Leah,  please.... (affected much na ma kasamang sepanx)

bagaholic_chewy

  • Guest
Re: On the Wings of Love (Thread 3)
« Reply #532 on: February 15, 2016, 01:45:10 pm »
Understood na kailangan ng pera ni Leah when she first left for Dubai. Pero yung 2-year extension? She decided on her own. Pwede sila magtulungan sa pagbayad ng utang - tutulong si Clark, anjan pa si Manang/Tolayts. Pati na din si Nanang. Pero no, what Leah wants, Leah gets. So she extended her contract without consulting her husband. Papasamahin nya si Clark sa Dubai? As if ganun kadali for Clark to just leave his business sa Pilipinas and start over sa Dubai.

Plus yung kasal, pwede naman sila magpakasal pa din sana agad e, before Leah left for Dubai. Or kahit after Tatay Sol's operation. Pero no, ayaw nya at worse, di pa nya masabi kay Clark kung kelan. That would have been the assurance that Clark needed. Hindi yung basta na lang sya nang-iwan...


ANJFinally

  • Guest
Re: On the Wings of Love (Thread 3)
« Reply #533 on: February 15, 2016, 02:06:32 pm »
^korek sis. That's my point as well. Walang assurance kay Leah. Kung si manag tiffany nga chill lang di ba? At take note, nakapag pakasal pa! Si Tolayts, kaya sya nag abroad dahil bukod sa para may maipagmamalaki sya kay Manag Tiff, para din makatulong sya kay tatang Sol. And yap, Nanang has a lot of money. Kahit pa sabihin na para kay Brent iyon, imposible naman na wala talagang nag extend ng help kay Leah para sa 20M na loan di ba? It's just a matter of how you managed your life issues properly ng walang kahit sino ang kaylangan mong isakripisyo.

What about them? Ano na nangyari sa plano ng kasal? Waley. Kasi si Leah busy kakahabol sa umaangat nyang career. Clarks' words are true. Nag iba talaga si Leah. Nag iba na yung simpleng Leah at yung masaya na noon basta makita lang na okay at masaya ang pamilya nya. Yun lang ang gusto nya before di ba? But now that she changed her track, kaya iba narin ang pananaw nya sa buhay. Kasama sa pagbabago nya eh nabago narin yung mga priorities at yung way ng pag dedesisyon nya. Sorang bad trip sya. HAHA!

Writers, pakihanapan na nga ng ideal wifey si Clark. Nang mamatay sa pagsisisi si Leah! Wag sana sya makahanap ng love life! Yakapin nya nalang yung malaki nyang sahod at yung mga awards na pinagkakaabalahan nya sa buhay. HAHAHA! (ansama ko talaga kay Leah eh)
« Last Edit: February 15, 2016, 02:08:27 pm by ANJFinally »

izabelle

  • Guest
Re: On the Wings of Love (Thread 3)
« Reply #534 on: February 15, 2016, 02:17:10 pm »
Sa pagkakaalam ko HINDI nagconsult si Leah kay Clark about the Dubai contract extension. May sarili na syang decision bago pa nya sabihin sa ASAWA nya.

Take into consideration na si Clark ay ASAWA hindi bf lang. ASAWA. Hahaha! Hindi kung sino lang. Mas mabigat pa nga ang asawa sa pamilya. Kapag nag asawa ka, pangalawa ang asawa sa Diyos sa pinaka importanteng tao sa buhay mo.

Yun lang naman ang sa akin. Hindi masamang tumulong sa family lalo na life and death ang situation. Pero take into consideration your husband. Kasi iisa lang kayo. Hindi yan kung sino lang.

At Walang tao na nasa tamang pag iisip na papayag na ang asawa nya e kasama sa malayong lugar ang tao na may gusto sa asawa nya.

Selfish si Leah dito, sarili lang nya iniisip nya. Sabi nga ni Tita Jack, kahit hindi naospital si Tatang, ganito pa din mangyayari.




sofiameredith

  • Guest
Re: On the Wings of Love (Thread 3)
« Reply #535 on: February 15, 2016, 02:42:39 pm »
^eh kasi nga daw feeling niya(Leah) di pa niya talaga asawa si Clark, kasi hindi pa sila kasal sa simbahan  ::) dahil sa normal flow of relationship magbf-gf lang sila. ni hindi nga sila makapag MOMOL di ba(dalagang pilipina daw siya eh) pero okay sa kanya na pinapasok sa kwarto ng boss with breakfast in bed (duh ::) ::) ::))

ANJFinally

  • Guest
Re: On the Wings of Love (Thread 3)
« Reply #536 on: February 15, 2016, 02:48:28 pm »
^tawang tawa ako dito sis! HAHA! Not once, but twice syang nagpakalasing kasama ang boss nya. HAHA! Tapos kung makapag lasing kala mo walang bukas, kulang nalang eh magahasa para matauhan ang babaita! HAHAHA!

sofiameredith

  • Guest
Re: On the Wings of Love (Thread 3)
« Reply #537 on: February 15, 2016, 02:58:17 pm »
^apir sis @ANJFinally, tayo na ang suyang suya kay ateh...hahaha... pero honestly nag-try din naman ako na intindihin siya, di ko lang talaga siya maarok hahaha...kaya itinatawa ko na lang yung pagiging apektado ko. ;) ;D

mayums

  • Guest
Re: On the Wings of Love (Thread 3)
« Reply #538 on: February 15, 2016, 04:00:07 pm »
bakit laging nadidiscount ang FACT na kaya umalis si leah dahil ticking time bomb ang puso ng tatay nya and they need 20million pesos ASAP?

this is just to address yung concern na "kung si clark nga iniwan lahat sa sanfo para sundan sya bakit sya umalis". kung kayo ba, nasa sitwasyon ni leah na yung tatay nyo kailangan ng ganyang halaga at nanganganib ang buhay, wouldn't you have done the same?

and as for "nagdesisyon on her own", she DID consult with clark about dubai. she asked him do you support me? and he DID say yes. pero somewhere between that moment and the moment he said "you won't even trust me" ek, nagbago ang isip nya.

ayaw din makabigat ni leah kay clark at sa pamilya nito. kung hahayaan nya si clark na tulungan sya, SI CLARK (and even their sash businss) ang mababaon sa utang. she was taking things into her own hands because she was ALSO THINKING OF CLARK.

kung hindi makita ng asawa mo ang punto mo, na praktikal naman, anong gagawin mo? i'm genuinely curious.

ako naman, walang issue na mag-abroad sya or mag-extend ng contract. ang issue ko naman is yung taong sinamahan nya. alam naman ni leah na me gusto sa kanya si simon, at masama na ang timpla ng husband mo dun sa taong yun, pero sumama pa rin sya. maybe far-fetched or exag, pero inilalapit mo lang ang sarili mo sa tukso knowing na me emotional attachment yung taong makakasama mo syo. tapos shoulder-to-cry on pa ang peg. i don't think clark would be less understanding if sa ibang lugar sya nag-work na malayo dun sa taong pumapagitna sa inyong mag-asawa.

chinablue

  • Guest
Re: On the Wings of Love (Thread 3)
« Reply #539 on: February 15, 2016, 04:50:18 pm »
dalagang pilipina daw pero wagas sa pagkalasengga hahaha! ginawang pilipinas ang dubai ni ate, kakaloka! buti nga hindi siya napagtripan ng mga Arabo dun, wahaha.

At hanggang Sanfo, magkasama pa sila ha?! kung ako din si Clark, mabebeast mode ako. ambisyosa din etong si Leah eh. galit pa kay Clark dahil sinabihan siya na kapareho lang siya ng nanay niya eh totoo naman. at ang siste, si Clark pa daw ang dapat magsorry sa kanya. wow ha! you wish! tse! pati ako beast mode. haha.

sayang di ako makakapanood mamaya kasi duty ako. excited pa naman akong makita ang more na pagdurusa ni leah. hahaha ako na ang leah hater!

 

Latest Stories

Load More Stories
Close