watch now

Author Topic: On the Wings of Love (Thread 3)  (Read 51289 times)

g3rl_23

  • Guest
Re: On the Wings of Love (Thread 3)
« Reply #480 on: February 11, 2016, 07:34:47 pm »
agree with everybody!! though parehong namang tama sa mga dahidahilan nila, agreeng-agree ako na leah's decision eh hindi dapat lang sarili nyang desisyon.  since may asawa na sya, she should also considers clark opinions and may say din dapat sya sa desisyon na yun.  naimbiyerna ako nung sinabi ni leah na ako, hindi mo ba ako pamilya...or something to that effect nung gusto nyang isama si clark abroad, eh hello ikaw nga tong feeling single!! 

i hope leah will make a big big BIG gesture to win clark back.  with all the things he's putting clark into, dapat yung kahanga hanga at kagilig-kilig na panunuyo ke clark ang gawin nya for me to accept na happy ending sila.  pero kung si clark pa rin ang mag-dada-moves!!  nakow otwol people, wag na silang magkatuluyan pa!!  :o :o :o


thebratinella

  • Guest
Re: On the Wings of Love (Thread 3)
« Reply #481 on: February 11, 2016, 07:39:04 pm »
^tama! martyr lang, Clark?  ;D Huwag na huwag kang susuyo basta-basta. Mag-usap dapat at compromise. Gusto ko yung pagbabati na luluha ako at kikiligin at the same time.

andreil_19

  • Guest
Re: On the Wings of Love (Thread 3)
« Reply #482 on: February 11, 2016, 07:52:12 pm »
Teaser pa lang last night naiyak na ako kaya ire-ready ko na ang tissue 😂

kisses1417

  • Guest
Re: On the Wings of Love (Thread 3)
« Reply #483 on: February 11, 2016, 08:55:07 pm »
Nako mga sis, pagkapanood ko ng teaser kagabi, nung umiyak si clark kay jigs, naiyak ako. As in. Tapos pagpasok ko sa room namin, niyakap ako ng asawa ko, bakit daw ako naiiyak. Sabi ko ang sakit sakit kasi. Awang awa ako kay clark.

Sabi nya bakit ko daw iniiyakan yung on the wings of love? hehe tapos ayaw tumigil ng iyak ko. Kaloka. Aynaku talaga ang nagagawa ng otwol.

Nag tweet si nadine, dami nya siguro nababasang hate comments, relax lang daw tayo mga loves. Ienjoy daw natin ang rollercoaster ride.

Diko kaya makita si clarkie boy ng ganito, gusto ko alagaan at ireto na lang kay angela. Kaso ang cute din ni angela at jigs. And i love jigs, deserve nya si angela. 😃

izabelle

  • Guest
Re: On the Wings of Love (Thread 3)
« Reply #484 on: February 11, 2016, 10:36:31 pm »
I agree, kung magkakatuluyan sila sa ending (na malamang yun naman talaga mangyari) i HOPE pakita naman ang bonggang bonggang effort ni Leah.

Kelan ba nag effort ang babae na yan para kay Clark? sobrang feeling sya. Hahaha!

Sorry, pero ang tingin ko kay Leah dito ay Selfish, Mukhang pera at sobrang insensitive to the highest level. Hindi nya deserve si Clark.

At the end of the day, married sila at si Clark ang pamilya nya, Dapat kasama si clark sa mga pag gawa nya ng decision.

Basta beast mode ako dyan kay Leah! Puro inarte ginagawa, iiyak iiyak pero kasalanan naman nya.

Ann_2128

  • Guest
Re: On the Wings of Love (Thread 3)
« Reply #485 on: February 11, 2016, 10:59:46 pm »
And assumptions striked! Lalo ng di mAgkakaliwanagan ang 2. Bakit ganun, kahit nag explain na si Leah, di ko pa rin magets ang reasons nya? O di lang sya marunong mag explain? Sobrang galit nila, masakit na nasalita ang binitiwan nila sa isa't- isa. Sabi nga" a moment of patience in a moment of anger saves you from a moment of regrets" . Isang  factor lang pride ruins relationship..

And of course, dumating na si assumptionista at ang oportunista.. Plus mga maling mensahe..alam na..

 

Mlabable

  • Guest
Re: On the Wings of Love (Thread 3)
« Reply #486 on: February 12, 2016, 12:09:00 am »
Abangers talaga to si Simon! Grrrr!!

Naintindihan kita Leah na may pangarap ka, pero may asawa ka na. Hindi ba dapat sabay kayong bumuo ng mga pangarap niyo. Hindi ko masisi si Clark kung mag self-pity siya dahil nga sa mga insecurities niya. Pero lalong pinalala ni Leah yun by chosing her dreams and Simon over him. Walang assurance kay Leah e. Nung kailangan ni Leah si Clark para sa green card, di siya iniwan ni Clark.

Sana maging super successful si Clark para maging sampal kay Leah yun for not believing and trusting him. Haaay ang puso ko.

Bat daw ako affected sabi ng asawa ko. Bat daw pati siya inaaway ko. Hahaha

marge070407

  • Guest
Re: On the Wings of Love (Thread 3)
« Reply #487 on: February 12, 2016, 01:10:19 am »
ang selfish ng character ni leah. una iniwan niya si jigs para mag-abroad tapos nakipagrelasyon kay clark tapos umuwi ng pinas iniwan si clark ngayon iniwan na naman niya ulit. Daming issues sa buhay hehe!

cutemama

  • Guest
Re: On the Wings of Love (Thread 3)
« Reply #488 on: February 12, 2016, 06:00:30 am »
Nakakaloka talaga si Leah.. opportunista at user... tama, si Jigs iniwan niya before para lang sa pangarap niya na wala naman ding nangyari..
Ginamit niya pa si Clark para lang magka green card..para matupad dreams niya, wala siyang paki alam kay jigs kasi para daw sa pamilya na naman niya..

Ito na naman ngayon, iniwan niya si Clark.. at si Simon naman ang hero niya ngayon.. manggamit talaga ang babaeng yan.. kung ako pamilya ni Clark esp cherry pie, iba-ban ko na yang Leah na yan sa family namin.. dalawang mag pinsan ang sinaktan niya.. buti si Jigs naka move on na..poor clarky..

** grabe bakit ganun ang gwapo ni james pag umiiyak.. haha ramdam na ramdam mo yung pain.. esp.dun sa scene na umiiuak.siya and tinanggal.niya yung wedding ring nila.

bluish_mommy

  • Guest
Re: On the Wings of Love (Thread 3)
« Reply #489 on: February 12, 2016, 07:02:44 am »
kundi ba naman talaga kerengkeng din itong si Leah eh, alam na nga nyang may gusto sa kanya si Simon, binibigyan pa nya ng puwang para makapasok sa kanila ni Clark... oh well, alam na siguro nyang magkakahiwalay na sila kaya pumupuwesto na sya kay Simon... kaloka ka teh!

cutemama

  • Guest
Re: On the Wings of Love (Thread 3)
« Reply #490 on: February 12, 2016, 07:38:13 am »
Nakakaloka talaga si Leah.. opportunista at user... tama, si Jigs iniwan niya before para lang sa pangarap niya na wala naman ding nangyari..
Ginamit niya pa si Clark para lang magka green card..para matupad dreams niya, wala siyang paki alam kay jigs kasi para daw sa pamilya na naman niya..

Ito na naman ngayon, iniwan niya si Clark.. at si Simon naman ang hero niya ngayon.. manggamit talaga ang babaeng yan.. kung ako pamilya ni Clark esp cherry pie, iba-ban ko na yang Leah na yan sa family namin.. dalawang mag pinsan ang sinaktan niya.. buti si Jigs naka move on na..poor clarky..

** grabe bakit ganun ang gwapo ni james pag umiiyak.. haha ramdam na ramdam mo yung pain.. esp.dun sa scene na umiiuak.siya and tinanggal.niya yung wedding ring nila.

purplesassy

  • Guest
Re: On the Wings of Love (Thread 3)
« Reply #491 on: February 12, 2016, 08:15:05 am »
May I remind you Leah na ikaw ang nagmakaawa kay Clark na pakasalan ka. Tinulungan ka ni Clark sa green card. Tinulungan ka nya pumunta sa Napa Valley para hanapin ang puntod ni Nanang. Tinulungan ka niya nung di ka makapagtrabaho at kelangan ng mascot ni Mr. Pizza. Tinulungan ka niya maexperience ang prom date dahil di mo naexperience yun. Pinaglaban ka niya sa pamilya nya kahit masagasaan si Jigs. Iniwan niya lahat sa SanFo para makasama ka. Nagumpisa siya sa Pinas para lang magkasama kayo. Tinulungan ka niya sa campaign mo sa basketball player para sa sport attire brand na account mo. Sumali siya sa Mr. Tenement para pagbigyan mga ka-Tenement mo na itayo ang bandila nila dahil laging talo. Nagprepare siya ng surprise party for you na inuna mo na naman ang trabaho mo. Doble kayod siya para mabili yung lote para pagkakasal niya may titirahan kayo. Lahat ng wedding preps, siya ang umaayos. Now tell me Leah, anong ginawa mo for Clark?

bluish_mommy

  • Guest
Re: On the Wings of Love (Thread 3)
« Reply #492 on: February 12, 2016, 08:23:03 am »
parang nabasa ko sa isang headline, affected na ata si Nadine, mukhang maraming namemersonal na sa kanya hehe... si Leah lang naman tinitira natin hindi si Nadine hahaha... kaloka! wawang bata.

purplesassy

  • Guest
Re: On the Wings of Love (Thread 3)
« Reply #493 on: February 12, 2016, 08:30:44 am »
Oo nga kawawa naman si Nadine :) Pero naging bida-kontrabida kase siya hahah I wonder kung hindi sobrang pogi ni Clark, ganito pa rin kaya tayo ka affected? haha!

kikai

  • Guest
Re: On the Wings of Love (Thread 3)
« Reply #494 on: February 12, 2016, 09:10:40 am »
with the conversation ni tatang at tita jack.. both were broken people.. and ngayo lang nila nabubuo ang isa't isa.. but hinid mangyayari yun kundi dahil minahal nila isa't isa.. it gave them the sort of epoxy to piece themselves back together again.. but again.. sana sana meron mag point sa kanila to forget pride and remember the love and their marriage...napagod sila kasi puro give wala na receive.. its give and take.. at hindi tito bf/gf na pwede basta mag break...

ang naging kulang leah she forgot clark needs reassurance most of the time lalo na magkaiba sila ng career.. she's a corporate girl at yung isa business..the cracks started after simon gave her  expensive stuff lime the laptop, the bday gift.. sa part ni clark na simple lang kahit [textspeak!] sabihin ni leah happy sya sa simpleng regalo o gestures not enough to assure..

clark tried to give everything kasi ayaw na nya ma reject.. if only they talked about how will their set up be if she is in dubai.. that clark can fly from time to time to visit her and set their chat dates.. pwedeng mag work ang LDR nila actually their long distance marriage!!!

at ayan si vulture simon kaht blank face!! nagliliwanag ang mga mata malaman break na sila.. alam nya mahal na mahal nung cleah ang isa't isa ayan gagawa paraan para maka entra ng bongga..

i hope wake up call kay leah  pag nagsabi na si simon na tama hinala ni clark na hind basta selos lang.. nilayo siya para masolo sa lahat rason lang ang career advancement!

hann-hann

  • Guest
Re: On the Wings of Love (Thread 3)
« Reply #495 on: February 12, 2016, 09:12:13 am »
IMO kasalanan ito ng mga writers. Mashado nilang kinawawa yung character ni James. Binuild up kasi nila na "perfect" husband, kaya ngayong ganito na mga nangyayari super affected tayong mga viewers.

Honestly di ako nanood ni isang episode this week, dito lang ako nakikibalita. Bawal kasi ako ma-stress and i don't want to sleep with a heavy heart. Right now, Ayoko na talaga sila magkatuluyan. Mula umpisa hanggang ngayon, napaka undeserving ni Leah sa pagmamahal ni Clark. So selfish, everything for her convenience and what she wants.

Pero shempre, lahat naman ng teleserye dito satin eh may happy ending. So..... Major eye roll talaga like  ::) ::) ::) ::) ::) ::) ::) ::) ::)

Nakakayamot!

cutemama

  • Guest
Re: On the Wings of Love (Thread 3)
« Reply #496 on: February 12, 2016, 09:40:00 am »
Oo nga grabe naman kasi ginawa ng mga writers sa character ni Clark..
Meron pa kaya niyan in real life??  Ang gwapong lalaki nagpapakatanga sa isang babae.. hays..

Grabe talaga yung effort ni Clark. Siya nag aayos sa wedding nila, siya ang punong abala, si Leah wala cooperation.. in real life babae ang punong abala sa wedding preps, babae ang excited sa mga wedding details, ang groom taga approved lang.. pero itong si leah swerteng swerte donyang donya ang dating..nakakagigil talaga..

sofiameredith

  • Guest
Re: On the Wings of Love (Thread 3)
« Reply #497 on: February 12, 2016, 09:55:04 am »
I find it funny na kahit tayong mga babae mismo eh bwiset na bwiset sa character ni Leah, maybe kasi masyadong na-build up yung flawless character ni Clark as a husband, tapos ganon pa ka-gwapo kaya lahat tayo gustong batukan ng tig-isa si Leah hahaha...

Buti naman nakita ko 1 member man lang ng pamilya Olivar to mediate sa 2. At least andun si Tatang na nag effort to save Clark & Leah's marriage. Ang dami kaya nilang pabor na nakuha from Clark ha, tapos wala man lang umaktong concern. Remember nung time na ini-isnab si Nanang ng pamilya niya kay Clark siya lapit ng lapit, si Clark ang kinukulit niya.

Sa abangan, where Simon will confess his feelings kay Leah, sana naman magka-light bulb moment si ateng, na all along tama ang asawa ko. I don't know pero gusto ko magdusa siya talaga kagaya ni Clark and start feeling insecure din. Gusto kong kuwestiyunin niya yung abilities niya kung deserve ba talaga niya yung promotion at lahat ng tinatamasa niya ngayon sa work. Tignan natin ngayon kung magaling ka talaga o dahil nagkagusto lang sayo kaya ka sinuwerte.  ::)

This is just in my opinion ha, for me kasi, in that way lang magiging redeemable yung character ni Leah, yung magre-remorse siya ng husto (if OTWOL team is pushing them in the end, which I believe they will). If hindi niya sosoplahin si Simon at kuwestiyunin ang sarili niya at mananahimik na lang. Ay...teh...walang sense kahit magkabalikan kayo hindi ako magiging happy kahit i-push na in the end kayo pa din. ::) ??? ???
« Last Edit: February 12, 2016, 10:00:56 am by sofiameredith »

simang

  • Guest
Re: On the Wings of Love (Thread 3)
« Reply #498 on: February 12, 2016, 10:04:03 am »
Woah ang intense naman dito! Hahaha sana walang umaway sa akin pero Clark I think is acting way out of his character. Mas nagegets ko yung reasons ni Leah for wanting to extend her work in Dubai. The problem there is at this point, Clark is done compromising (kasi naman nga, all throughout sya naman ang palaging nagko-compromise), and Leah also doesn't want to compromise. Hay, miscommunication talaga ang root of all conflicts. Haha. Pati kami ng asawa ko nagdedebate tungkol dito haha

cutemama

  • Guest
Re: On the Wings of Love (Thread 3)
« Reply #499 on: February 12, 2016, 10:18:41 am »
May point din naman talaga si Leah, para sa tatang niya.. pero Clark is willing to help Leah.. yun nga lang walang tiwala si Leah kay Clark na kaya siyang tulungan nito..

sana ipasok sa scene si julia barretto hahah sana siya makatuluyan ni Clark, then dun sa lot na balak bilhin ni Clark magpatayo siya ng mansion, at makita ni Leah na Clark is happily married na and successful and pati yung furniture business niya is mag boom mala KENNETH COBONPUE lang..
 and yung napangasawa niya is ideal wife, supportive sa husband and family oriented.

tapos makikita ni Leah si Clark with his perfect family, and sasabihin ni Leah sana ako na lang ulit haha one more chance lang ang peg..

I want the ending to be like "Starting Over Again" where Piolo and toni did not end up together.. Clark deserves someone better..

 

Latest Stories

Load More Stories
Close