watch now

Author Topic: On the Wings of Love (Thread 3)  (Read 51482 times)

ANJFinally

  • Guest
Re: On the Wings of Love (Thread 3)
« Reply #420 on: January 31, 2016, 01:31:49 pm »
^I think so sis 'til feb nalang to. Wala pa naman sila nilalabas na last 3 weeks notice, pero for sure hindi na ito aabot ng march. Sepanx na ko, ngayon palang. Huhuhuhu!

kisses1417

  • Guest
Re: On the Wings of Love (Thread 3)
« Reply #421 on: February 01, 2016, 08:32:04 am »
Me too! As in, naiiyak talaga ako. Sana magkarepeat yung concert nila or ipalabas sa tv. Pero malalamang ipalabas yun sa Sunday's best. Sana noh. Ano ng gagawin ko sa gabi pag wala ng OTWOL???

ANJFinally

  • Guest
Re: On the Wings of Love (Thread 3)
« Reply #422 on: February 03, 2016, 01:26:58 pm »
Sobrang OA ng PNP, sorry if meron man dito na member. Hays. Talagang kaylangan ipasok sa story ng otwol at kumuha ng gap? HAHA! Feeling ko tuloy nanuod ako ng Hiraya Manawari or Wansapanataym nung Monday epi eh. Bwahaha!!!

Anyways, sobrang na hurt ako sa pagka colombia-zoned kay Clarky kagabi. Leah is being insensitive na. Hays. But anyways, in reality naman talaga if you're in the peak of your success and dream mo talaga yun ever since, mapapaisip kadin talaga na i grab whatever opportunity may come along the way. Hays. Di ko parin maisip kung anong mangyayari. HAHA!

kikai

  • Guest
Re: On the Wings of Love (Thread 3)
« Reply #423 on: February 03, 2016, 02:03:29 pm »
^na miss ko na mga watch but stressful ang work at sa bahay kaya nagbawas muna ko ng dagdag stress. i only visit this site at IG to get updates.. hahaha kasi di na kakayanin ng powers ko manood ng di magreact.. tho last night sumilip ako yung part na nag speech si leah  at yep muntik ng makalimutan si hubby.. at sa abangan yung nag faint sya at nag ILY hubby habang buhat ni simon..

hahaha sa uber stress ko kasi nagpalpitate na ko...

bluish_mommy

  • Guest
Re: On the Wings of Love (Thread 3)
« Reply #424 on: February 03, 2016, 02:08:33 pm »
tingin ko si Clark ang bibitiw or magpapaubaya sa relasyon nila. nakikita kasi nya na nag-e-enjoy si Leah sa tinatamasang tagumpay. so feeling ko sya magle-let go kay Leah.

ANJFinally

  • Guest
Re: On the Wings of Love (Thread 3)
« Reply #425 on: February 03, 2016, 02:29:37 pm »
^^haha! Natatawa ako sayo sis kikai, what more kapag nasa climax na tayo ng show? Naku paano na ang emosyon mo nyan! HAHA!

^yan din ang thinking ko sis eh, tapos si Clark now parang nilalamon na sya ng insecurities nya. Kawawa, to the extent na maisip nyang he'll never be enough for Leah kasi parang si Simon na yung sinukatan nya or iniisip nya na ideal person.

bluish_mommy

  • Guest
Re: On the Wings of Love (Thread 3)
« Reply #426 on: February 03, 2016, 02:33:48 pm »
^eto namang Leah nangunguminig sa career nya, nagtatamasa. it's like she's her mom's daughter, na nilamon ng ambisyon.

izabelle

  • Guest
Re: On the Wings of Love (Thread 3)
« Reply #427 on: February 03, 2016, 05:22:14 pm »
I really feel bad for Clark. Ako talaga nahuhurt para sa kanya. Isang napaka insensitive na babae ni Leah dito IMO. I'm also a career woman and I understand the fact na bongga career nya pero huwag naman sana to the extent na makakalimutan ang tao na mahal nya.

Sobrang nakakalungkot ang nangyayari kay Clark. I hope isa mga episode, itong si Leah naman ang magmakaawa sa attention at love ni Clark.

bluish_mommy

  • Guest
Re: On the Wings of Love (Thread 3)
« Reply #428 on: February 03, 2016, 06:40:22 pm »
Parang sa isang iglap nadivert ang attention at utak nya sa career nya. Umiral ang pagka ambisyosa.

izabelle

  • Guest
Re: On the Wings of Love (Thread 3)
« Reply #429 on: February 03, 2016, 09:34:18 pm »
^ honestly, ok lang naman na yung ganon na maging focused sa career  lalo na sya na sobrang need nya ng pera.

Syempre feeling successful na sya lol

pero ang nakakainis, napaka insensitive e. Parang binabaliwa na nya asawa nya. Medyo nakaka stress ang character ni Leah dito. Sobrang ungrateful sa lahat ng pagmamahal at attention ni Clark.

I really hope may part sa story na bumalik sa kanya ginagawa nya para maramdaman naman nya yung sakit na dinudulot nya kay Clark.

Ang lagay ba lagi nalang si Clark ang iintindi at mag gigive way?

Oh well affected ako :D ang galing ni Nadine and James. :)

Ann_2128

  • Guest
Re: On the Wings of Love (Thread 3)
« Reply #430 on: February 03, 2016, 10:41:13 pm »
Ang naive ni Leah,pero I understand her..she's just catching the opportunity  that comes her way..bata pa kasi sya. And Clark is killing by his insecurities..may point naman sya. Over na nga lang.

Looks like matutuloy ang pag alis ni Leah because of Tatang, need nila ang malaking pera..postpone ang kasal or no wedding at all?

ang hirap mang hula..bahala na nga ang writers..manonood na lang ako..🙄

kikai

  • Guest
Re: On the Wings of Love (Thread 3)
« Reply #431 on: February 05, 2016, 09:46:57 am »
last night me visitors si sister hilaw sa bahay na mga barkada nyang gay.. kaya nung otwol na hahaha nakinood sila.. imagine ang sigawan namin sa dream sequence ni clark!!!

hay di ko din matiis di manood..at ayan na pareho na si tatang at nanang me sakit.. tho si nanang di alam ni manang at leah. i wonder what will happen if they found out?

bluish_mommy

  • Guest
Re: On the Wings of Love (Thread 3)
« Reply #432 on: February 06, 2016, 07:36:18 am »
Hmmmm di kaya mangyaring i-donate ni Rona ang puso nya kay Mang Sol?!

kisses1417

  • Guest
Re: On the Wings of Love (Thread 3)
« Reply #433 on: February 06, 2016, 10:39:26 am »
Ang sakit sakit! The new teaser gave me so much pain. Huhu and Carol Banawa's song is a good fit to the scene. Pero i think it is revived by erik santos e. Mas maganda sana kung yung kay carol banawa na lang ginamit plus yung dulong part ni jay durias ng southborder. Pero i guess super nagstick na sila kay erik santos talaga. hehe grabe ang ganda ni leah sa san fo scene. Tapos mukang ang powerful couple nilani simon kaso iba ang passion ni leah at clarky e. The one that got away.

ANJFinally

  • Guest
Re: On the Wings of Love (Thread 3)
« Reply #434 on: February 06, 2016, 02:01:40 pm »
^^sis, pwede rin yan pero may BTS sa IG na nakita kong naka Barong si Hayme with Nanang Rona na naka updo ang hair nya. Parang naka gown din ata na Pink?

^sis kisses, it was revived by Daryl Ong sis. =) Nakita ko sa IG nya, pina-follow ko kasi sya. HAHA! It's really heart-breaking. And ang tingin ko, hindi yung proposal yung biggest mistake na sinasabi ni Clark. Feeling ko babalik sya ng SanFo ng hindi alam ni Leah. Parang ganun nga, TOTGA mangyayari. Baka may mangyari pa in between nyan. Baka maging sobrang achiever si Leah even sa Dubai, then yung insecurity ni Clark will slowly kill him, kaya sya aalis.

Kapag ganun kasi ginawa ni Clark, mararamdaman din ni Leah ang feeling ng maiwan. So pareho silang mag susuffer sa pain.

Talagang may sariling akong plot twist. HAHAHA! Kaloka OTWOL, nakakainis! Last three weeks nalang, naiiyak na ko p*cha naman! HAHAHA!

simang

  • Guest
Re: On the Wings of Love (Thread 3)
« Reply #435 on: February 06, 2016, 02:12:43 pm »
Medyo out of character na yung insecurity ni Clark, if it happens na sya nga yung bibitaw. He has supported Leah in everything simula nung una, so if mangyari talaga na sya ang makikipaghiwalay dahil sa naging decision ni Leah, or kung maging overachiever man sya, ewan ko, parang hindi si Clark yun.

kisses1417

  • Guest
Re: On the Wings of Love (Thread 3)
« Reply #436 on: February 06, 2016, 04:24:39 pm »
Oh, kay daryl ong pala yun sis. Thanks for letting me know. Siguro maka original kasi ako hehe

Grabe tong otwol, grabe mga iyak ni clark. Pero put ourselves in leah's shoes, its really difficult to be her.
:(

ANJFinally

  • Guest
Re: On the Wings of Love (Thread 3)
« Reply #437 on: February 06, 2016, 04:43:03 pm »
^^onga sis eh. He supported all the way. But he changed, dahil sa insecurity nya kay Simon. Kung walang Simon, feeling ko hindi sya against na umalis si Leah for her career pero because ramdam nyang si Simon eh may gusto kay Leah, nagbabago narin ang perspective nya. So baka may mangyayari pa yan in between before the SanFo scenes. Parang sya kasi ang aalis eh. Baka hahanapin nya sarili nya sa SanFo. HAHA! Ganyan lagi rason eh no? Hahanapin ang sarili? HAHA! Kasi if maayos usapan nila about sa LDR, wala dapat magiging issue eh.

Nai-stress na ko sa palabas na 'to ha! But anyways, i love it naman! And tiwala lang kay direk tonet! The Hugot Direktor. Sabi nya nga noon, hindi mararamdaman ang price/feeling of happiness kapag walang pain. Parang ganun ang point nya.

^Yeah sis! Ang galing talaga ni hayme. Yung mga iyak iyak nya noon sa SanFo nung iniwan sya ni Leah, ang shaket! HAHA! Grabe yung teaser, sobrang galing ng bebe natin! Yap, mahirap din sitwasyon ni Leah talaga sis. Pero minsan may pagka-insensitive na sya eh. HAHA! And kahit wala pang sakit si tatang, Clark is only her highest second / third priority. Family, Work, then Clark. While Clark naman, si Leah ang first priority nya at sakanya na umikot ang buhay nya. He made a lot of sacrifices, to the extent na iwan ang nakasanayang buhay sa SanFo, me against the world ang peg dahil kay Jigs, at kumikita ng dollars, just to be with Leah. Dami din issues ni Clark sa buhay nya, but he did not mind everything, as long as kasama nya si Leah. He made a lot of plans, the proposal, church wedding, the future house and lot. Kaya parang ang unfair sa side ni Leah eh. Parang ang nangyari, take lang ng take si Leah and Clark si give ng give kaya naubos na sya. Yung parang wala ng natirang pagmamahal para sa sarili nya? Hays. Total heart break talaga.

Teka, di ba green card holder si Leah? Bat kaya hindi nalang nila naisip bumalik pareho sa SanFo no? Sabagay, bigtime naman kasi yung offer sa Dubai, mas maganda career nya.
« Last Edit: February 06, 2016, 04:47:14 pm by ANJFinally »

budzwhiz

  • Guest
Re: On the Wings of Love (Thread 3)
« Reply #438 on: February 07, 2016, 12:48:28 pm »
Leah should've prioritized Clark and his feelings above all, siya ang asawa. Ang insecurity naman ni Clark na kay Simon. At sino ba naman kasi hindi magrereact ng gaya ni Clark, yung asawa mo mag-aabroad kasama yung taong in-love sa kanya. That's just a disaster waiting to happen. Kung ako yun baka pinapili ko nalang sya, pag sumama sya don maghiwalay na kami. Lol. Dami dami pwedeng paraan para don sa gastos kay Tatang. Ang totoong iniisip lang ni Leah kasi yung career nya.

thebratinella

  • Guest
Re: On the Wings of Love (Thread 3)
« Reply #439 on: February 07, 2016, 01:14:27 pm »
Ang sakit sa heart ng show na ito. Ang daming puwedeng mangyari. Viewers can't simply rely on the abangan teasers. Sobrang sad pero I'm holding on to Direk's promise of a happy ending.

Simon is like a vulture. He was just waiting for a chance for the relationship to have troubles so he can swoop in and take advantage of Leah's vulnerability. Nainis ako sa insensitivity ni Leah kay Clark kahit sa harap ni Simon. Out of respect, you shouldn't discuss matters with your husband, disagree with him in front of your boss or kung sino pa man. Yung boss pa naman halatang may gusto sa kanya. Naive or in denial lang si Leah na not just being a mentor ang habol ni Simon. Sa SanFo pag sinabihan na siya ni Simon about his feelings, baka dun magkaroon ng lightbulb moment na her husband, Clark was right all along but I think she would reject him out of her love for Clark kahit hiwalay na sila. I'm really hoping that there wouldn't be a romantic relationship between Simon and Leah to give justice to her "career woman/achiever" side. It would defeat the purpose kasi of initially showing her as super career-oriented na dun na lang nakafocus plus the values Tatang taught her. Baka dun makita ni Leah ang konting glimpse of what Nanang Rona had to go through and it would pave a way for her to forgive her mom.

Ang galing ng crying scenes ni James in this show. Nag-improve na siya sa drama. Daming angst ni Clark eh plus his insecurity stemmed from Simon's advances towards Leah. He was okay before even if he had daddy issues, his mom died and he was left in foster homes where he was abused until he ended up living in the streets.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close