watch now

Author Topic: On the Wings of Love (Thread 3)  (Read 51418 times)

kisses1417

  • Guest
Re: On the Wings of Love (Thread 3)
« Reply #140 on: November 11, 2015, 02:48:08 pm »
Yung mata kasi ni james at yung facial expressions nya kuhang kuha nya. Timing na timing din. Nakakatuwa si james, ala john lloyd ang leveling na pag drama nya para sakin :))

ANJFinally

  • Guest
Re: On the Wings of Love (Thread 3)
« Reply #141 on: November 11, 2015, 02:53:15 pm »
I liked the episode last night. The only thing is, sana naman hindi ibigay nila direk lahat sa teaser yung pinaka gist nung scene. HAHA! Alam mo yung, iyakin nako to the highest level sa napaka habang tagalog pumapagibig lines ni Clark, then at the back of my head alam ko naman na susugal si leah at magkikiss sila, so for me yung emotion ko, hindi buo. HAHA! Sana pinutol nila yung teaser hanggang dun sa tumalikod lang si Clark para nabitin tayo, mag-iisip ngaun yung viewer sa mangyayari kung anong gagawin ni Leah. Mas buo yung emosyong bubuhos. Well, just my two cents lang naman mga sis. hehe! Mas maganda parin kapag may thrill at excitement kasi. (Feeling direktor or marunong pa sa Direktor? HAHA!)

About the kiss, same parin passionate may longingness. Actually I've watched the episode last night twice na. Same parin ang reaction ko, ang sarap nung kisses! Ang Tsalap Tsalap. HAHAHA!

Medyo naguluhan ako sa teaser, akala ko mauuna yung harana scene sa sugalan scene. Kasi sabi ni Clark kagabi ubos na ubos na sya, wala na syang kayang gawin - but then after that kaya nya pa mangharana? So meaning, may ilalabas pa syang bago. HAHA! Medyo naguluhan ako konte. Hays naman kasi ang OTWOL! Ginugulo nyo ang damdamin ko talaga eh! HAHAHA! Anyways, kudos parin sobrang ganda talaga ng storyline neto, and they deserve all the positive feed back, praises and awards given to them. =)
« Last Edit: November 11, 2015, 02:56:18 pm by ANJFinally »

emma04

  • Guest
Re: On the Wings of Love (Thread 3)
« Reply #142 on: November 11, 2015, 02:55:46 pm »
kumota tayo sa kissing scenes kagabi. pero agree ako na sana bawasan na muna. since nagka-aminan na naman ng todo eh. mas bet ko yung mga pa-cute na kiligan muna. :D

korek, sobrang revelation si James dito sa OTWOL. awang awa ako sa kanya kagabi. grabe ang hugot sa mga lines.

nakakatuwa yung pinakitang teaser kagabi na sinabihan ni Clark si Leah ng "what is wrong with you" kasi tawag ng tawag si ate. sana more of ganyan muna, yung mga cute na kiligan. hahaha!

^sis ANJFinally, agree ako na ang tsalap tsalap ng kiss kagabi. hahaha!

manhattanite

  • Guest
Re: On the Wings of Love (Thread 3)
« Reply #143 on: November 11, 2015, 05:28:07 pm »
Agree ako sa inyo mga sis na sana wala na munang bonggang kisses till something more significant happens para mas nasasabik tayo. 

Hindi ko din ma-pinpoint exactly bakit ang galing ni James sa drama scenes.  Dahil ba ang expressive ng eyes/face nya?  Or dahil ba yung personality nya mismo comes through as sensitive?  Ah ewan, basta ang galing nya sa mga hugot scenes and most especially last night!  Naiyak din ako ulit sa replay haha.

Ok pala si Dan Villegas mag-direk.  Iba din ang naging atake nya sa story, lalo kay Clark. 

t_r_i_s_h

  • Guest
Re: On the Wings of Love (Thread 3)
« Reply #144 on: November 11, 2015, 06:49:40 pm »
CONFIRMED: di nalang ihi nagpapakilig sakin!!!!

Juice Colored! Kilig na kilig ako! Ang cute ni Jame pag nagtatagalog sobra....

and yes I agree, ang mga teasers pamigay na pamigay... so syempre mamaya alam na natin na more kilig na naman hahahah

manhattanite

  • Guest
Re: On the Wings of Love (Thread 3)
« Reply #145 on: November 11, 2015, 07:58:06 pm »
^Truth sis!  Excited na din ako na bumalik sa light rom-com feels.  Parang babalik na si Leah sa makulit at happy self nya yay!

kisses1417

  • Guest
Re: On the Wings of Love (Thread 3)
« Reply #146 on: November 11, 2015, 08:03:29 pm »
Babalik kaya sila sa america? Kasi sa otwolista.com may picture nung isang araw na nasa apartment ni  clark sa american silang dalawa e :) di na ako makahintay mamaya. Im so excited hehe

mei-mei

  • Guest
Re: On the Wings of Love (Thread 3)
« Reply #147 on: November 11, 2015, 08:55:54 pm »
They have a game in OTWOLista.com na whoever wins will witness the finale episode in the US. So yun, we know na they will end in the US. :D

kisses1417

  • Guest
Re: On the Wings of Love (Thread 3)
« Reply #148 on: November 11, 2015, 09:45:42 pm »
Ah talaga? Ang saya naman nun, sabay tour na din siguro nila sa US noh. Kakatuwa naman! Nag eenjoy ako sa role ni tilayts ngayon at ni tipani sabi nga nila sa tenement. Pati si jigs at kaggie nag eenjoy ako panoorin.

Juskopo naman yung kwarto conversation nila clark at leah, so kelan tayo maghohoneymoon? Juskoooo!!

Yung kamay ni james nung after nila magkiss, grabe ang ugat. Wala lang. hehe napansin ko lang ;)

kisses1417

  • Guest
Re: On the Wings of Love (Thread 3)
« Reply #149 on: November 11, 2015, 09:52:24 pm »
Grabe ang #OTWOLHarana, grabe ang kiligggg ko. Yung mga simpleng ganyan kinikilig ako super. Ang saya saya matuloggg! Sana mga 2 weeks na ganyan, light lang. Ang saya saya ko lang hehe minsan sinasapian ako ng pagka 13 ko pagnanonood ng otwol.

sofiameredith

  • Guest
Re: On the Wings of Love (Thread 3)
« Reply #150 on: November 11, 2015, 10:11:36 pm »
Jusko mga sis buhay pa ba kayo....nagpapalpitate na ko sa ABANGAN na honeymoon na yan....ang katawang lupa ko gahhhddddd!!!!!!😄😄😄😆😆😆😆

hann-hann

  • Guest
Re: On the Wings of Love (Thread 3)
« Reply #151 on: November 11, 2015, 10:14:13 pm »
ohmygod!!!!!! nakakakilig!!! waaahhh!!! napakaswerte ni leah kay clark! grabe, kitang-kita yung naging pagbabago ni leah. ganda na ng aura. at yung abangan!! hahaha!

Lauren_GT

  • Guest
Re: On the Wings of Love (Thread 3)
« Reply #152 on: November 11, 2015, 10:26:28 pm »
Same tayo ng napansin, mas ok magdrama si James than Nadine. Mas ramdam lagi ang feelings pag si James na nag eemote, hehe. Konti hasa pa siguro kay Nadine pagdating sa drama.



sabi nga ni Direk Tonet, take 1 actor daw si James. Si Naddie parang diesel. So usually daw pag first take nakay James ang cam.

Lauren_GT

  • Guest
Re: On the Wings of Love (Thread 3)
« Reply #153 on: November 11, 2015, 10:46:37 pm »
Agree ako sa inyo mga sis na sana wala na munang bonggang kisses till something more significant happens para mas nasasabik tayo. 

Hindi ko din ma-pinpoint exactly bakit ang galing ni James sa drama scenes.  Dahil ba ang expressive ng eyes/face nya?  Or dahil ba yung personality nya mismo comes through as sensitive?  Ah ewan, basta ang galing nya sa mga hugot scenes and most especially last night!  Naiyak din ako ulit sa replay haha.

Ok pala si Dan Villegas mag-direk.  Iba din ang naging atake nya sa story, lalo kay Clark. 

yes! galing kasi alam mong may ibang 'touch' yung scene. siguro kasi parang from the point of view of a strong male director. pati ang mga lines ni Clark yung -- 'Please??? Ano'ng please?!?" medyo nagulat ako nung sinabi nya yun. It is exactly what a guy would say and how he would say it in a situation like that. Baka nga yung iba may mura pang kasama. Kaya lang pang TV ito kaya siguro medyo they reigned it in. Pag tulo ng luha ni Clark sabay tulo ng luha ko at buntong hininga. Galing!!!

MrsLuluyz

  • Guest
Re: On the Wings of Love (Thread 3)
« Reply #154 on: November 12, 2015, 12:06:13 am »
friday episode pa lang ang na panood ko just now. although nawatch ko yung tues-at kanina di ko lang mashado naiintindi kasi bitin pa story sakin haha!

so hindi pa ako mashado makarelate sa kissing scene although nakita ko yung kissing scene kahapon, well its been awhile mula sa US naman nito lang ulit nag kissing scene diba?! aside sa wedding pictorial na kissing scene. so i think it's worth the wait!

thebratinella

  • Guest
Re: On the Wings of Love (Thread 3)
« Reply #155 on: November 12, 2015, 12:26:52 am »
Si Jigs walang modo! Pati ba naman nanay ni Leah tarayan niya.  >:(

Gusto ko yung dramatic scene ng Cleah. Kitang-kita na pasuko na talaga si Clark. Tumulo din luha ko dun. Ang galing na ng Jadine.

ANJFinally

  • Guest
Re: On the Wings of Love (Thread 3)
« Reply #156 on: November 12, 2015, 12:39:28 am »
Kaway Kaway sa mga all smiles dahil sa episode ng otwol ngayong gabi! Nyaks!!! Ang puso ko nanaman, balik kiligers!!! Waahhhh!!! Sana ganto lang yung story muna, light light lang. Dito tayo na hook eh. Sa pakilig kilig lang muna. hehe!

I super lobe Tenement Uno! Sana may ganun ka friendly na kapit-bahay talaga! Yung tipong ansarap mamuhay anf you feel so secured and loved ng mga kapitbhay. Nowadays kasi, mga neighbors eh mga chismakers. Hahaha!

Aliw na Aliw ako sa gaylingo ni Clark at Tatang Sol eh. Walang tapon sa characters at storyline, lahat umiikot yung story ng bawat isa. Kudos talaga!

Excited nako sa honeymoon chorvaness! Hahaha!

thebratinella

  • Guest
Re: On the Wings of Love (Thread 3)
« Reply #157 on: November 12, 2015, 01:03:28 am »
^Gusto ko rin yung relationship ni Tatang Sol and Clark. Ang cute nila pag humirit together. Supportive and understanding si Tatang.

Natawa ako dun sa hirit about the honeymoon, sis.  ;D Sana pakita outtakes nun.

t_r_i_s_h

  • Guest
Re: On the Wings of Love (Thread 3)
« Reply #158 on: November 12, 2015, 01:59:37 am »
Ibang klase episode kanina no? hahahaha kilig na kilig ako...my goodness.

anyway, is it just me or muka talaga abnoy si jigs? i swear yung muka nya ewan talaga eh, lalo pag naka smile na.. errrr (no offense to his fans)

pero yun na nga, sobrang feel good lang ng otwol, cute ni leah daming missed calls tapos si clark bumabawi sa mga effort ni leah... sweet. sobra!!!!!

manhattanite

  • Guest
Re: On the Wings of Love (Thread 3)
« Reply #159 on: November 12, 2015, 04:06:39 am »
Umapaw na naman sa kilig with tonight's epi! As in the whole time nakangiti lang ako. Ang sarap panoorin ulit ng CLeah na light and happy! Yung sa start pa lang na scene sa bahay nila Clark na nakayakap na agad si Leah, sabi ko nakuuu eto na, babalik na sa dati :) Sana tuloy lang muna nila yung ganyan.

In fairness sa Tenement Uno ha, laging may ganap. Parang ang saya tumira dun haha. Karakter lahat ng kapitbahay.

Panoorin nyo mga sis yung BTS ng epi tonight sa otwolista.com, may part dun ang kulit ni Manang kinikilig talaga sa kanila as James and Nadine and hindi lang as CLeah -  nakakaaliw hehe.


 

Latest Stories

Load More Stories
Close