watch now

Author Topic: " TANIM BALA" & other scam inside NAIA Airport.  (Read 24916 times)

tomatostellar

  • Guest
Re: " TANIM BALA" & other scam inside NAIA Airport.
« Reply #60 on: November 12, 2015, 02:56:23 pm »
^true, at mawalan ng benefits nang magsilbing lesson para sa mga sanay na sanay gumawa ng masama sa kapwa Pinoy nila

honeybunny

  • Guest
Re: " TANIM BALA" & other scam inside NAIA Airport.
« Reply #61 on: November 17, 2015, 01:51:52 am »
first time ko din umalis this november. so sobrang worry ako.

i already bought cling wrap para i-wrap ko luggage before leaving the house

nagkaron na ng senate hearing https://www.youtube.com/watch?v=1p0dtu1K4Vc

walang solusyon, ang sabi magkaka PAO daw sa NAIA kaso DOJ yata ang nilagay, na sasampahan din ng kaso.

ano ba naman yung sabihin nila na iconfiscate na lang, kesa mag ingat ang pasahero.

parang sa mga hold-upper or kriminal lang yan e, imbes na hulihin nila, sasabihin na lang nila sa tao na mag ingat kayo, imbes na gawin nilang safe ang community, sasabihin nila na maging alerto na lang sa paligid.

ano bang kat*ng*han yan. nakakaasar lang.

pinklilac

  • Guest
Re: " TANIM BALA" & other scam inside NAIA Airport.
« Reply #62 on: November 17, 2015, 07:21:56 am »
First  time din  ng nanay ko mag travel overseas  at fligjt niya da Sabado.
Ang ginawa ng brother  ko tinahi lahat ng outside pockets  ng maleta at pati  bulsa ng 
Jacket eh tinahi rin.
Tas ang sis ko naman lahat ng docs nilagay sa clear  plastic  envelope

purple.strawberry

  • Guest
Re: " TANIM BALA" & other scam inside NAIA Airport.
« Reply #63 on: November 17, 2015, 08:58:35 am »
Okay din na may nangyaring senate hearing. If you watch yung portion na nagbibigay ng statement yung PAO chief, nakakatuwa. May mga napadismiss na pala silang kaso this month dun sa mga victims ng laglag-bala. Accdg to PAO chief, basta daw walang intent to possess as ammunition or to fire e hindi labag sa batas, so lusot din mga nagbabala ng bala as anting-anting.

Sana lang mas marami pang tao like mga nasa PAO who's dedicated into giving public service.

honeybunny

  • Guest
Re: " TANIM BALA" & other scam inside NAIA Airport.
« Reply #64 on: November 17, 2015, 09:58:50 am »
kaso lang, ano mangyayari sa flight na di natuloy, babayaran ba nila yun?

ok lang ba if i have hand-carry luggage, a small back pack and a clear folder/envelop? lahat i-hand carry ko e, ayoko mag check in ng bag.

thanks

pinklilac

  • Guest
Re: " TANIM BALA" & other scam inside NAIA Airport.
« Reply #65 on: November 17, 2015, 11:01:24 am »
^sis i think  hindi nila binabayaran ang ticket  kaya nga kawawa din yung mga na o.offload  dahil sayang ang nagastos  sa airfare.
Ok lang may hand carry ka basta wag lalagpas sa allowed weight.minsan 7 kilos.not sure  if same sa lahat ng airlines.
Ako pag nagta travel.
Bukod sa check in baggage,
May backpack ako at body bag na dala ..
Ok naman.

Girltalker2

  • Guest
Re: " TANIM BALA" & other scam inside NAIA Airport.
« Reply #66 on: November 17, 2015, 09:42:43 pm »

^ exactly. Ikaw bahala sa buhay mo. Imagine mo nalang Kung US trip or Europe or Japan, goodbye na sa $$ mo, tapos if you're joining pa a tour group, wala lahat!

Di naman nila i-reimburse. Tsaka kahit pa nirelease na nila Yung mga na detain, sobrang abala kaya. Tapos paano nbi clearance mo, may record na blotter na ba against your name? How will they compensate you for the time you lost while being detained? You bring treated as a criminal eh wala ka naman kinalaman.

Kaya feeling ko sobrang Kawawa ng innocent victim. Kaya whoever is behind this, deserves death penalty.


akthung

  • Guest
Re: " TANIM BALA" & other scam inside NAIA Airport.
« Reply #67 on: November 18, 2015, 12:40:49 pm »
hanapin niyo yung video kung saan sinamahan ng tv crew yung NBI,

nag plant sila ng bala sa baggage at sapatos ng kasamahan nila para ma test

ang procedures sa NAIA.

Hindi naman na detect. hindi tumunog ang metal detector or nakita sa xray (if tama intindi ko)

mukhang may nagtatanim nga

pinklilac

  • Guest
Re: " TANIM BALA" & other scam inside NAIA Airport.
« Reply #68 on: November 18, 2015, 12:46:54 pm »
^ Sinabi  mo pa. Ang mahal kaya ng airfare.  Alam ba nila na yung ibang bumibiyahe eh pinag iipunan pa.muna bago maka travel tapos masasayang lang...
Eh yung trauma at kahihiyan pa na binigay nila sa mga biktima.
Dapat sa mga yan putulan ng mga kamay..

honeybunny

  • Guest
Re: " TANIM BALA" & other scam inside NAIA Airport.
« Reply #69 on: November 18, 2015, 02:01:48 pm »
hay sobrang nakaka stress to.. if possible, can we ask them to show us whatever they saw sa screen? then diba there is a policy na daw sa kanila na they wont touch the bag na.

how about dun sa isang nabiktima, she waited 6 hours sa lawyer, then pag open ng bag, nakatahi dun sa bag yung bala... ano yun? andun na yung bala nakatahi nung binili nya yung bag?

ivy u.

  • Guest
Re: " TANIM BALA" & other scam inside NAIA Airport.
« Reply #70 on: November 18, 2015, 03:45:42 pm »
^kawawa talaga yung mga nabibiktima ng ganito, like yung isa na ofw nawalan ng trabaho dahil sa kagagawan ng mga sira ang ulo.. haaayyy

three8one

  • Guest
Re: " TANIM BALA" & other scam inside NAIA Airport.
« Reply #71 on: November 18, 2015, 07:56:53 pm »
hindi natin masabi baka yung iba super waiting sa piso fare ng ibang airline, mga ilang buwan ang hinintay maari ring taon tapos isang iglap sisirain lang ng mga tanim bala na yan ang kaligayahan na matagal tagal ng inaantay ng ibang nag totour. mga mambabasag ng kaligayahan mga yan.

 ;)

Girltalker2

  • Guest
Re: " TANIM BALA" & other scam inside NAIA Airport.
« Reply #72 on: November 19, 2015, 12:17:50 am »

^ buti sana kung piso fare Lang. Eh Yung iba nangungutang pa at may work/contract. Then no appearance sila. Lahat ng kabuhayan nasira. The culprits are no different from illegal recruiters

Kung may blotter record ka rin, di ba affected future employment mo? Kabuhayan rin ulit affected.

Kaya grabe sila, paninira ngbuhay ang ginagawa nila.

three8one

  • Guest
Re: " TANIM BALA" & other scam inside NAIA Airport.
« Reply #73 on: November 19, 2015, 01:07:33 pm »
^ yeah right.. kaya nga sana kung may mahuhuli sila hindi lang basta dismissal sa trabaho ang parusa dapat may criminal case din.

parang wala na talaga, hindi na uubra sa bansa natin yun paiiralin mo ay demokrasya.. masyadong abusado ang karamihan sa atin.. dapat ang pairalin na batas eh yung eye for an eye and a tooth for a tooth na.

hazelbrown_eyes27

  • Guest
Re: " TANIM BALA" & other scam inside NAIA Airport.
« Reply #74 on: November 20, 2015, 09:07:34 am »
Kailangan talagang secure all open pockets. Lock yung main zipper ( maigue if 2 zippers ang bag mo, kasi ma lalagyan tsa lock.) or may service naman ng wrap up sa airport. 160 per wrap up. Okay na din. Pero, hindi kaya sila sila din yung nag lalaglag?

jamie_0117

  • Guest
Re: " TANIM BALA" & other scam inside NAIA Airport.
« Reply #75 on: November 23, 2015, 07:29:19 am »
Parang nawala na sa media ang issue

im fine!

  • Guest
Re: " TANIM BALA" & other scam inside NAIA Airport.
« Reply #76 on: November 23, 2015, 08:59:47 am »
Pano nga ba nangyari yung bala na nakita sa bag pero nakatahi daw?

purple.strawberry

  • Guest
Re: " TANIM BALA" & other scam inside NAIA Airport.
« Reply #77 on: November 24, 2015, 10:05:48 am »
^^Natabunan na sis and medyo naglie low na din sila.

Aside from maalis sa trabaho dapat masampahan ng case and madismiss benefits and retirement pay niyang mga employees na gumagawa niyan. Yung general manager ng NAIA na si honrado incompetent din e.

jamie_0117

  • Guest
Re: " TANIM BALA" & other scam inside NAIA Airport.
« Reply #78 on: November 25, 2015, 01:08:07 am »
^good, pero kasi pag nawala na sa limelight baka umulit na naman. :(

honeybunny

  • Guest
Re: " TANIM BALA" & other scam inside NAIA Airport.
« Reply #79 on: November 26, 2015, 03:40:23 am »
dahil jan i wrapped my luggaged going out of PH and even had it wrapped again especially dun sa check-in baggage ko going back to PH.. paranoid lang na may gawin sila while the bag is in cargo :P

 

Latest Stories

Load More Stories
Close