watch now

Author Topic: " TANIM BALA" & other scam inside NAIA Airport.  (Read 24915 times)

babypowder99

  • Guest
" TANIM BALA" & other scam inside NAIA Airport.
« on: November 01, 2015, 12:22:23 am »
Sobra ng garapal at walang pakundangan ang ginagawang mga panloloko, pang gigipit ng mga empleyado at mga tauhan na nagta trabaho sa loob ng NAIA airport sa pilipinas. Ilan na ba ang kanilang nabiktima na mga inosenteng pasahero na paalis ng bansa at ang mga padating sa bansa. Paano ba natin mapo protektahan ang sarili natin kung sakaling tayo ang nasa ganyang sitwasyon. Nakakatakot ng umuwi sa sarili nating bansa dahil sa ganitong panloloko ng mga tao sa NAIA. Paano ang tamang pag iingat at diskarte para maprotektahan natin ang ating mga bagahe sa mga kurakot at mapagsamantalang empleyado sa Airport ng Pilipinas.

quinone

  • Guest
Re: " TANIM BALA" & other scam inside NAIA Airport.
« Reply #1 on: November 01, 2015, 02:01:17 am »

donya_dyosa

  • Guest
Re: " TANIM BALA" & other scam inside NAIA Airport.
« Reply #2 on: November 01, 2015, 11:23:16 am »
Last year, Yung mga pamangkin ko na mga bata nagiwan ng pera sa backpack nila tapos ichineck in
Sa kalibo airport going manila.
Nung nasa manila na tagal daw ng bag nila. Tapos ayun wala na yung pera pag kuha nila.
Mga 4500 rin ang nakuha.. Di na sila nagsumbong kasi kasama nila lolo nila na 75 years old.
Baka kasi atakihin sa galit pag nalaman., kasalanan rin naman nilang magiwan ng pera don lalo nat walng padlock
« Last Edit: November 01, 2015, 11:26:14 am by donya_dyosa »

Ahim de Famille

  • Guest
Re: " TANIM BALA" & other scam inside NAIA Airport.
« Reply #3 on: November 01, 2015, 02:45:32 pm »
Dami nga nabibiktima nyan ngayon. Ilan pa kayang OFWs at turista pa mabibiktima niyan?
Nakakatakot na nga pumunta sa airport ngayon kasi pwede din tayong mabiktima nang laglag bala.
Ang laking abala yan pag isa ka sa nabiktima ng modus nila at nakakatakot din kasi pwede kang makulong kahit di mo naman kasalanan.

tomatostellar

  • Guest
Re: " TANIM BALA" & other scam inside NAIA Airport.
« Reply #4 on: November 01, 2015, 03:59:29 pm »
At a loss for words! Mashadong nakakahiya - asan ang integridad ng mga yan!

three8one

  • Guest
Re: " TANIM BALA" & other scam inside NAIA Airport.
« Reply #5 on: November 01, 2015, 04:23:45 pm »
obvious naman na gustong ma mera.. isang pirasong bala? kung wala kang intention na ano pa man, pwede naman sabihin nun mga taga airport kung duda sila, mam/ser may nakita pong bala sa bagahe nyo, pwede ho bang I check natin sandali? kung Makita na isang piraso lang naman they can say na hindi nyo po pwedeng dalhin yan kasi baka mag kaproblema kayo sa bansang pupuntahan nyo kung magmamatigas ang pasahero dun lang sila aaksyon ng katulad ng ginagawa nila ngayon pero kung ipapaiwan ng pasahero yun okay na, I let go na nila para maka proceed na sa departure. kaso lang ang intension talaga nila abalahin ang pasahero para makapamera... worst airport na tayo, parang nasa world news na nga ata.

purple.strawberry

  • Guest
Re: " TANIM BALA" & other scam inside NAIA Airport.
« Reply #6 on: November 01, 2015, 06:16:39 pm »
Sobrang nakakahighblood yan. Kahit ngayon exposed na sa media tuloy-tuloy pa din itong scam na ito.
Nauuso na tuloy ngayon yung mga nagbabalot ng plastic sa baggages.


Advice from lawyers:

If may nakita daw na bala sa handcarry or baggage, wait for the presence of a supervisor or other witness before allowing the security to open your bags.

Do not touch the bullets. If your fingerprint can't be found in the bullets, they don't have enough proof to hold or detain you there. Cite your right.


We shouldn't have to do these precautionary measures. Ang kakapal ng mukha ng mga nasa naia. Sobrang blatant ng ginagawa nilang pagnanakaw and scam and yet on-going pa din ngayon.  >:(

jamie_0117

  • Guest
Re: " TANIM BALA" & other scam inside NAIA Airport.
« Reply #7 on: November 01, 2015, 06:42:15 pm »
^^naalis na NAIA sa worst airports, ironically

http://cnnphilippines.com/lifestyle/2015/10/20/NAIA-Manila-no-longer-2015-worst-airport-travel.html

Matagal na daw ito ginagawa. Noong may nagsimula na magreklamo, nagsunod-sunod na ang complaints.

Nagtataka lang ako, bulgar na ang issue sa lahat ng forms ng media, bakit ayaw pa din tigilan?

ataypool

  • Guest
Re: " TANIM BALA" & other scam inside NAIA Airport.
« Reply #8 on: November 01, 2015, 07:22:13 pm »
Hindi pa naman ako na-scam sa loob but someone I know na-scam ng porter, pag matanda na kukulitin re tips hanggang magbigay ng malaki. Sa labas naman, na-scam ng fixed rate taxis na mahal na nga wala pa silang pang-sukli.

three8one

  • Guest
Re: " TANIM BALA" & other scam inside NAIA Airport.
« Reply #9 on: November 01, 2015, 07:30:47 pm »
^ sa palagay ko kung sindikato nga yan, kaya ayaw nila tigilan para ma divert ang focus ng mga tao na hindi taga NAIA ang involved kundi mga taga labas. parang meron pang napabalita na pati sa airport ng Davao may nahulihan din din daw.. sa galit ng mayor dun parang binigyan niya ng ultimatum yung kapulisan nya ng 48 hours para I solve yung case otherwise pag napatunayan niya na involve pati mga pulis niya, ipapalamon niya daw yung bala..

as if naman maniniwala ang tao na walang kinalaman ang tao sa airport, anong pakinabang naman ng mga taga labas kung sakali sila ang gagawa ng ganitong klaseng kalokohan wala naman silang authority para I hold ang pasahero.

Hindi pa naman ako na-scam sa loob but someone I know na-scam ng porter, pag matanda na kukulitin re tips hanggang magbigay ng malaki. Sa labas naman, na-scam ng fixed rate taxis na mahal na nga wala pa silang pang-sukli.

yung iba sumasakay sa departure pag galing ng arrival aakyat sa taas dun mag aabang ng taxi sa mga naghatid ng pasahero din. pero pag dun mismo sa pila ng taxi sa arrival tama ka sis, fixed rate nga sila malayo malapit... yung ibang janitor dun makakapal na din eh, hihingi na talaga ng tip lalo na yung mga nasa rest room naka assign..

brandi

  • Guest
Re: " TANIM BALA" & other scam inside NAIA Airport.
« Reply #10 on: November 01, 2015, 07:55:45 pm »
Absurd. Shallow. Embarassing. Super!

jamie_0117

  • Guest
Re: " TANIM BALA" & other scam inside NAIA Airport.
« Reply #11 on: November 01, 2015, 08:12:16 pm »
^^Yeah, that's Duterte.

http://cnnphilippines.com/news/2015/11/01/Davao-Mayor-Rodrigo-Rody-Duterte-tanim-bala-laglag-bala-airport-extortion-modus.html

Hindi malabo na ipakain nya yung bala, ginawa nya din yan sa nag smoke sa non-smoking establishment. Ganyan ang style nya. Not sure though kung magagawa nya yan pag sya ang nanalong presidente ng Pilipinas.

sherlock

  • Guest
Re: " TANIM BALA" & other scam inside NAIA Airport.
« Reply #12 on: November 01, 2015, 09:33:55 pm »
anyone knows kung saan makakabili ng cling wrap for luggages? paranoid na kung paranoid pero iwas sakit ulo lang. mahirap na matiyempuhan ng scam na ito..

kateguerzon08

  • Guest
Re: " TANIM BALA" & other scam inside NAIA Airport.
« Reply #13 on: November 01, 2015, 10:22:12 pm »
^ sa mga supermarket or groceries marami po cling wrap, bumili din kase kapatid ko at ginamit pambalot sa checkin baggage niya, tapos yun isa naman meron siya cloth na parang damit nun maleta..dun siya sa clark nun dumating at umalis, biniro pa nga namen yun mga security guards dun kung may tanim-bala ba sa airport nila, sabi nila wala daw kase mahigpit sila..well sana nga they can still keep up that kind of atmosphere, nakakatakot na kase sa naia..

jamie_0117

  • Guest
Re: " TANIM BALA" & other scam inside NAIA Airport.
« Reply #14 on: November 01, 2015, 11:12:25 pm »
May ganung service sa airport, less than 200 lang. Pero sabi naging in demand daw masyado because of this scam.

mysterioza_me

  • Guest
Re: " TANIM BALA" & other scam inside NAIA Airport.
« Reply #15 on: November 02, 2015, 05:32:15 am »
May mga nahuhuling victims pa rin ng laglag-bala. Siguro ang dapat gawin dito instead na yung "victim" ang i-interrogate unahin muna imbestigahan ang security officer na nakahuli kuno. Sino naman kasi nasa matinong isip ang magdadala ng 1 bala? Anong magagawa ng 1 bala, kahit 2 pa yan, lalo na kung wala naman silang nakitang baril. Sabi ng sis ko pagnagbakasyon sila ng family niya sa Pinas next year ipapa-ship niya na lang mga bagahe at pasalubong nila para sarili lang nila dala nila pauwi ng pinas at ipapa-ship na lang pabalik ng abroad mga gamit uli. Sabi ko di siya madadale ng laglag-barya gang, pero madadale naman siya sa tax pagnaharang ng bureau of customs ang package niya. Walang-kawala sa kalokohan sa Pinas.

akthung

  • Guest
Re: " TANIM BALA" & other scam inside NAIA Airport.
« Reply #16 on: November 02, 2015, 06:35:40 am »
Baka raw nag iipon dahil apektado ng apec and xmas ang cashflow nila.

Although matagal na mga daw yan kailangan gumalaw na sila kasi yung reputation ng pinas.

Kawawa talaga pinas kahit saan may kalokohan

babypowder99

  • Guest
Re: " TANIM BALA" & other scam inside NAIA Airport.
« Reply #17 on: November 02, 2015, 07:26:53 am »
Ginagawa naman kasing t**** ang mga tao, sobrang obvious na modus ang ginagawa nilang laglag bala, sino ba naman kasing tao ang magdadala ng bala sa mga luggage at hand carry  paalis at padating ng Pinas? Hantarang panloloko ang ginagawa nila pero puro pa din sila palusot. Kawawa ang mga napipiling biktima kasi hindi nakakaalis dahil sa mga ganid na mukhang perang tao sa  Naia.

Ang target daw nila madalas yong mga paalis ng Pinas. Kasi diba sa Manila airport bago ka mag check in may dadaanan ka ng xray machine, so bago ka makapasok ng airport para makapag pa wrap ng gamit mo e huli na. Dapat pala sa main entrance o bago ka dumaan sa xray machine ilagay ang wrapping section. Kumikitang kabuhayan eto sa NAIA, mga wais talaga kakalokah!

purple.strawberry

  • Guest
Re: " TANIM BALA" & other scam inside NAIA Airport.
« Reply #18 on: November 02, 2015, 09:02:29 am »
Meron nadismiss na dalawang pulis kasi magkaiba yung sinabing nakitang bala sa actual na sinubmit as evidence. Dismiss lang? Dapat kasuhan yan for planting evidence. Kawawa naman yung mga walang malay na nabibiktima, the bail amount pa is no joke, parang P80,000+ sa nababasa ko.  >:(

shygirlme

  • Guest
Re: " TANIM BALA" & other scam inside NAIA Airport.
« Reply #19 on: November 02, 2015, 09:59:00 am »
Yung ibang mga biktima sa after immigration na xray nahuhulihan ng bala. Di ba bago pumasok ng airport meron isang xray machine? Bakit hindi nakita don palang? May nabasa akong post na dapat daw pag bala lang daw ang nakita kukunin lang tapos hahayaan na yun may dala hindi daw dapat ikinukulong at pinag bi bail.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close