watch now

Author Topic: ALDUB (Alden Richards and Yaya Dub) Thread 4  (Read 46812 times)

px17

  • Guest
Re: ALDUB (Alden Richards and Yaya Dub) Thread 4
« Reply #560 on: November 05, 2015, 01:05:51 am »
aww hindi lang pala ako ang na-off sa nov 3 and 4 episode. Nung binara niya na malungkot siya natanggap ko pa, pero nung nagtuloy tuloy na, napaisip ako kung talaga bang close na sila or hindi siya interesado kay Alden. Ako kasi hndi ko kaya barahin yung tao na mabait at lalo na hndi nagyayabang.

Anyways, wait nalang tayo. support lang tayo all the way! Siguro off lang din ang ilang araw ni maine dahil sa ngyayare sa social media accounts niya. Or baka naman feeling lang natin na napahiya si Alden pero hindi naman tlaga diba.

Perfume_Lover

  • Guest
Re: ALDUB (Alden Richards and Yaya Dub) Thread 4
« Reply #561 on: November 05, 2015, 01:36:06 am »
Sorry kung makikisingit ako sa usapan niyo, puwede din ba akong mag share ng thoughts?

Sama sama kami ng friends ko nanonood ng Eat Bulaga kahapon, ang saya saya ng Kalye Serye tapos nung nagtanong si Alden with matching sweet smile on his face tapos sumagot yung kausap niyang si Maine, "HINDI", nagulat kami lahat sabay tinginan na para bang alam na namin kung ano yung naisip nung isa at pati ako so iisa yung nasa utak namin, ganito:

AY, ANG BASTOS naman ng sagot nun. Understandable na baka dahil din yun sa hacked accounts niya kaya ganun effect niya.

Not once but twice yata niya ginawa yung pangbabara then nakamove on kami konti kasi natawid nila JoWaPao yung awkwardness so after nun biglang kumambiyo yung kaibigan ko sabi niya, ay may bago na palang Vice Ganda ipinasa na ni VG yung korona kay Maine, so parang automatically lahat kami nag agree sabay sabing Oo nga ano?!

Honestly hindi ako fan ni Marian Rivera at ngayon ko lang sasabihin mas gusto ko si Marian ang mag-deliver non hindi si Maine kasi may timing pero yung kay Maine, totally off lang at bigla akong na turn off ng grabe from 0 degree naging 360. To be honest, ang ganda ng episode kahapon, iyon na yata yung isa sa pinakamemorable na Kalye Serye for me since I don't watch Kalye Serye everyday then unfortunately yun pa yung naabutan naming magkakaibigan na magkakasamang manood and 4 of my friends are OFWs.

Yun nga reason ko why I don't like VG anymore because of bara barang sagot - bastos yung ganung paraan ng pagsagot sa maayos na tanong ng kausap. Tsk tsk I smell Vice Ganda on Maine's personality din, maka abs si Maine bago pa siya naging ALDUB yata.

Sana huwag na niya ulitin yun kasi gagayahin ng mag bata aakalain na naman nilang tama yung ginagawa niya alalahanin naman niyang marami siyang bata na fans at huwag niya hintaying maging VG siya please lang, ayoko ng ganung humor hindi ko matake, ilang taon pa lang ba si Maine at ganun na siyang makabara?

Paano pa kung nasa 25 na siya pataas? Sorry namumuro na ata ako, sorry po sa fans ni Maine, bilang manonood ako at para akong magulang na kung me mali ang anak itama ang mali habang maaga pa baka lumala at pamarisan.

Sana panoorin ni Maine at handler niya yung kung paano mangbara at mapahiya yung mga kausap ni VG noon sa youtube, marami yun pili lang sila ng isa LOL ganun ang effect nung siya ang gumawa.

Mas lalo ko tuloy naisip na sa kanila ni Alden mas actress si Maine magaling umarte. Okay yun lang move-on baka bukas wala na yung ganung bara bara.

« Last Edit: November 05, 2015, 01:42:45 am by Perfume_Lover »

twelvth_goddess

  • Guest
Re: ALDUB (Alden Richards and Yaya Dub) Thread 4
« Reply #562 on: November 05, 2015, 05:54:36 am »
^Don't apologize for voicing out your opinion sis cus that's welcome here. We shouldn't be blind fans na lahat rainbows and butterflies palage kahit hinde naman. And I truly hope na wala na ngang ganong klase ng arte mamaya, kase honestly nawalan ako ng gana the past few days. Para lang akong nanonood kay Vice Ganda which is so against everything I believe in life haha (exaj). It's ok yung mga asar asar na yan paminsan pero ang pangbabara ay pangbabastos and ang pangbabastos will never be ok.

So anyway, happy weeksary everyone. Here's to a better day today!

bb

  • Guest
Re: ALDUB (Alden Richards and Yaya Dub) Thread 4
« Reply #563 on: November 05, 2015, 06:17:14 am »
ay, ay, ay! kaya hindi ako maka-tweet masyado kasi yung nov 3 na episode medyo nainis din ako kay maine. pero inintindi ko gawa ng naawa ako sa paghack ng accounts nya. pero yung kahapon... nemen di ba, ano to bully lang ang peg? oo bago pa lang sya sa showbiz... kaya umayos din sya ng pakikipag usap. sorry sa mga sobrang fan ni maine, mahal ko silang 2 pero hindi pwede yan ganyan move. feeling ko nga medyo may pikon factor kahit na naka-smile si alden dun sa pagsabi nya ng "kahapon ka pa ha". sana ok na si maine ngayon wala ng barahan moments kasi hindi maganda baka gayahin pa ng ibang tao.

Maria

  • Guest
Re: ALDUB (Alden Richards and Yaya Dub) Thread 4
« Reply #564 on: November 05, 2015, 06:29:13 am »
Here I am posting again.   I really hope this gets to Maine.  If she hates cockiness in other people, I hope she refrains from being cocky herself.

I hope some of Alden's good-naturedness rubs off into her, in the same way that her goofy side has brought out the fun side of Alden.

And yes, although she's been lauded for being a natural, she should be more responsible in what she projects with her public persona as she's somehow held as a role model of sorts.  Being rude and cocky, for the sake of being "natural" is just not acceptable to me. 

SnowBall

  • Guest
Re: ALDUB (Alden Richards and Yaya Dub) Thread 4
« Reply #565 on: November 05, 2015, 07:20:07 am »
Naglibot libot ako sa twitter at FB at madami din pala ang hindi natuwa sa inasal ni Maine na pambabara kay Alden.

I agree sa isang comment sa EB page na ngayon lang daw na may artista na binabara bara ang ka loveteam niya on air kaya nakaka walang gana manood.

May mga natutuwa din naman kesyo cute daw.. kesyo under daw si Alden.. kesyo ganun lang daw kasi comfortable na si Maine kay Alden.. na disagree ako.

Sana mga sis mag voice out din kayo sa EB thread sa PEX kasi may mga taga EB staff na pexers at nagbabasa talaga doon para makarating sa kanila. Mag post ako doon ngayon.

Sister ni Maine diba eh andito so I hope maiparating niya ito kay Maine.

Happy weeksary Aldubnation.

Crossing fingers!!


------------------------





EDITED TO ADD:


Napulot ko sa PEX, na sa EB FB page pala eh yung video ng episode kahapon, eh inedit out yung pambabara ni Maine kay Alden.

So tinanggal ang portion ng pambabara ni Maine kay Alden, which means adlib yun at wala sa script.

Pwede din dahil sa madaming nega feedbacks kaya tinanggal.





« Last Edit: November 05, 2015, 07:29:37 am by SnowBall »

qmoonlight

  • Guest
Re: ALDUB (Alden Richards and Yaya Dub) Thread 4
« Reply #566 on: November 05, 2015, 07:34:40 am »
Good morning guys. Move on na tayo. Weeksary pa naman nila. I guess everyone already voiced out their opinion either negative or positive. And I'm sure nakakaabot na kay Maine ang mga comments na to. Everyone is entitled to their own opinion, so if other find it offensive, pananaw nila yon, but in my own I see nothing wrong with it and that's my own opinion to. To each his own ika nga. So let us all be open minded and support nalang tayo sa Aldub.

Antigone

  • Guest
Re: ALDUB (Alden Richards and Yaya Dub) Thread 4
« Reply #567 on: November 05, 2015, 07:38:15 am »


------------------------





EDITED TO ADD:


Napulot ko sa PEX, na sa EB FB page pala eh yung video ng episode kahapon, eh inedit out yung pambabara ni Maine kay Alden.

So tinanggal ang portion ng pambabara ni Maine kay Alden, which means adlib yun at wala sa script.

Pwede din dahil sa madaming nega feedbacks kaya tinanggal.







Actually pinanood ko kanina. Wala nga yung pambabara. Pero natuwa ako aliw talaga mga lola sa umpisa. I'm happy meron silang super cute solo (well tatlo sila) na McDo ad. :)

SnowBall

  • Guest
Re: ALDUB (Alden Richards and Yaya Dub) Thread 4
« Reply #568 on: November 05, 2015, 07:47:21 am »
^^I agree sis @qmoonlight that everyone is entitled to voice out their opinion, just like you, just like me.

So, kung meron pa sa atin na gusto pang mag comment, mag voice out ng opinion nila ke negative or positive, the thread is open, and should be open always.


________________




@Antigone


Sa pagbabasa basa ko, madami daw pala kasing nag reklamo sa twitter, kaya hindi na isinama sa editing.

I agree sis, actually tawa ako ng tawa sa antics ng JOWAPAO kahapon, sila ang saving grace ng episode kahapon, kaya masasabi ko na maganda pa din ang episode. Worth it pa din panoorin.  :D











etxetera

  • Guest
Re: ALDUB (Alden Richards and Yaya Dub) Thread 4
« Reply #569 on: November 05, 2015, 08:19:08 am »
Ako naman I see nothing wrong with it and it shows unti unti na siyang nagiging kumportable makipagbiruan especially for someone na introvert like her. Ang wait ko ang resbak na mga banat ni Alden na tipong macaught off-guard si Maine sa isasagot niya. Maganda yung tipong sambutan na sila ng linya barahan man o pakilig. Hindi naman pwede na puro pabebe at pacute forever ang Aldub tapos paulit-ulit na dubsmash ng same songs. Dadating sa point na monotonous, boring at kasawa na sa viewers.       

SnowBall

  • Guest
Re: ALDUB (Alden Richards and Yaya Dub) Thread 4
« Reply #570 on: November 05, 2015, 08:37:50 am »
My POV naman mga sis, hindi kailangan na magbarahan silang dalawa just to break the "pabebe", and prevent na maging boring ang kalyeserye.

I believe that there's plenty to do, than being crass and imitate the barahan style of comedy of Vice Ganda.

Naiimagine ko..


Alden: Maine, tulay ka ba?

Maibe: HINDE..

Alden: oh, eh di wow! kung ayaw mo wag mo!


Ohh, please NO.


Ganyan kasi ang gustong gawin ng ibang fans, dapat daw magbarahan sila. Barahin din daw dapat ni Alden si Maine. Matuto daw si Alden na mambara.

ahm, No. Please, No.


Kung ako ang tatanungin ha mga sis, gusto ko sana eh mag bloom pa ang love nila for each other sa Kalyeserye, may mga tampuhan moments (walang barahan though), then, sana maging sila, then sana ikasal sila.. magkaroon ng mga anak..

Parang John and Marsha lang..

Happy family... I think yun ang dapat maging pagtatapos ng Kalyeserye, imparting to Filipino viewers the importance of a happy and complete FAMILY.









bb

  • Guest
Re: ALDUB (Alden Richards and Yaya Dub) Thread 4
« Reply #571 on: November 05, 2015, 08:56:17 am »
pano kung baliktad, si alden mambara kay maine... baka gyera agad yan. syempre intindihin din nila na may fans din si alden na nasasaktan kapag ganyan. ako na isa doon hehe.

moving forward, excited na ba kayo sa 16th weeksary?

twelvth_goddess

  • Guest
Re: ALDUB (Alden Richards and Yaya Dub) Thread 4
« Reply #572 on: November 05, 2015, 09:03:08 am »
The fact that it was edited out of the episode meant that it didnt sit well with a lot of people and I hope she gets coached on that. Wala sya sa Showtime.

IMO, Alden and Maine don't have to stick to being pa cute or pabebe to progress their characters onscreen. Madame naman pwede silang magawa but they have to remember that their difference between the other show is that they were lauded for being good examples to the youth. Hinde naman yata magandang example maging rude diba? Chaka kung magbabarahan lang sila, honestly, eh I'm going to pass na lang. That's not why I started folllowing them in the first place. I do not want to watch a female version of  Vice Ganda.

Another thing, if people want to discuss this issue in this thread, then so be it. Eh may gusto mag voice out ng opinion eh. Pag hinde ba in favor sa isa sa Aldub, kelangan i-suppress agad and mag move on na lang? Discussion thread nga diba? Wala namang paninira na nangyayari so let the healthy discussions go on naturally. Eventually we will transition to other topics about Aldub din naman.

Antigone

  • Guest
Re: ALDUB (Alden Richards and Yaya Dub) Thread 4
« Reply #573 on: November 05, 2015, 09:14:22 am »
Hindi ko napanood yung barahan [textspeak!] wala na sa Youtube, pero baka di matuwa ang Catholic bishops niyan. Sobrang puri pa naman ang show kasi madaming aral na natutunan yung mga nanonood. Gagayahin siya ng mga bata.

grayceheart

  • Guest
Re: ALDUB (Alden Richards and Yaya Dub) Thread 4
« Reply #574 on: November 05, 2015, 09:26:49 am »
good vibes na ulit mga sis... weeksary pa naman natin ngayon haha...

pag pinanood mo yung buo yung kalyeserye kahapon, yung pangbabara ni meng kay alden ang maiiwan, pero nung hinimay himay yung vids, nakakatuwa pala ang nangyari kahapon hehe...


Mas hindi ako maka-move on sa "mamahalin kita" kesa sa mismong banat. Iba na talaga yan ha!
https://twitter.com/aldubvines/status/661954247496351744

Yung lumalambot ang expression ng mukha ni Alden sa lambing ng boses ni Maine (SLOWMO)
https://twitter.com/aldubvines/status/661952239867555844

Alden & Maine: "Tayong dalawa." (unlimited)
https://twitter.com/aldubvines/status/661889993929945090

Alden & Maine: "Kahapon ka pa ha!"
https://twitter.com/aldubvines/status/661885784954265600

May meaning ba yung tatlong mabilis na kindat sa huli? May kindat language nadin ba? Haha!
https://twitter.com/aldubvines/status/661883792169172992

Maine: "Tayong dalawa." Alden: "Tayong dalawa lang" *sabay kurot sa cheeks*
https://twitter.com/aldubvines/status/661878816478883840

Heto naman ang effect ni Meng kay Alden haha...
https://twitter.com/aldubvines/status/661938352564756480

my POV naman hehe:
nag iingat na rin ako sa pagbabasa ng mga tweets and blogs lately, karamihan ng mga entries eh hindi talaga aldub fans... maraming nagpapanggap tapos pagsasabungin yung dalawa... kampi dito, kampi doon, gawa ng story dito, gawa ng story doon... hanggang yung iba makumbinsi na masama pala ugali ni meng, hindi sincere si Alden... mga ganun... I still believe na behind the camera at yung mga sinabi ng mga nakapaligid sa kanila ang magiging basehan ko kung itutuloy ko ba ang support ko kina Meng and Alden... kasi ang Kalyeserye eh for Reel lang talaga for me... yung lovestory ni Meng and Alden after ng kalyeserye ang importante sa akin... yun lang naman ang sa akin hehe... ilang days pa lang naman after ng tamang panahon... kaya intay intay lang ako hehe... I love being a girltalker haha :)
« Last Edit: November 05, 2015, 09:36:20 am by grayceheart »

Mrs.R0515

  • Guest
Re: ALDUB (Alden Richards and Yaya Dub) Thread 4
« Reply #575 on: November 05, 2015, 09:39:32 am »
Happy 16th Weeksary AlDubNation! GT chapter. *pabebe wave*  :P

So hanggang dito pala sa GT affected ang mga sisses naten na nagmamahal kay Tisoy. Mahal na mahal nyo talaga si Tisoy ah. uy mahal ko din sya, sya nga ang nasa lockscreen ko e. For me naman (opinion ko po) there's nothing wrong naman sa ginawa ni Meng. oo tama iba cute tignan kasi meaning they feel comfortable with each other pero makikita mo sa muka ni Tisoy na nabibigla kasi hindi sya sanay sa ganong batuhan. wag naman po sana ihalintulad kay VG si Meng utang na loob po. sobrang layo ah.. and nakilala naten si Meng at maraming nagsasabi na totoong syang tao. as long as hindi below the belt ang sinasabi e walang kabastusan na nangyayari. hindi sila araw araw magkasama kaya hindi nila magagawa yun ng offcam. siguro kung magkasama sila napaguusapan din nila yon ganung bagay.

anyway, move on nasa may gustong mag move on. at kung sino pa ang gustong mag voice out ng kanilang saloobin welcome na welcome po. maraming salamat! Aldubyou all!  ;D ;D ;D

dealwithcharm

  • Guest
Re: ALDUB (Alden Richards and Yaya Dub) Thread 4
« Reply #576 on: November 05, 2015, 09:40:56 am »
sana nga last na yung pambabara ni maine kay alden,halata kasing hindi scripted yon.

anyway pampa GV, Ang aga aga nagdate na cila..

https://twitter.com/ofcaldub_samar/status/662078519669686272

weeksarypamore!

falls_mc141

  • Guest
Re: ALDUB (Alden Richards and Yaya Dub) Thread 4
« Reply #577 on: November 05, 2015, 10:00:20 am »
^Yehey!

thank you sis grayceheart and dealwithcharm, maganda na uli ang umaga ko. medyo ok na ko, tinamad kasi ako mag-tweet sa last two episodes.

Maple19

  • Guest
Re: ALDUB (Alden Richards and Yaya Dub) Thread 4
« Reply #578 on: November 05, 2015, 10:01:35 am »
Yeah, for me grabe naman icompare sya agad kay VG or bansagan syang female VG just because of those two episodes. Okay naman magcomment na she should improve on her adlibs, especially since she's still a newbie. Recently lang sya pinagsalita and pinaghohost, so madami pa din syang matututunan. Ako naman feeling ko naimpluwensyahan siya sa asaran ng EB staff and Jowapao sa set, kaya baka nadala on-cam. I trust EB's team kasi may team sila na social media talaga ang hinandle (based sa nabasa ko sa Yes!), kaya whatever your comments are nakarating na yan sa kanila.

I personally don't find anything wrong with the asaran and barahan, probably because sanay ako sa ganung environment. Both sa work and sa close friends, even sa asawa ko. Pero wala naman pikunan or wala naman samaan ng loob haha. 

What Maine can learn from this is that this kind of "banat" doesn't work for everyone. Some may find it amusing and some may find it rude.
« Last Edit: November 05, 2015, 10:03:41 am by Maple19 »

bb

  • Guest
Re: ALDUB (Alden Richards and Yaya Dub) Thread 4
« Reply #579 on: November 05, 2015, 10:05:00 am »
aga agang nag-date! napabili tuloy ako ng mcdo breakfast dahil sa feeling ko kasama ko sa date nila pag ganyan! hahahah! ;D

 

Latest Stories

Load More Stories
Close