watch now

Author Topic: ALDUB (Alden Richards and Yaya Dub) Thread 4  (Read 47081 times)

wifey

  • Guest
Re: ALDUB (Alden Richards and Yaya Dub) Thread 4
« Reply #500 on: November 03, 2015, 05:15:29 pm »
Soooooo! Nakita nyo ba ang besohan photo ni Alden and Maine sa BTS nila sa movie? Haba ng nguso ni Alden nyahahaha ano ba!!!
Beso lang pero nakapikit pa si Bae! ibang level weee!

ABS is showing insecurity, maski yung bear brand TVC hindi pinapalabas sa ch2 porke magkasama lagi sa isang frame ang Aldub. Bakit di sila maging sport like GMA7 and EB na mismong sa Eat Bulaga panay ang commercial ng Nescafe & KFC ng Kathniel and Jollibee ng Jadine na magkasama at hindi pinuputol.

P.S....ang ganda ganda ni Lola Alden hahaha!!! Flawless!

pandalicious

  • Guest
Re: ALDUB (Alden Richards and Yaya Dub) Thread 4
« Reply #501 on: November 03, 2015, 06:20:08 pm »
Ang gandang babae ni lola alden, taob si lola tidora partida wala pang make up yun, lol! Grabe ang hacker walang magawang matino, nag-post pa talaga sa ig ni meng ::)

lesters_gal

  • Guest
Re: ALDUB (Alden Richards and Yaya Dub) Thread 4
« Reply #502 on: November 04, 2015, 03:56:32 am »
Si Aling Helen kaya yung bisita nilang dadalaw? Excited na ako sa weeksary nila sa thursday. Ano kaya ang surprise ni Alden kay Maine.

bb

  • Guest
Re: ALDUB (Alden Richards and Yaya Dub) Thread 4
« Reply #503 on: November 04, 2015, 06:15:26 am »
hacked pa din ang email at IG nya. yung fb din yata.

badtrip to mga hackers, nakuha na nya yung IG nya eh, inagaw na naman. dapat talaga yung email nya ang mabawi nya kasi dun associated ang mga social media accounts nya. mahirapan talaga sya mabawi iba nyang accounts kung yung email nya mismo ay hacked. makakagawa ng paraan si hacker na ibahin lagi ang password nya.

nakaka-beastmode yung mga hacker!

Maple19

  • Guest
Re: ALDUB (Alden Richards and Yaya Dub) Thread 4
« Reply #504 on: November 04, 2015, 06:46:42 am »
Ako din. Halong galit at inis for the hackers and sad for Meng. Kabago bago nung bata sa industry. Mukhang twitter lang daw nihack ng anon ph. So not sure kung sino naghack ng ig, fb at email nya. Emails at fb nakakatakot eh. Grabe! Hope they don't dig anything bad and use it against her. Parang demolition job eh. Ganun ba sila kathreatened? Anyways, hope she will stay strong. I'm sure aldubnation and her mgmt is supporting her.

Nasabi na ata ng iba pero ganda talaga ng legs ni Maine. Hehe pantay na pantay ang kulay parang alang tuhod..

lalawhoopsy

  • Guest
Re: ALDUB (Alden Richards and Yaya Dub) Thread 4
« Reply #505 on: November 04, 2015, 08:09:08 am »
Grabe naman yung hackers ABS daw nag utos,tapos bayaran daw sila ng malaki para yung kabila naman ang i-hack? Ang gulo lang. Parang gusto mamera.. Dapat mahuli yan.. O kaya i-hack niya mga pulitiko na lang para mas may pakinabang.

etxetera

  • Guest
Re: ALDUB (Alden Richards and Yaya Dub) Thread 4
« Reply #506 on: November 04, 2015, 08:33:52 am »
With merely 4 months in showbiz super rich na ng biography ni Meng phenomenal talaga ang bata kaya no wonder isa siyang malaking threat sa industry gusto pabagsakin. She merged the traditional tv and social media medium barely 2 months on tv na kung saan sumabit din ang advertising industry. The sold out tamang panahon concert, record breaking tweets, dozens of commercials, midas touch sa lahat ng products associated sa kanya (no wonder nagpameeting mga biggest advertising agency just to discuss Aldub)and recently rocking the publishing industry na di maka cope up sa demand ng magazine sales. Ang kinita niya in such a short span of time ay di kinita ng mga stars na inugatan na sa showbiz sa tagal at kung ano-ano ng gimik ang ginawa. Plus pinaka nakakainggit sa lahat she has the most organized fandom worldwide ng kusang nabuo dahil sa pagmamahal sa Aldub sa tuwa at kilig na dulot nila. Imagine ni walang fans day si meng til now unlike Alden na nilalako ang sarili sa lahat ng pwede puntahan. She is like a precious gem still kept from the public by her management but fans do not mind it and it does not lessen but further increases her value. Ang ibang fan gatherings family niya ang napunta. Siya lang ang nag-iisang artista na ganyan pero mahal na mahal siya ng tao.

Detractors turned the world upside down walang masilip na butas sa bata well educated, comes from a well-off family, level headed, puro praises coming from people na mabait talaga. The only thing left is to dig to her social media account baka sakali may mahanap although sabi ng hackers kuno may advocacy silang pinaglalaban but Meng is no Katniss Everdeen. She is a game changer and influencer pero di siya ang sagot sa rebolusyon. Saka sino ang pababagsakin sa advocacy nila at least sa Hunger Games may Pres.Snow eh di naman si PNoy lang ang problema sa bansa natin. Lalong I doubt the hackers did it for fun for sure there is something bigger behind. She is the sole star to date na lahat ng social media outlets ay walang pinatawad ang hackers considering this is her platform that catalputed her to fame and popularity.  Hindi niya hiningi na mahalin at pasikatin siya ng tao ng ganito pero binigay sa kanya dahil nagpapasaya siya. Hindi kayang tumbasan ng salapi ang saya at kilig at para sirain siya to the point na pati privacy niya sa social media tawirin is a criminal offense. Sabi nga nung isang article her's is case of virtual rape. Sana mahuli ang culprits and they get what they deserve.
« Last Edit: November 04, 2015, 09:10:16 am by etxetera »

lalawhoopsy

  • Guest
Re: ALDUB (Alden Richards and Yaya Dub) Thread 4
« Reply #507 on: November 04, 2015, 08:37:20 am »
Dapat talaga mahuli yan,nakita ko yung post ng Anon Ph,bayaran daw sila ng malaki. Grabe sana ma-trace.. Kaso bulok dito sa Pinas eh matatabunan yan ng ibang balita tsk tsk!

dealwithcharm

  • Guest
Re: ALDUB (Alden Richards and Yaya Dub) Thread 4
« Reply #508 on: November 04, 2015, 09:14:03 am »
true sana managot yung naghack ng mga account nya.ito na lang nga yung way nya para makipagcommunicate sa fans nya,pinakialaman pa.

sersoyosong sitwasyon ito ha,kaya dapat may managot

MisCalculus

  • Guest
Re: ALDUB (Alden Richards and Yaya Dub) Thread 4
« Reply #509 on: November 04, 2015, 09:20:36 am »
^^ agree on all your points sis etxetera. Grabe kinilabutan ako dun sa "virtual rape" na yan, parang nakidnap for ransom na din. Anong pinaglalaban ng Anon? Kasi pati biggest twitter accounts ng aldub fandoms hinacked na din nila Nakakaamoy ako ng demolition job dito. Parang terrorism na yung ginagawa nila. Sana mabigyan tayo ng hustisya. (tayo talaga ginamit ko, naviolate lahat ng rights natin sa ginawa nila). This is unbelievable.


impeached

  • Guest
Re: ALDUB (Alden Richards and Yaya Dub) Thread 4
« Reply #510 on: November 04, 2015, 09:49:43 am »
May nahuli na bang hacker sa Pinas? Sorry pero yung NBI natin is miles away from FBI (sorry for stating the super obvious, hehe).

qmoonlight

  • Guest
Re: ALDUB (Alden Richards and Yaya Dub) Thread 4
« Reply #511 on: November 04, 2015, 09:53:12 am »
Feeling ko sinasabotahe na ang Aldub and the issue they used front lang yong government thing. Hindi na kasi mapigilan ang pagsikat nila at goldmine na sila sa station. Maine should keep her faith and be strong kasi bago pa siya sa industry. Alden is medyo matagal na at used na sa mga siraan. Baka maapektuhan si Maine and this may cause her depressing. She should be surrounded with people that keep her secured. Ganyan talaga ang price of fame.

MisCalculus

  • Guest
Re: ALDUB (Alden Richards and Yaya Dub) Thread 4
« Reply #512 on: November 04, 2015, 09:58:38 am »
^^Unfortunately, mukang wala pang nahuli na hacker(s). Wala pa kong nakitang nabigyan ng justice yung mga victims.

---

Maiba lang, makiki-comment about kalyeserye kahapon, i agree, ang kinis talaga ni Maine. mula ulo ata hanggang talampakan makinis yung bata... And si Alden, napapa-smile ako sa mga ginawa nya kahapon. I hope makasama sya sa baranggay mamaya to comfort personally si Yaya sa mga pinagdadaanan nya.




Mrs.R0515

  • Guest
Re: ALDUB (Alden Richards and Yaya Dub) Thread 4
« Reply #513 on: November 04, 2015, 10:26:36 am »
nakakalungkot nga yung ganitong nangyayari sa mga social media accounts ni Meng. pinapgppray ko na lang na sana mas maging matatag pa si Meng sa mga ganitong bagay. basta tayo full support lang ipaglalaban natin sya o sila ni Tisoy. yung sa IG account nya kung ano ano ang gingawa ng hacker ni like ba naman ang @vicegandaoffc. naiiyak ako sa tuwing nakikita ko yung mga ganong post. bakit si Meng pa? masyado pa syang bago para sa ganito. tsk.  :'(

gorgeousgem

  • Guest
Re: ALDUB (Alden Richards and Yaya Dub) Thread 4
« Reply #514 on: November 04, 2015, 10:39:47 am »
Nakakapanginig ng buto (hindi na laman ha) ang ginagawang sabotage sa Aldub at sa ating mga supporters nila.  For sure may nasa likod ng kabaliwang ito na sobrang ingggit  na inggit sa tagumpay ni Meng. Sana lang makonsensya ang lahat ng sinumang may pakana na sabotaheng Ito.  Kawawang bata kakasimula pa lang gusto na nila paresign-nin sa showbiz.  Very cheap ang move ng mastermind  ng paghack na ito mukhang hindi nagiisip, sabagay baka naman super laking halaga  ang katapat ng ginawa nila. Tsk tsk tsk mga walang konsensya.

For Maine be strong, ganyan talaga pag hitik ng bunga marami pumupukol at worst gusto pa magpatumba.  Wag pansinin yang mga bagay na yan maayos din aNg lahat.

L.B.

  • Guest
Re: ALDUB (Alden Richards and Yaya Dub) Thread 4
« Reply #515 on: November 04, 2015, 10:48:53 am »
Hello mga sis, huli na yata ako sa mga balita. ;D
kahapon ko lang nakita billboard nila sa trinoma, ang laki at maganda pag-gabi pansinin talaga sha.

ang taray ni Meng pangalawa sha kay Justin B. laking inggit naman ng gumagawa niyan or baka binayaran? ayaw ba nilang maging masaya mga tao? haaayy

Mrs.R0515

  • Guest
Re: ALDUB (Alden Richards and Yaya Dub) Thread 4
« Reply #516 on: November 04, 2015, 10:59:18 am »
sa kabila ng mga nangyayaring di maganda kailangan GV pa din. ipakita naten di tayo papaapekto sa mga ganon.  ;D ;D ;D

inulit ulit ulit ulit ko ang episode kahapon #ProudTeamReplay lalo na yung part na LQ LQhan sina Meng at Tisoy. yung effort ni Tisoy kung pano nya pasayahin si Meng. nasabi ko na napakswerte talaga ng babaeng makakatuluyan ni Richard Faulkerson Jr. sa panahon ngayon siya na lang ata ang tanging lalaking gumagawa non. mas marami pa yung nanloloko (masaklap jonget pa). yung mag muka kang katuwa tuwa sa harap ng maraming tao at halos mapahiya kana mapasaya mo lang sya.. haaaay Richard Faulkerson Jr. sana dumami kapa!.. sorry ang arte ko.. hahaha

qmoonlight

  • Guest
Re: ALDUB (Alden Richards and Yaya Dub) Thread 4
« Reply #517 on: November 04, 2015, 11:02:57 am »
Sana i surprise visit ni Alden si Maine sa Kalyeserye today para naman masayahan si Menggay natin. Magdamit lola rin siya para naman maiba.

maruchi

  • Guest
Re: ALDUB (Alden Richards and Yaya Dub) Thread 4
« Reply #518 on: November 04, 2015, 01:00:20 pm »
Feeling ko si tiya bebeng yung bisita nila mamaya kase parang yun yung binigkas ni lola nidora kahapon.

bb

  • Guest
Re: ALDUB (Alden Richards and Yaya Dub) Thread 4
« Reply #519 on: November 04, 2015, 01:15:14 pm »
sana totoo yung update na nabawi na ang IG at email accounts ni meng. ang babastos nitong mga hacker na ito, email yun sobrang personal account nya na yun. nakakainis talaga!

 

Latest Stories

Load More Stories
Close