watch now

Author Topic: Paano nyo nahuling nambababae bf/partner/asawa nyo?  (Read 3200 times)

donya_dyosa

  • Guest
Paano nyo nahuling nambababae bf/partner/asawa nyo?
« on: October 23, 2015, 10:42:41 am »
Yung sa dad ng anak ko...
Sabi niya nasa house siya nila,. At di niya masasamahan magpacheckup , buntis ako nuon.
10am ang appointment ko, pero sobrang nahirapan ako makalabas ng bahay namin kasi ang traffic.. Nakatira kasi kami sa main road, may dumaan na karo ng patay, ambulansya .etc... Nakaaalis ako bahay mga 10.10 na... Tapos dumaan ako sa isang village, saktong sakto mabagal patakbo ko ng koche ko, may lalaki looks familiar na lumalabas ng isang bahay. And guess what... Tatay ng anak ko!!!

clueless ako na nambababae siya nuon.
Imagine, kung nakaalis ako maaga ng bahay or even, nakaalis ako ng later ng bahay di ko siya mahuhuli.
Itinakda talaga ni lord na umalis ako ng oras na yon. sya rin, umalis siya ng bahay ng babae niya that time at yung bahay nagkataon nadaanan ko pa?..Parang nakakagoosebumps lang ang coincidence na yon.

Yung sa next bf ko naman running 2 years na kami, may nagmessage sakin sa fb. Kung bf ko daw ba si ano. Kasi daw 5 years na sila... Im like what???? Di ko alam .. Na 3rd party pala ako. Geezzzzz.

Yung sa hubby ko., oh well nung magbf gf palang kami.. Nacheck ko yung fb niya one time. Ayun nakikipagharutan sa ex niya.... Syempre nagalit ako ng bongga.. Sabi ko tara dadalin kita sa ex mo. Magdate kayo para alam mo kung kanino ka masaya. Binlock nalang niya si ex niya..

Share nyo naman pano kayo nahuli ng bf nyo na nanlalalake hehe, or pano nyo nahuli yung bf nyo nambababae?

killbill

  • Guest
Re: Paano nyo nahuling nambababae bf/partner/asawa nyo?
« Reply #1 on: October 23, 2015, 12:03:58 pm »
Yung ex ko ginawan ko ng sariling thread dito last year kung pano ko nahuli lol.

Anyway pauwi na ako nung nakita kong naka park yung oto nya, then inabangan namin siyang bumalik then nakita ko may ka holding hands syang babae na ewww talaga. 😏

Pink_Sugar

  • Guest
Re: Paano nyo nahuling nambababae bf/partner/asawa nyo?
« Reply #2 on: October 31, 2015, 11:09:42 pm »
Nakaka-aliw din magbasa dito kahit nakakainis pag nangyari. Haha
Natatawa na lang ako pag naalala ko. Hehe nahuli ko sya na meron pala syang isang cp na mumurahin lang pang text sa babe nya at nakatago ang phone sa lugar na diko pag interesan puntahan sa house nila. Kaya minsan maigi din magbasa ng cellphone. Kahit malaki tiwala mo dika pa rin sure kahit kalandian lang o gf na din nya pala noh.

lisse

  • Guest
Re: Paano nyo nahuling nambababae bf/partner/asawa nyo?
« Reply #3 on: November 01, 2015, 12:17:11 am »
Ever since hindi nagtutugma excuses niya + my gut feel, I started investigating na.
- huli sa email niya
- huli sa phone niya maski may passcode pa. took screenshots of everything para walang kawala
- lastly, secretly followed him so ending witnessed with my own eyes + written documentation of cheating = bonggang walang lusot na, lol!

khaleesiCersei

  • Guest
Re: Paano nyo nahuling nambababae bf/partner/asawa nyo?
« Reply #4 on: November 01, 2015, 04:31:36 am »
Sakin womans instinct lang talaga siguro. Hindi kasi ako mahilig makialam ng fone, email etc pero pag may isang beses na tingnan ko lang, alam mo yun parang wala lang, wala ka magawa kaya naisipan mo tumingin ng fone nya, ayun may nahuhuli ako hehe.. Sa ex ko bata pa kami, nokia pa uso non hehe. Pero nun nag browse ako sa fone nya, madami sya forwarded messages from girls na friends nya or classmates, usually wala naman ako pakelam. Pero ewan ko ba may isang name dun na may iba akong naramdaman. Hindi naman flirty yun message, tulad lang din ng ibang text ng friends nya, pero iba lang talaga naramdaman ko. Turns out, tama ang hinala ko na nilalandi nya ang ex ko hehe

Pangawala naman sa history ng safari ko may nakita ako. I wont go into details kasi nadidiri ako pag naaalala ko. Ang pangit kasi nun babae. Parang nun time na yun, magsesearrch lang ako sa net and when i pressed the tab ayun may mga nakita ako hehe, so yun nga mga sis, i dont snoop around pero may nakikita ako. Totoo ang womans instinct haha at totoo ang kasabihang walang lihim na hindi nabubunyag.

batangpasaway

  • Guest
Re: Paano nyo nahuling nambababae bf/partner/asawa nyo?
« Reply #5 on: November 08, 2015, 03:14:18 pm »
woman instinct din. sa friendster, may friend syang binigyan ng testi na answeet ng dating. kutob ko talaga may something sila. nung una sabe nya cool off muna kame. antayin ko daw sya pero pag may nakita syang iba or may makita akong iba okay lang. tapos pag wala kame parin. antanga ko pumayag ako sa ganon e halatang bigla nya kong ginawang reserba pero dahil nga t**** ako inantay ko sya.tapos bgla nalang nagtanong si guy kung mahal ko pa sya pero kahit mahal ko pa sabe ko diko alam kase daw nafallout na sya. hala sinabe ko sa kanya buong pangalan ng babae nya kung yun ba ipinalit nya saken. gulat na gulat sya na alam ko. nagsorry sya di daw nya sadya. kapal ng muka nya! pero friends kame ni ex ngayun. haha

 

Latest Stories

Load More Stories
Close