Author Topic: Niregaluhan pero parang pinabayaran?  (Read 2298 times)

naynee15

  • Guest
Niregaluhan pero parang pinabayaran?
« on: October 19, 2015, 02:46:12 am »
Hi mga Sis! newbie here..

Naranasan niyo na bang regaluhan kayo? pero parang pinabayaran din sayo? niregaluhan kasi ako ng hubby ko ng nike shoes.. tuwang tuwa ako kasi may gift siya saken..
kaya lang sabi niya bigyan ko raw siya ng 1500pesos kasi wala na siya allowance..
na hurt ako kasi ano un..? birthday gift saken taz hihingan ako ng pera!  tuwa ko napalitan ng inis! hindi ko alam kung ndi lang ako marunong umintindi gaya ng sinabe niya saken..  :-[ :-[ :-[
pinag awayan namin un.. hanggang ngaun msama parin loob ko..  :-[

Tama po ba naging reaction ko?

« Last Edit: October 19, 2015, 03:17:59 am by naynee15 »

chelgeneroso

  • Guest
Re: Niregaluhan pero parang pinabayaran?
« Reply #1 on: October 19, 2015, 08:33:36 am »
Nyek! Sana hindi ka nalang niregaluhan. Wala pala sya extra money.
Meron namang ibang paraan para maging special ang birthday mo.
Kung ako nasa position mo, maiinis din akong suotin yang shoes :l

Sana mapagusapan nyo ng maayos at magkabati na kayo :)
Sabihin mo sa kanya, "Next time sasabihin ko sayo kung bibilihan mo ako ng gift at kung anung gift ang gusto ko."

Works for me :D

yannuh

  • Guest
Re: Niregaluhan pero parang pinabayaran?
« Reply #2 on: October 19, 2015, 08:46:11 am »
haha. natawa naman ako sis. nako nako ako din maiinis onti pero syempre nakakatuwa naman sis yung effort ni hubby:)) wag ka na masyado magtampo sis kasi mas mahal naman ang Nike shoes sa 1500:)) haha.jk. pero seryoso sis, isipin mo na lang na kahit papaano, nag effort si hubby na maging happy ka, yun nga lang, nashort talaga sya sa allowance:) next time sis sabihin mo na kahit wag na ganun kamahal basta bigay nya at di masasacrifice ang personal allowance nya, keri lang:)

aquacharly

  • Guest
Re: Niregaluhan pero parang pinabayaran?
« Reply #3 on: October 19, 2015, 09:21:13 am »
HWag masyado ma cuenta sa pera. 
He could have bought you cheaper shoes, but decided you deserved more.
Let the small stuff pass.
« Last Edit: December 23, 2015, 06:11:44 am by aquacharly »

skela96c

  • Guest
Re: Niregaluhan pero parang pinabayaran?
« Reply #4 on: October 19, 2015, 11:04:19 am »
matatawa ko kung sakin gagawin ng asawa ko yan. parang bata lang na inubos ang budget tapos nanghingi ng allowance.  Haha. i don't know, depende siguro sa pagkakasabi ng "bigyan mo ko ng P1500 kasi wala na kong budget", but i will somehow find what he did endearing.

let it pass sis. mali lang siguro ng judgment call, pero isipin mo na lang he wants to give you a nice gift.

red_yesha

  • Guest
Re: Niregaluhan pero parang pinabayaran?
« Reply #5 on: October 19, 2015, 11:15:48 am »
TS ang kyut nyo! hahaha.
Yaan mo na sya girl, at least nag effort syang bumili ng nike shoes diba? kinapos nga lang sya after nyang mabili yun. Patawarin mo na sya :) magbati na kayo.
I hope matuto na sya sa pagbudget :P

chicafabulosa

  • Guest
Re: Niregaluhan pero parang pinabayaran?
« Reply #6 on: October 19, 2015, 11:17:51 am »
Let it pass na lang sis... But next time tell him wag nya ubusin allowance just to buy a gift.

Mine naman, i was told no gift for 5 years after he bought me a car, which i think is fair enough. So dont let it ruin your day na lang. Isipin mo na lang na anak mo binigyan mo ng allowance. Sabi nga nila once we get married our husband will be our eldest child forever. Hahaha

TinyBubbles89

  • Guest
Re: Niregaluhan pero parang pinabayaran?
« Reply #7 on: October 19, 2015, 01:15:32 pm »
Kung sakaling naka sale un nike na nabili niya hindi siya kakapusin. Yaan mo na lang sis atleast nageffort sya. Usap na lang kayo next time sana makaipon siya para kapag nagbigay siya sayo ng gift hindi na siya kakapusin..

cutemama

  • Guest
Re: Niregaluhan pero parang pinabayaran?
« Reply #8 on: October 19, 2015, 05:39:26 pm »
Naku yaan mo na sis. Ok lang yan.. wag ng palakihin pa..

Girltalker2

  • Guest
Re: Niregaluhan pero parang pinabayaran?
« Reply #9 on: October 19, 2015, 08:34:58 pm »

Naniniwala ba kayo sa pamahiin na puede kayo mag away ng taong niregaluhan mo ng slippers/shoes or any footwear?

Dapat mo sya bigyan ng money nga para di kayo mag away! Haha Or coins would do. Pero nakaka dyahe naman, di ba sya nahihiya if he needs to ask money from you? Or naka naman Kasi buong payroll nya direcho sayo?


 

Latest Stories

Load More Stories
Close