watch now

Author Topic: Boracay Thread 36  (Read 94507 times)

mysterioza_me

  • Guest
Re: Boracay Thread 36
« Reply #620 on: February 19, 2018, 04:47:30 pm »
I still love Boracay, atleast somebody took notice and we can expect a better Boracay in the near future :)
Ito din nilo-look forward namin. Ipasara nila ang island kung talagang need irehabilitate, gusto ko pang abutan ng mga susunod na henerasyon ang magandang Boracay. Mabuti napansin ni Pres Duterte. Not a super fan of Duterte pero sa tagal ng ipinanawagan yang tubo na yan sa Bora parang ngayon lang may presidente na direktang nakialam. Nakakaloka yung maitim na tubig na ibinubuga ng tubo yun. Sa Bulabog area pala yung tubo na yun at direkta talaga sa tubig. Dapat bago ibuga ang water na yun treated na yun sa water facility. Parusahan mga govt official na nagbigay ng permit sa mga businesses na walang maayos na waste system.

^Di pa ako nakapunta sa El Nido gusto ko din sana pero nagdadalawang-isip ako. Parang di chill ang ambiance kung puro island hopping ang gagawin. Gusto ko kasi chill and staycation. Paglabas ng room beach na. Kapagod din sa katawang-lupa mga kung ano-anong activities.

MisCalculus

  • Guest
Re: Boracay Thread 36
« Reply #621 on: February 19, 2018, 06:40:35 pm »

^ sis, same here, atleast we can expect that soon maresolve na yung sewage system issue nila. Not to mention overcrowded na sa dami ng establishments. Naalala ko yung 1 IG post ni Erwan Heussaff, na alarming na nga yung nangyayari sa Bora and sana wag mangyari yun sa Siargao.
Anyway, here's looking forward to a better Boracay. :)

About El Nido, if you're a nature lover super ma-appreciate mo ang ganda ng El Nido. Kung wow sa pictures, mas wow sa totoong buhay. lols! Mas tahimik, pristine at bucolic ang El Nido, namaintain kasi nila ang ganda ng kalikasan.
Sa nightlife naman, mas tame ang El Nido pero nagkalat din ang ibat ibang kainan. Nakakaaliw nga, sa tabi ng mga most recommended restaurants andun pa din yung maliliit na tindahan or establishments. Kumbaga may chance yung maliliit na negosyo owned by the locals na kumita pa din.

It is paradise for me. Kulang ang 2-3 days to explore the island :)


Rory_Lorelie_Gilmore

  • Guest
Re: Boracay Thread 36
« Reply #622 on: February 19, 2018, 07:47:25 pm »
Dami ko na din napuntahan beaches/islands sa Pinas, (Caramoan, Coron, El Nido, Oslob-Sumilon sa Cebu, Bantayan Cebu, Puerto Galera-Mindoro, Anawangin - tho di naman super ganda tong Anawangin pero sarap balikan with friends naka 3 ata akong balik haha), Batangas, Zambales, Bataan of course yung malalapit, and I've been to Boracay twice, nung una sa station kami, and then last April sa Shangri La naman kami nag stay. Will visit Siargao naman this year.  :D

 I guess what sets Boracay apart is the convenience nga na ang dali lang puntahan, parang Batangas lang ang feels samin ng Boracay madali lang iplano, ang mura ng airfare, ambilis ng byahe, madaming resorts to choose from, pagdating mo dun sandamakmak kainan na di naman gano kamahalan and yung thought pa ng night life + white beach combo. Groceries are everywhere, madaming mode of transportation, water sports and activities, accessible lahat. Yung crowd class variety din. Maski nung nagstay kami sa Shangri La, 15 mins nasa stations na kami, that fast.

I hope our local government there heed Duterte's advise/threat na mag-close muna and ayusin problema kung kailangan talaga since for long term naman at para sakanila din yun. Sacrifice ng konti, baka sakali by summer makabalik na sa dati.
« Last Edit: February 20, 2018, 03:16:04 pm by Rory_Lorelie_Gilmore »

mysterioza_me

  • Guest
Re: Boracay Thread 36
« Reply #623 on: February 19, 2018, 10:04:22 pm »
^Sis yan din ang gusto ko sa Boracay, napakalapit sa airport. Di kailangan bumyahe ng more than 2hrs (maski sa Kalibo ka pa galing). Andun na lahat paglabas mo sa resort?resto, beach, bar. Sobrang chill and di nakaka-haggard.

Nakapunta na din ako sa iba?t-ibang isla hanggang Zamboanga narating ko na pero inlove na inlove ako sa Boracay. Boracay is so special for me and my SO. Pagiisipan ko ng matindi ang coron and elnido, pagnaiisip ko kasi byahe napapagod na ako haha.

airish_2

  • Guest
Re: Boracay Thread 36
« Reply #624 on: February 19, 2018, 11:02:55 pm »
Ilan buwan na din kasi nirereklamo ng mga locals yung drainage system doon tsaka yung mga trycicle driver na nangiisnab ng locals. Sana ang gawin nila sa Boracay ay 'wag ng patayuan ng bagong hotel and condo's as in bawal na sa bagong establishment.

mysterioza_me

  • Guest
Re: Boracay Thread 36
« Reply #625 on: February 19, 2018, 11:19:03 pm »
Naalala ko yung coliform issue na napakatagal na kaya hinanap ko. According sa article below napakatagal ng issue ng drainage system at waste disposal sa Boracay. Kasalanan yan ng local govt dun bakit naiisyuhan ng permit yang mga establishments na yan.

https://www.google.com/amp/s/newsinfo.inquirer.net/968277/what-went-before-boracays-environmental-issues/amp

^Re pangiisnab ng trike sa locals sis, what do you mean by locals? You mean ba locals na nakatira sa Boracay ang iniisnab ng trike drivers or yung mga local travellers like us? Ako personally di namin naexperience, pagnagpara kami ng trike agad naman isinasakay kami and yung singil sa amin sakto naman sa nababasa ko na singil nila.

swtgrl_bee

  • Guest
Re: Boracay Thread 36
« Reply #626 on: February 19, 2018, 11:38:52 pm »
Sis MisCalculus, first time kasi namin mag October trip last year. Na-try ko na January, February at March. Yung late 1990 and early 2000 hindi ko na na maalala anong buwan kami nagpunta bata pa kasi ako noon kaya keber.  ;D Alam mo naman basta bata may tubig masaya na. LOL! Grabe na-inlove kami noong October trip. Walang lumot, pinakita nga ng nanay ko yung IG post ko sa helper namin. Nalito siya kasi akala niya sa semento ako naglalakad sa sobrang linaw. Eh sa dagat ako naglalakad vini-video ko. Ganoon ka-clear ang tubig. Kaya sabi ko kada sem-break Boracay nalang destination namin.

Sis ficklemind, ito din ang gusto ko sa Boracay pwede kang budgetarian pwede ka din all out. Yung family ko kasi laging somewhere in between. I asked my Mommy friend kung keri na ba kami mag Coron sabi niya kapag older na daw yung anak ko, kasi puro activities nga daw doon para ma-enjoy. Pero looking forward din ako makapunta ng El Nido and Coron.

Sis  mysterioza_me, oo nga buti never pa din kami na-snob ng trike doon.  ;D

Isa sa reason din bakit love ko Boracay yung sand kasi, super love love love talaga. Tapos pabalik-balik kami doon wala pa akong kilalang nakagat ng jelly fish. Konti palang naman beaches na napuntahan ko sa Pinas Quezon, Batangas, Ilocos at Davao ay top 1 talaga ang buhangin ng Boracay. Takot lang talaga ng mga hindi mag-aayos kay Pres. Duterte. Kapag sinabi niya gagawin niya.

Saka sana gawin na din completety NO PLASTIC. Buti yung iba no straw policy kahit mag-request pa. Konting sakripisyo lang naman yan. Pero maganda ang balik sa future.

mysterioza_me

  • Guest
Re: Boracay Thread 36
« Reply #627 on: February 20, 2018, 12:00:22 am »
^Ber month talaga ang the best na magpunta sa Boracay. Top1 ko talaga ang Boracay for now. I reall want to go back pero ber month ko talaga gusto bumalik.

swtgrl_bee

  • Guest
Re: Boracay Thread 36
« Reply #628 on: February 20, 2018, 01:48:48 am »
^Push, huwag summer dami kasing lumot.

mysterioza_me

  • Guest
Re: Boracay Thread 36
« Reply #629 on: February 20, 2018, 01:54:44 am »
^Andun kami ng summer last year. Malumot pero maganda pa din naman what more kung wala pang lumot.

hann-hann

  • Guest
Re: Boracay Thread 36
« Reply #630 on: February 20, 2018, 07:17:32 am »
august 2015 kami nakapag-boracay, kami lang dalawa ng daughter ko pero enjoy na enjoy kami, beach bumming palang yun, wala pa activities. after ng boracay namin, 2016-2017 we went to pagudpud in ilocos, punta fuego in batangas, pati samal island sa davao pero yung anak ko hindi makamove-on sa boracay. lagi nya sinasabi, "mommy mas maganda sa boracay noh, mommy mas maganda yung water sa boracay sobrang linaw. mommy yung sand sa boracay parang powder noh?" kaya super sad sya sa pinapalabas sa news nitong mga nakaraan na pwedeng ipasara yung boracay dahil dyan sa sanitation issues. isa ako sa mga sumasang-ayon na sana ipasara muna yung isla para maisalba pa. gusto ko makita yung anak ko na makabalik dun paglaki nya.

airish_2

  • Guest
Re: Boracay Thread 36
« Reply #631 on: February 20, 2018, 11:42:19 am »
Yung locals doon sis, kasi kami never din naranasan na maisnab pero yung mga nakatira na doon yun ang reklamo nila lalo na pag ihahatid yung anak nila sa school ay tsaka doon sa mga nakaparadang tricycle sa harap ng citymall.
« Last Edit: February 20, 2018, 12:08:25 pm by airish_2 »

barbillie

  • Guest
Re: Boracay Thread 36
« Reply #632 on: February 20, 2018, 12:40:34 pm »
Been to Boracay several times already and every time na bumabalik kami, padami-dami ang bagong establishments, hotels etc. I remember na medyo malayo pa yung shoreline dati... ngayon, ilang tumbling na lang, beach na. Nakakapanghinayang din yung ganda ng environment.

Yung isang officemate ko, taga-Caticlan. He was sharing how pristine the beaches were nung bata pa sya. Due to commercialization, ang bilis nagbago nung island. Yes to support local livelihood, pero sana nasa ayos. I support also the rehabilitation of the island. I-save habang di pa huli ang lahat. Para din sa future generation to. Impose penalties sa mga ayaw sumunod.

Hoping ang Palawan (Coron, El Nido) maintains the cleanliness and orderliness despite madaming tourists din.

swtgrl_bee

  • Guest
Re: Boracay Thread 36
« Reply #633 on: February 20, 2018, 01:46:59 pm »
Sis hann-hann, feel na feel ko ang daughter mo.  ;) Same thoughts kami. Iba kasi ano? Lalo na kapag may kids ka. Beach bumming lang din talaga kami pero ang saya talaga. Saka yung thoughts na pwede ka kahit ang layo mo na sa pampang pero ang babaw pa din saka hindi yung biglang lalim. I've been to some beaches na nakakaloka biglang lalim talaga.  :-\

Sis airish_2, hala ang bad naman ni Manong. Mas bet nila turista siguro para mas mataas ang singil. Ganyan nangyari sa amin pero maganda naman experience namin. From Citymall kasi mahal pala kapag nakaparada papahatid kami sa may D'Mall sabi noong nasa unang pila, ay doon nalang kayo sa dumadaan kasi iba nga daw presyo. Tapos tinawag niya yung mga foreigners para sa kanya sumakay.  ;D

clouds_1028

  • Guest
Re: Boracay Thread 36
« Reply #634 on: February 23, 2018, 06:16:58 pm »
I've been to Boracay 3 times na and during BER months naman kaya hindi ko nakikita yung mga lumot. Yes, sobrang crowded na nga talaga siya and madami na establishments pero sana 'wag naman siyang ipasara. I still love Boracay because of the white beach and just the island itself. Hopefully pagpunta namin ng boyfriend ko by October, madami nang naayos. Hopefully mabalik ng city government ang ganda ng Boracay.  ;D :)

swtgrl_bee

  • Guest
Re: Boracay Thread 36
« Reply #635 on: February 23, 2018, 10:30:20 pm »
Ay andun din kayo sis  clouds_1028 sa October?  ;) Doon din kami sa sem-break ng anak ko. Sana maging okay talaga ang lahat, ito kasi yung isla na abot kamay ng mga Pilipino. Very affordable talaga pumunta sa Boracay tapos talagang nakaka-happy.  :)

cali_018

  • Guest
Re: Boracay Thread 36
« Reply #636 on: March 01, 2018, 11:07:30 am »
kadadating lang namin kagabi galing boracay.  Feb 25-28 kami doon.  Masasabi ko lang SUPER GANDA PA DIN NG ISLA ng BORACAY.  Trapik lang talaga andaming ginagawang kalsada ankikipot pa ng daan.  Napansin ko lang sa boracay, wala ka makikitang mga trash can. yun basura mo dadalin mo pa sa hotel mo if ever.  bakit kaya ganun? kaya yun ibang turista hindi naiiwasan itapon sa tabi yun basura. Nagtry kami mag island hopping, snorkling sila, ako nasa banka lang.. grabeng hilo ko anlakas ng alon :(


yun havaiianas ko may nag interes :( 4 days ko pa lang nagamit, pag uwi ko tuloy ng manila gucci guccihan na lang suot ko.. kaloka my term yun ibang local dun, sabi nila "havaiianas boys" dun mga kumukuha nun.. kasi siya daw kahit sa labas lang ng bahay nila nawawala pa.. pansin nga namin, lahat nun mga naggagawa ng boracay name & date sa buhangin na mga lalaki puro naka havaiianas tapos anliliit pa sa mga paa nila.. parang di talaga sa kanila.. kita ko yun isa kamukang kamuka nun akin bagong bago pa.. huhuhuhu.. pero hinayaan ko na.. di ko naman sure kung sya talaga kumuha.. ingatan na lang din kayo sa mga havaiianas flip flops nyo.. buti yun sa hubby ko di kinuha crocs nya sabay pa naman namin nabili yun.. jusko.. hehe


dami din dun reporter, yun sa tapat nun willys rock grabe pala lapit sa dagat talaga lalo na kapag high tide.. literal na mga 3-4 steps lang tubig na.. my mga notice na sila mukhang magigiba mga hotel nila..
« Last Edit: March 01, 2018, 11:11:18 am by cali_018 »

mysterioza_me

  • Guest
Re: Boracay Thread 36
« Reply #637 on: March 01, 2018, 11:19:56 am »
^Sayang naman, kaya nung magpunta kami dun bumili kami ng slippers na may naka-embossed na Boracay sa tapakan at yun ginagamit namin kapag maliligo. Mawala man di masakit sa loob. Di lang sa Boracay nangyayari yang mga ganyang nakawan kaya careful kami. May dala din kaming waterproof bag at bitbit din namin kapag magsswimming, hirap na magtiwala ngayon.

cali_018

  • Guest
Re: Boracay Thread 36
« Reply #638 on: March 01, 2018, 11:37:09 am »
di ko naman inexpect na my mangunguha. hehe! kasi yun unang punta namin ipanema gamit ko saka friends ko kahit anong tagal namin magbabad sa dagat. andun pa din tsinelas namin sa tabi. kaya sabi ko baka type talaga nila havaiinas. kasi dun sa tinderang bakla ng mga keychain, nabanggit nun kasama ko na my nanguha ng tsinelas ko.. sabi agad nya havaiianas noh? nako mga havaiinas boys tawag dun sa mga nangunguha nun.. yun ang sabi nya.. kasi yun imbes na crocs kunin mas mahal yun e. haha! sabi ko kaya pala di kinuha ipanema ko dati.. hehe.  ingat na lang talaga sa susunod..

plumpolka

  • Guest
Re: Boracay Thread 36
« Reply #639 on: March 01, 2018, 12:00:23 pm »
came back from boracay lang din and sabi nila regarding dun sa closure ng boracay, mga june daw ata gagawin. di kasi ako nakikinig ng news kaya dun ko lang sa kanila nalaman. ang sabi, aalisin mga establishments na sobrang lapit sa shore. i-implement daw talaga nila yung 30m from the shore. ang sabi lang samin ng receptionist, ang nakakapagtaka is nabigyan ng permit like yung mga hennan etc... kaya sabi samin baka daw pagbalik namin, beachfront na daw sila. haha! pero ako looking forward ako sa bagong boracay if ever. dapat talaga mas alagaan nila tong island na to para d masira. sobrang laki ng pera ng boracay, lahat overpriced e. presyong turista, pero yung mga activities, bibigay daw samin ng filipino price lang. lol

 

Latest Stories

Load More Stories
Close