Sis smoothie, sorry di na ako nakareply. We were so busy na preparing to go home that time.
Here's what we did: Sa baba kasi ng hostel namin may bus stop, we checked and found out na may E21 bus that go straight to the airport, and it only costs 14HKD, compared to A21 na 33 HKD. We also confirmed it with the hostel staff and she said E21 nga.
sis mauz, andun kami ng friday, sakto lang, di mainit at di rin super lamig, pero yung tipong kahit gaano kalayo ang lakarin mo di ka pagpapawisan. Saturday, puro shop lang kami and dine out, so puro lakad din, Central, Sham shui po, tst and Ladies market, malamig sya, as in nangatog ako. Nung Sunday naman nag Disney kami, tirik yung araw pero malamig ang simoy ng hangin, nag sunblock nalang ako.
Advise lang, kung mag disney kayo, bili nalang kayo ng meal offer sa klook, good for lunch, dinner and 1 snack. Super mahal ng food. Ang kinain namin na 4 pieces na chicken wings and fries plus softdrinks 95 hkd na, tapos yung maliit na corn 25hkd na.
May mga 7-11 shops din na may promo na buy 2 pieces for less. Mas mura din kung mag breakfast kayo sa Mcdo, may iba kasing resto na mahal na di pa masarap. Nagkalat din ang mga wifi spots nila, pero mga 30 minutes lang. mas advisable parin na kumuha kayo ng sim card nila for wifi connection. In fairness, super bilis ng wifi sa hostel.
Yung hostel na nakuha ko through booking.com no need to prepay, pagdating dun na kami nagbayad, yun nga lang since late yung arrival namin, nakuha na daw ng iba yung room, inilipat kami sa same hostel pero tabing building, kinabukasan balik kami sa original reserved room. Ok naman ang experience, all in all, it was fun.