watch now

Author Topic: Korea (Thread 11)  (Read 63886 times)

katniss

  • Guest
Re: Korea (Thread 11)
« Reply #200 on: January 12, 2016, 01:44:47 pm »
may nabasa ako sa PEx, 200 lang daw ADB ng payroll nya, approved naman. Di lang nabanggit kung ano yung profile masyado nung nag-apply.

krisel_06

  • Guest
Re: Korea (Thread 11)
« Reply #201 on: January 12, 2016, 01:57:21 pm »
sis blackgreen, hindi naman siguro adb lang batayan nila sa pagbibigay ng visa, pray ka lang magbibigyan din kayo ng visa. Since malayo pa naman ang mga alis natin, umpisahan na natin lagyan mga account natin, ganun ang ginagawa namin ni boyfie since last year.

Or try nyo nalang kumuha ng Japan visa, bank certificate lang saka di mahigpit tulad ng sa Korea, although mas magastos lang kasi need pa ng booked tickets & visa fee. May nabasa ako sa FB forum MLA-KOR-OSAKA-Mla route nya, pero Japan visa lang gamit nya.
« Last Edit: January 12, 2016, 02:01:04 pm by krisel_06 »

katniss

  • Guest
Re: Korea (Thread 11)
« Reply #202 on: January 12, 2016, 02:01:57 pm »
^yup di lang naman siguro ADB ang titingnan dyan. i think major factor din ang source of income mo or yung mga info sa coe mo. like kung matagal ka na sa work.

blackgreen

  • Guest
Re: Korea (Thread 11)
« Reply #203 on: January 12, 2016, 02:14:13 pm »
Yep, magmula nung nalaman ko nga na may adb sa korean visa, sa joint savings na namin nakalagay money namin. Kakalipat ko lang dito sa work ko nung 2014 so by the time na mag-apply ako 2 years na ako dito. Si hubby naman 5 years na sa work niya if ever.

Nabigyan kami japan visa last year, single entry nga lang. May nabasa ako na pag may visa na daw from other OECD countries mas madali na. Pray na lang talaga. Sana mabigyan kami ng visa.

swtykhm

  • Guest
Re: Korea (Thread 11)
« Reply #204 on: January 12, 2016, 02:23:16 pm »
Thanks! Excited na kami! travel dates Jan 26-31. Now lang gagawa ng itinerary. Just got the visa yesterday kala ko di ako magrant 3 months pa lang kasi ako sa work. Backread much!

kobekitten

  • Guest
Re: Korea (Thread 11)
« Reply #205 on: January 12, 2016, 02:32:28 pm »
I've been reading about credit card statements in the previous posts. Clarify ko lang, can we submit those (and will the embassy accept them) as part of our visa application?

Also, can I submit 2 bank certs/statements -- payroll account and personal account? Thank you!

Will be in Seoul on March 24 to 28 (holy week). May cherry blossoms na kaya?  ;D

angelpie18

  • Guest
Re: Korea (Thread 11)
« Reply #206 on: January 12, 2016, 02:38:55 pm »
Hi sisses! I would like to ask if may nakapag apply na po ng visa using the Upwork (formerly oDesk) certificate of earnings as proof of financial capacity. I've been a freelancer on Upwork for a year, and it's my sole source of income. I have no COE and ITR. I have travelled to Korea and Japan within the past two years. TIA! :)

katniss

  • Guest
Re: Korea (Thread 11)
« Reply #207 on: January 12, 2016, 02:39:55 pm »
yup higher probability nga raw pag may OECD na. sana maka-ME na ko this time na 3 years, last time kasi one year lang binigay.

^yes pwede raw cc statements basta BPI Gold among others ang card mo - di ka na magpapasa ng ITR and Bank Cert kapag meron ka nito. sayang nga wala akong BPI CC, Citi ang ako. :/ Pwede mag-pasa ng 2 bank certs/statements. I've read someone na nakagawa na nito.

Sa Jinhae or Busan for sure may cherry blossoms na but sa Seoul, I doubt it though nung 2014 nung punta namin March 27-31 meron na! Napa-aga daw ng year na yun, sana this year din para makakita yung mga first timers ko na kasama :)

SOFIEMAE

  • Guest
Re: Korea (Thread 11)
« Reply #208 on: January 12, 2016, 02:52:31 pm »
^^sis pakibalitaan kami kung pwede joint account ha. Balak kasi namin ni hubby joint account na lang namin bibigay. Kami rin kasi ang pera automatic lipat sa UITF naman kaya wala talaga laman savings account namin except for allowances. Baka di kami ma-approve kasi maliit ADB namin.

sis pwede ang joint account, kami nga ni hubby hindi joint account ako lang may account sa BDO siya walang ipinasang bank cert at statement of account nilagyan ko lang siya ng xerox basta may NSO marriage contract... approved naman kami pareho 3 months nga lang... maliit lang din nasa account ko 2 weeks bago kami mag apply ng visa may fund transfer pa na pumasok sa account ko na parang naglagay lang ako ng funds :) mas tinitignan nila yung possibilities na hindi ka mag TNT dun at importante yung may COE at ITR kasi both sa company namin ni hubby may tumawag na taga korean embassy nag check kung employed ka talaga...

Eggpudding

  • Guest
Re: Korea (Thread 11)
« Reply #209 on: January 12, 2016, 03:10:45 pm »
Sis Blackgreen, nope, 3 mos lang ang valid ng visa nila. Kaya maaga ako mag aapply kasi gagamit kami ng BPI promo nila.. na pag na approved naman eh 3 yrs ME visa binibigay nila. Try mo mag pa upgrade to gold sa BPI? haha! May nabasa akong blog, BDO na classic lang sila, then nung nalaman nilang may promo sa BDO for Korean visa, ginawa nila tumawag sila sa BDO para mag pa upgrade to gold. Na approve naman sila sa gold, at na grant din sila 3yrs ME visa =D

Sis krisel, di pa nga din namin alam kung Nov 7 or 8 (2 groups kasi kami, nag ka hiwalay sa pag boobook. lols! pero pag di kasi nakauwi yung father ko, mapipilitan kaming mag book ulit, either magiging Nov 7 talaga o Nov 8, kasama ko kasi 2 sisters ko e, sana sila yung Nov 8 group with father) kaya baka sa airport palang magkita na tayo. lols! Cebu pac kami XD OO nga! sobrang okay yung promo nila, kaya grab kami agad e. haha! last year BDO yung naka promo nila, last last year BPI. Ngayon BPI ulit. haha!

katniss

  • Guest
Re: Korea (Thread 11)
« Reply #210 on: January 12, 2016, 03:32:05 pm »
50% off ngayon sa cebupac. hays! kung kelan nga naman nakabook na kami. balak pa naman namin ay seoul-manila, busan-manila. owell!  :P

krisel_06

  • Guest
Re: Korea (Thread 11)
« Reply #211 on: January 12, 2016, 04:34:44 pm »
Sis Eggpudding, BPI Blue lang ang cc ko, try ko sana magpa upgrade to Gold (para lang sa ME na yan, haha) sa May 2016 since expired na card ko non. Pedeng paki PM kung magkano ang credit limit ng Gold? May nabasa ako sa PEX, pag nag paupgrade daw sa BPI ireretain pa rin yong old card something like that so parang 2 cards ang lalabas na mapupunta sayo.

Cebupac din kami haha! See you sis! Hahaha!

blackgreen

  • Guest
Re: Korea (Thread 11)
« Reply #212 on: January 12, 2016, 05:42:52 pm »
Thanks mga sis. Sana talaga ma-approve. Try ko nga pa-upgrade sa BPI, kaya lang diko naman na yun masyado nagagamit, mas gamit na gamit namin security bank mas marami rebates.

Tagal pa trip namin pero ang active ko na magbasa dito sa thread. Hahaha.. Worry ko di ako masyado mag enjoy sa food. Di ako mahilig sa korean food eh.

Eggpudding

  • Guest
Re: Korea (Thread 11)
« Reply #213 on: January 12, 2016, 06:20:27 pm »
Onga e, 50% off, kaso yung travel dates ang sablay. haha! til May lang eh. Naka abang din ako sa AirAsia. haha!

Kaya nga! ang tagal pa ng trip natin. lols! Parang sira lang sabi ko dun sa friend ko "Gosh! 10 mos to go nalang Korea na!" hahahhaa! kalurky! Excited masyado. Kaya dapat abang talaga sa seat sale para may ticket na pauwi. haha! sa Air asia kasi nasa 3700+ yung pauwi e.. nag iisip nga ako kung go ko naba or mag hintay pako ng mas lower... dati may nakita ako nasa 1999 lang yung sa AirAsia e. haha!

blackgreen

  • Guest
Re: Korea (Thread 11)
« Reply #214 on: January 12, 2016, 07:52:17 pm »
^air asia kami 8700 kuha namin ni hubby pero wala pa baggage. Gusto ko na nga magbook ng matutuluyan pero di pa ako makapagdecide kung kukuha na rin ba ako flight to jeju or dun na lang.

Pretty_aye

  • Guest
Re: Korea (Thread 11)
« Reply #215 on: January 13, 2016, 06:40:01 am »
Since I got ticket na for korea this October search ako about sa VISA, sharing lang sisses, my friend will be in korea this 25, 2 sa cousins nya was denied, reason yung COE daw na pinasa hindi sinunod yung template I think mga details hindi complete (nakapag Japan na yan last year) the other one is one year pa lang nagwowork then with bank account of 500k aun deny din.

My husband is BPI gold card so ako na lang talaga need apply [textspeak!] ba mas maganda ibigay yung joint namin n pure savings lang then hindi masyadong nagtratransact or yung payroll ko pero lagi naman maintaining halos every month
« Last Edit: January 13, 2016, 06:41:46 am by Pretty_aye »

SOFIEMAE

  • Guest
Re: Korea (Thread 11)
« Reply #216 on: January 13, 2016, 07:54:22 am »
^oo sis dapat make sure may email address at telephone number sa COE kasi nga natawag sila.  paano nila nalaman yun ang reason kaya sila na denied? Maaapprove kayo ni hubby sis pareho naman kayong may work :)

IMO lang mga sis yang mga credit card na sinasabi nila minsan hindi rin assurance discretion pa rin talaga nila... yung mga nakasabay kong kaibigan nag tour sa korea last October, lima silang sabay sabay lahat sila may mga BDO gold or elite cc na matagal na nilang card nakapag tour na sa mga OECD member malalaki mga bank cert pero isa lang na grant ng ME for 5 yrs yung apat single entry lang yung naka ME siya pa yung may pinaka maliit na bank cert... minsan hindi mo na alam ano ba talaga tinitignan nila... sabi pag may BDO cc ME na hindi rin pala :( mas maganda pa yata dalawahan nalang mag pass kesa yung marami sa group. hassle kasi mag tour ulit sila this end of january ayun yung isa lang hindi na mag aapply ulit. Plan ko sumabay mag pass kahit wala pang bookings isasabay ko mga kids this time sa application namin ni hubby :) sana ME na kami hehe...

May naka pag pavisa na ba sainyo na hindi nagamit? may bearings ba yun kung hindi makaalis? thanks

Eggpudding

  • Guest
Re: Korea (Thread 11)
« Reply #217 on: January 13, 2016, 09:44:01 am »
Sis blackgreen, 8700 per head and RT? May mga accom sa Agoda na free cancellation at Pay Later pa... iniisip ko kung ibook ko naba yun? By Nov din ang payment pa e. Wala naman silang hinihinging parang dp sa Agoda no?

Sis Sofiemae, meron ako nabasa sa blog, hindi nya nagamit yung visa nya then nag apply sya ulit within that year, ang ginawa sa kanya pinag bayad sya ng penalty na 1350 ata or 1700? Then nung nag apply sya, pina apply na sa kanya yung 90 days visa na may fee na 1800 ba? Ayun.

Grabe naman yung hindi lang nasunod yung template. Ang saklap. Dahil lang dun diba madedeny ka. Yung friend ko nga din nadeny sya, ang reason lang eh di daw na prove yung purpose pag entry nya sa korea? anong usually dahilan kapag ganon? Yung isang friend ko naman, sakto nawalan sya ng work. ayun di din pinayagan mag apply kahit na meron syang affidavit of support. basta bawal daw mag apply talaga yung walang work na single ata. (kasi diba may non working spouse naman sila)


blackgreen

  • Guest
Re: Korea (Thread 11)
« Reply #218 on: January 13, 2016, 10:03:54 am »
^2 na kami sis RT na. Yun yung red hot sale ng airasia 0.01 base fare. So puro taxes na un cost nung airfare namin. Dipa ako nakapagpabook. Gusto ko yun meron free cancellation kasi pano kung di kami ma-approve sayang naman kaya dipa rin ako makapagpabook nung jeju. Plan namin last week ng sept magapply ng visa para meron pa 2 months before sana di ganun kamahal ticket to jeju.

Eggpudding

  • Guest
Re: Korea (Thread 11)
« Reply #219 on: January 13, 2016, 10:57:52 am »
^
Aww. Kainis yung sale nila na yun. Pag dating sa payment na lagi na nag eerror =( simula yun nung nag start yung promo til matapos. haha! Pero pag di thru CC ang payment walang error e. lols! So sulit nyan! oo sis, may mga free cancellation sa Agoda eh. Dun ako madalas mag book. Kaya nga e, sayang yun kung sakaling di matuloy.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close