watch now

Author Topic: ABS-CBN: Ang Probinsyano  (Read 33752 times)

geeboy

  • Guest
Re: ABS-CBN: Ang Probinsyano
« Reply #40 on: February 23, 2016, 11:27:56 am »
Sana wag na patagalin itong kasong ito.

cutemama

  • Guest
Re: ABS-CBN: Ang Probinsyano
« Reply #41 on: February 23, 2016, 03:21:03 pm »
sana sa Friday masolve na yung case ni Trina..para ibang guests naman..pero mukhang matagal ito, kasi anjan si christopher de leon eh, baka sulitin ang guesting niya..

three8one

  • Guest
Re: ABS-CBN: Ang Probinsyano
« Reply #42 on: February 23, 2016, 08:06:32 pm »
sana wag I love team si trina kay cardo, mas gusto ko si cardo kay bella padilla.

young_maiden

  • Guest
Re: ABS-CBN: Ang Probinsyano
« Reply #43 on: February 23, 2016, 09:36:43 pm »
Fan ako ng Coco-Maja love team sa Minsan Lang Kita Iibigin. Kaya natuwa ako na magkasama sila ulit dito sa Ang Probinsyano. Kaso nung nakita ko mga Cardo-Carmen scenes, napansin ko may chemistry din sina Coco at Bella. Sino sa kanilang 2 ang leading lady ni Cardo? Hindi ko kasi masyado nasubaybayan to. Nung nagpakita si Paloma, saka ko lang siya napapanood madalas. Torn ako sa 2 leading ladies. Pareho bagay sa kanya. Parang Final Fantasy 7 lang na dalawa love interests ng bida. :D

lordknight_aiz.18

  • Guest
Re: ABS-CBN: Ang Probinsyano
« Reply #44 on: February 24, 2016, 08:08:07 am »
^ sis, si bella/carmen kasi yung asawa nung kambal ni cardo, si ador. kaso pinatay ni joaquin si ador. tapos nagpretend for some time si cardo na siya si ador.

iba talaga pag si maja at coco ang scene. kahit magkausap lang sila sa phone, may spark na agad. sign na ba yun na malapit na ulit magpakita si maja? ::)

cutemama

  • Guest
Re: ABS-CBN: Ang Probinsyano
« Reply #45 on: February 24, 2016, 08:20:18 am »
ako naman mas kinikilig ako sa cardo-carmen hahah.. lalo na ngayon na parang na-fall na si carmen kay cardo,, kilig kasi pareho silang masungit sa isa't isa before,.

yannuh

  • Guest
Re: ABS-CBN: Ang Probinsyano
« Reply #46 on: February 24, 2016, 09:07:01 am »
haha ako kahit kanino ke carmen or ke glen ok ako, ayaw ko lang si trina ughh

geeboy

  • Guest
Re: ABS-CBN: Ang Probinsyano
« Reply #47 on: February 24, 2016, 12:38:18 pm »
ang tapang ni jr eh, sinabihan si joaquin na wag na ligawan ang nanay na.

buti naman pinakita na ulit si glen kagabi. nasa laguna pala ang training nya.

zach26

  • Guest
Re: ABS-CBN: Ang Probinsyano
« Reply #48 on: February 24, 2016, 02:00:20 pm »
Parang ang boring ng mission ngayon ni Cardo or hindi ko lang bet character ni Anne? hahaha

Mas gusto ko si Carmen than Glen. Kaya lang in real life, ang awkward naman na magugustuhan mo yung asawa ng kambal mo (kahit na patay na) :D

young_maiden

  • Guest
Re: ABS-CBN: Ang Probinsyano
« Reply #49 on: February 25, 2016, 11:23:40 am »
Pinanood ko ulit iyong scene na tinawagan ni Cardo si Glen. Nakakakilig sila. Iba talaga pag si Glen ang topic eh. Nung pinag-uusapan nina Cardo at Onyok si Glen, iyong ngiti ni Cardo abot tenga. :D

ayerfphoebe15

  • Guest
Re: ABS-CBN: Ang Probinsyano
« Reply #50 on: February 26, 2016, 08:37:47 pm »
Hay, nakakairita [textspeak!] ang character ni ann dito, wala naman silang chemistry ni coco. . 

lordknight_aiz.18

  • Guest
Re: ABS-CBN: Ang Probinsyano
« Reply #51 on: February 28, 2016, 12:22:14 pm »
ang weird ng episode last friday. tinatakasan nila yung humahabol sa kanila pero parang ang relax nila masyado. kala mo natrap sa island.. hahaha. may time pa sila matulog. diba dapat iniwan na nila yung kotse at tumakbo na sila..:-)

cutemama

  • Guest
Re: ABS-CBN: Ang Probinsyano
« Reply #52 on: February 28, 2016, 03:39:36 pm »
Yun din naisip ko.sis haha..hindi ba pwedeng iwan  yung kotse.. at sa episode sa monday nagawa pang kumuha ng buko ni cardo hahah... hindi pa pwedeng umalis na lang sila dun.. ayan tuloy nahanap sila ng kidnapper..
At si trina patang di man lang kinakabahan na may dudukot sa kanya..

Shopaholic_Gurl

  • Guest
Re: ABS-CBN: Ang Probinsyano
« Reply #53 on: February 28, 2016, 05:23:39 pm »
Hindi nga bagay ang coco-anne walang chemistry, agree parang hindi nga sila hinahabol ng mga goons, chill lang sila sa last episode, sana nagpa rescue na sila tumawag sa phone para maka alis agad dun. Mas gusto yong " paloma episode" kesa yung ngayon.

lordknight_aiz.18

  • Guest
Re: ABS-CBN: Ang Probinsyano
« Reply #54 on: February 28, 2016, 09:07:32 pm »
^ oo nga sis. nagawa pang pumitas ng buko at saging. hindi makatotohanan kung talagang hinahabol ng kidnapper. hehe. tsaka sana nung natakasan nila yung sasakyan ng humahabol sakanila, bumalik sila dun sa pinanggalingan ng sasakyan. :-)

cutemama

  • Guest
Re: ABS-CBN: Ang Probinsyano
« Reply #55 on: February 29, 2016, 11:14:51 am »
^^ sis wala silang phone, lowbat ata phone ni cardo si trina naman na kay fritz daw..

dapat todo takbo na sila nung natakasan yung kidnapper, iwan na ang kotse, kasi malamang maabutan sila kasi na stuck nga sila.. aba nagawa pa talaga nila matulog sa kotse at magpa-umaga.. mas inalala pa ni trina yung mga lamok kesa sa baka maabutan sila ng mga kidnapper hahha

ano kaya mangyayari mamaya..

Shopaholic_Gurl

  • Guest
Re: ABS-CBN: Ang Probinsyano
« Reply #56 on: March 03, 2016, 09:08:47 pm »
^ ^^ hahaha oo nga mga sis, parang ewan lang ang script nila sa episode nung hinahabol sila ng mga goons. Parang hindi sila takot na makita sila ng mga goons. Pero finally nakahanap sila ng bahay kung san sila nag stay. Kaso nahuli din sila ng mga naghahabol sa kanila. Pero good thing nakaligtas na sila ngayon at nasa custody na ng mga pulis si trina. Pero mukhang patatagalin pa kasi si Cristopher ata ngayon ang susunod na kontabida.

cutemama

  • Guest
Re: ABS-CBN: Ang Probinsyano
« Reply #57 on: March 04, 2016, 10:00:26 am »
nagbago ba ng writers??? ang ganda nung episode ng paloma tapos biglang naging chaka..
and inis na inis ako sa ginawa nila kay carmen.. wahhh bakit may nangyari sa kanila ni joaquin.. lahat kami sa bahay inis na inis.. kasi we're rooting for carmen and cardo..

ang alam ko kasi si gleb talaga partner ni cardo dito.. kaya ata sinira yung character ni carmen para ma-push yung carglen... medyo mas lamang kasi sa FB and twitter ang cocobel kesa carglen..

shesgullible

  • Guest
Re: ABS-CBN: Ang Probinsyano
« Reply #58 on: March 04, 2016, 01:39:34 pm »
^sis, same sentiments tayo! ang ganda kasi ng chemistry nila bela and coco, tapos biglang ganun. buti na lang may kilig factor din sila ni glen for me.
sana naman tapusin na nila case with trina. di na maganda eh. di na nga ko masyado nanonood  since these episodes with anne.

cutemama

  • Guest
Re: ABS-CBN: Ang Probinsyano
« Reply #59 on: March 04, 2016, 01:56:19 pm »
^ same tayo sis, hindi na ko masyadong tutok sa panonood.. nainis kasi ko.. mukhang sasagutin pa ata si joaquin... ayoko na..

 

Latest Stories

Load More Stories
Close