watch now

Author Topic: AlDub (Alden Richards & Yaya Dub loveteam) - Thread 3  (Read 52989 times)

hayne22

  • Guest
Re: AlDub (Alden Richards & Yaya Dub loveteam) - Thread 3
« Reply #180 on: October 13, 2015, 03:46:16 pm »
^ oo nga naman, lahat kailangan mag pahinga ultimo si twitter. Im sure babawi si alden kay maine at sa ating lahat. Kalma lang. Heheh excited much sa mga ganap sa kalye serye.

Ganda ng lipstick ni Jose kanina, yun din ba yung Riri na madalas gamit ni maine?

grayceheart

  • Guest
Re: AlDub (Alden Richards & Yaya Dub loveteam) - Thread 3
« Reply #181 on: October 13, 2015, 03:53:00 pm »
oo nga sis, ang ganda ng lipstick ni tinidora hehe...MAC kaya yun?

babawi naman siguro si alden... pero ang tanong, nandun kaya si meng bukas hehe

SnowBall

  • Guest
Re: AlDub (Alden Richards & Yaya Dub loveteam) - Thread 3
« Reply #182 on: October 13, 2015, 04:30:15 pm »
Kung ako ang GMAAC, ang gagawin ko, ika cancel ko lahat ng shows ni Alden like yung mga mall shows at beauty pageant.. with the promise na papalitan ko yung mga yun ng shows with Maine na.

Nadadaan naman sa compromise yan eh, lalo na kung maganda ang offer mong kapalit, I don't think hindi sila papayag.

Sa ganitong setup, na sustain ko ang kilig ng Kalyeserye at ang pagkainit ng phenomenal loveteam... without upsetting anyone.

Everyone happy.

Kaso lang hindi ako ang GMAAC ;D

miss na miss ko na din si Alden oh well :(


bhey0624

  • Guest
Re: AlDub (Alden Richards & Yaya Dub loveteam) - Thread 3
« Reply #183 on: October 13, 2015, 04:39:19 pm »
napanaginipan ko pa naman na back to EB na si alden today.. hehe adik lang.. malapit na nga akong ipa-rehab ni hubs  ;D napapansin nya kasing updated ako based sa mga kwentos ko sa kanya hahaha

buti na lang andyan si baste!

excited na ko for tomorrow  :D kelangan nyang bumawi ng bonggang bongga!

Mrs.R0515

  • Guest
Re: AlDub (Alden Richards & Yaya Dub loveteam) - Thread 3
« Reply #184 on: October 13, 2015, 04:43:20 pm »
sis SnowBall may nabasa ako sa bandera na hindi daw pwede icancel yun kasi baka daw mademanda ang GMAAC at si alden kung hindi nila pupuntahan.matagal na daw kasi na booked yun hindi naman daw nila alam na ganon kabilis mag boboom ang LT ng dalawa. kaya wala na sila nagawa kundi ituloy.

Maple19

  • Guest
Re: AlDub (Alden Richards & Yaya Dub loveteam) - Thread 3
« Reply #185 on: October 13, 2015, 04:47:58 pm »
Habang nangungulila ako sa teamup nung dalawa, nagstalker mode muna ako sa mga twitter at IG accounts ni baeby baste. Grabe! Sobrang cute and kagigil haha. Sarap kagatin. and may kapatid din syang mataba at cute din hahaha. 3 years old lang ba talaga si baste? Smart na sumagot.

Nakakaloka lang din mga comments sa ibang sites at sa twitter about kay alden, konting gawin or hindi gawin nung tao nababash agad. Iba na talaga ang sikat. Mukha naman level-headed si bae, tulad ni Meng sana di sila both paapekto sa nega vibes ng mga taong mapapait.

twelvth_goddess

  • Guest
Re: AlDub (Alden Richards & Yaya Dub loveteam) - Thread 3
« Reply #186 on: October 13, 2015, 05:03:05 pm »
Naku ha, may mga kaguluhang nangyayari sa Twitter. Yung Kimpoy Feliciano pala na tweet ng tweet about Maine eh kachikahan din ni VG. Kaya pala mainit mata sa kanya ng male fans ng Aldub kase spammer na tapos mukhang tauhan sya ng kabila. Bad, bad, bad. Although honestly, hinde ko pa din talaga alam kung sino ba tong Kimpoy na to. Artista din ba sya?

Mukhang si Maine ang wala bukas. May nag-tweet na may awarding ceremony syang pupuntahan tomorrow kase awardee sya. 1PM yung event. Hayy, anovey.

joiego

  • Guest
Re: AlDub (Alden Richards & Yaya Dub loveteam) - Thread 3
« Reply #187 on: October 13, 2015, 05:04:08 pm »
Ang pilyo ng "secreeeet" niya sa tanong ng reporter hahaha. Excited na ko!!! Secret pa more! :)

https://instagram.com/p/8xKdBOjd79/

twelvth_goddess

  • Guest
Re: AlDub (Alden Richards & Yaya Dub loveteam) - Thread 3
« Reply #188 on: October 13, 2015, 05:09:10 pm »
Yung mga shows ni Alden, na-book nung naka-tengga pa sya. I understand why they can't cancel it pero sana pag renew nya ng contract next year, kumuha sya ng co-handler and wag GMAAC lang kase kawawa sya talaga. Wala syang say sa scheds nya kase full management sya ng GMA unlike other stars na may half representation. Which is why Angel was able to move to ABS CBN before kase co-handler nya sa Becky Aguila. Iba na din kase yung may another set of mind and eyes na titingin kung 'makatao' pa ba ang treatment sa artist. GMA is quite infamous dor squeezing their artists to the last drop of blood lalo na kung money maker nila.

Sa mga mall shows daw, nagdemand na ang mga management na walang kasabay na artist si Alden. Baka kawawa lang daw kase si Alden ang pinupunta ng mga tao and baka ma-echapwera lang yung kasama (unless si Maine siguro).

bb

  • Guest
Re: AlDub (Alden Richards & Yaya Dub loveteam) - Thread 3
« Reply #189 on: October 13, 2015, 06:00:23 pm »
ang daming bashers sa IG ni alden huh! iritables ako ahahah! kasi ano ba yan, para sa future naman nila ni maine yun pagtatrabaho nya (naks!) kaya kung humingi sya isang araw ng pahinga ibigay na di ba! kaloka ang mga bashers kesyo kahit daw wala sya eh kaya na ni maine. ayoko nga mabuwag ang aldub! ahaha! saka dapat maging masaya na lang sila sa mga  blessings nung dalawa. hindi dapat pinagcocompete. nakakairita pinigilan ko talaga sarili ko pumatol. naaawa kasi ako kay alden hahaha!

ok ok kalma muna ko. about kimpoy, hhhmmm, matagal na sya nagpaparinig kay yaya dub sa twitter na may gusto sya kay yaya. yung papasikat pa lang sya. taga-NZ sya eh pero kasi channel 2 ang lagi nya pinapanood based sa tweets nya. parang yung kalyeserye lang ang pinapanood nya sa GMA. kasi tiningnan ko na twitter nya dati, puro mga programs ng ABSCBN ang laman ng twitter nya. pero pag sabado umaga pa lang kasali na sya sa nagttweet ng hashtag.

L.B.

  • Guest
Re: AlDub (Alden Richards & Yaya Dub loveteam) - Thread 3
« Reply #190 on: October 13, 2015, 07:38:05 pm »
^Grabe tawa ko kanina sa [textspeak!], haha!

about kimpoy, unfollow ko sha. hehe. yung mga HT niya di rin naman counted kasi lagi may kasama emojis/emoticons, numbers. sayang lang time ko kung RT ko pa.

SnowBall

  • Guest
Re: AlDub (Alden Richards & Yaya Dub loveteam) - Thread 3
« Reply #191 on: October 13, 2015, 07:48:10 pm »
Uulitin ko ang sona ko sa thread ni Alden dito.

Huwag sasama ang loob ng mga sisters natin na fans ni Maine pero naniniwala ako na malaki din kasi ang impact ng pagtahimik ni Maine sa IG sa nangyayaring pang ba bash kay Alden ngayon at sa nangyayaring "kumpetensiya" daw.

Sa pagtahimik ni Maine at hindi pagsagot sa mga video messages ni Alden sa kanya while Alden was away eh nakasilip tuloy ang mga haters ng butas para gamitin ang sitwasyon para i bash si Alden at gamitin din yun para sabihin na pati si maine eh hindi natuwa sa panglalaglag ni Alden kuno.

Kaya nagkaroon ng Alden VS Maine issue dahil may butas na nasilip ang mga asungot.

Gaya ng sabi ko sa kabila.. kung loveteam yan ng channel 2 eh na ipagtanggol na yan.. like what happened to Kat Bernardo kay Daniel Padilla.. Liza Soberano kay Enrique Gil.. Nadine lustre kay James Reid.


Dapat sana ganun din ang Aldub. Sana matutunan nina Maine at Alden yun na sa loveteam nila.. part din ng continous success eh ang good relationship between them and good rapport.

Yun bang ipagtatanggol nila ang isat isa.. yun ang tama eh.. para manahimik ang mga asungot.

Kasi sa kasikatan nila ngayon madaming gustong masira sila.. kaya dapat silang dalawa eh magtulungan din.. dapat silang dalawa mismo eh mag saluhan kung nilulugmok yung isa.

Hindi ito pang aatake kay Maine..pero dahil mahal ko silang dalawa kaya sana magawa nila yun.. ang ipagtanggol ang bawat isa kahit reel or real ang love nila for each other..

Sana mabasa to ng EB staff at maiparating sa dalawa.

Sayang kasi kung nakakakita ng butas ang mga haters tapos nagagamit yun para atakihin silang dalawa at pag awayin.

:(


twelvth_goddess

  • Guest
Re: AlDub (Alden Richards & Yaya Dub loveteam) - Thread 3
« Reply #192 on: October 13, 2015, 08:54:44 pm »
This may be their first trial as a loveteam. I hope they survive it. Ang dami pang opportunities with the way they're handling their situation and I hope that they both get good guidance, otherwise, sayang lahat to. I would really feel sad pag hinde nag prosper to kase they really bring so much joy to a lot of people.

I agree with some of your points, Snowball. Syempre hinde din natin kase alam for sure if they really communicate personally, puro speculations pa lang naman tayo. So with Maine's silence nga, parang may tampo nga. I remember one of the tweets of the EB insider when she was asked bakit hinde sumagot si Maine sa tweets ni Alden, to think na mas rare pa sa rain in the dessert when he tweets things like that. Sabe nya pwedeng nagtatampo, pwedeng sumagot personally. And gosh, ang cliche and napapagod na din akong marinig ang forevermore na sagot na malalaman sa tamang panahon :D

I'm so anxious for tomorrow. Si Alden kase sure na andon bukas pero si Maine naman ang hinde pa sure.

maruchi

  • Guest
Re: AlDub (Alden Richards & Yaya Dub loveteam) - Thread 3
« Reply #193 on: October 13, 2015, 09:06:41 pm »
*clap clap* sis snowball, i agree. For me lang ha di ganito kalaki yung impact nong nawala/absent c maine pero nong nawala c alden ng 1 day pa lang grabeh na yung reklamo (pati ako) ng mga tao. aminin natin c bae talaga ang nagpapakilig and yun yung pinakagusto natin. Si maine tahimik lang yan pero makikita din na miss nya na yung mga pakilig ni alden and mag replay kayo ng episode today, yung time na pasakay or after nag hug yata kay lola, biglang tumugtog [textspeak!] "dalinay" and ang bilis ng mata nya tumutok sa monitor hoping na baka si alden yung lumabas. Aminin man natin at sa hindi si alden talaga nagdadala ng loveteam na to lalo na halos girls of all ages ang fan base nila and tayong mga girls yung mga kilig kilig talaga yung gusto.

joiego

  • Guest
Re: AlDub (Alden Richards & Yaya Dub loveteam) - Thread 3
« Reply #194 on: October 13, 2015, 09:08:37 pm »
Nakaka bwisit din yung mga poser accounts ng eat bulaga cast, staff, mga insider kuno. Yun ang nag cause ng "galit ang EB" "walang utang na loob" issue kay Alden, ang daming gullible hindi tinitignan kung true account kaya ayan, bash na naman nila si Alden. Eh yung mga real accounts naman nila walang sinasabi about Alden, puro praises parin, miss na nila ganon.

Obviously hindi sila true fans ng EB kasi hindi nila alam na pamilya talaga ang treatment nila sa isa't-isa, artista man o staff. And ni-clear na ni Alden sa radio interview niya kay Kuya Germs kanina, walang issue between EB and him. Nagkataon lang na sunod-sunod ang out of town shows niya before Japan.

Feeling ko din kailangan na ni Maine mag intervene para supalpal yung ibang fans. Feeling kasi nila kilalang kilala na nila si Maine, how she feels ganon. Nakakaloka!

SnowBall

  • Guest
Re: AlDub (Alden Richards & Yaya Dub loveteam) - Thread 3
« Reply #195 on: October 13, 2015, 09:34:39 pm »
Hayy mga sis sa true lang affected kasi talaga ako.. naiinis ako sa sitwasyon.

Pansinin ninyo ang JADINE, kapag binabash si James Reid dahil sa mga babae niya in real life eh to the rescue agad si Nadine Lustre sa social media and vice versa.

Kaya ang mga asungot supalpal palagi. They protect each other vigilantly.

Sa totoo lang everyday chinecheck ko IG at Twitter ni Maine at matiyaga akong nag aantay na sumagot siya sa mga messages ni Alden simula nung umabsent siya sa EB para maisampal ko sa mga asungot kaso until now.. wala.

Kaya ang mga haters at asungot eh fiesta at party mode.

Hindi naman natin masupalpal kasi tahimik nga si Maine.

Kaya nalulungkot talaga ako..

Kaya sana makarating ito talaga kay Maine at Alden..

Protect each other vigilantly..be each other's strength and armor.

joiego

  • Guest
Re: AlDub (Alden Richards & Yaya Dub loveteam) - Thread 3
« Reply #196 on: October 13, 2015, 09:50:35 pm »
Me too affected ako. Nalungkot din ako nung nakita ko na ni-retweet ni Nate (founder of Aldenatics) yung sona ng isang Aldub fan telling other fans to be fair to Alden. Kung nakarating na kay Nate na laging nakabuntot kay Alden, malamang nakarating narin kay Alden mga pinagsasabi nila.  :(

twelvth_goddess

  • Guest
Re: AlDub (Alden Richards & Yaya Dub loveteam) - Thread 3
« Reply #197 on: October 13, 2015, 09:58:21 pm »
In fairness nga sa loveteams ng ABS CBN, they really protect and stand up for each other. Which I hope will eventually happen with Aldub. Aminin na ng GMA, eto na lang ang redeeming factor nila. Wag na magbulag bulagan sa fact na yan lang ang pinapanood ng tao sa kanila.

I agree na eto yung downside of not having interaction in real life. Plus the fact that Maine is new to the industry. Mahirap yung puro pakiramdaman lang sila, may naaagrabyado tuloy sa kanila and there's little that they can do to stop the hate from spreading. Kawawa si Alden admittedly, lageng misconstrued ang actions nya. His careful words and actions are always mistaken for being pa-fall or paasa. Pero pag nag express naman ng real emotions nya (like what he did last week), sasabihin scripted. Eh san pa ba sya lulugar? Don ako naiinis sa mga tao. Gusto ba nila sabihin agad nung tao na OO MAHAL KO SYA kahit hinde pa naman? Ang daming fans na gusto lang marinig what they want to hear kahit pa hinde totoo. I admire Alden for always being true to his feelings, I would rather have that than someone who just rides on the fame tapos malalaman may ibang jowa pala. And please, people, itigil na nga yang issue sa jowa na yan. Mas panis pa sa panis na pagkain ang issue na yan and ilang beses na sinagot nung tao, ewan ko ba kung anong sagot ang gusto nilang marinig.

Ok, calm down. Affected ako?

I love them both. And as I've said, there are a lot of opportunities pa sa team up nila. Sana their management would work hand in hand in developing it rather than pushing with the pa-mysterious effect na obviously nagba-backfire na sa kanila.

joiego

  • Guest
Re: AlDub (Alden Richards & Yaya Dub loveteam) - Thread 3
« Reply #198 on: October 13, 2015, 10:08:26 pm »
Tweet ni JDL just now, sana tumahimik na yung mga bashers sa twitter na nag iinsist na galit ang EB kay Alden: "@AngPoetNyo Imagine after 36 yrs. I BECAME A FAN OF MY SHOW Eat Bulaga dahil sa mga kasamahan ko, JOWAPAO & ALDUB! Best BDAY gift ko! #ALDUBStayWithMe"

MisCalculus

  • Guest
Re: AlDub (Alden Richards & Yaya Dub loveteam) - Thread 3
« Reply #199 on: October 13, 2015, 10:19:49 pm »
Haller mga sis, ang active ah,  makiki-sona din ako :)

Ang hirap kasi ng situation nila, kakaiba unlike other regular LTs lalo na yung mga nasa abs. They are free to talk pag ininterview, to defend their ka-LT halimbawa pag nalasing (ehem, sori).

May mga fans kasi, lalo na yung mga dating casual fans, na natuto mag-tweet, mag-beastmode and eventually naging fantard na naging rude na online. They feel like they are free to say anything or dictate to Alden or Maine na dapat ganun ganito. The line between reel and real becomes very very hazy for them. Kahit ako na sanay ma-hopia sa LT (my orig otp was JL-Bea), nalilito na din but i choose not to be affected personally. Ang hinaing ko lang was Alden's long absence in EB (discussed already kanina). Nakakabahala kasi kung ganun katagal.  Sabi nga ng friend ko, baka ma-Hero Angeles yan; kaka-out of town, mabawasan ang interes ng mga taong sa tv lang sya inaabangan. Yun lang. But then again, hindi din talaga natin alam kung ano yung mga plans for them ng management nila.

I'm willing to wait and see what happens next. Yeah, may "tamang panahon" pero sana ibigay na ng EB yun. it doesn't mean that they have to end kalyeserye na, i-level up lang yung story, sapat na :)

Eventually, the phenomenon will die down. That's reality.  They will star in their own movie, tv show, etc. Mawawala ang kalyeserye (sad....). But what's important for me is they already made an impact in our lives and in our culture. Maybe when i'm old and gray, at panonoorin ko yung old episodes ng kalyeserye at ang Aldub moments, mas gusto ko na naka-smile ako :)




« Last Edit: October 13, 2015, 10:30:06 pm by MisCalculus »

 

Latest Stories

Load More Stories
Close