Author Topic: Hubby Still Stalking Ex Kabitch  (Read 1658 times)

loveleah

  • Guest
Hubby Still Stalking Ex Kabitch
« on: October 06, 2015, 12:23:29 am »
My hubby came home from abroad suddenly 4 yrs ago, I would find out a year later na may na buntisan pala siya doon, I dont know kung ano naging arrangement nila basta nalang umuwi siya and na kita ko lang message ng girl sa OTHER folder ng FB niya, meaning, hindi sila friends, but he did not know about the message,ako ang nakaka basa, it goes something like nangumusta sa akin yung girl, then tingnan daw minsan pics nila ng barako niya, girl daw and prettiest baby daw yun, [textspeak!] naman akong hinala kasi kilala ko ang girl, I remember pinakilala ni hubby sa akin on one of our visits to him. Then when I asked my friends what they thought of the message, they saw something that I did not, so I asked my hubby and to make it short, inamin nga niya na nabuntis niya ang girl . Moving forward, I forgave, took him back, and now napansin ko, ka FB friend ng best guy friend ng hubby ko yung girl. may pa like like pa sila ng photos, and I also found out na laging nag search ni hubby yung girl. Although I know gusto niyang tingnan ang anak nila, but still I find it uncomfortable na hinahanap niya sa FB, I should know kasi inirase ko ang Search history niya, and after a few days, andun na sa searches nya, as in, minsan yung girl lang talaga ang si nearch niya ha. I don't want to seem selfish, but I don't know anymore.. Normal lang ba sa kanya yun kasi may anak siya dun , or baka may silent feelings pa siya dun sa girl.

engr_neechee

  • Guest
Re: Hubby Still Stalking Ex Kabitch
« Reply #1 on: October 06, 2015, 05:56:38 am »
Sis, sana mairelate mo sa topic mo itong sasabihin ko.  Sabi kasi ng friend ko, ang pagmamahal ng isang ama sa anak ay base sa pagmamahal niya sa ina ng bata. 

Maraming babaeng nabuntisan ang natatakbuhan.  Maraming nagmamakaawa sa sustento pero they fall into deaf ears.  Maraming babaeng nakasira ng pamilya ang tinatanggap na lang na wala silang mapapala ni isang kusing at ano nga naman ba ang habol nila eh nabuntisan lang sila ng nakatali na. 

Marami din namang lalaking mabilis nakakalimot sa mga pagkakamaling ginawa nila, at nakakalimutan ang mga nabuntisan nila, sad to say, dahil masaya sila sa talagang mahal nila. 

Life is unfair, yes, sa mga babaeng nabuntisan pero walang mahabol.  Ang tanong, bakit kailangan maging exception itong si babaeng nasa abroad. 

When they did the act, they were both consenting adults.  Alam ni girl na married si husband mo.  They should have been responsible for their actions.  In that case, ang priority ni husband mo is to preserve and protect his marriage with you.  By all means, dapat kalimutan na niya lahat yun.  Lalo na, kaya naman ni girl buhayin yung anak nila. 

Your family's best interest ang dapat iprioritize dito.  He must actually cut all communications with the girl.  Sorry ha kung harsh, pero I don't think dapat pa niyang iview yung girl.

loveleah

  • Guest
Re: Hubby Still Stalking Ex Kabitch
« Reply #2 on: October 06, 2015, 11:20:27 am »
Yung nga lagi kong iniisip sis eh, na mention niya one time na gusto din niyang tingnan ang bata, kasi nasa page nga ng girl, ngayon inerase ko na naman ang search history, and will check if he will visit her page na naman. I dont want to sound selfish na hindi ko siya payagang makita ang bata, but for now, parang nasasaktan pa rin ako eh.. I tried to ask him about it last night if nag view pa rin siya sa page ng girl, defensive naman ang sagot niya. parang galit at ako pa ang ginawang masama kasi nakikialam ako.

mommy_kimie

  • Guest
Re: Hubby Still Stalking Ex Kabitch
« Reply #3 on: October 06, 2015, 11:35:17 am »
Sis, may karapatan kang makialam at may karapatan kang malaman kung kinocontact niya si kabitch dahil ikaw ang asawa. Kung yung bata lang talaga ang concern niya kaya niya sinesearch sa fb yung girl, hindi niya dapat ideny sayo yun unless ayaw niya lang talagang maputol yung communication nila ni kabitch.

By the way, may anak na ba kayo ni hubby mo?

 

Latest Stories

Load More Stories
Close