From: asher_carla of Pex
Share ko lang experience ko at konting movie review na din haha.
Experience
Watched Imagine You and Me yesterday at Sm Dasmarinas. Byahe pa ako galing batangas para lang manood (effort much.mas mahaba pa travel time ko kaysa sa pinanood ko haha..at mas mahal pa pamasahe ko kaysa sa ticket price.haha). Early bird ako dahil habol ko talaga ang first screening para di ako gabihin pag-uwi.
After kumain ng chicken w/ spaghetti sauce este chicken fillet italiana haha gora na sa third floor.Before pala ako kumain sa Mcdo (medyo nagiguilty ang popster heart ko dahil tinraydor ko si Jolibee haha), naglibot muna saglit para humanap ng Yes mag. Unfortunately, waley. Puro pagmumukha ng mga Agoncillos ang nakabungad dun.haha).
So yun na nga, gora na sa third floor. Konting pabebe muna, kunwari di ako manonood kundi maniningin lang ng movie schedule.haha. Pagpunta ko sa ticket booth, di lang ako na-surprise kundi na-schock pa. May pila na! pero ang ikina-shock ko, puro senior citizens sila. So pumila na ako, and pa-cute na pinicturan ang linya para may resibo haha. While waiting, may napansin ako. May chinecheck si manong guard sa mga nakapila.Nakatingin lang ako habang mabagal na pinoprocess ng utak ko ang nakikita ko haha. Nung 100% finish na, narealize ko na nakapila pala ako sa senior citizen’s lane! haha shunga lang. So hugot ako ng cellphone, kunwari nagtetext, umarteng may hinihintay at pabebeng umalis sa pila.haha. Ikot ako sa kabila at nakita ang isang linya ng mga bagets. Mas maiksi sya kumpara sa linya ng mga nakatatanda.Nakahinga ako ng maluwag dahil sa wakas may kahenerasyon naman pala akong makakasama haha.
Pagpasok ko sa loob, punta muna ng restroom. And pati sa cr puro seniors haha. Nakikipagtsikahan sila kay lady guard about iyam. Sabi ni lady guard, “kahapon (Sunday) at nung sabado, ang dami.Standing na at nagdagdag ng silya. Galak na galak naman ang tenga ko sa narinig ko haha.
So pasok na ako sa loob. Nagulat na naman ako. Halos papuno na ang balcony (btw, 2 cinemas ang Iyam dun kahapon.at wala na ang dukot) At na-shock na naman ako. karamihan ay mga lola! haha. di ko sila kinaya. ang aaga nila.haha
And nag-start na nga ang movie. since konti lang ang bagets dun, wala halos tilian o malalakas na tawanan.kung meron man, ay parang mga bubuyog lang haha. And besides, may representative na kami. May isang bakla kasi dun na bukod tanging sobrang lakas tumili at tumawa.haha. Sa twing mag-rereact sya, parang lahat ng nanonood napapalingon sa kanya haha.
At natapos na nga ang movie..Dahil di pa naman puno ang sinehan, pwedeng di muna umalis at manood ulit so grab the opportunity ako para sulit na sulit naman ang nilakbay ko haha. Pero majority ng kasama kong nanood sa 1st screening ay nag-sialisan na. siguro mga 30 lang kaming natira haha. That’s why I was surprised na nung nag-start ang 2nd screening (2pm) ay puno na sa balcony at before pa matapos ang 2nd screening ay 80% full na ang sinehan (to think na Monday yun). Wala akong pinalampas na sarah movies (at first week din ako lagi nag-wawatch so may mapagkukumparahan ako base sa experience .and masasabi ko talaga na hit ang Iyam na parang mga sarah-jlc movies).
Paglabas ko ng sinehan, na-shock na naman ako dahil ang dami pa ring senior citizens na pumapasok. At maiingay sila haha. Dito ko napatunayan kung ganu kalakas sa mga seniors ang Aldub. akala ko tsismis lang eh.charot.haha…hanggang ngayon di pa rin ako maka-move on sa pagka-fan lalo na ng mga lola sa Aldub.haha. Now ko lang talaga na-experience ito haha. (btw, di ko alam kung senior citizen’s day ba kahapon sa Cavite or dasma at kung free ba panonood nila or may discount pero yung effort pa lang na pinakita nila, sobrang napahanga na ako.)
Movie review
I didn’t like the teasers especially the second one. Yung full trailer was…pwede na—mukha na naman siyang movie.haha. Matino na naman unlike sa karamihan ng Gma movies. pero iba pa rin sa majority ng gawang star cinema hehe. For me, two reasons lang ang pwedeng dahilan para panoorin ang movie base sa trailer: if you’re a casual moviegoer, you’ll watch it out of curiosity and if you are a fan, you’ll watch it PORDALAB of Alden and Maine haha.
IYAM is a romantic comedy movie so ineexpect ko talaga ang kilig at tawa na naramdaman ko sa mga Ashlloyd movies (for me kasi when it comes to local romcom, sila ang perfect example).
So the question is naabot ba ang kilig at tawa meter ko? And the answer is YES! Alden and Maine is a perfect romcom tandem. Their chemistry radiates on screen. Ang kilig na naramdaman ko sa kalyeserye ay naramdaman ko rin dito. I’m glad na hindi nawala ang hearthrob Alden but most especially di nawala ang charming Maine dito. I believe kasi na for a romcom team up to be so nakakikilig at nakakatawa, dapat charming ang leading lady hehe. Sila kasi ang gagawa ng mga ka-g@g@han kaya dapat lang na cute pa rin sila at di nakaka-inis haha.
Maine is such a natural charmer. Wala na akong masabi haha.bagay talaga sya kanya ang romcom..More improvement na lang pagdating sa drama. Medyo blangko pa ang mga mata niya and there were times na parang antok na antok sya haha..Minsan stiff sya and may mga unnecessary movements..pero promising naman sya. mahusay sya when it comes to confrontation scenes.mas bagay yata sa kanya ang galit. Hahaha
Alden as a dramatic actor, no doubt mahusay sya. Sila lang ni Jlc ang nakikita kong pwede sa drama, pwede sa comedy.
Mahuhusay din ang supporting casts. Ngayon lang yata ako natawa kay kakai bautista haha.Madalas kasi naririndi lang ako sa kanya.haha. With cai cortez naman, sa here comes the bride ko pa lang sya napapanood at ang lagi kong naaalala sa kanya doon ay yung SPG scene nila ni john lapuz.haha. Pero natawa ako sa kanya dito.Mahusay ang pag-deliver nya ng mga linya ng kanta.haha..pero pinamahusay sa lahat si Jerald napoles.presence pa lang niya, natawa na ang lahat.haha.
on the other hand, wala pa ring kupas si Mrs. Magtalas este ms. Irma idlawan pagdating sa drama. ganundin si jasmine.
medyo nega to.bahala kayo haha
About the story, for some, this is not a typical love story. Aside siguro sa kakaibang twist sa bandang ending, for me wala namang bago hehe. And speaking of that “twist”, I actually hope na sana wala na lang yun. Somehow agree ako kay Phil. Sana the movie remains “cute” na lang until the end and naging true na lang sa concept and genre nung movie. Parang it ruins the “good vibes” of the movie. not naman literal dahil ang “tragic” noon haha pero I don’t know, cringeworthy talaga para skin nung nangyari yun.haha
There are also scenes or dialogues na napa-huh? na lang ako. Parang unnecessary yung “hugot” na yun. Ang lalim ng hinukay ni Gara dun haha.
I don’t know if it is the lack of musical scoring pero ang bland ng dating sakin ng eksena nina Gara, Andrew at Clarissa. Wala akong naramdamang kahit ano dun kahit ang intense ng acting ni Maine dun haha.maganda naman ang delivery niya pero parang may kulang sa mismong eksena. And parang pwersado ang dating.
But overall, maganda naman ang movie.Ang ganda ng cinematography. The first 1 hour and 30 mins of the movie is engaging and entertaining. Nakakatawa ang selfime scene, tsismisan at suicide kuno scene at car scene. Sa last part, ending lang talaga nagustuhan ko haha. nakakatawa ang closing credit haha
Pero basta ang masasabi ko na lang, Alden and Maine’s chemistry is undeniable. Yun pa lang sapat na.haha
Kung deserve bang ulit ulitin? Yes of course.
My ratings: 3/5 stars