watch now

Author Topic: Latest Showbiz Update (Thread 39)  (Read 101326 times)

twelvth_goddess

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 39)
« Reply #60 on: October 25, 2015, 11:26:35 am »
I am a self confessed Aldub fan and I agree na it's now a challenge (at least for EB) on where to go next. Kase yung dalawa, I'm sure may patutunguhan na kase they already have followers plus their projects (both individually and together). So tignan natin pano ma-sustain ng EB after this giant step. And honestly naman, hinde naman talaga forever ang kilig. Kahit sa real life wala nyan. I'm sure they have enough senses to know that naman but they're just banking on what's in demand right now. People still underestimate the power of delayed gratification kase. Anyway, I won't talk about them so much here kase may thread naman sila ;)

So anyway, preggy pala talaga si Beauty Gonzales. Saw her photo sa FP. Baby Daddy ba yung parang mejo may edad na? Her career is just starting to take off pa naman.
« Last Edit: October 25, 2015, 11:30:25 am by twelvth_goddess »

shygirlme

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 39)
« Reply #61 on: October 25, 2015, 01:48:53 pm »
^yes yun yung father. Re: kris movie. Nabasa ko tuloy pa din. With jodi and ian.

manhattanite

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 39)
« Reply #62 on: October 25, 2015, 10:43:40 pm »
Sana kasi hayaan na lang ang kanya-kanyang fandom and wag na ikumpara. Ang numbers nagma-matter yan sa bottom line ng networks and companies na kumukuha sa artista as endorsers, pero tayo as fans, affected ba ang paghanga natin sa kanila by how many likes or tweets they get on social media or how easily then can fill up a venue? I am a diehard JaDine fan and I love them because of their talents and chemistry, not because of their stats. I wish people would stop pitting these LTs against each other, lalo na dito sa GT.

mysterioza_me

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 39)
« Reply #63 on: October 25, 2015, 11:52:13 pm »
^sadyang iba't-iba ang taste ng fans sa mga gusto nila idolohin kaya let them be kung saan sila masaya. Wala na lang mambabash or siraan. For all we know friends naman sa tunay na buhay itong mga artista na ito tapos ang mga fans nagbabangayan para ipagtanggol idols nila to think na wala naman issue talaga. Kung may issue man most likely fans din may gawa.

--------

sayang naman si Beauty kung kelan naman leading lady na siya at hindi lang basta bestfriend ng leading lady ang role.

manhattanite

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 39)
« Reply #64 on: October 26, 2015, 01:34:09 am »
^Yeah, that was my point.

SnowBall

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 39)
« Reply #65 on: October 26, 2015, 08:59:04 am »
RE: ALDUB

as a fan, ako may reality check ako na hindi naman habang panahon ang loveteam nila. Tanggap ko yan. Kasi lahat naman nagbabago through time.. Kahit ang mga old loveteams pa sina Vilma at Bobot Mortiz, Guy and Pip, John Lloyd and Bea.. Wala naman talagang nagtagal habang buhay hindi ba?

Kahit nga sina Dingdong at Marian na kahit nagkatuluyan in real life eh hindi habang panahon eh kikiligin ang tao sa kanilang dalawa. Kaya sana maging realistic din tayo sa Aldub, gaya din sila ng ibang loveteam, gaya din sila ng ibang artista na darating ang time na mag fa fade ang kanilang kinang. That's how it is.

Pero right now, I enjoy ko na lang ang bawat moment kasi talaga namang napapasaya kami ng Aldub sa bahay.


Ang gusto ko lang sa Aldub, sa ngayon ha. Wala pang mga nega news about them, wala pang mga nega attitudes na pwedeng ibato sa kanila. Pure na pure pa silang dalawa. And sana they'll stay that way. Yung walang ere, walang yabang. Puro kagandahang asal lang.

Kasi let's face it, ang Kathniel naging nega sila kasi pati ba naman nanay ni Kathryn Bernardo eh nagyayabang na ginagaya daw sila ng JADINE.

Kaya mahirap talaga ang maging mapagmataas, kasi hindi mo alam kung hanggang kelan ang fame na tinatamasa sa ngayon.

Kaya sana ang ALDUB, manatiling nakatapak sa lupa, pati na ang mga nakapaligid sa kanila.

________________________________




RE: Beauty Gonzales

nakakapanghinayang din talaga na ngayon pa siya nagbuntis kung kelan naman maganda ang career...pero it's her choice, so... happy pregnancy Beauty.


_________________________________-


RE: Vice Ganda / Showtime


Ngayon ko lang napanood yung video, and ewan ko ha.. napa plastikan ako kay Vice. Parang ginawa lang niya yang speech na yan to pacify the people na nagalit sa kanya. Mas maganda kasi na nakita sa gawa na lang yung mga sinabi niya, kesa naman nagsalita pa siya ng ganun, eh hindi naman makita sa gawa.

He could have just congratulated EB, dapat period na.. pero para magkwento kwento pa siya na siya daw eh walang sama ng loob.. at wala siyang balak talunin ang EB.. kung babalikan mo kasi ang mga tweets niya at actions, hindi totoo ang mga sinabi niya.



________________________



RE: Joey De Leon


Hindi ko din talaga siya gusto.. bastos na bastos ako sa kanya, lalo na nung binastos niya si Patricia dati nung sumayaw si Patricia at hinalikan pa niya, galit na galit ako sa kanya.

Siya din ang panira sa EB, I agree.
« Last Edit: October 26, 2015, 09:01:14 am by SnowBall »

impeached

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 39)
« Reply #66 on: October 26, 2015, 09:42:53 am »
 I do know that VG was a big EB fan before he made it big. Kasi I read before they were placed sa noontime block na ang ayaw daw nya dun sa move dahil hindi na nya mapapanood yung Sugod Bahay. Hehe.

But to say that hindi sila nakikipagcompete, e, well, that's a big piece of cr@p. Hehe.


scruffs

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 39)
« Reply #67 on: October 26, 2015, 04:22:53 pm »
Super agree Sis Snowball and impeached about kay VG.

Yung kay Vice na yan, maniwala kayo na hindi nila ni-try na talunin ang EB. May napanood ako parang kinompare yung mga sinasabi niya ngayon sa mga parinig-parinig niya dati. I mean kaya lang siya ganon ngayon kasi nga dahil sa Aldub Phenomenon, pero kung wala bang Aldub may mga ganyan ba yang speech? Come on! Dami drama, ang EB nung time na napapantayan or nasasapawan sila ng ST, walang ganyan, tuloy lang sila... well iba kay JDL, I mean ayoko siya ilevel kay VG. Pero ngayon, may paawa effect pa siya na anong ineexpect nila sabihin ng tao? 'Ay ang humble naman ng ST.' I mean seriously?!?!? Sorry, not sorry. Dati kung manglait siya, pinagtatawanan mga tao. Kung wala talaga competition katulad ng sinasabi niya bakit pinilit yang Pastillas Girl na yan na walang malay.

I'm an EB baby. Bata pa ako yan na pinanonood sa bahay. Nung mga time na namayagpag ang ST, nanonood din sa bahay ng ST pero hindi nawawala ang EB. Grabe si VG nung hurado days niya. May mga sinasabi pa siya nun na yung mga taga GMA then pause then GMA Cavite kapag daw napunta sa Kapamilya sumisikat, sabay bati kay Toni Gonzaga at Angel Locsin.... San ang yabang niya ngayon?

Sorry po talaga, umiinit dugo ko kay Vice! Haha

books_mags

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 39)
« Reply #68 on: October 26, 2015, 05:18:33 pm »
grabe major issue ang gown na sinuot.  mas malala pa sa national issue kung magalit mga fans.

in my opinion, hindi kasalanan ng stylist yun.  napaka malicious ng nagsasabing sabotage.  siguro gagawin lang niya yun kung gusto niya magalit lahat sa kanya at hindi na siya kunin ulit ng channel 7.  maski madaming friends na taga 2 yan, business is business.  gugustuhin mo bang malugi business mo for your friends?

twelvth_goddess

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 39)
« Reply #69 on: October 26, 2015, 05:33:19 pm »
Mejo OA nga yung issue sa gown. But I think ang isang nag fuel don was when it was said na 2015 collection sya eh nung 2013 pa lang nag appear na. Might have been a typo, I dont know pero may mga nega na tao na gagamitin yan to make an issue. Hay naku, mababaw na bagay.

SnowBall

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 39)
« Reply #70 on: October 26, 2015, 06:10:02 pm »
Natawa nga ako sa isang tweet na nabasa ko saying like:

"Issue agad ang gown? Gown po yan hindi panty".


hahahahaha


ahh basta, ke kelan pa ang gown na yan, or ke suot pa yan dati ni Lola Basyang noong panahon ng kopong kopong.. MAGANDANG MAGANDA si Maine. Yun lang!

Vans

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 39)
« Reply #71 on: October 26, 2015, 06:12:55 pm »
Yun speech ni Vice, magandang pakinggan as is. Pero sa daming parinig ni Vice at gimik ng abs few weeks ago, maniniwala pa kayo sa sinabi nya? It was an obvious move to gain sympathy.
Yun issue na nag tweet sya ng How much is that doggie in the window, ayun tinalo sila ng scooby doo sa ratings last saturday.
« Last Edit: October 26, 2015, 10:05:24 pm by Vans »

SnowBall

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 39)
« Reply #72 on: October 26, 2015, 07:05:27 pm »
^ang daming videos ngayon sa youtube, na hinihimay himay ang mga sinabi ni Vice na "mapagkumbaba" last saturday, versus sa Vice na mayabang.. Lahat ng parinig niya noon, at lahat ng sinabi niyang masasama against EB at GMA binalik tuloy ngayon.. Kesa sa nakalimutan na ng mga tao, lalo pa tuloy naalala.


Antigone

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 39)
« Reply #73 on: October 26, 2015, 07:07:56 pm »
Baka dapat magconcede si Vice kay ScoobyDoo.

quennna

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 39)
« Reply #74 on: October 26, 2015, 07:58:31 pm »
Ang dalas na magkalye serye sa bayan ko sa pasig...
Di na sya nahahalata kasi di ba di na nilalagay sa screen kung saan sila..
At alam na kung baket...
Tatakbong city councilor si vico sotto, anak ni vic kay coney
(ang tangkad nya ha at haba din baba hehe)

mysterioza_me

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 39)
« Reply #75 on: October 26, 2015, 09:30:42 pm »
Nabasa ko yang issue sa gown na kesyo recycled daw kasi nasuot na ni Kim Chu. Napakawalang-kwenta ng issue kasi maski naman mga Hollywood actresses nagsusuotan ng gown/damit. May paandar pa nga na "who wore it best?"

--------
For me, tama na sana na nag-apologize si VG pero sana di niya sinabi na hindi sila nakikipagcompete. Napaka-inconsistent ng statement na yun dun sa mga nakaraan na sinabi niya

joiego

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 39)
« Reply #76 on: October 26, 2015, 09:49:13 pm »
Agree with everyone re VG. Sobrang kaplastikan yung speech niya, kailangan talaga may ganon. Bakit hindi nalang basta mag show kung hindi naman pala kayo nakiki compete. Yun Eat Bulaga kahit may times na nauungusan sila ng APO, MTB, Showtime, never sila nagpaawa effect.

martiella

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 39)
« Reply #77 on: October 26, 2015, 10:20:25 pm »
Ang yabang kase ni VG before kung makapaglait ng tao. Ayan tuloy dami lumalabas na video nya.

chinkywinky

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 39)
« Reply #78 on: October 26, 2015, 10:23:08 pm »
Wala naman na kasi magagawa ang ST kundi sumurender na lang and that's the strategy, to gain sympathy na lang. They did try na tapatan ang EB wag nga silang plastik, di na lang talaga nila kinaya  ;D

Miss Taken

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 39)
« Reply #79 on: October 27, 2015, 12:14:10 am »
Ang dalas na magkalye serye sa bayan ko sa pasig...
Di na sya nahahalata kasi di ba di na nilalagay sa screen kung saan sila..
At alam na kung baket...
Tatakbong city councilor si vico sotto, anak ni vic kay coney
(ang tangkad nya ha at haba din baba hehe)
Ay kaya naman pala madalas binabanggit ngayon si Vico. Kanina nasali ulit siya sa usapan ni Jose lol

***

Tuloy na pala ang reunion movie ni Piolo Pascual and Claudine Barretto kay Direk Wenn.

Kaso parang hindi na sila bagay...

 

Latest Stories

Load More Stories
Close