watch now

Author Topic: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE)  (Read 58002 times)

PINKAHOLIC

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE)
« Reply #500 on: January 23, 2016, 03:11:01 am »
@littlekinsel, sobra nga nangyari sa cabanatuan nun. Kami tagadito sa aduas, malapit kila golem yung shortcut sa tulay ng valdefuente. Tinangay mga ibang bahay as in wash out. Kami naman, near na sa salitang "wasak". Di pwede di magbuhat sis kasi wala kami gripo, poso lang talaga. Gamit na yun ng buong compound kaya nasa labas. Sa pjg naman sis o kahit sa city hospital libre nga pero di rin chine-checkup pag walang laboratory. Salamat narin sa advice sis. Kaya natin to.

@sis fionapple, wala ako philhealth sis e may bayad ata dun baka di namin kayanin kasi madami din gastos tulad ng gasul, kuryente, gatas, diaper, pangkain sa araw araw. Pero naisip ko na sana manganak ako bago botohan baka sakali makahingi ng tulong sa mga kakandidato. Puro relief goods nga lang nakain ko e sardinas, corned beef, payless kaya naisipan ko magtanim ng malunggay at kamote para malagyan yung sardinas o noodles tapos umiinom na rin ako ng madaming tubig. Salamat sis sa advice. Pag pray mo kami ni baby ha.

PINKAHOLIC

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE)
« Reply #501 on: January 23, 2016, 03:20:01 am »
@WANTSTOBEAMOM, i feel bad about myself din. Super depress na ko. Until now mag 4 am na di parin ako makatulog ang gulo 2x ng utak ko. Gusto ko mag work pero alam ko wala na tatanggap sakin ngayon. Sa public hospital, pwede magparecord tapos pipila, tapos bp, weight, then pila ulit para sa heartbeat, checkup ng doctor, pero bago ka checkupin titignan record mo, pag walang nakalakip na mga laboratory, bibigyan ka ng kapirasong papel at nakasulat dun mga dapat mo ipa laboratory at may mga bayad na yun kaya di rin talaga ako pwede pumila sa heartbeat at checkup. Ganun kalakaran nila. Pero alam ko kaya ko to. Di habambuhay ganito kami. Okay naman kami dati e nakapagpa lab nga ako sa panganay ko. Pero simula ng nabaha kami twice, natanggal sa work si mister at mapapaalis kami dito sa lupa na kinakatayuan ng bahay, wala na super broke na. Pag minalas nga naman sunud sunod. Kaya nga nakakainggit mga nagpo post dito na nabibili nila lahat para sa babies nila tapos complete checkup pa.

yajale_22

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE)
« Reply #502 on: January 23, 2016, 02:28:21 pm »
Oo nga mga sis, tinake ko pa rin yung antibiotics inisip ko na lang alam naman ng doc yung makakabuti sa amin ni baby. Hindi kase sya ang ob ko talaga eh, emergency kase nung nagspotting ako eh wala yung ob ko talaga next week pa ang balik. Medyo nahihilo nga ako siguro sa anti biotics and pangpakapit eto lang naman ang bago sa routine ko. Parehong 3x a day tapos yung anti biotics 500mg.  Pwede kaya ako magpapalit ng gamot? Ayoko yung feeling na nahihilo ako ng ganito eh.

@fionapple - oo sis ahead pala ako sayo.

Gusto ko sana pumunta sa baby fair na yan kaso ang layo sakin, bed rest pa ko.

coco_cola

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE)
« Reply #503 on: January 23, 2016, 04:01:39 pm »
^Sis, don't do anything to change your medicine, it might not be effective and baka bumalik lang infection and you might be asked for another round of antibiotics. Maski naman hindi yan yung OB mo, OB pa rin siya and she knows. May mga antibiotics na safe for pregnancy and 2nd trimester na rin naman na

If may hesitations ka, why don't you text/call your OB and inform her about it.

I assume its for your UTI right? Nag spot ka ba kaya ka binedrest?
« Last Edit: January 23, 2016, 04:48:55 pm by coco_cola »

yajale_22

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE)
« Reply #504 on: January 25, 2016, 09:24:59 pm »
Yes sis nag spotting ako Kaya ko rin nalaman na may uti ako kase I don't feel anything talaga di ako hirap umihi and walang masakit sakin..Medyo nakapag adjust na yung katawan ko sa antibiotics though minsan hilo pa rin or may headache. Sana wag na maextend ang antibiotics macure na sana agad

Ireneeeeee

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE)
« Reply #505 on: January 27, 2016, 11:53:27 am »
currently 27 weeks already :) everything's going well naman kaya lang was recently diagnosed with gestational diabetes during my 26th week! ang dami gagawin.. ang daming gastos. :< need to monitor my blood sugar 4x a day and watch what I eat because I was given a meal plan. Pero kayang kaya naman kakareerin ko ito para hindi ako mag insulin. Anything for baby 3 months to go awa ni Lord :D

kaya mga preggy sis ingat sa sweets and carbs!

coco_cola

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE)
« Reply #506 on: January 27, 2016, 01:30:24 pm »
^Bakit sis, were you eating a lot of sweets ba?

I'll be having my glucose test in two weeks time.

simang

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE)
« Reply #507 on: January 27, 2016, 01:46:56 pm »
Kinabahan naman ako, I'm also scheduled for glucose test in 2 weeks. Although lately hindi naman ako masyadong mahilig sa sweets, but matakaw ako sa kanin ngayon. Lol. May family history din kami ng diabetes -_- My friend who was diagnosed GDM first trimester pa lang, nag-iinsulin na sya ngayon, she's 29 weeks na.

fionaapple

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE)
« Reply #508 on: January 27, 2016, 02:14:50 pm »
^nagka spotting ako kanina so i went to my OB. Good thing i was with my mom kaya nadala niya agad ako sa ospital. Sumunod na lang husband ko dun who was at work.

Advised to rest muna ako. Sa monday pa ako pwede pumasok sa work. Pagdating sa ospital nawala naman agad spotting. Medyo na relieve ako. Advised to take duvadilan 4x a day fpr a week.

Di naman bed rest ang instruction pero basta kelangan ng pahinga.

Natanong na rin namin sa OB kung magkano ang gagastusin sa panganganak. 25k net of philhealth for NSD and 50k net of philhealth for CS. All jn na yun kasama na mga PF ng mga doctors. Except siguro kung may complications.
« Last Edit: January 27, 2016, 02:18:44 pm by fionaapple »

coco_cola

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE)
« Reply #509 on: January 27, 2016, 02:48:14 pm »
^Rest well sis!

What's the cause of spotting daw?

fionaapple

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE)
« Reply #510 on: January 27, 2016, 02:53:33 pm »
^my OB said maybe stress lang. Wala na kasi ibang cause dahil ok naman ultrasound ko and everything. Even yung UTI ko wala na. Ok rin naman position ng placenta ko. Normal naman heartbeat ng baby ko.

Thank you coco_cola!

_ilovepink_

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE)
« Reply #511 on: January 27, 2016, 07:10:37 pm »
Me too! scheduled for glucose test and CAS this Friday. I am praying and hoping na okay ang magiging results. Nakakaworry :( antakaw ko pa naman lalo na sa kanin. Di ko talaga kaya walang kanin sa diet ko, kaya I gained so much weight (pre was 115 - currently at 147). Pero di naman sa sweets. Hoping for good results.

Healthy pregnancy mga sis! :)

yajale_22

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE)
« Reply #512 on: January 28, 2016, 04:14:03 am »
Si baby ko di masyadong active lately. Before halos di ako patulugin kakagalaw ngayon very minimal ang movements nya and mahina. Sabi ng sis in law ko normal daw yun may times na di talaga Sila active. Kaso nakakaworry din. Sa Monday pa next visit ko sa ob.

Ireneeeeee

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE)
« Reply #513 on: January 28, 2016, 02:53:32 pm »
^Bakit sis, were you eating a lot of sweets ba?

I'll be having my glucose test in two weeks time.

I can say hindi naman ganun kadami but more frequent than when i wasn't preggy yet. Nagccrave ako sa shake and fruit juices.. Then pancakes lagi breakky sa umaga lol. Sarap lalo na may syrup and butter and minsan toasted bread with butter and sugar. Rice 1 cup per meal lang naman brown rice with quinoa pa nga lagi eh.. Then chocolates paminsan and lagi ako may hot choco sa morning.. Ice cream one cup lang naman and hindi everyday. Basta feeling ko moderation pa rin naman but ayun bagsak sa OGTT 100mg. hehe. So far I'm meeting my blood sugar target naman sinusunod din ang meal plan na gawa ng dietician kasi ayoko mauwi sa pagiinsulin medyo inconvenient and mas magastos pati.. Pero kahit ngayon dahil nadiagnose na ako GD considered high risk na ako then need uli mag OGTT 6 to 12 weeks after pregnancy and more frequent ang ultrasound and need pa mag Non Stress Test (NST) next visit ko with the UTZ..feb 13 nga yun e. Excited rin to see baby uli kasi tagal na nun last ko sya nakita :)

Si baby ko di masyadong active lately. Before halos di ako patulugin kakagalaw ngayon very minimal ang movements nya and mahina. Sabi ng sis in law ko normal daw yun may times na di talaga Sila active. Kaso nakakaworry din. Sa Monday pa next visit ko sa ob.


dont worry sis nabasa ko kasi lumalaki na si baby kaya medyo cramped na yun gagalawan nya and nadedevelop na ang brain kaya mas coordinated na movements nya and less frequent nga ang paggalaw. Pero sabi ni OB dapat daw after kumain bibilangin kung makakasampung movements si baby kasi yun daw normal :)
« Last Edit: January 28, 2016, 03:24:41 pm by Ireneeeeee »

yajale_22

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE)
« Reply #514 on: January 28, 2016, 06:52:48 pm »
Oo nga daw sis. Nanibago lang siguro ako na biglang di na sya masyado active. Nagantibiotics din kase ako due to uti and I thought baka dahil dun. Hay..paranoia of a first time mom! Hehe BTW, bakit yung glucose test nyo 100mg yung akin 75mg lang? Ok naman daw result nung akin Kala ko nga din mataas kase napasarap kain ko ng sweets nung holidays eh. Awa naman ng Diyos ok naman. Kaso medyo malakas ako sa kanin ngayon saka sa sweets baka magkaroon naman ako 30 weeks na kame ni baby bukas. Hirap magdiet!

au_chic

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE)
« Reply #515 on: January 28, 2016, 07:59:53 pm »
^75mg OGTT is the screening test, while 100mg is the diagnostic (confirmatory) test :)

Wantstobeamom

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE)
« Reply #516 on: January 29, 2016, 12:00:16 am »
Oo nga daw sis. Nanibago lang siguro ako na biglang di na sya masyado active. Nagantibiotics din kase ako due to uti and I thought baka dahil dun. Hay..paranoia of a first time mom! Hehe BTW, bakit yung glucose test nyo 100mg yung akin 75mg lang? Ok naman daw result nung akin Kala ko nga din mataas kase napasarap kain ko ng sweets nung holidays eh. Awa naman ng Diyos ok naman. Kaso medyo malakas ako sa kanin ngayon saka sa sweets baka magkaroon naman ako 30 weeks na kame ni baby bukas. Hirap magdiet!

As what sis @au_chic ^75mg OGTT is the screening test, while 100mg is the diagnostic (confirmatory) test.
Di rin ako pumasa sa screening, I am praying pasado ako sa diagnostic. One week ago na yung diagnostic test ko wala pang tawag from my doctor.

PINKAHOLIC

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE)
« Reply #517 on: January 29, 2016, 01:02:20 am »
Napakaswerte ko dahil may isang taong tumulong sakin dito para maprovide yung ultrasound at vitamins isama na ang laboratories. Mga guys may pag asa pa ba umikot pag low lying placenta ako near previa na? Kaya pala super sakit palagi ng puson ko at naninigas na since 17 weeks until now that im 25 weeks. Masyado kasi ako tagtag sa pag iigib. Niresetahan ako ng pampakalma ng matris at pampakapit saka bedrest. May same case po ba dito katulad ng sakin? Sabi ni doktora sa public may pag asa pa naman daw pero monitor ako sa ultrasound monthly. Sinisi pa nya ako gusto ko daw ba mamatay anak ko matagal na daw pala ako may nararamdaman ngayon lang ako pumunta. Halos libo naubos ko ngayon. Ito ang dahilan kung bakit di ako makapagpa checkup dati kasi di talaga namin kaya. Wala naman ina gusto mamatay ang anak. Nasaktan lang ako slight haha :'( kung di lang bawal ma depress umiyak na ko talaga. Sobra salamat talaga sa sis na tumulong sakin. Alam ko ayaw nya pa- mention basta alam mo na kung sino ka po maraming maraming salamat. Utang ko sainyo ang kaligtasan namin ng anak ko. God bless you and your family. And have a safe pregnancy.

coco_cola

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE)
« Reply #518 on: January 29, 2016, 07:23:02 am »
^Hi sis pinkaholic,

Soooo glad at nakapag pa check-up ka!

Hindi tagtag ang dahilan ng placenta previa. Nasa implantation yun at wala talaga tayong control sa location ng placenta. Kaya lang dahil na diagnose ka ng placenta previa, extra ingat lang. Placenta previa ako pero ang restrictions sa akin ay no yoga/exercise. 25 weeks na ko, na diagnose ako mga 3 weeks ago. Dapat sa 30+ weeks pa yung next ultrasound ko but because I want to be active/exercise again starting on my 28th week, I need to get an US/clearance in 3 weeks to check if my placenta has migrated. :)

I was also put on bedrest and duvadillan due to occasional light spotting and since more than 2 weeks na wala, lifted na doc.

My doc wasn't that worried about low lying placenta kasi big chance that it will really migrate. Marami tayo sissies dito na nag move Yung placenta. Check mo sis yung placenta previa thread. :)

I think wala naman symptoms yung placenta previa. Other sissies here were able to enjoy an uncomplicated pregnancy even may placenta previa. Pero kung nagpapagod ka all the time, maninigas talaga tiyan mo and you might be experiencing contractions. Follow doctor's orders and rest well. 

Healthy pregnancy to all!

« Last Edit: January 29, 2016, 07:25:33 am by coco_cola »

Ireneeeeee

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE)
« Reply #519 on: January 29, 2016, 02:22:30 pm »
naku rest well sis pinkaholic. wag ka muna mag iigib! lalo ngayon medyo sensitive situation mo. Kudos to the sissy who helped you nakakainspire ang community na ito knowing marami pa rin sissies natin may big heart to help out :)


 

Latest Stories

Load More Stories
Close