watch now

Author Topic: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE)  (Read 58109 times)

coco_cola

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE)
« Reply #460 on: January 19, 2016, 11:57:33 am »
^Ako lista lista lang muna ako now ng stuff and preferred brand. Plan to buy big items online (Amazon). Siguro I'll put them in cart soon. On my 30th week ko na sila purchase. 😀

cescilay

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE)
« Reply #461 on: January 19, 2016, 01:52:31 pm »
I currently have 12 CDs. Naka-avail ako nung Christmas sale sa ThriftyMamaShoppe at CheekyBebeShop. I got three pieces for each:
Alva pockets
Alva cover
Baby Land
Naughty Baby

I would like to try first kung saan hiyang si baby then dagdagan na lang ang brand/type na suitable sa amin.

- I started buying baby stuff around 4 months tummy ko. Excited lang? hehe! May anniversary sale kasi noon ang avent. Sayang din ang 30% discount. So far I only got one avent natural bottle, 1 first years bottle (planning to breastfeed so two na lang muna), wash cloths, 2 hooded blankets and CDs. I may no longer need to buy newborn clothes kasi we will be given hand-me-downs from my nephews.

au_chic

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE)
« Reply #462 on: January 19, 2016, 03:20:19 pm »
^OMG sis! Pareho tayo excited sa cloth diapers ^_^ Meron na kong 24 pieces!
- Flip covers
- Alva
- Naughty Baby
- Babyland
- Bumgenius (1 lang, mahal e)
- Hybrid Fitteds (3 lang)
Plus Zorb, Hemp, Bamboo inserts  :o

Madali lang ang cloth diapers if you have an automatic washing machine. It's a LOT cheaper to use than disposables too!

I'd rather spend 5-10k(until potty training) for cloth diapers than 30-60k pesos(per year) on disposables that would end up as garbage lang :(

Ayoko na rin mag-contribute sa garbage ng mundo (it takes 200+ years for a diaper to degrade)  :-[
« Last Edit: January 19, 2016, 03:31:17 pm by au_chic »

gem_08

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE)
« Reply #463 on: January 19, 2016, 03:37:15 pm »
@i_am_zayda, ang sabi ng friend ko may holding period daw usually ang bagong pinapatupad na law. Mga around 90days daw ata. So in effect para macover siguro ang month ng May onwards na manganganak, dapat mapirmahan na agad yan.

Aw ganun ba sis, sayang di rin pala ako aabutin kasi April ang EDD ko. Since last year ko pa nga to inaabangan and natuwa ako when I heard sa news earlier na for signature nalang ni pnoy. Di ko rin pala magagamit kung ganun.

cescilay

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE)
« Reply #464 on: January 19, 2016, 05:25:20 pm »
@au_chic Kaka-tempt nga each time may makita akong sale/promo or if may magagandang prints. But I'm sticking to what I said na stop na muna. Dagdag na lang ako if nakalabas na si baby.

One reason din namin why we prefer CD is because of garbage. Good thing my husband is nature-lover so supportive siya sa CD.

miyay

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE)
« Reply #465 on: January 19, 2016, 10:42:44 pm »
Been CDing my eldest for 2 years na.  Atleast 20k na savings ko compared to just using DDs.  I still use DDs at night and when going out.

For this baby, same pa rin pattern.  2 weeks disposables then CD na.  Di na rin ako bibili ng bagong CDs coz mga 4 CDs nalang si ate a day and 25 pcs. of CD stash ko.  Bongga talaga ang savings and also helpful to the environment 😀

littlekinselle

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE)
« Reply #466 on: January 20, 2016, 09:21:19 am »
Wow pinag iisipian ko din sana mag cloth diapers, san ba kayo bumili ng cloth diapers?... 😋 lampin ba bumili din kayo? 

Ano ano ba dapat bilin before manganak kasi ako damit pa lang nabbili ko. 😕 20 weeks na si baby. 😊 plano ko by 7 months nakabili na ako ng need ng baby ko. 

fionaapple

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE)
« Reply #467 on: January 20, 2016, 10:39:54 am »
^planning to use Next9 cloth diapers for my baby. Filipino cloth diaper brand siya. 24 weeks and 6 days na si baby.

eklea123

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE)
« Reply #468 on: January 20, 2016, 11:30:28 am »
- hopefully nga maging okay na ang 100 days mat leave.

- disposable and cloth diapers, i don't have any pa. Dapat ba nag iipon na ako ng mga gamit? kasi kahit isa wala pa ako, as in waley pa talaga. By 6 months pa sana or later pa kami mamimili ni Hubby. What should be our first step on completing our baby bag? Nag start na din naman ako mag check ng mga baby things, hindi palang bumibili. And also nag checheck din ako ng mga essentials sa tingin ko like medela freeway breast pump, etc.

Thanks mga sis ;)

sis ok lang yun 6 months kana start magipon pero ako kasi before 6 months nagcacanvass nako and we started looking around para maibudget mga bibilhin. yung Cloth diaper kasi medyo pricey kaya mas maganda unti untiin and kasi kailangan mo din tingnan mga quality if gusto mo of if ok kay baby.

sa breastpump- i'll buy when he turns 6 weeks na siguro or hand express muna ko since plan ko naman iexclusive breastfeed siya.

au_chic

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE)
« Reply #469 on: January 20, 2016, 02:55:44 pm »
For mommies interested in Cloth Diapers, maraming tutorial sa youtube :) You can also join FB groups, ang raming guides sa PINNED POSTS and where to buy different brands locally. Just search :

Modern Cloth Nappying Pinays
Cloth Diaper Addicts PH

 ;D

au_chic

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE)
« Reply #470 on: January 20, 2016, 04:13:09 pm »
Wow pinag iisipian ko din sana mag cloth diapers, san ba kayo bumili ng cloth diapers?... 😋 lampin ba bumili din kayo? 


Sis, for the first few weeks ng newborn, best raw ang lampin (birdseye) plus waterproof diaper covers (120-150 lang each sa Facebook stores like Chipper Online, Cherub's Necessities). Ang cute pa ng mga designs! <3

coco_cola

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE)
« Reply #471 on: January 20, 2016, 04:45:10 pm »
Sis empress, [textspeak!] 2300 rate sa MMC sa akin transabdominal ultrasound. Not sure if pareho sila ng TVS.

PINKAHOLIC

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE)
« Reply #472 on: January 20, 2016, 09:02:09 pm »
Marami kasi masalimuot na nangyari kaya talagang di na ma- carry magpatingin. Nasalanta po kami ng bagyong Lando, lubog ang bahay. Yung mga naipundar kong gamit para sa aking unborn child tinangay lahat. Kasi nung september ng nalaman ko preggy ako paunti unti pag nagkapera bumibili na ko ng gamit nya kasi construction worker lang ang asawa ko iniisip ko baka kung kelan need ko na, wala na pambili. Pero ayun nga natangay pa :( Lagpas bubong ang baha samin, wasak ang dingding sira lahat ng gamit na regalo ng kasal namin. Tapos eto pa mga sis, nag iwan ng makapal na putik ng natuyo ang baha. Mga 10 inches kaya almost 10 days din ako nakatuntong sa putik nun ng naglilinis kami. Kasi wala naman ako katuwang. Late pa umuwi mister ko at na stranded. Tapos ayun medyo natagal sya bumalik sa work nya sa manila kasi nga ginawa pa nya mga sira sa bahay pero pagbalik nya, wala na pala sya trabaho. Nagpaalam naman sana sya. Tapos neto na naman december ng bagyong nonang, nalubog na naman kami... Tapos ng isang araw nalaman pa namin may bibili na ng lupa na kinatitirikan ng bahay kaya binibigyan kami 2 months para umalis.

fionaapple

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE)
« Reply #473 on: January 20, 2016, 09:20:14 pm »
^re checkup, reiterate ko lang pinkaholic na merong libreng checkup sa mga health centers.  Malaking tulong kung meron kang Philhealth. Kasi pwedeng masagot ng Philhealth ang gastos mo sa childbirth/delivery.

PINKAHOLIC

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE)
« Reply #474 on: January 20, 2016, 11:29:13 pm »
Ginagawa ko naman lahat sis. Na disappoint ako nung nagpunta sa barangay last month. Di man lang ako kinuhanan ng bp, tapos advice lang re do and donts. Tapos nanghingi ako ferrous pero 10pcs lang binigay sakin tapos yung kakilala ko na may kamag anak sa barangay e good for 1 month. Sabi pa ng BHW, ako na daw bumili pag naubos yung 10pcs. Parang masama pa loob na nagbigay. Tapos ayun di na kumibo, nun pala tapos na checkup ko na yun, ganun ganun lang. Kaharap mo pa yung donation box na nakakahiya pag di ka nagbigay. Ginagawa ko naman lahat mga sis eh kahit wala ako vitamins o checkup gumagawa ako paraan para maging healthy si baby, nakiki extra ko gatas sa panganay ko at nagtanim na din ako ng malunggay at talbos ng kamote sa bakuran para kahit sardinas malalagyan ko ng gulay. Yun nga lang pansin ko, as early as 3 months naninigas na puson ko tapos namamaga narin si pempem.

Wantstobeamom

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE)
« Reply #475 on: January 21, 2016, 02:23:00 am »
Hi mga sis... share ko lang etong news na eto:

"The Senate on Monday approved on third and final reading a bill seeking to increase to 100 days the maternity leave for female employees in the public and private sectors regardless of the mode of delivery." - See more at: http://www.gmanetwork.com/news/story/551723/news/nation/100-day-maternity-leave-gets-senate-ok#sthash.DJ0Hf766.dpuf

sana ma-pirmahan na eto bago tayo mag-file ng ating maternity leave...

This would be great for mommies satin.  Dito naman we are waiting na ma approve ang additional 6 months mat leave so 18 months na lahat.  Ang saya nun :)

eklea123

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE)
« Reply #476 on: January 21, 2016, 10:22:24 am »
^^ sis pinkaholic, i feel sorry for you yung mga pinagdaanan niyo. mahirap malubog sa baha at maglinis after naranasan kona yan. san ba location mo? manila ba yan. gusto ko makatulong pero diko alam pano. nafefeel mona ba gumagalaw baby mo now? keep praying ah..

try mo lipat ibang health centers kaya? hindi ko alam if pwede

coco_cola

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE)
« Reply #477 on: January 21, 2016, 11:11:56 am »
Sis pinkaholic,

I hope makahanap ka ng clinic. For the meantime, drink lotsa water and everytime manigas tiyan mo rest, try lying on your left side. Since di monitored yung pregnancy mo, I hope you're not tiring yourself or doing strenuous stuff. Rest always.

God bless!
« Last Edit: January 21, 2016, 12:20:55 pm by coco_cola »

PINKAHOLIC

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE)
« Reply #478 on: January 21, 2016, 12:20:11 pm »
@sis EKLEA123, Taga cabanatuan city po ako, sa aduas medyo liblib at katabi lang ng valdefuente bridge kaya ganun nalang yung baha lagpas tao palagi. Yung sa bagyong Nonang, di naman kami kasama sa signal pero galeeg ko ang baha. Okay lang sis di naman ako nag share para magpaawa. Sobra depress ko lang talaga kasi malapit na i- demolish bahay namin napamahal na sakin to. Saka di ko alam kung san kami pupulutin after. Yun lagi pray ko na sana kapit lang ng matindi si baby.

PINKAHOLIC

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE)
« Reply #479 on: January 21, 2016, 12:29:51 pm »
@sis coca_cola, nag rerest naman ako pag may time pero kadalasan talaga e pagod kasi wala kami gripo. Poso lang gamit namin tapos nasa labas pa kaya talagang nagbubuhat ako sa labas mula dito sa loob. Yung asawa ko luckily may na extra work, construction worker pero hanggang wednesday lang saka 250 lang sahod pero malaking tulong na yun samin. Parehas kasi kami di nakapagtapos. Sya high school graduate lang, ako hanggang 2nd year college. Birthday nga ng panganay ko ngayon lalo ko nape- pressure kasi yung mga kapitbahay sinasabi e wala man lang daw handa kahit sopas? Kawawa naman daw. Ako naman e tipong anong kawawa dun? Mas importante sakin na ilaan ang pera sa gatas nya. Kesa panghanda tapos sila din kakain kasi nga ilang pamilya kami magkakatabi. Bale 7 pamilya kami dito sunung sunong or dikit dikit house iisa dingding. Nagtry na ko pumunta sa ibang barangay, di daw pwede. Dapat daw tagadun ako sakanila. Kung san daw ako barangay belong, dun daw ako pa checkup. Na try ko na din yung libreng checkup sa public hospital pero sa record pala dapat may nakalakip ng mga ultrasound, urinalysis, bcg, etc kaya ng hinanapan ako, tiklop na ko.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close