watch now

Author Topic: I need your help, ASAP!  (Read 4206 times)

kikaygimikera

  • Guest
I need your help, ASAP!
« on: September 28, 2015, 03:14:54 pm »
Hi ladies. Medyo mahaba lang ito kasi need ko opinion niyo regarding my new helper. Sobrang nasstress na kasi ako.

We live in a 5 storey 30 sqm condominium na walang elevator (I dont know why walang elevator, nakakainis!) and nasa 5th floor kami. So burden ngayon mag akyat baba ako given na turning 33 weeks ako this week. I am living with my 10 year old son and my husband.

My MIL gave us a 39 year old helper who started Sept 15. She said she graduated sa elementary level lang, previous work tumagal ng 5 years, receiving 1,500 as a monthly salary. No increase. Walang asawa, anak or boyfriend. She does not use cellphones, if given one, marunong lang mag call and doesn't know how to use text messaging services.

Ang usapan ng MIL ko dun sa agent na first month she will be receiving 3,000 php and succeeding months 3,500.00

When she started, napansin ko okay siya sa linis, laba, plantsa. The usual naman na you need to orient her, paano gamitin ang appliances, anong oras dapat nagigising etc. Sinamahan ko saan ang papuntang bakery, palengke, grocery, banks, tindahan, bilihan ko ng rice, etc. (Inisa isa ko talaga per day kasi ayoko magulo sa utak niya kasi napapansin ko slow siya.) I taught her how to use the automatic washing machine, how to use the kalan (different in every household naman kasi), how to use everything.

For the cooking part, I asked her if she cooks. She always answers "opo mga gulay" So sinasabi ko anong klaseng gulay? I had to ask her multiple times bago niya masabi na mga "gata" ang mga kaya niya. I have a feeling na she does not know or she doesn't want to cook. Ang laging mention niya ay "ang Ate (dating employer) ko po kasi nagluluto dati"

Sa 13 days na nandito siya sa amin ito mga nangyari:

1. Lunch time paglabas ko ng room, she said "Ate kain tayo". Sabi ko "Anong ulam mo?" Sabi niya "Tubig po" then tinignan ko, kanin and tubig nga. Nagtaka ako and medyo na feel bad. Kasi bakit tubig? Ang daming pagkain? I was clear to her that the food inside the ref is open to her and if ayaw niya, there's de-lata etc na cabinet. Tinanong ko "Bakit tubig kinakain mo?" Sabi niya "Ate ganito talaga sa amin pag wala kaming makain." Doon, nafeel bad na ako lalo kasi parang sinasabi mo walang food? Eh andami sa ref. Sinasabi mo ba na I need to cook food for you na fresh every time na breakfast, lunch and dinner? So sinabi ko sa kanya "Ate marami namang pagkain bakit tubig kinain mo?" She just smiled at me and looks like she doesn't know what to say. Hindi ako matigilan mga sis. Buntis eh, so pagbalik namin ng palengke, I asked her to get veggies na she can cook. Hindi umi-imik. Nagpunta kami ng grocery and told her to get the food she usually eats. Kumuha ng sardines, fried danggit and coffee. I told her that the main reason we hired a helper so someone can help out to buy food on my behalf and also kapag emergency cases like --- what if nasa hospital ako? 5 days ako na admit? Tubig ba ang ipakakain niya sa son ko?

2. She woke me up around 7am in the morning (pregnant women have trouble sleeping so kapag naistorbo yung deep sleep, imbyerna talaga), just to ask me how to kabit the hose sa gripo. I asked her to do it infront of me so I can see anong problema sa pag kabit niya ng hose. Syempre napaka simple right? Ikakabit mo lang yung hole sa gripo. Pero hindi niya magawa. She looks like parang duling ka ba not to see the hole kaya di nakakapasok yung hose sa gripo? Ganon na lang kasimple. Then pinakita ko how to do it. Then tinanggal ko ulit. Siya pinagawa ko. Hindi niya magawa. Mga 3 times kaming paulit ulit just to make sure she wont wake me up everytime she will kabit the hose to the faucet.

3. I asked her to include the 4 cover of throw pillow sa laundry. 2 of the covers, nasa gilid ang zipper. The other 2 naman, nasa side ng cloth, yung malapad na side ng pillow, natatakpan lang siya para aesthetically maganda at hindi kita yung zipper. What she did was --tinastas niya sa gilid coz she couldnt find the zipper sa gilid unlike sa unang 2 cover ng throw pillow. This time hindi ako nagalit pero natawa ako. Si hubby naman yung nainis kasi "bakit hindi nagtatanong?" I told the helper she is incharge of sewing it (if she knows how) basta I told her "Ate sinira mo yung cover ng pillow?" She replied "Hindi po lalabahan ko lang po" Sabi ko paano mo yan ibabalik eh sinira mo. Andito yung zipper o". Then I saw her sa bed niya trying to sew the pillow. I kinda felt bad for her.

4. My mom texted me one time to tell my helper to change her damit everyday and use deodorant. I told my mom medyo napapansin ko na nga kaso the fact na pati ba naman yun papansinin ko pa, parang may inaalagaan na akong tatlong anak: my husband, my son and the helper. Then I asked the helper "Ate, tuwing kelan ka nagpapalit ng damit?" She said every two days. Sabi ko if she needs clothes just tell me pero she needs to change her damit every day and use deodorant. She said "Ate hindi po ako talaga gumagamit ng deodorant kasi." I did not want to argue anymore. Ewan ko ba. Ayoko na.

5. Yesterday, I asked her to buy potatoes sa nearby tindahan. Tindahan is closed. I asked her to buy other stuff. Sabi niya Ate sarado yung tindahan kasi. Sabi ko, pwede naman sa ibang tindahan diba? So she went to the palengke nearby din. Hayayay!

6. Today, I asked her to go to National bookstore which is nasa gilid lang ng palengke. Hindi daw niya alam. Sabi ko nasa gilid ng palengke. As in katabi lang. Ayaw daw niya hindi niya alam. This time I had to wake up my husband kasi hindi ko na kinaya. Sabi ko ituro mo lahat. Isa isahin mo, bakery, national bookstore at especially mercury drug. Pati na din how to get a taxi. Paano na lang if Im in labor, my husband is not at home and Im stuck with her?

Hay, marami pang iba. Pero sa 13 days na nakasama ko siya I dont know ha, pero preggy kasi ako mga sis. Hindi ko alam if dala na din ito ng hormones ko or sadya lang talagang may pag ka slow itong helper ko. I want to get rid of her pero naaawa ako. Naawa din ako lalo sa sarili ko kasi feeling ko hindi worth the 3,500 that I am going to pay her.

The linis, laba and plansta wala akong masabi pero paano pag may emergency? Hay. Nakikita ko na talaga, tatagal siya sa lahat ng employer niya kasi hindi niya talaga ever maiisip umalis kasi I know for sure sa iba hindi siya tatagal.

My background pala, I am 30 years old. Maraming helpers na dumaan sa akin, mostly tumatagal ng one year. Pinakamatagal 4 years nasa mom ko na ngayon -- studying. The rest mga nagsipag-asawa na. 16-25 years old pero itong helper first time 39 years old pero parang meron akong Grade 3 na helper. Sabi ng mom ko, be patient kailangan turuan. Ang important eh natuturuan at mapagkakatiwalaan sa pera. Alam ko naman yun.

Please, I need your opinion on this.


csj

  • Guest
Re: I need your help, ASAP!
« Reply #1 on: October 15, 2015, 08:23:05 pm »
Hi sis. Preggy or not, it will really take a lot of patience with that kind of helper. Yung dating employer ba nya is from Manila? Kasi paminsa talaga, iba yung way of living nila sa province. And since elementary lang natapos niya, baka sadyang di lang siya nakaka-gets agad or may takot to explore kasi kulang sa self-confidence. Mahirap na talaga makakuha ng maayos na helper, pagtyagaan mo na lang muna habang di pa kyo nakakakuha ng bago. At least kahit papano eh nakakatulong sa ibang household chores.

jenny_syngkit

  • Guest
Re: I need your help, ASAP!
« Reply #2 on: October 15, 2015, 09:22:48 pm »
Ako, I've learned my lesson -- if hindi fit yung helper, find someone else. Make sure lang merong replacement before mo paalisin. Nakaka guilty mag paalis I know, pero in the end we need someone to help us, not to contribute to our stress.

We had a helper na more than a year na with us. Walang alam gawin -- mabaho maglaba, hindi marunong magplantsa, hindi marunong magluto, hindi marunong maglinis (laging maiinit ulo ko sa house kase sobrang dumi), even my kids complain a lot about her. Sister kase sya ng dati nameng helper so hindi ko mapaalis. Plus, mapagkakatiwalaan. We can go on long vacations na hindi nagwoworry kung nandun pa ba bahay namen when we get back.

Now, umuwi na sya sa province nila so kame ni hubby ang naglilinis sa house and I do the laundry (washing machine). Grabe yung linis and ayos ng house namen! Pagnaisip ko yung more than a year na nagpapasweldo kame tapos wala namang nagagawa na matino, nakakainis lang sobra.

Sabi ko kay hubby, yung next helper pag hindi ok palitan na agad. Parang company lang, paghindi fit yung employee -- end of contract na, wag na i-regularize.

tinybubbles7

  • Guest
Re: I need your help, ASAP!
« Reply #3 on: October 19, 2015, 04:23:06 pm »
Sis TS! Dami ko rin naging helper, mga pinaglumaan o reject ng mommy.. Btw sis 29 yrs old naman ako may 1 anak at si hubby kasama sa house kaya 3 lang kami.. Share ko lang sis ganyan halos yung mga problema ko dati nung una kami nagka helper ni hubby nung buntis ako,samahan mo pa ng mahilig mag advancd,merong tamad maligo,matakaw,pakialamera sa pinag uusapan ng Amo,chismosa,kilos pagong,mabaho, palasagot,flirt,lahat na.. Pero sis alam ko baka wala kana time mag train sa helper mo kasi preggy ka.. Ako may hh na dumaan sakin na unti unti natuto..Tiyagaan lang mga 1 month training na tutokan mo talaga sis.. Sabhin mo i-check mo mga ginagawa niya kung natandaan mga tinuturo mo.. Meron akong ginawa na housechores list pina print ko,laminated pa na ginaya ko lang din sa isang sis natin dito.pati oras nandoon.. Habang tinuturo ko isa-isa yon,pinapagawa ko sa kanya at pinapanood ko siya. Kelangan talaga tiyagaan sa pag train kasi baka di ka naman makakuha ng kapalit. Tignan mo pag halos 1 buwan eh di pa natuto,hanap ka kapalit pero wag mo muna ipaalam kasi baka bigla lumayas.. Saka sis dagdag na sin chexk mo gamit pag aalis.

kikaygimikera

  • Guest
Re: I need your help, ASAP!
« Reply #4 on: October 19, 2015, 09:19:27 pm »
Hi mga sis. Thanks sa mga pumansin sa posts ko. Napansin ko she cannot read or write. Hindi siya ang nagsulat sa bio data niya. She doesnt even know the basic colors. Konti konti napapansin ko na yung mga hindi nasabi sa MIL ko nung nirefer siya.

csj: Dating employer nasa bandang Bulacan or Valenzuela. Tumagal siya ng 5 years doon and her salary is 1,500 never nag increase. Napansin ko na she is not capable of negotiating or umalis ng bahay kasi mawawala talaga siya. Ganon siya --- kahit utusan mo let's say "sumakay ka ng bus na may karatulang "ALABANG", hindi niya magagawa".

jenny_syngkit: sis nagkaroon na din ako ng helpers na super pasaway pero ito naman no reklamo kahit 100 times mo siyang utusan umakyat baba ng hagdan gagawin niya basta inutos mo.  ;D

tinybubbles7: Hello sis! Pareho tayo. 3 lang kami sa bahay. Yes ito naka one month na siya. Overall, nakakapunta na siya sa mga lugar na kailangan niyang puntahan. Kinailangan pang dalahin ng husband ko. Magaling ang husband ko kasi overly strict and feeling ko takot siya sa husband ko. Ako kasi, I see to it na hindi ako umabot na sumigaw o mastress. hehe!

Reklamo ko na lang sa kanya ngayon, pasaway. I told her not to use the kalan to heat water for her coffee. Sabi ko yung sa kettle. I even taught her how to use it. Tapos nung nahuli ko --- nako, sabi pa nya "konti lang naman ate eh". And last reklamo is her hygiene. HAAAAY we bought a special soap for her and mas mahal na toothpaste. Kadiri talaga. Kahit hindi siya nagsasalita, nasa likod siya ng car amoy na amoy ko. I had to put lotion inside my nose that time kasi talagang kadiri. Oh by the way, pati si hubby ganon din naamoy. So it's not because I am pregnant.

MY MIL said palitan na. Pero ayun naghahanap pa kami ng kapalit.

nicoletta

  • Guest
Re: I need your help, ASAP!
« Reply #5 on: October 19, 2015, 09:35:53 pm »
kikaygimikera

Siguro puede lang siya as an extra maid.  Hindi mo rin siya expect to clean your house properly if she can't even tend to herself.  Buti nalang hindi sumasagot.  I had a super old helper one time, I guess she can't read or write kasi I asked for bagoong and she gave me chili.  When I saw the empty bottle and asked her if she can read na chili yung binigay niya sakin kaya pala weird ng taste, siya pa ang parang hindi natuwa sakin.

One time I asked for papaya, she gave me a slice with the buto on top.  When I corrected her na next time if she gives me something, bawal mediocre, and she has to remove the buto before serving to me - nagagalit pa na kesyo daw mabilis lang naman tanggalin yung buto.  Thinking of her makes me want to boil up again.

May instance din that we had a change of mind sa lulutuin, we told her naman before going home na to touch the ulam I will cook something else.  Hindi niya siguro naintindihan and she cooked it anyway, daming sinasabi hung pinagsabihan namin.  Madami pa ibang instances kaya sana makahanap ka ng replacement mo soon.

End up, sobrang pasaway, I haven't eaten breakfast nor lunch, and I was just asking for nesvita and hot water hindi pa ko mabigyan - pinaalis ko that same day but not without scolding her to the highest level.  She intentionally ignored me kasi that I had to go down from the third floor visibly irritated and sumasagot pa.  She was just doing the laundry outside, and didn't even bother to answer the phone na tinatawagan ko so she can give me something to eat. 

tinybubbles7

  • Guest
Re: I need your help, ASAP!
« Reply #6 on: October 20, 2015, 06:50:39 am »
Sis kikaygimikera

Naku sis kakainis yun ganyan parang Grade 1 pala yang kasama mo. Saka bakit di siya sumunod na kettle gamitin? Kahit ba konti lang, yun ng utos mo kaya yun ang sundin niya. Yang sa pagiging Unhygienic dati yung 1 helper na natuto sa akin,ganyan ang baho.. Ang asim ng amoy paglabas ng bedroom,tapos nadikit ako sa braso niya ang lagkit na magaspang yikes talaga!! One time umuwi ako mainit ulo ko tapos makita ko yun suot niya pa rin yung damit kahapon pa ng umaga galing day off naku napagalitan ko na, sabi ko ano ba kako yan wala ba siya balak maligo alam naman na rule ko sa bahay maging malinis sa katawan kumpleto naman sa supply ng toiletries bakit ayaw bawasan yung bacteria sa katawan hahaha!! Hay naku galit ako kung galit sis bakit ba ang tigas ng ulo nila, talagang ganon di pwede puro pasensya sa mga matigas ulo na ganyan kelangan maging strict para di ka abusuhin sis.. Sa part time hh ko ngayon once pa lang naisama sa labas naku baka di ko na isama kasi ganyan din ang baho parang amoy ng batang yagit,amoy maasim na parang may “anghit” tapos bad breath, ayoko sa lahat mabaho hininga kasi ako di mo ko makakausap sa umaga unless nag toothbrush ako di talaga ako magsasalita, saka yung braso ganyan din malagkit na magaspang na medyo pawis..yikes talaga!! Bago ka makunsume ng tuloyan pag di nadaan yan sa training at pakiusap hanap ka na hehe..sabhin mo unang gawin sa umaga maligo na siya..
« Last Edit: October 20, 2015, 06:57:06 am by tinybubbles7 »

kikaygimikera

  • Guest
Re: I need your help, ASAP!
« Reply #7 on: October 20, 2015, 11:43:56 am »
nicoletta: yes sis, haaay buti ito hindi sumasagot sagot ng pabalang. sunod naman sa utos. may mga times lang talaga na bonggang t@nga lang magisip. Like, gamitin ba ang bimpo ni hubby para pang punas ng table. We had to tell her na yung mga bimpo na ganon hindi pang linis ng bahay kasi pinupunas sa katawan.

tinybubbles7: Yes sis! Feeling ko never siya nakapag aral. I cant blame her pero not disclosing it to us, mas lalong mahirap. Nakakainis lang. Yung sa color, napansin ko na when I asked her to get the brown envelop beside her. Sabi ko Ate pakikuha ang brown envelope, pointing to her side. Hala ka. Kung ano ano hinalungkat. :( May mga naririnig pa ako na utos ni hubby na hindi niya magets like kunin ang MUG. Hindi nya alam kung ano ang mug. When we ask her, ano ba tawag nila doon para diba connect kami, baka naman hindi niya talaga alam yung word na MUG, at least masabi namin yung term niya doon. Nako, tahimik lang siya and hindi magsasalita.

Malaking bagay yung hygiene sis lalo na she is SHARING room with my 10 year old son. 2BR condo kasi kami nakatira eh, so sobrang limited ang space. Naka double deck sila. After the car incident, my husband asked her, if naligo siya. Turns out 2 days bago siya maligo at magpalit ng damit.  >:( Sabi na namin sa kanya malaki ang provided na water sa amin so no worries kahit 10 times ka pa maligo in a day. Tapos one time pumasok ako sa room ng son ko, hayayayay! Kulob yung amoy ng HH. Sobrang inis ako hindi ko kinakaya.

Yung sa pag init ng water naman kasi, may electric kettle intended for her. Aba Cuisinart pa yon ha at may thermos pa. Wala talaga. Hindi sumunod sa akin. May ways ways talaga siya na hindi ka niya susundin.

Yung mga ganon small things pero big impact especially hygiene. Pati naglalagas hair niya, ako pa sinisi hindi daw sa kanya. Hala ka. Ayun, tama nga paano siya makakalinis when siya sa sarili niya unhygienic siya.

Padating na ang baby ko, Im about to deliver in two weeks time. Katakot lang sa hygiene part kasi may baby na sa house.

tinybubbles7

  • Guest
Re: I need your help, ASAP!
« Reply #8 on: October 20, 2015, 01:13:29 pm »
Sis sa 2 br condo din kami eh, taga Pasig ako sis dmci condo ‘to.. Kaya diba sis ang baho pag ganyan kasama mo, maliit na nga space may mabaho pa na palakad-lakad.. Yung hh ko sa sala natutulog kasi dami gamit ni hubby sa 2nd br sa mga toys niya. Kaya ngaon di na ko kuha hh stay in ayoko bathroom sharing sa ibang tao,saka ayoko ng yung amoy ng hangin mabaho.. Parang “salaula”ba yan hh mo? Bakit ganon yung face towel ng hubby mo gagamitin pamunas sa lamesa,naku naku dapat pag nandyan na baby mo nag level up na siya lalo sa kalinisan,baka mamaya yung amoy niya kumapit sa baby tapos bad breath o baka may kuto yan..

cutemama

  • Guest
Re: I need your help, ASAP!
« Reply #9 on: February 15, 2016, 10:49:16 am »
Bakit kaya karamihan sa mga yayas mga dugyot sa katawan.. yung first yaya ko din nung bago pa lang samin ang baho.. before kasi sa sala siya natutulog kas 2 BR lang house namin, (sa isang room kasi andun yung kapatid ni hubny pero now wala na kaya dun na siya natutulog.. )

Diba nga sa Sala sya before natutulog pag pasok.mo sa sala grabe ang baho di ko maexplain, amoy mahirap tapos amoy kulob.. nadidiri na ko umupo sa sofa namin kasi kaaamoy na rin niya..  inobserbahan ko siya, nakikita ko after niya maligo sumasandal siya sa sofa tapos yung hair niya pinapatong niya sa sandalan ng sofa..so nadidikit yung amoy. Eh kulot pa yung hair na buhaghag na mahaba..tapos kamot ng kamot ng ulo, that time 1 month pa lang si baby pero di ko pinapaalaga sa kanya saka lang siya nag alaga nung tapos na yung 2 mos leave ko.

Ang ginawa ko binilha ko ng shampoo for kuto sabi ko yan na lagi mong shampoo.tapos pinagupitan ko yung hair ang pinarebond ko..tapos minsan mabaho talaga one time bumisita yung [textspeak!] ko sabi ang baho daw ng bagong yaya. Tapos kinausap ko siya na dapat lagi maligo, kasi dalaga siya dapat malinis sa katawan sabi niya may Mens daw kasi siya sabi daw kasi sa kanya bawal maligo pag meron kasi mababaliw.. kaya yung 5 days mens niya 5 days din siya di maliligo, sabi ko di totoo yun..buti sumunod sakin..

Pero may times pa rin na mabaho talaga kasi gabi na lagi naliligo kaya sa umaga ang baho minsan nasa car kami may binili lang grabe sumisingaw yung amoy niya sa kotse.

Ito namang second yaya namin ang baho din, may putok.. binilhan ko ng rexona sabi ko gamitin niya maganda yan.. sabi niya hindi daw siya sanay gumamit ng deodorant kasi nakakaitim daw ng kili kili.. gusto ko sabihan na mas conscious ka pa sa kulay kesa sa amoy nito.. hindi ko lang mapagalitan kasi matanda sya sakin she's 32yo pero ate tawag nya sakin and she always use po and opo.. masipag siya sa bahay and malinis lagi ang sala, CR and kitchen sa paglalaba ang sipag talaga.. yung mga blankets nga 1 week pa lang nilalabhan na niya same with our bedsheets..

4 mos pa lang siya samin nung 1st montj niya di ko siya feel kasi ang aga lagi matulog probinsiyano pa lang tulog na.. wala na ko mautusan. Tapos dati napansin ko parang kumonti yung mga toys nga anak ko, yung pala tinago niya dalawang box esp the lego sa ilalim.ng stairs.. ang dami kasing toys ng 2 y/o son ko and nahihirapan ata siya magligpit..  kasi yung son ko kinakalat niya talaga yun.. sabi ko tinatamad ka ba magligpit sabi ko tyagain niya lang kasi yunh naman talaga ang purpose.ng toys para laruin.. xempre bata yan maglalaro talaga yan,.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close