watch now

Author Topic: On the Wings of Love (Thread 2)  (Read 58025 times)

manhattanite

  • Guest
Re: On the Wings of Love (Thread 2)
« Reply #420 on: October 18, 2015, 04:30:39 pm »
LOL at labandian!

Sis emma, may nagpost sa IG na may magandang magaganap daw sa CLeah sa jeep kaya abangan!

Salamat sa link sa blog post. Bilib din ako sa OJD talagang napapa-analyze pa tayong mga fans sa storya haha. Inulit ko 2x kahapon all 5 episodes last week para mas maintindihan si Leah pero naiinis pa din ako LOL. Pero sige, malamang mas maiintindihan din natin ang perspective nya in the coming weeks.

Gaya din ng sabi sa blog, galing talaga ni Joel Torre. Andun yung balanse sa worry and pagmamahal nya sa anak and napaka-realistic ng pagkilatis nya kay Clark. Kumbaga hindi OA kasi most Pinoy fathers ganyan naman talaga. Ang saya-saya din sa tenement!! Imagine si Clark from living all by himself sa Amerika, tapos ngayon ang dami na nyang newfound "homies"' hahahaha. Kung maka-"brad" din si koya parang antagal na nakatira sa tenement hehe.

Ilang beses kong inulit yung tango-tango scene sa jeep! Kaloka talga kagwapuhan ni Hayme!! And napaka-natural ng acting nila dun. Iyan talaga ang lamang ng JaDine eh - sobrang comfy na nila sa isa't isa na napaka-smooth ng delivery ng lines, smiles, gestures. Asawa ko pilit ginagaya yung mga tingin ni Clark. Tinatawanan ko lang sya LOL!

kisses1417

  • Guest
Re: On the Wings of Love (Thread 2)
« Reply #421 on: October 18, 2015, 05:42:31 pm »
I like the blog, she really made a good point there. :)

What i am excited about is the selosan time hahaha pag dumating na yung anak nung furniture maker. Ok lang sakin mga ganap kasi otwol makes me happy but i do agree na sana may kakampi si clark. Mas di hamak sya ang punakanahirapan sa kanila, di lang halata kasi di sya mareklamo at inglisero at gwapo pero look behind everything, pinakaswerte pa si jigs. Oh well, hindi din pala. hehe basta kudos to otwol team. Excited for monday!

edaganda

  • Guest
Re: On the Wings of Love (Thread 2)
« Reply #422 on: October 18, 2015, 06:19:21 pm »
Dahil kasi sa ginagawa ni Leah sa kanya, lalong nagmumukhang "perfect" and ideal man ni Clark. Parang too good to be true! Walang maipintas. Hinahanapan ko nga siya ng panget na angle physically eh wala talaga akong makita. Tapos ganon pa siya magmahal at mag-effort. Tapos wala lang kay Leah? Ang hirap lang paniwalaan hehe kasi nga ayan na, nasa harapan na niya, ang mahal niya at mahal din siya, tapos wala lang, tinataboy niya lang. Oo may pinagdadaanan siya, sino bang wala? Haha sorry affected much.

kikoshei

  • Guest
Re: On the Wings of Love (Thread 2)
« Reply #423 on: October 19, 2015, 12:31:48 am »
Hello mga sis. Alam nyo gusto ko na sana matapos na yung Clark vs Jigs angle. Nakakasawa na si Jigs eh. Walang growth yung character nya. Sana mag focus naman sila sa ibang story, like yung sa Mom ni Leah. I also wants to see Jigs to fall in love with someone else. Kasi kaya nya lang like si Leah eh dahil wala yung Mom nya dati.

Ann_2128

  • Guest
Re: On the Wings of Love (Thread 2)
« Reply #424 on: October 19, 2015, 09:54:21 am »
I like the blog, she really made a good point there. :)

What i am excited about is the selosan time hahaha pag dumating na yung anak nung furniture maker. Ok lang sakin mga ganap kasi otwol makes me happy but i do agree na sana may kakampi si clark. Mas di hamak sya ang punakanahirapan sa kanila, di lang halata kasi di sya mareklamo at inglisero at gwapo pero look behind everything, pinakaswerte pa si jigs. Oh well, hindi din pala. hehe basta kudos to otwol team. Excited for monday!

talaga?  may selosang magaganap? parang gusto ko nyan para matauhan ng konti si Leah..

Minsan talaga kung gusto mong maging masaya, wag kang maging rational.. just use your heart.. Pero hindi pwedeng laging ganun.. dadami naman ang mga ta***

Gusto ko mang intindihin si Leah.. ayoko..ayoko..ayoko.. hahahaha super affected!



kisses1417

  • Guest
Re: On the Wings of Love (Thread 2)
« Reply #425 on: October 19, 2015, 04:53:11 pm »
Ann2128: i think sis meron. hehe :)

manhattanite

  • Guest
Re: On the Wings of Love (Thread 2)
« Reply #426 on: October 19, 2015, 06:27:44 pm »
Minsan talaga kung gusto mong maging masaya, wag kang maging rational.. just use your heart.. Pero hindi pwedeng laging ganun.. dadami naman ang mga ta***

Sis Ann, gusto ko yang quote mo ha,  pasok sa banga!!

Excited na din akong makita kung may papasok na new girl para tama yan matauhan si Leah and kung magiging Team Clark din eventually si Mang Sol.  Gusto ko yung pambitin nila nung Friday na tinanong ni Tatang si Leah kung mahal nya si Clark and sumagot si Leah na oo. 

sofiameredith

  • Guest
Re: On the Wings of Love (Thread 2)
« Reply #427 on: October 19, 2015, 06:31:33 pm »
Medyo magtatagal pa naman ata Clarky boy sa tenement uno. Kasi sasali pa sila ata ni Tolayts ng Ginoong Tenement Uno ata yun, base sa mga IG feeds ng mga faney during taping. tee hee! stalk stalk lang kasi daming time😄

manhattanite

  • Guest
Re: On the Wings of Love (Thread 2)
« Reply #428 on: October 19, 2015, 06:41:25 pm »
^Ay oo nga pala no sis, may Ginoong Tenement pang magaganap hahahaha!!  I'm sure super funny episode na naman yan! 

Parang medyo magkakalapit lang pala ang shooting and actual airing ng episodes no?  Kasi alala ko yung BTS ng episode nung Friday, yung naglalaro sila with Gabby and other kids sa tenement, kelan lang nilabas sa IG yun eh. 

zach26

  • Guest
Re: On the Wings of Love (Thread 2)
« Reply #429 on: October 19, 2015, 07:01:09 pm »
babalik pa kaya si Leah sa US? sana bumalik siya pag umuwi ng pinas si Jigs  ;D

mija0126

  • Guest
Re: On the Wings of Love (Thread 2)
« Reply #430 on: October 20, 2015, 03:35:32 am »
babalik pa kaya si Leah sa US? sana bumalik siya pag umuwi ng pinas si Jigs  ;D
tawa ko dito sis... parang iniiwasan talaga si jigs eh noh?! hahahhahaha

kikai

  • Guest
Re: On the Wings of Love (Thread 2)
« Reply #431 on: October 20, 2015, 08:32:32 am »
finally tita jack showed jigs her anger!! kasi naman sobra na pagka brat nya..

pero naman naman wag muna sya babalik at sirain na naman si cleah!!!

grr uber insecure kasi kay clark!!

leah just hang on...

artemis26

  • Guest
Re: On the Wings of Love (Thread 2)
« Reply #432 on: October 20, 2015, 08:47:03 am »
^gusto kong kutusan si Jiggs kagabi. At napa yehey ako dahil sa pagpapalayas sa kanya ni Tita Jack. Congrats ulit kay Albie for an effective potrayal ng Pambansang Bully hehe.

Yun mga BTS na lang talaga ang nagiging inspiration ko na marami nang mga kilig moments ang susunod :) Ano nga pala yung sa scene na nakatayo si Clark sa jeep (yellow shirt) tapos sinabi nyang "Achieve"? ano kayang ganap dun?hehe

Ann_2128

  • Guest
Re: On the Wings of Love (Thread 2)
« Reply #433 on: October 20, 2015, 09:21:00 am »
Buti naman tila natauhan na si Tita Jack, napagod na kay jigs..

Sana maging team Clark si Mang Sol while Leah is in love hiatus.. hay naku Leah..

edaganda

  • Guest
Re: On the Wings of Love (Thread 2)
« Reply #434 on: October 20, 2015, 10:17:22 am »
Oo nga kudos to Tita Jack! Nakakapagod naman talaga maging nanay ni Jigs!
Si Clark naman ayun, perfect na naman! Siya pa makakapagpalaki ng business nila! Kaya dapat siya ang kampihan eh! Wala naman gulo sa pamilya nila kung hindi dahil kay Jigs lang at sa makitid niyang utak eh! As if naman kapag umuwi siya ng Pinas eh tatanggapin na siya ni Leah! Or gusto niya rin makasiguradong hindi siya mapupunta kay Clark.
Babalik pa kaya si Mekeni?

manhattanite

  • Guest
Re: On the Wings of Love (Thread 2)
« Reply #435 on: October 20, 2015, 02:17:53 pm »
Tuwang tuwa din ako at finally sumabog na si Tita Jack kay Jigs!!!  Akala ko pa nung una eh papalag pa si Jigs.  Buti na lang at mukang nadala sya kahit papano.  Tama yung sabi ng isang sis dito na parang wala ng growth yung character nya.  Super obsessed kay Leah na minsan feeling ko yung competition ang motivation nya, na ayaw na patalo kay Clark and hindi dahil mahal pa nya si Leah. 

Kaso naiinis pa din ako kay Leah  ;D  Talagang lahat ginagawa para i-push away si Clarkee haist.  Ewan ko ba sa kanya, parang lalo lang nya pinahihirapan sarili nya sa mga pinaggagagawa nya.  Sana talga may redeeming factor ang ka-negahan nya these past weeks. 

najine

  • Guest
Re: On the Wings of Love (Thread 2)
« Reply #436 on: October 20, 2015, 02:21:52 pm »
Subscribing..
I always watch OTWOl at talaga namang nakaka good vibes.

never fail to make me kilig and wish that someday I could find someone like Clarky.  :)

OTWOL talaga nakatulong sakin para ngumiti esp those times Im really sad due to a break up.
 Push!

Back to topic: I hope magising na si Leah sa kaartehan nya. andito na nga yung guy who's willing to give everything aayaw pa? bihira na lang ang ganun. baka need ng eye opener. ng kaseselosan hmmm

manhattanite

  • Guest
Re: On the Wings of Love (Thread 2)
« Reply #437 on: October 20, 2015, 04:05:27 pm »
Welcome to the thread, sis najine!

Ang dami ko din nababasang comments sa IG and YT about people like you na napapasaya ulit ng OTWOL kahit going thru something sad like a breakup.  Tama, push mo lang yan sis and I hope puro good vibes and happiness ang dala ng show sayo  :)
 
Feeling ko nga dahil sa character ni Clark, mas tumataas na standards ng mga babae ngayon.  Yun nga lang baka malabo na kasing-gwapo ni James LOL.

ANJFinally

  • Guest
Re: On the Wings of Love (Thread 2)
« Reply #438 on: October 20, 2015, 04:11:25 pm »
Finally mga sis, may mga revelations sa episode kagabi. Yung time na sumabog na si tita jack is superb. Kahit sinong nanay na mapagmahal at mapag-unawa, sa inasta ni Jiggs, talagang maji-jigs mode ang nanay mo. HAHA! The fact na yung pangarap nyo, abot kamay na. Then dahil lang sa babae nagpapaka hibang ka? Haler? Kudos ang galing ng eksena nila mag-ina.

Re dun sa part ni Leah kung bat sya emotera these past days, well na mention nya na kagabi nung nag eemo sya bago matulog. Mahal nya si clark pero ayaw nya ng masaktan kasi sobrang masakit parin yung about kay nanang. Ayaw nya ng masaktan kasi nga baka sooner or later, malalaman narin yung tita jack at jigs kung itutuloy tuloy nila. Ayaw nyang maging reason ng pagkasira ng pamilya nila.

But isn't she kinda selfish? Puro sarili lang iniisip. How about clarky who have sacrificed almost everything just to fight for their love? Hays Leah, sarap mong bengbangin. Akin na nga lang si Clark kung ayaw mo! HAHAHA!

najine

  • Guest
Re: On the Wings of Love (Thread 2)
« Reply #439 on: October 20, 2015, 04:17:25 pm »
Thanks sis @manhattanite!  :)
I'll stick to Clark's character kase si James sa personal parang malayo kay Clark haha though di maitatanggi ang ka gwapuhan na talaga namang nakakalaglag puso haha

 

Latest Stories

Load More Stories
Close