watch now

Author Topic: On the Wings of Love (Thread 2)  (Read 58193 times)

kisses1417

  • Guest
Re: On the Wings of Love (Thread 2)
« Reply #300 on: October 08, 2015, 07:44:04 pm »
Ang ganda ganda ng interview ni James nung sa Cadbury nung sinagot nya na inlove sya with his career. Yung mata nya at smile nya nakakakilig. May napanood din ako sa Youtube, tinanong sya na aware daw ba sya na ginamit ng Aldub yung song nila na Bahala Na. Sabi pa nung interviewer, kantahin mo naman yung forever song nyo. Hahaha sabi ni james, anong forever?

Nun pala, naniniwala na ako sa forever, magmula nung nakilala kita. hehe ang ganda ng boses nya, kilig na kilig ang baklang interviewer super kaloka. Hahaha

Wala sya sa last Cosmo Bash sis artemis. I was there, VIP ticket namin kasi complimentary lang. Juskopo nakipag siksikan ako tapos wala naman pala sila James kasi nasa ASAP London. Puro mga Brazillians. Ang highlight na dun e si Danile Matsunaga at JC de Vera. Mukang mas maganda last year ang cosmo.

Ang gusto ko panoorin yung Bench fashion show. Sana andun sila!

andreil_19

  • Guest
Re: On the Wings of Love (Thread 2)
« Reply #301 on: October 08, 2015, 08:53:56 pm »
For me Jadine lang sa mga popular love team sa ABS ang may boses talaga. About sa slam poetry nung una parang di ko trip pero nung ginawang background at si James agad ang pinakita they brought something different sa story at naappreciate ko na bagay rin pala instead of the usual musical scoring.

Oh Jigs!! Wag ka munang umuwi ng Pinas...kasi marami mag-aabang syo.lol. Sana lang din di muna nya malaman agad na pupunta or nasa pinas si clark at baka magwala na naman sya.

ANJFinally

  • Guest
Re: On the Wings of Love (Thread 2)
« Reply #302 on: October 08, 2015, 11:31:29 pm »
Ang ganda ganda ng interview ni James nung sa Cadbury nung sinagot nya na inlove sya with his career. Yung mata nya at smile nya nakakakilig. May napanood din ako sa Youtube, tinanong sya na aware daw ba sya na ginamit ng Aldub yung song nila na Bahala Na. Sabi pa nung interviewer, kantahin mo naman yung forever song nyo. Hahaha sabi ni james, anong forever?

Nun pala, naniniwala na ako sa forever, magmula nung nakilala kita. hehe ang ganda ng boses nya, kilig na kilig ang baklang interviewer super kaloka. Hahaha
Napanood ko rin to sis. As in fantard na ata ako? HAHAHA! Yap, nakaka tuwa yung interview nya na he is in love and her name is career. Maganda na sana eh, panira lang yung BI ng Fashion Pulis. Grrr!!! Naiinis ako iniimagine ko palang kung type nya ba talaga yung super nega vibes na si Julia B. Hmpf! x(

kisses1417

  • Guest
Re: On the Wings of Love (Thread 2)
« Reply #303 on: October 09, 2015, 07:29:48 am »
Ayoko basahin yung article kay fp. Baka sumakit puso ko @ANJFinally! Haha

Ako din super hooked. Kulang na lang takpan ng ate ko bibig ko kasi i can't stop talking about jadine and OTWOL. I love cosmo and candy, walang katapusan ang posts nila about jadine at otwol :)

emma04

  • Guest
Re: On the Wings of Love (Thread 2)
« Reply #304 on: October 09, 2015, 08:38:38 am »
sis ANJFinally don't worry, hindi lang ikaw ang fantard. lahat yata tayo dito fantard na. hahaha! tuwing umaga yung mga officemate ko inaasar ako kasi kakapasok ko pa lang daw james reid na ang bukambibig ko. daig ko pa daw ang teenager. :P eh bakit ba? walang pakialamanan ng trip. :P

ako din tuwang tuwa sa cosmo at candy, laging may update sa OTWOL. ang saya lang. hay naku, feeling ko sa monday pa magkikita si Clark at Leah, feeling ko bibitinin tayo sa ending mamaya. :P

artemis26

  • Guest
Re: On the Wings of Love (Thread 2)
« Reply #305 on: October 09, 2015, 08:54:00 am »
^kelan ba yung article na BI ni FP? pahingi naman ng link sis, di ko kasi mahanap. Pero yung pic na magkasama sila ni JB sa Baang Coffee shop last March pa yata. Tapos diba naging issue rin yung isnaban raw nila ni Nadine doon sa ASAP London? Naawa rin ako sabay naiinis kay JB, maganda naman sya pero bakit puro nega vibes noh? siguro kasi yung ginawa nya sa father nya, ayun lalong nakadagdag.

OT ulit. katatapos ko lang mapanuod yung TBYD..hindi ko magets ang story, pero iba talaga ang chemistry ng Jadine. Ano ba ang mangyayari sa book 2? :)

nways, going back to the topic...sobrang nakakabitin ng last 2 episodes ha, masyadong binibuild-up ang kilig lol. Mukhang next week pa yung panunuyo ni Clark, kasi sabi nya kay Cullen hindi raw nya pupuntahan si Leah..napa OWSSS ako tuloy haha.


emma04

  • Guest
Re: On the Wings of Love (Thread 2)
« Reply #306 on: October 09, 2015, 09:22:20 am »
^^hindi ko alam kung anong mangyayari sa book 2 sis pero kasi di ba yung sa last part nung movie eh nakita ni James na hinalikan ni Joseph Marco si Naddie? so i think dun magsisimula yun kung may book 2 nga silang gagawin.

parehong pareho tayo ng reaction kagabi sis. ako naman ang sabi ko nung sinabi nya na hindi nya pupuntahan si Leah eh "whatever!" hahaha! :P

manhattanite

  • Guest
Re: On the Wings of Love (Thread 2)
« Reply #307 on: October 09, 2015, 12:04:33 pm »
Eto na lang basahin nyo mga sis, pampa-GV sa BI ni FP :)

http://lifestyle.inquirer.net/209058/a-teleserye-thats-not-just-soap

sofiameredith

  • Guest
Re: On the Wings of Love (Thread 2)
« Reply #308 on: October 09, 2015, 12:34:38 pm »
^wahhhhh thanks sis for the link, just saw that one posted in IG.

manhattanite

  • Guest
Re: On the Wings of Love (Thread 2)
« Reply #309 on: October 09, 2015, 12:57:52 pm »
Welcome, sis!  Featured daw ang OTWOL sa ilang newspapers today, galling.  2 months pa lang sila airing pero grabe ang reception nakaka-proud talaga.

emma04

  • Guest
Re: On the Wings of Love (Thread 2)
« Reply #310 on: October 09, 2015, 01:04:39 pm »
^^salamat sa link sis! galing nung nag-review, spot on! :) nakakatuwa na ang daming nakaka-appreciate sa soap na to. kapag nakakabasa ako ng magandang reviews tungkol sa OTWOL at sa JaDine, para akong nanay na proud na proud sa mga anak ko. hahaha! :P

kahit mga soshal naming manager, nanonood nito eh. :)

sofiameredith

  • Guest
Re: On the Wings of Love (Thread 2)
« Reply #311 on: October 09, 2015, 10:16:35 pm »
JUSKOLORDDDDD!!!! Ang kilig version 2.0 na mga teaser, di kinakaya ng katawang lupa kohhhh....tumbling pa more sa kilig ayieeeee!!!!!

manhattanite

  • Guest
Re: On the Wings of Love (Thread 2)
« Reply #312 on: October 09, 2015, 10:19:19 pm »
Ako din can't wait for next week at mukang may bed scene pang magaganap!!!

"No acting required." My JaDine heart tells me si Hayme ang nagsabi nun and hindi si Clark LOL!

sofiameredith

  • Guest
Re: On the Wings of Love (Thread 2)
« Reply #313 on: October 09, 2015, 10:31:46 pm »
Truths! Nakakawala nanaman ng katinuan sabayan pa ng background music nila "hanap hanap" eeeeeeee😄😛😜

manhattanite

  • Guest
Re: On the Wings of Love (Thread 2)
« Reply #314 on: October 09, 2015, 10:38:05 pm »
Super sakto ang Hanap Hanap sa current situation nila and ang reunion next week!

Nag-tweet nga pala si Irish Dizon na there "might" be an OTWOL piece sa Phil Star Supreme tom.

mija0126

  • Guest
Re: On the Wings of Love (Thread 2)
« Reply #315 on: October 09, 2015, 11:39:47 pm »
hay naku mga sis... palagi na lang kaabang abang ang eksena for monday... pabitin mode kahit umiikli na  ang OTWOL... #kilig

manhattanite

  • Guest
Re: On the Wings of Love (Thread 2)
« Reply #316 on: October 09, 2015, 11:59:05 pm »
Dumami na siguro ang advertisers kaya umikli ang oras. Nakakainis lang minsan nakakain ng PSY oras ng OTWOL. Dati by 9:15 start na. Ngayon minsan malapit na mag-9:30 saka pa lang magsisimula. But I guess that means more success and revenue for the show kung dumadami ang bumili ng tv ads during their slot, so ok na din. For the love 😂

emma04

  • Guest
Re: On the Wings of Love (Thread 2)
« Reply #317 on: October 10, 2015, 08:27:34 am »
can't wait for the "bed scene" next week.  ;D

sis manhattanite sinabi din ng utak ko na si clark ba ang nagsabi nung no acting required or si james? hahaha! :P

grabe, sabi ko sa officemate ko kung ako siguro si nadine, na-in love na ko kay james. araw araw mo ba namang kasama, nakakalusaw tumingin tapos ang gwapo pa. baka 1 week pa lang kaming magkasama in love na ko.  :P

kisses1417

  • Guest
Re: On the Wings of Love (Thread 2)
« Reply #318 on: October 10, 2015, 03:08:16 pm »
Grabe yung teaser next week. Parang ang saya talaga sa Pilipinas noh. The best yung "no acting needed" hehe back to romcom na naman. I love the fact that they showcased also to jigs how to work hard and earn money. Na hindi takaga madali yung mga ginagastos nya sa Pilipinas. 

Gusto ko na matuto magkapampangan. Ang sexy ni clark magsalita. Masanting!

emma04

  • Guest
Re: On the Wings of Love (Thread 2)
« Reply #319 on: October 10, 2015, 04:06:02 pm »
^^ ang sexy din ng pagkakasabi nya ng "charot" sis. haha! :P

 

Latest Stories

Load More Stories
Close